Mag-log inHabang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon.
"Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pinsan nito. "Mahal ko po si Rashed." Simple niyang sagot da ginang saka pinilit ang sarili na kumain. Ayaw niyang magkasakit dahil walang mag aalalaga sa kaniya, katulad sa ibang bansa. Umismid si Clarisa. "Tibay din talaga ng loob mo at kapal ng mukha. Kahit nasasaktan na ay ayaw pa ring bumitaw!" "Gusto ko po ng buong pamilya." "Sa tingin mo ay si Rashed ang makasama mo sa pagbuo ng pamilya?" Natatawang ani Clarisa. "In your dream! Alam mo bang ibinabahay na ni Rashed ang kapatif mo?" Biglang nag panting ang mga tainga ni Camela at pabagsak na binitiwan ang kutsara. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Hindi ka nagtataka kung bakit bihira na umuwi dito ang anak ko?" Mariing naipikit ni Camela ang mga mata at pilit na pinakalma ang sarili. Pinaalala sa sarili na ina ni Rashed ang kaharap. Napapansin nga niya ang picture na upload ni Edlyn na madalas ay sa iisang building. "Kung ayaw mong maniwala ay puntahan mo ang adress na ito." Napatingin si Camela sa maliit na calling card. May adress iyon at isa siyang condominium. Walang salitang kinuha niya ang ibinigay ng ginang at hindi na tinapos ang pagkain. Bago tumalikod ay nakita pa niya ang pag ngisi ng ginang. Natutuwa pa ito na malaman niya ang katotohanan at masaktan. Pagdating ni Camela sa building ay hapon na. Sinadya niya iyon upang masigurong tapos na ang trabaho ni Rashed at abangan sa labas ang pagdating nito. May isang oras ang lumipas ay nakita niya ang sasakyan ng asawa. Totoo ngang doon umuuwi ito sa halip na sa bahay ng mga ito. Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng kotse nang makita ang kapatid na kasunod lang ni Rashed. Pero ang ipinagtaka niya ay hindi ito hinintay ng asawa niya. Nakita niyang hindi rin sumunod si Edlyn sa asawa niya at may tinawagan ito. Nagmamadali siyang bumaba sa sasakyan at nilapitan ito. Mukhang nagulat pa si Edlyn nang makita siya at agad na pinutol ang tawag. "Ang landi mo, alam mong may asawa na si Rashed pero hindi mo iniiwasan!" Sa halip na magalit ay ngumisi sa kaniya si Edlyn. "Baka nakalimutan mong ako ang mahal ni Rashed at pinikot mo lang siya? Kaya sino sa ating dalawa ang malandi?" Ramdam niya ang pamumula ng pisngi dahil sa galit at selos. Hindi na niyang napigilang sugurin si Edlyn. Ngunit bago pa niya mahawakan ang buhok nito at nahawakan siya sa kamay. Itutulak niya sana ito ngunit biglang natumba ang kapatid. "What the hell are you doing?" Para siyang natuod sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng asawa mula sa likuran niya. Tinabig pa siya nito sa braso upang malapitan si Edlyn na kamuntik na niyang ikatumba. "Ouch, its hurt!" Daing ni Edlyn habang sapo ang balakang. "Rash, sinabi ko na sa kaniya na narito ako upang ihatid ang naiwan mong papelis ngunit ayaw niyang maniwala at pinagbibintangang malandi." Bumuka ang bibig ni Camela at hindi makapaniwala sa narinig. Gusto niyang ipag tanggol ang sarili at magpaliwanag sa asawa ngunit matalim ang tinging ipinukol nito sa kaniya saka pinangko si Edlyn na umaarteng nasaktan nang husto dahil sa kaniya. "Go home at huwag mong gulohin ang buhay ko rito!" Nakagat ni Camela ang ibabang labi at