Mag-log inLindsay POV
Makalipas ang ilang linggo mula noong gabing iyon, ginawa ko ang lahat para iwasan si Jake. Hindi ko alam kung paano siya haharapin nang hindi ko naaalala ang tatay niya. Tuwing tumatawag siya, hindi ko sinasagot. Tuwing mag-aaya siyang makipagkita, palagi kong idinadahilan na busy ako sa trabaho. “Galit ka pa rin ba? I'm sorry na, okay? I love you, sweetheart.” Nang mabasa ko ang text message na iyon ni Jake, biglang pumatak ang mga luha ko habang nakaupo ako sa tapat ng computer ko sa opisina. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ako galit sa kaniya, galit ako sa sarili ko. Sobrang dumi ng pakiramdam ko. "Lindsay, may problema ba?" tanong ni Jennifer, ang katabi ko sa cubicle, nang mapansin niyang tahimik akong umiiyak habang nagpupunas ng mukha. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at umiling na lamang ako. "Wala, Jen. May pumasok lang sa mata ko," pagsisinungaling ko, sabay pilit ng isang ngiti. Bago pa man makapagtanong ulit si Jennifer, biglang pumalakpak ang aming supervisor sa gitna ng floor para kunin ang pansin ng lahat. "Hey, attention everyone! Short announcement," malakas na sabi ng supervisor namin. "Today, binisita tayo ng big boss at CEO ng Green Corporation, ang mother company natin. Mag-ayos kayo ng mga mesa niyo dahil mag-iikot siya rito sa production floor. Here he is... Mr. James Green." Tila huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang apelyidong iyon. Green. Iyon ang apelyido ni Jake. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin patungo sa may pintuan ng floor. Kasabay ng pagpasok ng mga lalaking naka-suit, nakita ko ang isang pamilyar at matangkad na pigura. Suot ang isang mamahaling dark gray suit, plantsadong-plantsado ang polo, at may seryosong mukha na tila hawig na hawig kay Albert Martinez. Si Mr. James Green. Ang CEO ng kumpanya namin. At ang tatay ng boyfriend ko na umangkin sa akin sa ibabaw ng lamesa ilang linggo na ang nakararaan. Nanlamig ang buong katawan ko. Gusto kong maglaho na parang bula o kaya ay magtago sa ilalim ng desk ko. Sa dinami-rami ng kumpanyang pwede kong mapasukan, bakit sa kumpanya pa pala ng pamilya nila? Hindi ko alam na ang Green Corporation na pagmamay-ari ng tatay ni Jake ay ang mismong mother company ng pinagtatrabahuhan ko ngayon. Nagsimulang maglakad si Mr. James Green sa pagitan ng mga cubicle, kasunod ang mga managers at supervisors namin na panay ang tango at paliwanag sa kaniya. Seryoso lang siyang tumitingin sa paligid, may awtoridad ang bawat hakbang, at bakas ang pagiging isang makapangyarihang CEO. "Good morning, Mr. Green," bati ng mga katrabaho ko habang dumadaan siya. Yumuko ako nang husto. Pilit kong ibinaling ang tingin ko sa screen ng computer ko at nagkunwaring abalang-abala sa pag-type, kahit na nanginginig na ang mga daliri ko. Idinalangin ko sa lahat ng santo na sana ay lampasan niya lang ang pwesto ko nang hindi ako napapansin. "And this is our main operations team, Sir," boses ng supervisor namin, papalapit nang papalapit sa cubicle ko. Naramdaman ko ang paghinto ng mga yabag ng sapatos sa mismong likuran ko. Ang pamilyar na amoy ng kaniyang mamahaling pabango, ang amoy na pilit kong kinakalimutan sa loob ng ilang linggo, ay muling pumasok sa sistema ko. "Everything looks efficient here," baritono at mababa niyang boses. Ang boses na iyon na dumaing sa sarap habang hawak ako... narinig ko na namang muli. "Yes, Sir. Sila po ang humahawak ng