Mag-log inIKINAGULAT NI AMELIA ang sinabing iyon ng Kuya Danny niya, "K-Kuya. . ." Nagproprotesta ang kanyang mukha nang bumaling siya sa kapatid.
"Hey, I did not force Amelia to do it!" Mariing sagot naman ni Justin, "Amelia, ano ito? Alam mong walang nangyaring sapilitan sa. . ."
"Pananagutan mo si Amelia or gusto mong sampahan kita ng kaso at makaladkad ang pangalan mo at ang kompanya mo sa eskandalo!" Giit ng Kuya Danny niya saka mabilis na itong lumabas ng condo unit ni Justin.
"What the hell!" Narinig niyang sigaw ni Justin. Siya naman ay nagmamadaling sinundan ang Kuya Danny niya. Hindi kasama ito sa kanilang mga plano. Parang susobra na ang Kuya Danny niya. Pakakasalan niya si Justin para lamang maisakatuparan ang kanilang mga plano?
"Kuya, this is insane! Wala sa usapan natin ito," halos pabulong lamang na sabi niya dito ngunit wala siyang narinig na kahit ano mula sa kanyang kapatid.
"DAMN AUNTIE, THIS IS CRAZY! Ano bang pumasok sa lalaking iyon para pilitin nya akong pakasalan ang kapatid nya? I did not rape her! Kusa siyang sumama sa akin dito!" Parang gusto niyang magwala habang nagpapaliwanag sa kanyang Auntie Criselda.
"Calm down, kakausapin ko si Danny tungkol dito, okay?" Mahinahong sabi sa kanya nito.
Huminga ng malalim si Justin saka naupo sa couch.
"Aayusin ko ito, okay? Pero sana kasi, hindi si Amelia ang pinagbuntunan mo ng desperation mo kay Pamela!" Tila nanunumbat na sabi nito, bago pa siya makapagpaliwanag ay nagmamadali na nitong sinundan sina Danny.
Naiwan siyang gulong-gulo ang isipan. Paanong nauwi sa ganito ang lahat? Kagabi lang ay nag-eenoy sila. Kung alam lamang niyang mahahantong sa ganito ang mga pangyayari, iniwasan na sana niya ang babaeng iyon.
Tumunog ang kanyang phone. Ang pinsan niyang si Antonette ang nasa phone, "Hey, Kuya Justin. Have you heard? Pamela and Miguel are finally official. Naka post sa social media nila!"
Biglang nagdilim ang paningin niya. Parang gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon. Kinumpirma lang ng ibinalitang iyon ng kanyang pinsan ang matagal na niyang hinala. Nuon pa man, nararamdaman niyang may pagtingin ang kanyang kaibigang si Miguel kay Pamela. Naghihimagsik ang kalooban niya. Hindi niya alam kung saan siya mas nagagalit. Sa pagtraydor sa kanya ng dalawa o ang katotohanang mas pinili ito ni Pamela kaysa sa kanya.
"KUYA DANNY, WALA sa usapan natin ito. Hindi mo kailangang pilitin si Justin na pakasalan ako," sabi ni Amelia sa kapatid nang makaalis na si Criselda. Narinig niya ang pagtatalo ng dalawa kanina. Maging si Criselda ay hindi sang-ayon sa gustong mangyari ng Kuya niya.
Tiningnan siya ng matiim ng kapatid, "Wala rin sa usapan natin na basta mo na lamang ibibigay ang iyong sarili sa lalaking iyon!"
Napatungo siya. Ramdam niya ang matinding galit ng kapatid niya. At hindi niya alam kung paano ito pakakalmahin. Alam niyang may tama naman ang Kuya niya.
"Ang plano natin, maghihiganti tayo sa kanila. Sa tingin mo, mapapaibig mo pa si Justin kung basta mo na lamang ibinigay ang sarili mo ng walang kahirap-hirap, ha?" Sumbat nito sa kanya, "Talaga bang hindi ka nag-iisip?"
Hindi siya makasalita.
"Pero mabuti na rin itong nangyari. Mas mabilis nating maiisagawa ang plano dahil hindi makakahindi si Justin sa proposal ko. Or else, idedemanda ko siya at sisirain ko ang pangalan ng kanyang kompanya. Isa pa, you just turned 18 last month. . .madali namang idiniin na lango ka sa alak! Madali nang gumawa ng mga fake news ngayon."
"Kuya. . ."
"Pero ito ang tandaan mo, huwag na huwag kang iibig sa lalaking iyon! Mapapatawad kita sa nangyari ngayon. But don't forget na ginagawa natin ito para kay Mommy. Sasaktan mo si Justin and not the other way around!" Paalala nito sa kanya.
