LOGINTAKANG TAKA SIYA nang pagdating niya mula sa eskwelahan ay madatnang may commotion na nagaganap, may mga nakikiusyusong mga kapitbahay, mga pulis at ilang mga kamag-anak. Tumakbo siya sa sentro ng kaguluhan. Napatingala siya sa kanyang ina na nakalambitin sa kwarto, l***t ang dila.
"Diyos ko," narinig niyang sigaw ng Tiya Biya niya na kaagad siyang hinila palabas ng silid, "Amelia. . ." humihikbi ito habang hinahagod ang mukha niya. Walong taong gulang pa lamang siya ngunit waring naiintindihan na niya kung ano ang nangyari sa kanyang ina kung kaya't kahit hindi nito ipaliwanag kung ano ang kanyang nakita ay bigla siyang napaiyak.
"Mommy!!!!" Malakas na sigaw niya, gusto niyang muling bumalik sa kwarto ng mga magulang ngunit hindi na siya pinapasok duon ng mga pulis. Lumapit ang Kuya Danny niya sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"Kuya. . ." humihikbing sambit niya dito. Inakay siya ng Kuya Danny niya sa veranda, magkatabi silang naupo at sabay silang umiyak.
Ten years ang gap nila ng Kuya Danny niya. Dalawa lang silang magkapatid kaya very close sila sa isa't-isa. Ang kanyang ama ay isang Geodetic Engineer kung kaya't madalas ay nadedestino ito sa malalayong lugar at buwanan lamang kung umuwi habang ang Mommy niya ay nagresign na sa pagtratrabaho at itinuon na lamang sa pag-aalaga sa kanilang magkapatid ang buong buhay nito.
Ang daming tumatakbo sa utak niya habang umiiyak. Punong-puno siya ng takot. "Ano ng mangyayari sa atin, Kuya?"
Wala siyang narinig na sagot mula dito, tahimik na tahimik lamang ito habang nakakuyom ang mga kamao. Nilingon niya ang mga pulis habang pinapaalis ang mga taong nakikiusyuso. Ilang sandali pa ay may dumating nang ambulasya. Humihikbing tiningnan niya ang Kuya Danny niya. Tumayo ito at pinagsusuntok ang pader ng kanilang bahay na waring duon gustong ilabas ang lahat ng paghihinagpis na nararamdaman.
Nilapitan siya ng Tiya Biya niya. Panganay na kapatid ito ng kanyang Daddy. Hinagod nito ang kanyang hanggang balikat na buhok.
“Tinawagan ko na ang Daddy mo. Nagbook na siya ng ticket. First flight daw bukas,” sabi nito sa kanilang magkapatid. Nilapitan nito ang Kuya Danny niya at tinapik sa balikat. Humahagulhol na yumakap dito ang Kuya niya.
“Bakit nya kami iniwan? Bakit?” waring magkahalo ang galit at pagdaramdam na tanong ng kuya niya. Wala namang maisagot ang Tiya Biya niya.
HANGGANG sa mailibing ang Mommy niya ay hindi pa rin malinaw sa kanya kung anong dahilan ng pagpapakamatay nito. Ngunit isang araw ay narinig niya ang Daddy niya at ang Kuya Danny niya na nagtatalo.
“Daddy, nagpakamatay si Mommy dahil sa lalaking iyon at mananahimik na lang tayo?” anang Kuya Danny niya, “Papayag na lang tayong babuyin ng mga hayup na iyon ang pamilya natin?”
“Anong laban natin sa pamilya nila? Hindi lang mapepera ang kalaban natin. Mga halang din ang kaluluwa nila!”
Nagtago siya sa isang sulok upang makinig sa pinag uusapan ng mga ito.
“At saka anong ikakatwiran natin? Danny, nagpakamatay ang Mommy mo. Siya ang tumapos sa buhay nya! Sya ang nagdesisyon para sa sarili nya!” sigaw nito saka umiiyak na lumabas ng bahay. Mula sa ilalim ng mesa ay tumakbo siya kasunod ng ama.