pinakamalalaking accounts natin," sagot ng supervisor ko. "Katulad po ni Lindsay dito—" Bago pa matapos ng supervisor ang pagpapakilala sa akin, napilitan na akong mag-angat ng tingin. Dahan-dahan ko siyang tiningnan. Sinalubong ako ng madidilim at matatalim niyang mga mata. Walang bakas ng gulat sa mukha niya. Sa halip, isang unti-unti at makahulugang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang makita ang namumutla kong mukha. Alam niya. Alam niyang dito ako nagtatrabaho. "Lindsay," pag-uulit niya sa pangalan ko, na tila ninanamnam ang bawat pantig nito. Tumingin siya sa supervisor ko. "I want a full brief on her current accounts. Let her bring the files to my office... now." Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang mga folder na hiningi niya. Habang naglalakad ako patungo sa kaniyang opisina, parang gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib. Pagpasok ko, dahan-dahan kong isinara ang pinto at nanatiling nakatayo malapit doon. Nakatitig siya sa akin mula sa kaniyang malaking executive chair. Inalis niya ang kaniyang salamin at sumandal, bago sumilay ang isang mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi. "Ilang linggo mo nang iniiwasan ang anak ko, Lindsay. At mukhang pati ako, iniiwasan mo rin," panimula niya, ang baritono niyang boses ay puno ng panunukso. "Bakit? Ayaw mo na ba raw maulit ang nangyari sa atin sa opisina ko?" Namilog ang mga mata ko at naramdaman ko agad ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Pulang-pula siguro ako sa tindi ng hiya at inis. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pilit na nagmatapang. "Stop it, Mr. Green! Isang beses lang 'yun at hindi na dapat maulit!" mariin kong pakiusap, kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. "Lasing ako noon at... at nagkamali ako." Natawa siya nang bahagya, isang mababang tunog na tila lalong nagpapahina sa mga tuhod ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa kaniyang upuan. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, bawat hakbang niya ay may dalang kakaibang bigat at presensya. Hindi ako makagalaw. Nang tuluyan siyang makalapit, ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang matipunong katawan at ng nakasarang pinto. Amoy na amoy ko muli ang pabango niya. "Isang pagkakamali?" bulong niya, habang unt-unting ibinababa ang kaniyang mukha malapit sa tenga ko. Ang init ng kaniyang hininga ay nagpadala agad ng kuryente sa buong katawan ko. Nagsimulang gumapang ang kaniyang daliri sa gilid ng aking bewang, marahang pinipisil iyon sa paraang alam kong tinutudyo at hinahamon niya ako. "Pero kung maalala ko, sweetie... parang gustong-gusto mo ang bawat sandali ng pagkakamaling 'yun." "P-please, Mr. Green... nasa trabaho tayo," halos pabulong kong pakiusap, habang pilit kong isinisiksik ang likod ko sa pintuan. Pero ang kaniyang katawan ay lalo pang lumapit, sapat para maramdaman ko ang kaniyang matigas na dibdib na nakadikit na sa aking mga nakalantad na braso. "Nasa trabaho nga tayo, Lindsay. At bilang CEO mo, ang sabi ko... i-brief mo ako sa accounts mo," paos niyang bulong, pero ang kaniyang mga daliri ay patuloy sa mapang-akit na paggapang sa aking bewang paitaas sa gilid ng aking tadyang. Ang kaniyang mapang-asar na ngiti ay dahan-dahang napalitan ng pamilyar na seryoso at madilim na tingin, ang tingin na nakita ko sa kaniya noong gabing angkinin niya ako. Hinawakan ng kabilang kamay niya ang aking panga, pinilit akong