"BAKIT KAILANGAN MO SILANG PILITIN, DANNY?" Tanong ni Criselda sa lalaki. Alam niyang hindi makatarungan ang ginagawa nito dahil hindi naman nagmamahalan sina Amelia at Justin. "Hindi mo ba naiisip na inilalagay mo sa alanganin ang kapatid mo sa ginagawa mong ito? Hindi naman lingid sa iyo na mahal na mahal ni Justin si Pamela at. . ."
"Mas maganda namang di hamak ang kapatid ko sa Pamela na iyon! Matutunan rin nilang mahalin ang isa't-isa. Besides, hindi ka ba masayang magkatuluyan ang dalawa? At least, matinong babae ang kapatid ko!"
Napabuntong hininga na lamang ng malalim si Criselda. Sabagay, kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang si Amelia ang makatuluyan ng pamangkin niya kaysa naman kay Pamela na parang napakahirap pagkatiwalaan. Ngunit kilala niya si Justin.
Ayaw niyang masaktan ni Justin si Amelia dahil hindi na iba ang dalaga sa kanya. Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang kanyang phone. Si Justin ang nasa kabilang linya. Nag-aalalang napatingin siya kay Danny. Hindi ito kumibo. Sinagot niya ang tawag ni Justin.
"Payag na akong pakasal kay Amelia!"
EWAN KUNG BAKIT NAEXCITE rin siya nang marinig ang pagdating ng sasakyan. Alam niyang si Justin na iyon. Ang sabi sa kanya ni Winter ay gagamitin raw nito ang helicopter ng kompanya at duon ito lalapag sa hotel three hours from here dahil iyon lang ang may helipad. Very remote area kasi ang Santa Isabel kaya hindi pa nadedevelop. Nagka-interes nga ang Kuya Danny niya na idevelop ang lugar na ito kaya tmitingin na rin ito ng mga properties na maari nitong bilhin."Daddy!" Si Winter na kaagad tumakbo sa bintana para silipin ang dumating na sasakyan. "Nandito na si Daddy, Yaya Frida." Hindi na nito hinintay ang matanda, ito na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa ama. Nakita niyang kaagad itong kinarga ni Justin."My baby!" masayang sabi ni Justin saka nilingon si Manang Frida, "Manang pakikuha na lang ho sa kotse iyong mga pinamili ko para kay Winter.""Daddy, si Mommy ba binilhan mo rin ng pasalubong?" Namimilog ang mga matang tanong ni Winter kay Justin saka lumingon sa kanya,
EWAN KUNG BAKIT parang gusto nang hilahin ni Justin ang araw para makita niya si inter. Or si Winter nga lang ba ang pinanabikan niyang makita? Nagkaroon ng bagong sigla ang buhay niya nang makilala niya ang anak nila ni Amelia. May bago siyang purpose. May new reason to strive hard at patunayan sa bata na karapat dapat siya nitong maging ama. Gusto niyang maging proud sa kanya ang anak. Gusto niyang maipagmalaki siya nito sa mga kaibigan nito. At higit sa lahat, gusto niyang iparamdam na mahal na mahal niya ito at iyong mga nangyari sa kanila ni Amelia ay hindi nito kasalanan. Na kung siya lang ang masusunod, kailanman ay hindi niya ginustong wala siya sa tabi nito simula nang ipanganak ito. Muli siyang nakaramdam ng inis kay Amelia. Talaga palang pinagbalakan nitong itago sa kanya ang bata? Para ano? Para si Gabby ang tumayong Daddy nito?Ganuon ba kamahal ni Amelia ang lalaking iyon para protektahan ito at itrato na siyang ama ng bata? Muntikan pa siyang maalisan ng karapa
KINAILANGAN PA NI AMELIA na huminga ng malalim para duon humugot ng lakas. Bakit ba lumalambot ang tuhod niya sa harapan ng lalaking ito? Na para bang ginagayuma siya na di niya maintindihan. At heto na naman ang tila nakakapanginig, nakakakuryenteng pakiramdam sa tuwing hinahawakan siya nito. Bago pa siya tuluyang mawala sa kanyang katinuan ay mabilis na niya itong itinulak palayo."Hanggang wala pang seven years old si Winter, ako pa rin ang magdedecide kung kailan mo pwedeng makita ang bata!" Mariing pahayag niya dito. Masyadong okopado ang utak niya ng mga alalahanin, hindi tuloy niya napansin na nakatayo sa may sulok ng pinto si Winter, nakikinig sa pinag-uusapan nila.Mangiyak ngiyak itong nagsalita, "Mommy, Daddy, bakit kailangan ninyong mag-away ng dahil sa akin?" Tanong nito, kita niya ang gamunggong luha sa sulok ng mga mata nito. Kaagad itong kinarga ni Justin."Hindi naman kami nag-aaway ng dahil saiyo, anak," sabi ni Justin dito, tumingin ito sa kanya ng makahulugan
