Home / Romance / Seducing My Hot Tycoon Stepbrother / Chapter 31 [Monasterio de Manor]

Share

Chapter 31 [Monasterio de Manor]

Author: Dwendina
last update publish date: 2026-02-16 23:46:08
Napahinto siya nang masilayan ang kabuuan ng kahanga-hanga at kamangha-manghang tanawin na nakapalibot sa kaniya. Wari'y nasa labas siya ng bansa dahil sa magandang lugar na kaniyang natuklasan. Isang mansyon sa malaparaiso. Lahat ng makukulay na bulaklak at halaman ay kaakit-akit tingnan. Iyon pala ang pinagmumulan ng mahalimuyak na amoy.

“Binibini, sabihin mo sa ‘kin ano ang iyong pangalan?” mahinahong tanong ng lalaki na nagpalingon sa kaniya rito, habang nakatingin pa rin sa kaniya at naka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 44 [Señorita]

    Tumigil ang putukan. Tanging mga usok na lamang ang naiwang bakas sa paligid.Mabilis na kinapa at sinuri ni Francis ang kaniyang sarili kung may tama siya ng baril. Maswerte siya at walang anumang gasgas na nakamit. Ilang sandali pa'y nakarinig si Francis ng mga paparating na sasakyan. 'Anong.. nagtawag pa talaga sila ng mga kasamahan, ha?! Mga duwag!' Natatawa siya na nanginginig din sa galit.Mas lalo lamang nagtagis ang kaniyang mga ngipin. Umiinit na ang palad niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa baril at manibela. Ito na ba ang hudyat? Inihanda niya ang sarili.Siya si Francis Alejandro Castillo, isang tycoon na may kinatatakutang personalidad. Wala pang sinuman ang nangahas na magtangka sa kaniya kung hindi ang mga ito lang. Humanda sila, mga lapastangan! Napasinghap siya. Subalit agad siyang natigilan. Kunot-noo niyang sinilip nang maingat ang bintana nang marinig ang mga yabag.Nahagip ng mga mata ni Francis ang grupo ng kalalakihan na nagsibabaan ng sasakyan. Nakasuot

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 43 [Mga Armado]

    'Kapag nagkita kayo, anak, dalhin mo siya rito't iharap mo sa 'kin, at nang mapasalamatan ko ang kabutihang-loob na ipinamalas ng magulang niya sa iyo–sa panahong wala ako sa tabi mo.' Walang nagawa si Gabriella kung hindi ang tumango sa isinaad ng kaniyang ama kanina. Ayaw man niyang makaharap si Francis, ngunit wala siyang magagawa. Ayaw niyang mapahamak ang lalaki sa kamay ng mga taong tulisan na tinakasan nila ni Leslie, kung sakali mang makaharap nito ang mga iyon. Minsan na siyang nakaranas ng takot at ayaw niyang maulit iyon, hindi para sa kaniya kundi kay Francis.Oo, hindi panatag ang loob niya nang malaman buhat sa kaibigan na mag-isa lang na nagtungo roon ang binata upang hanapin siya. Although matapang itong lalaki, malakas at may taglay na matipunong pangangatawan na kayang magpatumba ng kalaban, ngunit hindi iyon sapat para ipagtanggol nito ang sarili lalo pa't hindi lamang mag-isa ang mga nagtangka sa kanila ni Leslie.Hindi pa rin nawawala kay Gabriella ang mangamba.

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 42 [Pagkabahala]

    "Ano ba 'to, nawawala na ba ako? Ilang oras na akong bumabyahe pero hindi ko pa rin mahanap si Gabriella," aniya sa sarili na nababahala na. "Gaano ba kalaki itong lupaing 'to at hindi ako makarating-rating sa sinasabi nilang... Monasterio de Manor ba 'yon?" Malawak na lupain lamang ng maninipis na damo at ilang mga puno sa tabi ang natatanaw ni Francis. Hanggang sa maya-maya'y natuwa siya nang may mamataan.Natanaw niya ang isang pigura ng babaeng nangangabayo sa may kalayuan. Kunot-noo niyang nilinaw ito. "Gabriella?"Nakasuot ito ng cowgirl attire na nakaagaw ng kaniyang atensyon.'Ngunit, paanong magiging si Gabriella iyon?' sigaw ng kaniyang isipan. 'Ni hindi nga ito marunong sa ganoong bagay.'Ano bang alam ni Francis sa buhay ngayon ng dating kapatid? Ilang araw na nga niya itong hindi nakikita. Gayunpaman, unti-unting lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Umaasa na si Gabriella ang kaniyang natatanaw. Ang katawan nito ay kasing balingkinitan nang sa babaeng inampon nila. Na