napaluha. Mukhang ayaw ng asawa na mapasok niya ang pad nito pero si Edlyn ay ok lang. "Hindi totoong nagsasama kayo ni Edlyn dito?" naitanong niya rito ngunit hindi siya pinansin at nilampasan na habang buhat si Edlyn. Naikuyom niya ang mga kamay nang makitang ngumisi si Edlyn at masaya dahil buhat ng asawa niya. Ngayon niya napagtanto na set up lang siya ng dalawa upang magalit sa kaniya si Rashed. Ayaw kasi ni Rashed na sinusundan ito o inaalam ang ginagawa. Hindi na siya sumunod sa dalawa at inis na sumakay sa kotse. Bumalik siya sa bahay nila Rashed pero hindi niya nakita si Clarisa. Dahil nagrerebelde ang kalooban ay kinuha niya ang gamot at pinagtatapon sa basura. Nakaramdam siya ng hilo matapos magwala sa silid kaya naupo siya sa kama. Kinalma niya ang sarili at nahiga upang magpahinga hanggang sa hindi namalayang nakatulog na. "Camela, lumabas ka riyan!" Napapiksi si Camela mula sa kinahigaan nang marinig ang galit na tinig ng biyanan. Hindi pa siya nakabangon nang bumukas ang pintuan. "Ano ang ibig sabihin nito, ha? Bakit mo tinapon ang lahat ng iniinum mo?" Napatingin si Camela sa hawak ng ginang. Iyon ang gamot na itinapon niya sa basurahan. "Hindi ko na po kailangan ng gamot." Ngumisi si Clarisa at isinaboy sa mukha ni Camela ang mga gamot. "Kailan mo pa natuklasan ang tungkol sa gamot?" Tumalim ang tingin ni Camela sa ginang pero pinigilan ang sarili na magsalita. Pagod na siya makipag argumento na hindi rin naman siya mananalo. "Hindi na pala kailangang itago ng anak ko sa iyo ang katotohanan." Nang uuyam na pagpatuloy ni Clarisa. Kahit may idea na kung ano ang ibig sabihin ng ginang ay nagtanong pa rin siya. "Simple lang, ayaw ni Rashed na magkaroon ng anak sa iyo kaya ka niya pinapainum nitong gamot." Naiiyak na umiling si Camela. Naalala niyang si Rashed mismo ang bumili ng mga gamot niya noon. Kaya pala hindi ito gumagamit ng protection tuwing gamitin siya dahil alam nitong hindi siya mabubuntis? Pakiramdam ni Camela ay nanikip ang dibdib niya dahil sa pinaghalong emosyon. "Ano ang ginawa ninyo ng apo ko, Clarisa?" Gulat na nilingon ni Clarisa ang ina at halatang galit ito. "Paano ninyo nagawang lokohin si Camela? Wala na ba talaga kayong puso para sa kaniya?" Tuluyang napaiyak na si Camela nang mabanaag sa mga mata ng donya ang pagkahabag para sa kaniya. Isa sa dahilan kung bakit nagtitiis siya sa pamamahay na iyon dahil sa matanda. Dito niya nararamdaman ang tunay na pagmamahal ng isang kapamilya. Pero ayaw niya itong magalit dahil matanda na ito. Lalo siyang nag alala nang makitang mukhang hirap huminga ang matanda."Lola, aalis na po muna ako." Paalam ni Camela sa matanda saka humalik sa noo nito."Mag ingat ka, apo!" Nakangiting ani Luna at masaya siya dahil naging maayos na ang relasyon ng mag ina. Pasalamat din siya kay Darwin dahil para sa asawa nito ay tanggapin na rin si Camela.Pag sakay ni Camela sa sasakyan ay tahimik lang siya at ok na ring sumama ang ina niya. Kahit papaano ay hindi awkward ang pag sakay niya for the first time sa sasakyan ni Darwin at ito pa ang driver."Puwedeng dumaan muna tayo sa apo natin bago sa kaibigan mo?" tanong ni Tanya sa asawa."Ok." Maiksing sagot ni Darwin at tuwid lang ang tingin sa daan.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at malapit na siya maniwala na may dadalawin ngang ibang tao si Darwim sa hospital. Bumuntong hininga siya saka ngumiti kahit wala namang kausap. Napangiti siya dahil wala ng galit siyang nararamdaman para sa amain. Dati, makita lang ito ay naiinis na siya. Paano naman kasi kung maningin ay para siyang salot na laging gagawa
