Home / Romance / TAINTED LOVE / Chapter 5-Parte ng nakaraan

Share

Chapter 5-Parte ng nakaraan

Author: Yeiron Jee
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-12 17:21:21

Napabuntong hininga si Camela nang wala na sa harapan ang dalawa. Nang mapag isa ay napaisip siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis gayong wala naman silang gamit na protection tuwing magniig ni Rashed. Hindi niya alam kung siya ba o si Rashed ang may problema kaya hindi makabuo. Upang makasiguro ay nagpasya siyang magpatingin sa ibang doctor.

"Ang gamot na iniinum mo ay hindi nakakatulong upang mabuntis ka. Isa itong uri ng pills at...."

Hindi na naintindihan ni Camela ang ibang sinabi ng doctor. Para siyang nabingi sa kaalaman na maling gamot ang kaniyang iniinum. Mariing naipikit ni Camela ang mga mata at sinisi ang sarili. Kasalanan niya kung bakit nangyari ito. Alam niyang ayaw sa kaniya ng biyanan pero sinunod niya pa rin ito kung sinong doctor ang dapat mag-alaga sa health niya.

Parang lutang na naglakad si Camela palabas ng hospital. Naiiyak siya at kailangan niya ng kausap. Naisip niyang puntahan ang ina ngunit abala ito.

"May lakad kami ng iyong kapatid, kung may kailangan ka ay sabihin mo na."

"Mom, galit pa rin po ba kayo sa akin?" naiiyak niyang tanong sa ina.

Matalim ang tinging ipinukol ni Tanya sa anak. "Kamuntik nang mamatay ang kapatid mo dahil sa kagagawan mo! Kung hindi mo inagaw ang lalaking para sa kaniya ay masaya sana siya ngayon!"

Napayuko ng ulo si Camela. Naglaslas ng pulso ang kapatid noong araw mismo ng kasal nila ni Rashed. Nag-donate pa siya ng dugo noon sa kapatid ngunit galit pa rin ang ina sa kaniya. Well, kahit naman noong hindi pa niya naagaw si Rashed kay Edlyn ay hindi na patas ang trato sa kanilang magkapatid ng ina.

"Mom..." Hindi niya mailabas ang sama ng loob nang makita ang pagdating ng asawa nito.

"Ano ang ginagawa ng bastardang iyan dito?"

"Nangangamusta lang, halika na at naghihintay ang anak natin sa restaurant."

Malungkot na sinundan ng tingin ni Camela ang ina kasama ang asawa nito palabas ng bahay. Naawa na naman siya sa kaniyang sarili. Ang damot ng pagmamahal sa kaniya. Gusto niya lang naman mahalin ng mga taong mahal niya. Pero bakit lalong lumalayo ang loob ng lahat sa kaniya?

Mahal niya si Rashed at ang akala niya ay dito na mabubuo ang kaniyang pagkatao. Ngunit panibagong pasakit sa damdamin lang pala ang kaniyang natamo.

"Ang pagmamahal ay kusa iyang nararamdaman. Hindi mo maaring ipilit ang iyong sarili sa taong may ayaw sa iyo."

Nilingon ni Camela ang abuela na siyang nagsalita. "Mali na naman po ba ako, lola?" Ngayon lang siya nagtanong sa abuela. Masama rin ang loob niya rito dahil pakiramdam niya ay mas mahal din nito si Edlyn.

"Kung hindi ka lang sana naging makasarili at mapaghangad. Nilalamon ang puso mo ng inggit sa iyong kapatid hanggang sa gusto mong masira ang kaniyang buhay."

Napayuko ng ulo si Camela at may katotohanan ang sinabi ng abuela. Nagbabago naman siya ngunit puro mali pa rin ang nakikita sa kaniya.

"Hindi pa huli ang lahat. Kung hindi ka pa rin masaya sa piling ng iyong asawa ay pakawalan mo na siya. Bata ka pa at handa kitang tulungan upang makabangon muli." Alok ni Luna sa apo.

Umiling si Camela. Si Rashed na lang ang mayroon siya at hindi niya kayang mawala ito sa kaniya.

"Ang tigas ng ulo mo at ayaw makinig sa akin kaya nagkakaganyan ang buhay mo!"

Maramk pang sinasabi ang abuela pero tinalikuran na niya. Nakakabingi na kasi ang paulit ulit nitong sermon sa kaniya na para bang wala siyang sariling isip.

Lumipas ang mga araw na nagkukulong lang si Camela sa kanilang silid. Marami siyang natatangap na larawan ni Rashed, kasama si Eldyn. Mayroon pa na halos maghalikan na ang mga ito pero wala siyang magawa kundi ang umiyak lang. Ayaw niyang kumprontahin ang asawa at natatakot siya marinig ang katotohanan. Ayaw niyang marinig sa bibig nito na si Edlyn ang mahal at hindi siya. Nakatulugan na lang niya ang lungkot at sama ng loob sa asawa at sariling pamilya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog at nagising dahil sa walang ingat na pag sara ng pinto.