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 41 [Quality Time]

    "Balak namin?" ulit niya sa tanong nito. "Balak namin ni Dad na dumito na muna, tutal amin naman itong Manor." Napataas ang kilay ng kaniyang kausap. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy, "Depende sa inyo kung babalik na kayo ng Cagayan or what, pwede rin naman na dumito rin muna kayo. Welcome naman kayo lagi sa pamamahay namin dahil magkamag-anak naman tayo, hindi ba tita?"Nahuli niya ang pagngitngit ng kalooban nito sa sinabi niya, halatang-halata iyon sa pamumukha ng ginang. Lihim siyang napangiti sa naging reaksyon nito."If you'll excuse me, I have an urgent matter to take care of," aniya nang talikuran ito.'Alam ko kung anong klase ka ng tao, tingnan natin ang kaya mong gawin.' Ngumiti siya nang mapanuya bago tuluyang lumabas.Mas lalong nanggalaiti si Mary sa galit nang maiwan ito sa loob.Napunta siya sa backyard. Nahagip ng kaniyang paningin si Ralph na nakaupo na naman sa paborito nitong pwesto sa hardin. Sa pagkakataong iyon ay wala itong hawak na libro na nakasanayan

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 40 [Ibigay ang Nararapat]

    Dahan-dahang hinipo ni Gabriella ang mga antique na gamit sa ibabaw ng cabinet habang mabagal siyang naglalakad papasok ng malaking kwarto. Natagpuan niya ang malapad na kama–may kabaguhan, malinis at maganda ang pagkakaayos na parang hinanda talaga para sa mga hindi inaasahang bisitang tulad niya. Pumasok ang banayad na ihip ng hangin sa nakabukas na bintana. Nilipad nito ang plain na kurtina. Mabango sa loob, maaliwalas, bakas ang amoy ng mamahaling air freshener na ginamit. 'Not bad..' aniya sa isipan. Nilingon niya ang malawak na banyo mula sa dressing room. Covered ito ng makapal na glass. Nagkikislapan ang mga silver na mga organisadong kagamitan na nasa ibabaw ng makintab at malapad na lababong gawa sa mamahaling granite. Para kay Gabriella, hindi ito nalalayo sa kalakihan ng buong kwarto niya sa mansion sa Antipolo. Muli na namang nagbalik-tanaw si Gabriella sa mga nakaraan niya sa piling ng kinalakhang pamilya. Ngunit sa huli ay iwinaksi niya sa isipan ang lahat ng ma

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 39 [Tiyuhin]

    “Má, itigil na natin ito. Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan,” pag-iwas na wika ni Ralph kasabay nang paglakad nito palayo sa ina. Mabilis na tumago si Gabriella nang akma nang lalabas ang kaniyang pinsan. Ayaw niyang mahuli siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Alam niyang sa mga oras na iyon, galit sa kaniya ang kaniyang tiyahin dahil sa nangyaring usapan sa baba. Hindi na kumibo ang ginang. Hanggang sa napasunod na lamang si Gabriella ng tingin sa papalayong si Ralph. Halata sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Napasulyap na lamang siya sa ginang na nanonood sa dalawang nag-uusap, ang daddy at tiyuhin niya. Hindi maipinta ang mukha nito habang tila nakikinig rin sa usapan ng dalawa kahit na may kalayuan naman ang mga ito sa kanilang kinaroroonan. “Maghanda kang Gabby ka, hindi ako papayag na muli kang makapasok sa buhay namin,” mariin nitong wika na abot hanggang doon sa kaniyang kinaroroonan ang boses habang naka-evil eye. “I'll find a way.” Maya-maya pa'y muli siyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status