"Aba at marunong ka na talaga maghugas at linis ng lababo." Mukha pa rin hindi makapaniwalang ani Tanya sa anak."Mom, halos katulong ang trabaho ko sa Japan noong una. Saka kailangan kong matutunan lahat at wala akong ibang maasahan noong manganak at kahiya din sa kaibigan ko ma kinupkop na nga ako ay magpapabigat pa ba sa gawaing bahay?" Sagot ni Camela sa ina habang pinupunasan ang lababo dahil tapos na niyang linisin gamit ang sabon at tubig. Pero natigilan din siya, huli na para bawiin ang mga sinabi. Pag tingin niya sa ina ay tahimik na itong umiiyak."Inis sorry, anak!" Umiiyak na ani Tanya. Sobra siyang nasasaktan sa dinanas ng anak. Sa ibang bansa kasi ay hindi naman ito hirap sa buhay at panay kain sa restuarant dahil hindi tinitipid ng ina niya sa pera.Huminga nang malalim si Camela saka binitiwan ang malinis na basahan saka nilapitan ang ina. "Marami akong natutunan at naging matatag kaya may maganda rin dulot ang pagtikis ninyo sa akin." Pampalubag niya sa loob ng ina.P
"Lola, baka po mangalay kayo sa pagka tayo." Inalalayan ni Edlyn ang abuela pabalik sa sala. Ayaw nitong umupo sa wheelchair kaya kailangan niyang alalayan. Alam niyang masaya ang matanda katulad niya. "Alright,let's go." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Luna. Ilang sandali pa ay dumating si Darwin."Dad, napaaga po ang uwi niyo?" bati ni Edlyn sa ama. Bigla siyang nag alala kung ano ang maaring mangyari kapag nagharap ito at ng kapatid niya."Nag aalala ako sa mommy mo at napapansin ko na naging malungkot siya nitong mga nagdaang araw." Sagot ni Darwin habang hinuhuban ang coat na suot.Napangiti si Edlyn, hindi mapagkaila na sobrang mahal ng ama ang ina niya. Sadyang mapagmahal ang ama kaya nga sobrang naiinggit su Camela noon sa kaniya. Siya ay may ama at ito ay wala. Napabuntong hininga siya, hindi niya naintindihan noon ang ganoong feeling ng kapatid. Sa halip na ipakita dito na hindi ito naiiba o hindi dapat mainggit ay lalo niya lang iniinggit noon."May problema ba?" Puna
Napangiti si Camela, hindi niya ito pwedeng biglain at baka makahalata na may alam na siya tungkol sa donor ni Lindon. Ayaw niyang isipin ng ina na nakipag mabutihan na siya rito dahil sa pagiging donor nito. Well, pareho sila ng ugali ng ina kaya naintindihan niya ito."Kumusta na ang mga anak mo? Wala ka bang balak na ipakilala sila sa lola mo?" Pagalit pa ring tanong ni Tanya sa anak.Sumubo muna siya ng pagkain bago sumagot sa ina. "Bumubuti na ang kalusugan ni Lindon kaya huwag kayong mag alala.""Apo ko pa rin sila kahit ayaw mo pa rin sa akin." Paalala niya sa anak.Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at pinakatitigan ang ina."Huwag mong isiping woried ako sa mga anak mo dahil nagsisi na ako sa pamamaniwala sa iyo noon. Bilisan mo ang pagkain diyan at gusto ko silang bisitahin muli at ipakilala sa lola mo." Pagsusungit niya sa anak. Hindi niya ito mapasunod sa mahinahon na usapan at mapagkumbaba, baka sa ganitong paraan ay magbago ang isip nito."Ayaw pang aminin na natu