Nagmamadaling bumangon su Camela nang makita ang hindi tuwid na paglalakad ng asawa at paggiwang nito. "Easy!" Mabilis niyang inalayan ito at inilagay ang kamay nito sa balikat niya.

"Stay away from me, bitch!"

Nasaktan siya sa harsh words ng asawa at panunulak pero hindi niya ito binitiwan. Nang iupo niya ito sa kamay ay dititso itong natumba at kasama siyang dumagan sa katawan nito.

"Argh fuck you! Bakit hanggang sa panaginip ko ay sinusundan mo ako?"

Natigilan si Camela nang marinig ang sinabi ng asawa. Nakadipa lang ang mga kamay nito at mukhang walang lakas. Nakapikit din ito kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito.

"You are selfish, hindi mo deserve na mahalin ko!"

Nakagat niya ang loob ng ibabang labi at malinaw na sa kaniya kung sino ang tinutukoy ni Rashed. Hindi niya akalaing naging laman siya ng panaginip nito. Kahit papaano ay sumaya siya at napangiti. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nitong namumula dahil sa kalasingan. Ang guwapo talaga nito kahit arogante at hindi nagbabago aura ng mukha nito kahit wala sa sariling katinuan.

"I'm sorry, matutunan mo rin akong mahalin kung buksan mo lang ang iyong puso at isipan." Mahina niyang kausap sa binata.

Mukhang narinig siya nito at nagmulat ang namumungay na mga mata dala ng kalasingan. Mukhang naalimpungatan ito nang magsalubong ang tingin nila at banaag niya roon ang galit nito sa kaniya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TAINTED LOVE    Chapter 147-First time

    "Lola, aalis na po muna ako." Paalam ni Camela sa matanda saka humalik sa noo nito."Mag ingat ka, apo!" Nakangiting ani Luna at masaya siya dahil naging maayos na ang relasyon ng mag ina. Pasalamat din siya kay Darwin dahil para sa asawa nito ay tanggapin na rin si Camela.Pag sakay ni Camela sa sasakyan ay tahimik lang siya at ok na ring sumama ang ina niya. Kahit papaano ay hindi awkward ang pag sakay niya for the first time sa sasakyan ni Darwin at ito pa ang driver."Puwedeng dumaan muna tayo sa apo natin bago sa kaibigan mo?" tanong ni Tanya sa asawa."Ok." Maiksing sagot ni Darwin at tuwid lang ang tingin sa daan.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at malapit na siya maniwala na may dadalawin ngang ibang tao si Darwim sa hospital. Bumuntong hininga siya saka ngumiti kahit wala namang kausap. Napangiti siya dahil wala ng galit siyang nararamdaman para sa amain. Dati, makita lang ito ay naiinis na siya. Paano naman kasi kung maningin ay para siyang salot na laging gagawa

  • TAINTED LOVE    Chapter 146-Puri sa anak

    "Aba at marunong ka na talaga maghugas at linis ng lababo." Mukha pa rin hindi makapaniwalang ani Tanya sa anak."Mom, halos katulong ang trabaho ko sa Japan noong una. Saka kailangan kong matutunan lahat at wala akong ibang maasahan noong manganak at kahiya din sa kaibigan ko ma kinupkop na nga ako ay magpapabigat pa ba sa gawaing bahay?" Sagot ni Camela sa ina habang pinupunasan ang lababo dahil tapos na niyang linisin gamit ang sabon at tubig. Pero natigilan din siya, huli na para bawiin ang mga sinabi. Pag tingin niya sa ina ay tahimik na itong umiiyak."Inis sorry, anak!" Umiiyak na ani Tanya. Sobra siyang nasasaktan sa dinanas ng anak. Sa ibang bansa kasi ay hindi naman ito hirap sa buhay at panay kain sa restuarant dahil hindi tinitipid ng ina niya sa pera.Huminga nang malalim si Camela saka binitiwan ang malinis na basahan saka nilapitan ang ina. "Marami akong natutunan at naging matatag kaya may maganda rin dulot ang pagtikis ninyo sa akin." Pampalubag niya sa loob ng ina.P

  • TAINTED LOVE    Chapter 145-Pagdating ni Darwin

    "Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna

  • TAINTED LOVE    Chapter 144-Their attitude

    Napangiti si Camela, hindi niya ito pwedeng biglain at baka makahalata na may alam na siya tungkol sa donor ni Lindon. Ayaw niyang isipin ng ina na nakipag mabutihan na siya rito dahil sa pagiging donor nito. Well, pareho sila ng ugali ng ina kaya naintindihan niya ito."Kumusta na ang mga anak mo? Wala ka bang balak na ipakilala sila sa lola mo?" Pagalit pa ring tanong ni Tanya sa anak.Sumubo muna siya ng pagkain bago sumagot sa ina. "Bumubuti na ang kalusugan ni Lindon kaya huwag kayong mag alala.""Apo ko pa rin sila kahit ayaw mo pa rin sa akin." Paalala niya sa anak.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at pinakatitigan ang ina."Huwag mong isiping woried ako sa mga anak mo dahil nagsisi na ako sa pamamaniwala sa iyo noon. Bilisan mo ang pagkain diyan at gusto ko silang bisitahin muli at ipakilala sa lola mo." Pagsusungit niya sa anak. Hindi niya ito mapasunod sa mahinahon na usapan at mapagkumbaba, baka sa ganitong paraan ay magbago ang isip nito."Ayaw pang aminin na natu