“Daddy, sinong kalaban ni Mommy? Sinong me kagagawan bakit sya nagpakamatay?” Tanong niya dito. Isang buwan nang naiilibing ang Mommy niya and yet hindi pa rin mamatay matay ang tsismis na naging kabit ito ng bilyonaryong si Don Ignacio. Maski nga sa school ay binu bully siya ng mga kaklase niya. Malandi raw ang Mommy niya. Hindi na lamang siya nagsusumbong sa Kuya at Daddy niya ngunit madalas ay ayaw na niyang pumasok dahil sa kanyang mga kaklase. Masakit na nga para sa kanyang mawalan ng ina pero sa halip na simpatya ay ito pa ang dinaranas niya sa school.
Hindi siya sinagot ng ama, sa halip ay sumakay ito sa kotse at mabilis iyong punaharurot. Parang nahuhulaan na niyang magdamag na naman ito sa inuman kasama ng mga kumpare nito.
Binalikan niya ang Kuya Danny niya. “K kuya, bakit nagpakamatay si Mommy? Sinong kaaway ni Mommy?”
Atubiling tiningnan siya ng Kuya Danny niya. Lumuhod ito at hinawakan siya samagkabilang balikat.
“Pinatay siya ng isang taong walang kaluluwa at ito ang tandaan mo.Hindi tayo papayag na hindi managot ang taong iyon. Tutulungan mo ako, Amelia. Tutulungan mo akonf pagbayaran ni Don Ignacio ang ginawa niya kay Mommy.”
Kahit hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin ng kapatid ay tumango na lamang siya.
Niyakap siya ng kapatid. “Paghahandaan natin ang araw na makakapaghiganti tayo sa buong pamilya ni Don Ignacio.”
“Sino. . .S-Sino ba si Don Ignacio?” Maang na tanong niya sa kanyang Kuya Danny.
“Balang araw, makikilala mo rin siya. Sa ngayon,hayaan muna nating planuhin kung anong gagawin natin.”
IYAK NG iyak si Maynard habang nakatingin sa puntod ng asawa. Mahal na mahal niya si Luisa kaya kahit may nararamdaman na siyang kakaiba sa pakikitungo nito sa kanya ay nagbubulagbulagan na lamang siya. Ang totoo, hindi lang mga kamag anak ang nagsasabi sa kanya. Mismong siya ang nakakita sa kataksilan ni Luisa.
“Ganyan ka na ba kamuhi sa akin na mas pinili mo pang tapusin ang iyong buhay kesa makasama kami ng mga anak mo? Bakit, Luisa? Bakit mo ito nagawa saakin?” Waring nagsisikip ang dibdib no Maynard. Hindi niya alam kung kanino ibubunton ang lahat ng galit na nararamdaman niya. Gusto na rin sana niyang mamatay. Ngayong wala na si Luisa ay hindi na niya alam kung paano pa ang mabuhay. Nagtangis ang kanyang mga bagang. Tama ang panganay niya. Hindi siya dapat pumayag na apihin ng walang hiya na si Don Ignacio. Ngunit sa paanong paraan ba siya makakaganti?
“TAMA ka, anak, hindi ko papayagang ipagsawalang kibo na lamang ang nangyaring ito sa Mommy mo. Tama na ang pagiging mabait,” Narinig ni Danny na sabi sa kanya ng ama, “Makikipagtulungan ako saiyo. Babawi tayo. Sisiguraduhin kong pagsisihan ni Don Ignacio ang nangyaring ito sa Mommy mo.”
“Hindi lang si Don Ignacio ang magbabayad sa mangyaring ito kay Mommy, Daddy. Buong angkan nya ang pagbabayarin ko.” Paniniyak niya sa ama, “Sa kahit na anong paraan?” Giit pa niya. Hindi nila napansing nakasilip pala sa may pinto si Amelia at nakikinig sa pinag uusapan nila.
“Sino si Don Ignacio? Anong kinalaman nya sa pagpapakamatay ni Mommy?” Umiiyak na tanong nito sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan silang mag-ama. Pareho nilang hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Amelia ang nangyari.
“Sabi ng mga classmate ko, malandi raw si Mommy. May asawa na pero. . .”
Tinampal niya ang bibig ng kapatid bago pa nito maituloy ang sasabihin, “Hindi masamang babae si Mommy. Huwag kang magpapaniwala sa mga tsismosa mong kaklase, okay?”