mag-angat ng mukha para salubungin ang kaniyang mga mata. "You're shaking, sweetie," tudyo niya muli, habang ang kaniyang hinlalaki ay marahang hinahaplos ang aking ibabang labi. "Isang beses lang pala, pero bakit ganyan kabilis ang tibok ng puso mo ngayon?" "Dahil... dahil natatakot ako na baka may makakita sa atin, lalo na si Jake," sagot ko, ramdam ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata sa halo-halong emosyon. Nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang anak, bahagyang tumigas ang kaniyang anyo, pero hindi niya inalis ang kaniyang mga kamay sa akin. Sa halip, lalo niyang idiniin ang kaniyang katawan sa akin, dahilan upang mapasinghap ako nang maramdaman ang kaniyang unt-unting nagigising na katigasan sa pagitan ng aming mga hita. "Then you better stay quiet," bulong niya bago mabilis na iniyuko ang kaniyang ulo upang sakupin ang aking mga labi ng isang mariin at mapusok na halik.Lindsay POV Nanlamig ang mga daliri ko habang hinahawakan ko ang makinis na tela ng blusa. Amoy mamahaling pabango ito, isang matamis, mapang-akit na amoy na malayong-layo sa banayad na vanilla scent na madalas kong gamitin. At ang disenyo... ito ay isang see-through na silk blouse na halatang isinusuot para sa mga espesyal o... mapangahas na okasyon. Nilibot ko ang paningin ko sa buong sala ni Jake. Sa unang pagkakataon, tila ba nagbago ang kulay ng paligid. Ang condo na madalas kong ituring na ligtas na kanlungan mula sa bagsik ng kaniyang ama ay biglang naging banyaga sa aking mga mata. Jake... may iba ka ba? Isang mapait at sarkastikong tawa ang muntik nang makawala sa lalamunan ko. Nakakatawa. Nakakatawang isipin na narito ako, halos mabaliw sa konsensya at takot dahil sa pagtataksil ko sa kaniya kasama ang sarili niyang ama—habang may posibilidad na ang mismong lalaking pinoprotektahan ko ang puso ay may sarili rin palang lihim sa loob ng condo na ito. Dinala ako
Lindsay POV "Ah, oo nga, Dad. Kanina ko pa nga siya napapansin, parang nilalamig o ewan," dugtong ni Jake habang nakangiting nakatingin sa akin. Lumapit siya sa tabi ko at hinawakan ang balikat ko. "Sabi ko nga, magpalit muna ng mas malamig na damit kasi baka lalong lagnatin." "Is that so?" Makahulugang tinaas ni James ang kaniyang isang kilay. Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata, tila binabasa ang bawat takot at panginginig na pilit kong itinago. "Mabuti pa nga, Jake. Alagaan mo ang girlfriend mo. She needs to keep herself... well-covered." Gusto kong lamunin ng lupa sa tindi ng hiya at takot. Ang bawat salita ng kaniyang ama ay may dobleng kahulugan na ako lang ang nakakaunawa. Isang maling galaw ko lang, isang maling ekspresyon ng mukha, ay sapat na para gumuho ang lahat. "Sige po, Dad. Salamat uli rito sa mga papeles. Ipapasa ko 'to agad bago mag-alas-tres," pormal na sagot ni Jake. "Good. See you at the office tomorrow, Jake. At sa iyo rin, Miss Lindsay,"
Lindsay POV Halos hindi ako makahinga habang nasa loob kami ng elevator pababa sa parking lot. Magkahawak ang aming mga kamay, at sa bawat paghigpit ng hawak ni Jake, pakiramdam ko ay sinusunog ang balat ko ng matinding konsensya. Ang kaniyang mga ngiti, ang kaniyang kasabikan para sa aming anibersaryo—ang lahat ng ito ay isang patalim na dahan-dahang ibinabaon sa aking dibdib. "Doon na lang tayo sa condo ko mag-lunch, sweetheart. Nagpa-reserve sana ako sa restaurant kaso naisip ko, mas maganda kung tayong dalawa lang ang magkasama ngayon. I want it to be private," masayang kwento ni Jake habang binubuksan ang pinto ng kaniyang kotse para sa akin. "S-sige, Jake. Ayos lang sa akin," tipid kong sagot. Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay nanginginig pa rin ang mga binti ko sa bawat paghakbang. Pagpasok sa kotse, tahimik lang ako. Gusto ko nang umiyak, gusto ko nang sumigaw at aminin sa kaniya ang lahat, pero alam kong sa oras na bumuka ang bibig ko, pareho kaming masisira. Lal
