Share

Kabanata 140

last update publish date: 2026-07-02 00:17:35

Dasha POV

Tinapos ko ang pagluluto ko ng dinner na puro ang email ni Elco ang tumatakbo sa isip ko. Simula nung matanggap ko ang email niya, ayaw na nitong mawala sa isip ko. Alas siyete na ng gabi.

Dapat kakain na ako ng dinner kasi gutom na ako pero hindi ko magawa iyon dahil iba ang tumatakbo sa isip ko.

Umupo ako sa dining table habang nakatanaw sa tatlo kong bagong halaman sa terrace. Maliwanag doon dahil nakabukas ang ilaw.

Umiling-iling ako. Hindi ako puwedeng magpagutom dahil baka hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
Dasha,sige na para masaya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 147

    Elco POVHindi ko na siya naabutan. Sa huli, ang tanging nasilayan ko na lang ay ang taxi na unti-unting lumalayo habang nakaupo si Dasha sa loob.Hindi man lang siya lumingon. Hindi man lang niya ako pinagbigyan ng isang segundo.Tuluyan nang nawala ang taxi sa kalsada.Napatigil ako sa gitna ng bangketa. Parang biglang nawalan ng lakas ang mga binti ko. Hindi ko na namalayang mabigat na pala ang paghinga ko dahil sa pagtakbo. Hindi ko rin namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko.Hindi ko rin namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.Napahawak ako sa noo ko. “Ano ba naman ito,” nahihiya kong sabi sa sarili ko.Pakiramdam ko, para akong tanga. Kalalaking tao ko, nakatayo ako sa harap ng wet market, umiiyak, habang maraming taong nakatingin sa akin.May ilang nagtataka. May ilang nagbubulungan. May ilang napapailing.Pero wala na akong pakialam. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman kong lungkot.Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan na hindi namin pagkikita ay

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 146

    Dasha POVMahimbing ang tulog ni Ivy nung hapon na iyon. Bandang alas singko ng hapon pa lang ay nakatulog na siya sa bedroom ko. Hinayaan ko na lang at baka napagod din talaga siya sa pagbubuhat ng mga roses ko kanina.Sinilip ko pa siya bago ko isinara nang dahan-dahan ang pinto.“Hayaan na muna kitang matulog.”Pagtingin ko sa orasan, alas singko y medya na.May bisita ako, so, ako naman ang magluluto ng dinner namin. Kanina kasi ay siya ang nagpa-lunch, kaya oras para pagsilbihan ang bisita.Gusto kong ipatikim sa kaniya ang chicken inasal na madalas kong lutuin noong nasa bahay pa ako ng mga magulang ko. At naisipan ko ring gumawa ng pork barbecue para perfect na perfect.Kinuha ko ang wallet ko, reusable shopping bag, at cellphone. Tahimik akong lumabas ng condo para hindi magising si Ivy.Halos tatlumpung minuto ang biyahe papunta sa wet market. Pagdating ko roon, siyempre, maingay dahil maraming tindera at namimili.Salamat sa isang nakasabay ko nung nakaraan sa condo. Siya an

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 145

    Dasha POVHabang nagliligpit kami ng pinagkainan ni Ivy, bigla akong napangiti at may naisip.“Ivy.”“Oh?”Luminga siya mula sa paghuhugas ng plato.“May gusto akong puntahan mamaya.”Napataas ang kilay niya.“Saan?”“May coffee shop akong nadiskubre kahapon. Ang cute ng concept. Garden shop siya na may coffee shop.”Biglang lumiwanag ang mukha niya.“Ha? Talaga?”Tumango ako.“Sobrang ganda doon, Ivy. Tapos, sige, ililibre na kita.”Doon na lalong napangiti ang gaga. “Aba, kung libre mo naman pala, bakit naman ako makakatanggi niya,” natutuwa niyang sagot.“Para sulit naman ang pagpunta mo rito,” pang-uuto ko pa.Napailing siya habang natatawa. “Sige, game ako diyan!”Naligo lang siya, tapos naligo rin ako. Kumbaga ay nagpababa lang kami sa kinain namin kaninang tanghali, plus may manggo graham pa kasi.Sinakto naming umalis ng alas tres para talagang tunay na ang kinain namin kanina.PAGDATIN namin sa garden café, halos mapahinto si Ivy sa paglalakad.“Uy, grabe nga pala ang kakaiba