Ang Daddy niya ay nagmamadaling lumabas ng kwarto. Napahinga siya ng malalim. Alam niyang labis labis ang sakit na nararamdaman ng Daddy niya. Namatayan na nga ito ng asawa ay kinukutya pa ito ng mga kapitbahay at mga kamag anak dahil pumayag raw itong magpa ipot sa ulo.
Pero sa ganang kanya ay hindi niya matatanggap na isang masamang babae ang kanyang Mommy. Lumuhod siya sa harapan ng kapatid, “I’m sorry. Ayoko lang na nagpapaniwala ka sa mga tsismosa mong classmate. Kahit kailan hindi naging malandi si Mommy, okay? Kapag may narinig ka uling masama tungkol kay Mommy, awayin mo sila. Huwag kang papayag na dungisan nila ang reputasyon ni Mommy, okay?”
Tumango ito sa kanya saka kumunot ang nuo, “Sino si Don Ignacio, Kuya? Anong ginawa nya kay Mommy?” Inosenteng tanong nito sa kanya.
Hindi niya alam kung sa paanong paraan niya dito ipapaliwanag ang tungkol kay Don Ignacio na hindi niya madudungisan ang alaala ng ina. Ngunit ngayon pa lang ay itatanim na niya kay Amelia na sama sama sila ng Daddy niya para makapaghiganti. Matalino si Amelia. At gaya niya ay mahal na mahal rin nito ang kanilang mga magulang.
“Si Don Ignacio ang dahilan kaya namatay si Mommy. At ito ang tandaan mo, Amelia. Paghahandaan natin ang araw na makakaganti tayo sa taong iyon. Mangako ka sa aking tutulungan mo kami ni Daddy na makamit ang hustisya!”
ISANG taon matapos ang mga nangyari sa kanyang Mommy ay napagpasyahan ng Daddy niya na duon na sila manirahan sa Maynila, malayo sa mga alaala ng nakaraan. Pero araw araw pa ring ipinaaalala sa kanya ng Kuya Danny niya at Daddy niya na hindi sila titigil hanggat hindi sila nakakabawi kay Don Ignacio. Sa katunayan ay niligawan ng Kuya Danny niya ang bunsong anak ni Don Ignacio. Ang plano ng Kuya niya ay paiibigin ng husto ang dalaga, bubuntisin pagkatapos ay iiwanang luhaan. Ngunit hindi raw sapat iyon kapalit ng buhay ng Mommy nila. Ang daming plano ng Kuya at Daddy niya. At habang lumalaki, mas lalong lumalalim ang galit at gigil niya na balang araw ay makakatulong na rin siya sa mga plano ng mga ito. . .Kung paano, wala pa siyang ideya. Basta di siya papayag na manunuood lamang sa Kuya Danny at Daddy niya.
Kailangang makapag contribute rin siya.
Kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mommy niya.
"Iyan ang panganay na apo ni Don Ignacio. Si Justin. Ayon sa impormasyong nakalap ko, he's six years older than you." Sabi ng Kuya Danny niya habang nasa park sila. Ilang buwan na nilang minamanmanan ang bawat miyembro ng pamilya ni Don Ignacio. "Balita ko rin siya ang pinakapaboritong apo ng matanda, palibahasa ay ito lang ang magbibitbit ng apelyido nito."
Tumango lang siya sa Kuya Danny niya saka pasimpleng sinipat si Justin. Cute ito. Actually kung hindi lang ito apo ng lalaking dahilan ng pagkamatay ng Mommy niya, baka magka crush siya dito.
Napansin niya ang lalaking kalaro nito, "Eh sino naman sya, Kuya?"
"Siya si Ethan. Pinsan ni Justin. Apo rin sya ni Don Ignacio but since ang ina nito ang anak ni Don Ignacio, hindi Jensen ang surname nito."
"Gano ba kahalaga sa mga mayayaman ang apelyido nila, ha Kuya? Pansin ko kasi sa mga teleseryeng napapanuod ko, palaging factor ang apelyido sa kanila."
"Malaking bagay kasi yan. Kumbaga iyong apelyido nila ang magpapanatili ng kanilang immortality."