  • TAINTED LOVE    Chapter 143-Reconcile

    Sobrang natuwa si Luna nang makitang magkasama ang dalawang apo na dumating. "Tanya, halika at dumating ang mga anak mo!" Masigla niyang tawag sa anak na abala sa binabasa sa silid nito.Nagkukumahog na lumabas ng silid si Tanya nang marinig ang tinig ng ina. Kapag ganoon ang tono ng ina ay alam niya kung sino ang dumating."Hello, lola!" Nakangiting niyakap ni Camela ang abuela. "Mabuti naman at nakaalala ka pang bisitahin ang abuela mo," tonong hindi natutuwa si Tanya na makita ang panganay na anak. Humingi na siya ng tawad dito pero iba kapag nasa pamamahay siya nito.Dahan dahang bumitaw si Camela sa pagkayakap sa matanda at nilingon ang ina. Pilit niyang sinupil ang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lubos na naunawaan ang ganitong ugali ng ina. Ngayon niya napagtuunan ng pansin ang mga titig nito sa kaniya. Kung magsalita ito noon ay parang galit pero iba ang sinasabi ng mga titig nito sa kaniya."Mom, ayos na po kami ni Ate. Isinama ko siya dito para madala

  • TAINTED LOVE    Chapter 142-Halik

    "Mag-ingat ka sa kapatid mo." Kausap ni Rex kay Edlyn bilang ganti niya sa masamang iniisip ni Rashed kanina para sa dalagang kaniyang tinatangi.Tumikwas ang kilay ni Camela habang nakatitig kay Rex. Mukhang mas mahalaga na ang kaligtasan ni Edlyn dito kaysa kaniya ngayon. "Joke lang," nakangiting inakbayan ni Rex ang kaibigan. "Mag ingat kayong dalawa." Bawi niya rito.Nakaramdam ng inggit si Rashed sa nakikitang closeness nila Camela at Rex. Nagagawan akbayan ito ng lalaki, samantalang siya ay panakaw pa lagi ang paghawak niya sa balat ng dating asawa. Naangkin man niya ito ay kung nasa mood ang dalaga at hindi siya puwede na unang mang manyak."Ikaw na muna ang bahala sa kambal, babalik din agad ako." Baling ni Camela sa binata.Tumango lang si Rashed at malungkot na tumitig kay Lindon na karga pa rin niya.Lumapit din si Edlyn kay Rashed at ipinatong ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo ba ako pag ingatin?"Mabilis na inalis ni Rex ang brasong nakaakbay sa kaibigan saka tumikhim

  • TAINTED LOVE    Chapter 18-Reunion

    Napangiti si Luna nang marinig na dumating na ang kanilang bisita. Nagpatulong siya sa umaalalay sa kaniya na maka tayo mula sa pagka upo sa wheelchair upang salubungin ang panauhin. Ngunit ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang sina Rashed ang dumating at ang ina nito."Mom, what's wrong?

  • TAINTED LOVE    Chapter 17-Matinding galit

    "F*ck you! Hindi ko kailangan ang kayamanan ninyo!" Napaiyak siya dahil sa galit na nadarama at hindi dahil sa sama ng loob. Hindi niga alintana ang sakit ng paa nang tumana iyon sa pader at nanaig ang galit na nadarama dahil sa dating asawa.Ilang segundo pa ang pinalipas ni Camela bago marahas na

  • TAINTED LOVE    Chapter 10-Pagpalaya sa sarili

    "June five?" naibulong ni Camela nang makita ang date sa cellphone. "Oh my, God!" natutup ni Camela ang bibig nang maalala ang monthly period. Tatlong lingo na siyang delayed at kakaiba rin ang nararamdaman niya sa kaniyang katawan.Napahawak si Camela sa kaniyang impis na tiyan. Nahiling na sana

  • TAINTED LOVE    Chapter 9-Pagmamalupit sa asawa

    "No, hindi siya maaring umalis sa pamamahay na ito!""Rashed?" Sabay at hindi makapaniwalang sambit nila Edlyn at Clarisa."Gusto ko siyang makitang nagdudurusa habambuhay kapalit ng buhay ni Lola!" mabalasik na turan ni Rashed.Parang lantang gulay na napatayo si Camela nang haklitin ni Rashed ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status