Mag-log in"Lola, aalis na po muna ako." Paalam ni Camela sa matanda saka humalik sa noo nito."Mag ingat ka, apo!" Nakangiting ani Luna at masaya siya dahil naging maayos na ang relasyon ng mag ina. Pasalamat din siya kay Darwin dahil para sa asawa nito ay tanggapin na rin si Camela.Pag sakay ni Camela sa sasakyan ay tahimik lang siya at ok na ring sumama ang ina niya. Kahit papaano ay hindi awkward ang pag sakay niya for the first time sa sasakyan ni Darwin at ito pa ang driver."Puwedeng dumaan muna tayo sa apo natin bago sa kaibigan mo?" tanong ni Tanya sa asawa."Ok." Maiksing sagot ni Darwin at tuwid lang ang tingin sa daan.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at malapit na siya maniwala na may dadalawin ngang ibang tao si Darwim sa hospital. Bumuntong hininga siya saka ngumiti kahit wala namang kausap. Napangiti siya dahil wala ng galit siyang nararamdaman para sa amain. Dati, makita lang ito ay naiinis na siya. Paano naman kasi kung maningin ay para siyang salot na laging gagawa
"Aba at marunong ka na talaga maghugas at linis ng lababo." Mukha pa rin hindi makapaniwalang ani Tanya sa anak."Mom, halos katulong ang trabaho ko sa Japan noong una. Saka kailangan kong matutunan lahat at wala akong ibang maasahan noong manganak at kahiya din sa kaibigan ko ma kinupkop na nga ako ay magpapabigat pa ba sa gawaing bahay?" Sagot ni Camela sa ina habang pinupunasan ang lababo dahil tapos na niyang linisin gamit ang sabon at tubig. Pero natigilan din siya, huli na para bawiin ang mga sinabi. Pag tingin niya sa ina ay tahimik na itong umiiyak."Inis sorry, anak!" Umiiyak na ani Tanya. Sobra siyang nasasaktan sa dinanas ng anak. Sa ibang bansa kasi ay hindi naman ito hirap sa buhay at panay kain sa restuarant dahil hindi tinitipid ng ina niya sa pera.Huminga nang malalim si Camela saka binitiwan ang malinis na basahan saka nilapitan ang ina. "Marami akong natutunan at naging matatag kaya may maganda rin dulot ang pagtikis ninyo sa akin." Pampalubag niya sa loob ng ina.P
"Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna
Napangiti si Camela, hindi niya ito pwedeng biglain at baka makahalata na may alam na siya tungkol sa donor ni Lindon. Ayaw niyang isipin ng ina na nakipag mabutihan na siya rito dahil sa pagiging donor nito. Well, pareho sila ng ugali ng ina kaya naintindihan niya ito."Kumusta na ang mga anak mo? Wala ka bang balak na ipakilala sila sa lola mo?" Pagalit pa ring tanong ni Tanya sa anak.Sumubo muna siya ng pagkain bago sumagot sa ina. "Bumubuti na ang kalusugan ni Lindon kaya huwag kayong mag alala.""Apo ko pa rin sila kahit ayaw mo pa rin sa akin." Paalala niya sa anak.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at pinakatitigan ang ina."Huwag mong isiping woried ako sa mga anak mo dahil nagsisi na ako sa pamamaniwala sa iyo noon. Bilisan mo ang pagkain diyan at gusto ko silang bisitahin muli at ipakilala sa lola mo." Pagsusungit niya sa anak. Hindi niya ito mapasunod sa mahinahon na usapan at mapagkumbaba, baka sa ganitong paraan ay magbago ang isip nito."Ayaw pang aminin na natu
Sobrang natuwa si Luna nang makitang magkasama ang dalawang apo na dumating. "Tanya, halika at dumating ang mga anak mo!" Masigla niyang tawag sa anak na abala sa binabasa sa silid nito.Nagkukumahog na lumabas ng silid si Tanya nang marinig ang tinig ng ina. Kapag ganoon ang tono ng ina ay alam niya kung sino ang dumating."Hello, lola!" Nakangiting niyakap ni Camela ang abuela. "Mabuti naman at nakaalala ka pang bisitahin ang abuela mo," tonong hindi natutuwa si Tanya na makita ang panganay na anak. Humingi na siya ng tawad dito pero iba kapag nasa pamamahay siya nito.Dahan dahang bumitaw si Camela sa pagkayakap sa matanda at nilingon ang ina. Pilit niyang sinupil ang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lubos na naunawaan ang ganitong ugali ng ina. Ngayon niya napagtuunan ng pansin ang mga titig nito sa kaniya. Kung magsalita ito noon ay parang galit pero iba ang sinasabi ng mga titig nito sa kaniya."Mom, ayos na po kami ni Ate. Isinama ko siya dito para madala
"Mag-ingat ka sa kapatid mo." Kausap ni Rex kay Edlyn bilang ganti niya sa masamang iniisip ni Rashed kanina para sa dalagang kaniyang tinatangi.Tumikwas ang kilay ni Camela habang nakatitig kay Rex. Mukhang mas mahalaga na ang kaligtasan ni Edlyn dito kaysa kaniya ngayon. "Joke lang," nakangiting inakbayan ni Rex ang kaibigan. "Mag ingat kayong dalawa." Bawi niya rito.Nakaramdam ng inggit si Rashed sa nakikitang closeness nila Camela at Rex. Nagagawan akbayan ito ng lalaki, samantalang siya ay panakaw pa lagi ang paghawak niya sa balat ng dating asawa. Naangkin man niya ito ay kung nasa mood ang dalaga at hindi siya puwede na unang mang manyak."Ikaw na muna ang bahala sa kambal, babalik din agad ako." Baling ni Camela sa binata.Tumango lang si Rashed at malungkot na tumitig kay Lindon na karga pa rin niya.Lumapit din si Edlyn kay Rashed at ipinatong ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo ba ako pag ingatin?"Mabilis na inalis ni Rex ang brasong nakaakbay sa kaibigan saka tumikhim
"Ituturo ko sa iyo kung paano lutuin kung gusto mong matutunan." Nakangiti ani Jinky sa binata."Thank you po, nay!"Nakalabi lang na nakatingin si Camela sa binata at seryuso nitong nakipag usap sa mga at ginang at sa mga bata. Naroon na naman ang pakiramdam niya na nagtatampo na wala namam ikasel
Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Rashed habang nakatihaya lang sa pagkahiga. Saka lang siya kumilos nang masiguro na mahimbing na ang tulog ng dalaga. Sinuot niyang muli ang undies nito at ganoon din siya. Gusto man niyang makatabi ito sa pagtulog pero alam niyang hindi nito magustohang may mak
Hindi alam ni Rashed kung ilang oras na siyang nakatulog nang maalimpungatan. Ang akala niya sa una ay nanaginip lamang siya nang marinig na may tumatawag sa kaniya na ama."Papa..."Mabilis na pumaling ng higa si Rashed sa kabilang banda nang maramdaman ang maliit na kamay na humawak sa kaniyang b
"Ngayong gabi ka lang matutulog dito. Nakalimutan ko pa lang sabihin na may kasulatan kaming pinirmahan ng iyong ina ka—""Kung ano man ang naging kasunduan ninyo ng aking ina ay labas na ako doon. Kayo ang nagkaroon ng kasulatan at hindi sa akin." Malamig niyang tugon sa dalaga. Hindi niya gustong