EWAN KUNG BAKIT NAEXCITE rin siya nang marinig ang pagdating ng sasakyan. Alam niyang si Justin na iyon. Ang sabi sa kanya ni Winter ay gagamitin raw nito ang helicopter ng kompanya at duon ito lalapag sa hotel three hours from here dahil iyon lang ang may helipad. Very remote area kasi ang Santa Isabel kaya hindi pa nadedevelop. Nagka-interes nga ang Kuya Danny niya na idevelop ang lugar na ito kaya tmitingin na rin ito ng mga properties na maari nitong bilhin."Daddy!" Si Winter na kaagad tumakbo sa bintana para silipin ang dumating na sasakyan. "Nandito na si Daddy, Yaya Frida." Hindi na nito hinintay ang matanda, ito na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa ama. Nakita niyang kaagad itong kinarga ni Justin."My baby!" masayang sabi ni Justin saka nilingon si Manang Frida, "Manang pakikuha na lang ho sa kotse iyong mga pinamili ko para kay Winter.""Daddy, si Mommy ba binilhan mo rin ng pasalubong?" Namimilog ang mga matang tanong ni Winter kay Justin saka lumingon sa kanya,
EWAN KUNG BAKIT parang gusto nang hilahin ni Justin ang araw para makita niya si inter. Or si Winter nga lang ba ang pinanabikan niyang makita? Nagkaroon ng bagong sigla ang buhay niya nang makilala niya ang anak nila ni Amelia. May bago siyang purpose. May new reason to strive hard at patunayan sa bata na karapat dapat siya nitong maging ama. Gusto niyang maging proud sa kanya ang anak. Gusto niyang maipagmalaki siya nito sa mga kaibigan nito. At higit sa lahat, gusto niyang iparamdam na mahal na mahal niya ito at iyong mga nangyari sa kanila ni Amelia ay hindi nito kasalanan. Na kung siya lang ang masusunod, kailanman ay hindi niya ginustong wala siya sa tabi nito simula nang ipanganak ito. Muli siyang nakaramdam ng inis kay Amelia. Talaga palang pinagbalakan nitong itago sa kanya ang bata? Para ano? Para si Gabby ang tumayong Daddy nito?Ganuon ba kamahal ni Amelia ang lalaking iyon para protektahan ito at itrato na siyang ama ng bata? Muntikan pa siyang maalisan ng karapa
KINAILANGAN PA NI AMELIA na huminga ng malalim para duon humugot ng lakas. Bakit ba lumalambot ang tuhod niya sa harapan ng lalaking ito? Na para bang ginagayuma siya na di niya maintindihan. At heto na naman ang tila nakakapanginig, nakakakuryenteng pakiramdam sa tuwing hinahawakan siya nito. Bago pa siya tuluyang mawala sa kanyang katinuan ay mabilis na niya itong itinulak palayo."Hanggang wala pang seven years old si Winter, ako pa rin ang magdedecide kung kailan mo pwedeng makita ang bata!" Mariing pahayag niya dito. Masyadong okopado ang utak niya ng mga alalahanin, hindi tuloy niya napansin na nakatayo sa may sulok ng pinto si Winter, nakikinig sa pinag-uusapan nila.Mangiyak ngiyak itong nagsalita, "Mommy, Daddy, bakit kailangan ninyong mag-away ng dahil sa akin?" Tanong nito, kita niya ang gamunggong luha sa sulok ng mga mata nito. Kaagad itong kinarga ni Justin."Hindi naman kami nag-aaway ng dahil saiyo, anak," sabi ni Justin dito, tumingin ito sa kanya ng makahulugan
NAGDILIM ang mukha ni Gabby nang pagbisita niya kina Amelia ay madatnan duon si Justin. Hindi rin niya gustong makita na mukhang close na close kaagad sina Winter at Justin kahit na first day pa lamang ngayon nang makilala nito ang ama. Naikwento sa kanya kanina ni Amelia na hindi nito alam kung paano natunton ni Justin ang kinaroroonan ng mga ito. Basta nagulat na lamang itong bigla na lamang itong sumulpot sa bahay. Hindi rin alam ni Amelia kung paano nito nalaman ang tungkol kay Winter.Kanina nang dumating siya, hindi maitago ang tensyon sa pagitan nila. Ilang ulit nga niyang ipinaalam kay Justin na engaged na sila ni Amelia. Kinausap pa nga niya ito ng palihim na wala itong karapatang maglabas masok dito. Ngunit parang hindi naman naapektuhan si Justin sa sinabi niya.Mas lalo siyang naiinis na parang hindi siya pinapansin ni Winter ngayon. Samantalang dati-rati ay nakikipaglaro ito sa kanya.Ngayon, ang buong atensyon nito ay nasa gagong lalaking iyon.At si Amelia naman