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 144

    Dasha POVPagkalipas ng halos dalawang oras na paghihintay, tuluyan nang napuno ng mabangong amoy ng bulalo ang buong condo.Isang oras akong nag-aayos ng mga succulents ko sa terrace kasi need ko siyang mag-repot dahil nasa plastic lang na itim nakatanim ang mga halaman na bigay ni Ivy, hindi naman puwedeng ganoon na lang idi-display.Pagka-repot ko sa mga maliliit na paso ang mga succulents na halaman ay tinabi ko muna ang mga ito sa hindi maaarawan dahil bawal pa. Kakalipat lang ng paso kaya bawal pang paarawan at bawal ding diligan pa. Kapag stable na ang lagay ng mga bagong lipat na succulents ay saka lang sila puwedeng diligan at paarawan.Pagbalik ko sa dining table ay nakahain na doon ang malaking kaserola. Umuuusok pa ang sabaw.Bongga kasi malalaki ang hiwa ng baka. May mais, repolyo, pechay, patatas, at bone marrow na halos matunaw na sa sobrang lambot.Napangiti ako habang nakaupo sa harap ng lamesa.“Wow, Ivy, totoo bang ikaw ang nagluto nito?”Umirap siya sa akin. “Hindi

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 143

    Dasha POVMaaga akong nagising nang araw na iyon.Alas sais pa lang ng umaga ay dilat na ang mga mata ko. Sinasanay ko na kasi ang katawan ko, plus gusto kong nagpapaaraw sa umaga dahil maganda raw iyon.Pagkagising ko, nag-almusal ako sa terrace habang nakatapat sa bagong sikat ng araw. Pagkatapos nun, gumayak at naglinis na ako ng condo dahil may bisita akong hinihintay.Pupunta raw kasi si Ivy ngayon dito.Kagabi pa lang ay nag-message na siya.“Diyan ako magpapahinga ng dalawang araw sa condo mo. Bawal kang tumanggi dahil walang makakapigil sa akin.”Napatawa na lang ako noong mabasa ko iyon.Hindi naman talaga ako tatanggi. Sa totoo lang, gusto ko ngang may kasama. Masyado nang tahimik ang condo nitong mga nakaraang linggo.Kaya matapos kong maghilamos at magbihis ng komportableng oversized shirt at shorts, nagsimula na akong magligpit ng kaunti. Inayos ko ang sala. Pinunasan ang center table. Nagpalit ng bedsheet sa guest room.Habang ginagawa ko iyon, paminsan-minsan ay napapah

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 142

    Elco POVPagkaparada ko ng sasakyan sa garahe, ilang segundo muna akong nanatiling nakaupo sa driver’s seat. Patay na ang makina. Tahimik na lalo rito ang paligid.Pero ang isip ko, parang hindi pa rin humihinto.Ipinikit ko sandali ang mga mata ko bago dahan-dahang napabuntong-hininga.Simula nang malaman ko ang balitang buntis si Dasha, pakiramdam ko ay wala nang araw na naging payapa ang isip ko. Mas lalo pa ngayong gabi. Hindi ko inaasahang mabubunyag sa mga staff ko ang tungkol sa kaniya. Mabuti na lang at wala akong binanggit na pangalan.Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Pero marahil, pagod na rin ang isip ko. Pagod nang itago ang lahat.Humugot pa ulit ako ng isa pang mas malalim na hininga bago tuluyang bumaba ng sasakyan.Pagpasok ko sa bahay, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng nilulutong pagkain at bagong linis na sala. Tahimik ang bahay dahil wala si Papa Julio, nasa malayong lugar na naman naka-assign sa work.May narinig akong mahinang tumutugtog na inst

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 42

    Dasha POVNag-resign si Elco sa flower shop ni Ivy. Hindi na rin siya pumasok nitong nagdaang isang linggo matapos ang holy week. Sa bahay, palagi itong nasa loob ng kuwarto niya. Lalabas lang para kumain at tumulong sa gawaing bahay. Kung minsan, tatambay siya sa vulcanizing shop ni Von.Pati nga

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 41

    Dasha POVSimula nung malunod ako, dito na lang tuloy kami ng mga girls sa may mababaw, biglang taas din kasi ang tubig at biglang naging maagos. First time namin dito sa may dulo ng ilog, kaya hindi namin alam na ganito pala rito.Simula naman nung malunod ako, napansin ko na naging tahimik at mas

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 40

    Elco POV“OMG!” sabi ni Ruby nung ginawa ko na ang CPR kay Dasha. Wala na akong pakelam kung madikit ang labi ko sa labi niya.Sanay naman akong mag-CPR. Paulit-ulit nagdikit ang mga labi namin ni Dasha. Hindi ako tumigil hanggang hindi siya nagigising. Hindi ako tumigil hanggang hindi niya nailulu

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 39

    Elco POVNung makita ko ng buo ang mga kaibigan ni Dasha, napatitig talaga ako bigla sa kanila. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay parang nakita ko na sila dati.Hindi ko alam kung dejavu ba o ano.“Ano, Elco, may type ka na ba agad sa kanila at ganiyan ka makatitig sa mga kaibigan ni Dasha?” tanong bigl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status