Lindsay POV Nanatiling nakabaon si James sa loob ko habang pareho kaming naghahabol ng hininga. Ang kaniyang mabigat na dibdib ay sumasabay sa bawat mabilis na pag-angat at pagbaba ng aking balikat. Unt-unting nagbalik ang lamig ng aircon ng boardroom sa aking hubad na balat, at kasabay niyon ay ang unt-unti ring paggising ng natutulog kong konsensya. "Ngh..." Isang mahinang hikbi ang nakawala sa akin. Ang mga luha na kanina pa nagbabadya ay tuluyan nang umagos sa aking mga pisngi. Tiningnan ako ni James. Walang kahit anong bakas ng pagsisisi sa kaniyang mukha. Sa halip, marahan niyang hinaplos ang aking pisngi gamit ang kaniyang likod ng palad, pinapahid ang aking luha sa paraang halos magmukhang malambing—kung hindi ko lang alam kung gaano siya kabilis magbago ng anyo bilang isang mapanirang bagyo. "Huwag kang umiyak, Lindsay. Ginusto mo rin ito," pabulong at paos niyang sabi bago dahan-dahang humugot palabas sa akin. Napasuntok ako nang mahina sa ibabaw ng lamesa nang mara
Lindsay POV Napahigpit ang hawak ko sa aking notebook. "I-iniwan ko na po ang report sa lamesa niyo, Mr. Green. Kung wala na po kayong kailangan, babalik na ako sa station ko," mabilis kong sabi, sinusubukang panatilihing propesyonal ang aking boses kahit na ang totoo ay nagkakarera na naman ang tibok ng puso ko. "Sino'ng nagsabing wala na akong kailangan?" tugon niya. Hindi niya ako hinayaang makahakbang. Sa ilang malalaking hakbang ay narating niya ang pwesto ko. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa sandalan ng aking upuan, ikinukulong ako sa kinaroroonan ko. Ang kaniyang pamilyar na pabango ay agad na pumuno sa aking sistema, nagpapadala ng lason at init sa buong katawan ko. Tumingin siya pababa sa suot kong turtleneck. Isang mapang-asar na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. "Naka-turtleneck? Nilalamig ka ba, o may sinusubukan ka lang itago mula sa akin... at sa anak ko?" bulong niya, ang kaniyang daliri ay marahang sumuyod sa gilid ng aking leeg, eksakto sa i
Lindsay POV Buong byahe sa kotse ni Jake ay nanatili akong tahimik, nakatingin lang sa labas ng bintana habang yakap-yakap ang bouquet ng bulaklak na ibinigay niya. Ilang beses niyang hinawakan ang kamay ko, hinahaplos iyon gamit ang kaniyang hinlalaki, sinusubukang pakalmahin ang inaakala niyang "kaba" ko dahil sa CEO. Kung alam mo lang, Jake. Kung alam mo lang kung anong uri ng panginginig ito. "Sweetheart, diretso tayo sa condo mo? Para makapagpahinga ka na nang maayos," malambing na mungkahi ni Jake habang nakatitig sa daan. "O-oo, please. Gusto ko na lang munang matulog," sagot ko nang hindi lumingon sa kaniya. Ang totoo, gusto ko nang maligo. Gustong-gusto ko nang magbura sa katawan ko, kahit alam kong ang dumi sa konsensya ko ay hinding-hindi na mairarahas ng anomang sabon. Nang makarating kami sa tapat ng condo ko, ipinarada niya ang kotse. Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto at inihatid ako hanggang sa mismong tapat ng unit ko. "I'll leave you to rest, okay?