NAGISING SI JUSTIN sa maliit na boses, pagmulat niya ng kanyang mga mata, nakita niya si Winter habang curious na nakamasid sa kanya, waring pinag-aaralan ang bawat detalye ng kanyang mukha. "Yaya Frida, he really looks like me?" Sabi pa nito.Pupungas-pungas siyang bumangon at naupo, "Because I am your father, Winter."Natigilan ang bata. Tumakbo paakayat sa kuwarto ni Amelia, "Mommy, Mommy!" Dinig niyang tili nito, pagbaba nito ay akay-akay na nito ang ina, kita niya ang excitement sa mga mata ni Winter habang hinihila nito si Amelia sa kinaroroonan niya, "Siya pala talaga ang Daddy ko, ha Mommy?" Tila nais nitong bigyan ng assurance ni Amelia ang sinabi niya.Nakakunot nuong tiningnan niya si Amelia. Subukan mo lang ipagkaila ang katotohanang ito kay Winter, Amelia. Tila nagbabanta ang pagkakatingin niya sa babae. Nakuha naman iyon ni Amelia kaya wala na itong nagawa kundi aminin dito ang totoo. Kita niya ang malalim nitong pagbuntong hininga. Tila hirap na hirap pa itong am
MAS LALONG NAPUNO NG PANGAMBA SI AMELIA sa sinabing iyon sa kanya ni Justin. Alam niyang kapag may sinabi ito ay gagawin nito. Hindi rin lingid sa kanya ang batas. Kung tutuusin ay maari siya nitong kasuhan sa ginawa niya nuon dito. At maaring gamitin iyon ni Justin ipara mapatunayang hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Winter.Kaya naman biglang bawi niya, "H-hindi ko naman ipinagkakait saiyo ang karapatan sa anak ko," halos paanas lamang na sabi niya."Anak natin. Baka nakakalimutan mong semilya ko ang ginamit mo para mabuo si Winter? Or gusto mong ipaalala ko saiyo kung paano natin siya ginawa?" Sumiwang ang pilyong ngiti sa mga labi nito, sinabi nito iyon sa very seductive na tono kaya ramdam niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Napainom tuloy siya ng tubig."Justin, pwede bang mag-usap tayo ng maayos para sa kapakanan ng bata?" Nag-iinis-inisang sabi niya dito."At sa palagay mo, hindi ako maayos na nakikipag-usap saiyo ngayon?" Tanong nito sa kanya, pakiramdam n
GINISING SI JUSTIN ng ingay mula sa kusina. Pinasok ba siya ng magnanakaw? Nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kanyang kuwarto. Napabuntong hininga siya nang malalim nang makita si Amelia sa kusina, naghahanda ng almusal. Oo nga pala, hindi na niya solo ang unit na ito. He is living with
IKINAGULAT NI AMELIA ang sinabing iyon ng Kuya Danny niya, "K-Kuya. . ." Nagproprotesta ang kanyang mukha nang bumaling siya sa kapatid. "Hey, I did not force Amelia to do it!" Mariing sagot naman ni Justin, "Amelia, ano ito? Alam mong walang nangyaring sapilitan sa. . .""Pananagutan mo si Ameli
MASAKIT NA MASAKIT ANG BUONG KATAWAN NI AMELIA NANG MAGISING kinabukasan. Ngunit tila nahimasmasan siya nang tuluyang mabalik ang kanyang buong kamalayan at makita sa tabi niya si Justin, pareho silang hubo't hubad. Nagmamadali siyang bumangon, dinampot ang kanyang mga damit na nagkalag sa sahig
"PAMELA, WHY ARE YOU DOING THIS TO ME? Bakit parang masayang-masaya kang makita akong nasasaktan?"Hindi makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Amelia, ramdam niya ang sakit na nararamdaman sa tinig ng lalaking nagsasalita. Kahit hindi maliwanag ang naaninag niyang tao habang ito ay nagsasalita