NAGDILIM ang mukha ni Gabby nang pagbisita niya kina Amelia ay madatnan duon si Justin. Hindi rin niya gustong makita na mukhang close na close kaagad sina Winter at Justin kahit na first day pa lamang ngayon nang makilala nito ang ama. Naikwento sa kanya kanina ni Amelia na hindi nito alam kung paano natunton ni Justin ang kinaroroonan ng mga ito. Basta nagulat na lamang itong bigla na lamang itong sumulpot sa bahay. Hindi rin alam ni Amelia kung paano nito nalaman ang tungkol kay Winter.Kanina nang dumating siya, hindi maitago ang tensyon sa pagitan nila. Ilang ulit nga niyang ipinaalam kay Justin na engaged na sila ni Amelia. Kinausap pa nga niya ito ng palihim na wala itong karapatang maglabas masok dito. Ngunit parang hindi naman naapektuhan si Justin sa sinabi niya.Mas lalo siyang naiinis na parang hindi siya pinapansin ni Winter ngayon. Samantalang dati-rati ay nakikipaglaro ito sa kanya.Ngayon, ang buong atensyon nito ay nasa gagong lalaking iyon.At si Amelia naman
NAGISING SI JUSTIN sa maliit na boses, pagmulat niya ng kanyang mga mata, nakita niya si Winter habang curious na nakamasid sa kanya, waring pinag-aaralan ang bawat detalye ng kanyang mukha. "Yaya Frida, he really looks like me?" Sabi pa nito.Pupungas-pungas siyang bumangon at naupo, "Because I am your father, Winter."Natigilan ang bata. Tumakbo paakayat sa kuwarto ni Amelia, "Mommy, Mommy!" Dinig niyang tili nito, pagbaba nito ay akay-akay na nito ang ina, kita niya ang excitement sa mga mata ni Winter habang hinihila nito si Amelia sa kinaroroonan niya, "Siya pala talaga ang Daddy ko, ha Mommy?" Tila nais nitong bigyan ng assurance ni Amelia ang sinabi niya.Nakakunot nuong tiningnan niya si Amelia. Subukan mo lang ipagkaila ang katotohanang ito kay Winter, Amelia. Tila nagbabanta ang pagkakatingin niya sa babae. Nakuha naman iyon ni Amelia kaya wala na itong nagawa kundi aminin dito ang totoo. Kita niya ang malalim nitong pagbuntong hininga. Tila hirap na hirap pa itong am
MAS LALONG NAPUNO NG PANGAMBA SI AMELIA sa sinabing iyon sa kanya ni Justin. Alam niyang kapag may sinabi ito ay gagawin nito. Hindi rin lingid sa kanya ang batas. Kung tutuusin ay maari siya nitong kasuhan sa ginawa niya nuon dito. At maaring gamitin iyon ni Justin ipara mapatunayang hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Winter.Kaya naman biglang bawi niya, "H-hindi ko naman ipinagkakait saiyo ang karapatan sa anak ko," halos paanas lamang na sabi niya."Anak natin. Baka nakakalimutan mong semilya ko ang ginamit mo para mabuo si Winter? Or gusto mong ipaalala ko saiyo kung paano natin siya ginawa?" Sumiwang ang pilyong ngiti sa mga labi nito, sinabi nito iyon sa very seductive na tono kaya ramdam niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Napainom tuloy siya ng tubig."Justin, pwede bang mag-usap tayo ng maayos para sa kapakanan ng bata?" Nag-iinis-inisang sabi niya dito."At sa palagay mo, hindi ako maayos na nakikipag-usap saiyo ngayon?" Tanong nito sa kanya, pakiramdam n
MATAGAL niyang pinaghandaan ang araw na ito. Sampong taon rin niyang hinintay ito. Last month, nang sumapit ang kanyang eighteenth birthday, binigyan na siya ng basbas ng Kuya Danny niya para sa kanyang plano. Alam na niya kung sino ang pakay niya. Ilang years na niyang inaaral ang pagkatao ng subj
TAKANG TAKA SIYA nang pagdating niya mula sa eskwelahan ay madatnang may commotion na nagaganap, may mga nakikiusyusong mga kapitbahay, mga pulis at ilang mga kamag-anak. Tumakbo siya sa sentro ng kaguluhan. Napatingala siya sa kanyang ina na nakalambitin sa kwarto, lawit ang dila."Diyos ko," na
PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagtago pa. Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. God knows
"PASENSYA ka na kung pati ikaw nadadamay sa nararamdaman ko ngayon. Sa halip na nanahimik ka na sa bahay, heto at naiistorbo pa kita," humihikbing sabi ni Amelia kay Gabby. Tapos na silang magdinner at nagpapalipas oras na lamang naman sila sa baybaying dagat. "Wala iyon. Para ano pang naging