Sobrang natuwa si Luna nang makitang magkasama ang dalawang apo na dumating. "Tanya, halika at dumating ang mga anak mo!" Masigla niyang tawag sa anak na abala sa binabasa sa silid nito.Nagkukumahog na lumabas ng silid si Tanya nang marinig ang tinig ng ina. Kapag ganoon ang tono ng ina ay alam niya kung sino ang dumating."Hello, lola!" Nakangiting niyakap ni Camela ang abuela. "Mabuti naman at nakaalala ka pang bisitahin ang abuela mo," tonong hindi natutuwa si Tanya na makita ang panganay na anak. Humingi na siya ng tawad dito pero iba kapag nasa pamamahay siya nito.Dahan dahang bumitaw si Camela sa pagkayakap sa matanda at nilingon ang ina. Pilit niyang sinupil ang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata. Ngayon niya lubos na naunawaan ang ganitong ugali ng ina. Ngayon niya napagtuunan ng pansin ang mga titig nito sa kaniya. Kung magsalita ito noon ay parang galit pero iba ang sinasabi ng mga titig nito sa kaniya."Mom, ayos na po kami ni Ate. Isinama ko siya dito para madala
"Mag-ingat ka sa kapatid mo." Kausap ni Rex kay Edlyn bilang ganti niya sa masamang iniisip ni Rashed kanina para sa dalagang kaniyang tinatangi.Tumikwas ang kilay ni Camela habang nakatitig kay Rex. Mukhang mas mahalaga na ang kaligtasan ni Edlyn dito kaysa kaniya ngayon. "Joke lang," nakangiting inakbayan ni Rex ang kaibigan. "Mag ingat kayong dalawa." Bawi niya rito.Nakaramdam ng inggit si Rashed sa nakikitang closeness nila Camela at Rex. Nagagawan akbayan ito ng lalaki, samantalang siya ay panakaw pa lagi ang paghawak niya sa balat ng dating asawa. Naangkin man niya ito ay kung nasa mood ang dalaga at hindi siya puwede na unang mang manyak."Ikaw na muna ang bahala sa kambal, babalik din agad ako." Baling ni Camela sa binata.Tumango lang si Rashed at malungkot na tumitig kay Lindon na karga pa rin niya.Lumapit din si Edlyn kay Rashed at ipinatong ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo ba ako pag ingatin?"Mabilis na inalis ni Rex ang brasong nakaakbay sa kaibigan saka tumikhim
"Alam mong wala kang laban sa akin kaya naisip mong ibalik si Rashed sa malandi mong kapatid." Nang uuyam na ani Miles."Kung malandi ang kapatid ko, ano na lang ang tawag sa isang tulad mo?" Kalmado lang si Edlyn at ngumiti kay Miles.Sandaling napipilan si Miles at hindi nagustohan ang pagbalik n
"May problema ba?" tanong muli ni Luna sa apo."Wala po, ang akala ko lang po ay kakilala ko iyong nakita kung naglalakad." Pagsisinungaling niyang muli sa abuela saka pilit na ngumiti.Hinatid ni Edlyn ang abuela sa kanilang bahay at nagpaalam din agad na aalis. Hindi na niya nagawang hintayin an
NANLULUMONG napasandal si Camela sa hamba ng pintuan pagkasara niyon. Bagsak ang mga balikat habang hawak ang result ng medical ng isang anak. Naroon sila ngayon sa hospital at kahapon ng hapon ay sinugod nila sa hospital ang anak. Biglang taas kasi ang lagnat nito at mabuti na lang ay sinamahan si
At ang nangyari kay Lola?" Itinaas ni Rashed ang kanang kamay at tinuro ang ina. Ilang segundong nakabuka ang bibig pero hindi magawang bigkasin ang laman ng isipan. Hindi matanggap ng sarili na malaking pagkakamali ang paniwalaan ang ina noon. Hindi niya matanggap na ang ina ang may kasalanan kung







