Mag-log in“Fuck!" Naihilamos na lang ni Abraham ang kanyang palad nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa. Sinundan niya ng tingin ang inaanak at dire-diretso lang itong umakyat hanggang sa makapasok sa sariling kwarto.
Hindi niya mapigilang mainis sa sarili dahil nawalan siya ng kontrol. Nainis kasi siya sa sinabi nito na kumakandong na ito sa boyfriend nitong si Brent. He felt a little pang of jealousy. Kaya gusto niya ring iparamdam kay Yvonne na mas komportableng kumandong sa kanya kaysa sa hita ng boyfriend nito. Pero mukhang iba ang naging reaksyon nito kaysa inaasahan.
Uminom na lang siya ulit ng alak saka tinitigan ang pumipintíg na bukol sa sentro niya. Nagwawala sa tigas ang kanyang alaga. At siguradong naramdaman ito ng dalaga kanina dahil pansin niyang napatingin ito rito. Napailing na lang siya nang maisip na baka mailang na ng tuluyan ang inaanak sa kanya, at baka iniisip na nito na pinagnanasaán niya ito... na totoo naman.
Pero kahit na totoong may pagnanàsa siya rito ay ayaw niya pa ring mahalata ito dahil baka ma-weirdo-han lang sa kanya ang inaanak.
“Ang tanga mo naman, Abraham!” gigil niyang sambit sa sarili saka siya tumayo at iniligpit ang bucket ng yelo at bote ng alak. Hindi dahil para matulog na, kundi dahil gusto niyang pumunta ng bar at uminom ng mas matapang na inumin.
Nang mailigpit niya ang mga ito ay umakyat na siya sa kwarto niya para kumuha ng jacket. Napahinto pa siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Yvonne. Kakatukin niya sana ito para makausap, pero naisip niya rin ang posibilidad na baka hindi naman ito nailang sa kanya.
“Bukas na lang,” aniya saka siya bumaba at dumiretso sa garage.
Balak niya sanang pumunta sa paboritong bar niya, pero dahil naalala niyang nag-text pala si Joseph, ay nagdesisyon siyang mag-iba ng pupuntahan. Baka kasi magtagpo ang landas nila ni Joseph, at ayaw niya munang mangyari ‘yon dahil gusto niya munang mapag-isa.
Naghanap siya ng magandang bar na malapit sa kinaroroonan niya at may nakita siyang kakabukas lang na bar. Agad siyang nagtungo rito, pero natigilan siya nang makita niyang halos lahat ng mga pumupunta ay higit na mas bata sa kanya. Tingin niya’y hindi para sa kanya ang bar.
Aalis na sana siya nang may makita siyang pamilyar na mukha. Naningkit pa ang mga mata niya para masigurong hindi siya nagkakamali.
It was Brent.
Inilapit pa niya ang sasakyan para kumpirmahin.
At si Brent nga, at may kausap itong isang babae na tingin niya’y ka-edad lang din ni Yvonne.
“Must be his friend…” aniya, dahil ayaw niyang pagdudahan ang lalaki. Kahit na naiinis siya rito ay hindi rin naman niya maitatanggi na magalang at mabait ito nang makausap niya. Disenteng binata.
Hahayaan na lang sana niya ito pero natigilan siya nang makitang inakbayan ni Brent ang kausap nitong babae at nakipagtitigan dito. At hindi lang doon natapos ang lahat dahil nagsimulang maghalikan ang dalawa.
Umawang ang bibig niya sa labis na galit.
Lalabas na sana siya sa kotse niya para komprontahin ang binata, pero naisip niya na wala siya sa posisyon para gawin ‘yon. At isa pa, baka baliktarin lang siya nito kung sakaling isumbong niya ito kay Yvonne. Kaya ang ginawa niya ay kinunan niya ng video ang kagagúhang ginagawa ng lalaki.
“Ang kapal ng mukha mong paglaruan si Yvonne…” gigil niyang sabi habang titig na titig sa nire-record niyang video. “Don’t expect that you can get away with this. Akala ko pa naman disenteng tao ka.”
Sinigurado niya talagang kita ang mukha ng binata at ng kahalikan nito para solid ang ebidensyang maipapakita niya sa inaanak.
“How dare you toy with Yvonne's heart?!” inis niyang sabi saka itinigil ang pagkuha ng video.
Hindi siya lubos na makapaniwalang may tinatagong kati rin pala ang binata. Mas lalo lang tuloy kumulo ang dugo niya nang maalala kung paano ito makipaglambingan kay Yvonne na para bang wala itong ginagawang kasalanan.
Sinayang nito si Yvonne!
Bago pa man tuluyang magdilim ang paningin niya ay nagdesisyon siyang umuwi na lang. At sa kalagitnaan ng galit niya ay bigla siyang natigilan nang may napagtanto.
Sumilay ang isang matagumpay na ngisi sa kanyang mga labi dahil nabuhayan siya ng pag-asa. Sa oras na malaman ni Yvonne na niloloko lang ito ng nobyo nito, malamang sa malamang ay iiwan nito si Brent. Mawawala ang sagabal sa kanilang dalawa.
He knows it was evil to destroy a relationship, pero hindi niya rin kayang sikmurain ang ginagawang panloloko ni Brent. He has to teach him a lesson. Dahil kung nagkataon na siya ang naging nobyo ni Yvonne, hinding-hindi niya ito lolokohin.
Mukhang gumagawa talaga ng paraan ang tadhana upang mapasakamay niya ang inaanak.
Dapat ba niyang kunin ang pagkakataong iyon?
"Yvonne, hindi gano'n," mabilis na tugon ng Ninong niya para depensahan ang sarili. "Mag-usap muna tayo. Ipapaintindi ko sa'yo ang lahat. We haven't properly talked, and I want to...""Ano pa bang pag-uusapan, Ninong? Wala na. Klaro na sa akin ang lahat, so you don't have to rub it in my face all over again," may bahid ng inis at pagtataray niyang sagot. "And if you're worried that things might get awkward between us, don't worry. I can handle it way better than you could ever think," dagdag niya at malakas na isinara ang pinto.Kumatok pa itong muli, pero hindi na niya ito pinansin. Ini-lock niya ang pinto saka siya sumampa sa kama at isinuot ang wireless earphones. Pagkatapos ay nagpatugtog siya nang malakas para hindi na niya marinig ang boses nito."Bahala siyang mamaos kakatawag!"Kinabukasan ay maaga siyang naghanda. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nasa lobby na siya ng hotel para mag-check out. Sinadya niya iyon para hindi magkrus ang landas nila ng Ninong niya. Alam niyang
Huminga nang malalim si Yvonne. Hinayaan niyang manuot sa kanyang sistema ang presko at maalat na hangin. Halos isang oras na siyang nakaupo sa tabi ng dalampasigan kasama si Axel, na walang ibang ginawa kundi iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Paulit-ulit nitong sinabi na sasaluin siya nito."Are you feeling better?" tanong nito sa kanya habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. Malambing at maamo ang boses nito, at puno ng pag-aalala ang ekspresyon.Marahan siyang tumango. "A bit better," mahinang tugon niya saka tipid na ngumiti rito. Pinagmasdan niya ang lalaki. She was genuinely grateful to him. Kahit na hindi niya masagot ang sinabi nito kanina, nanatili pa rin ito sa tabi niya. "Thank you for staying with me and helping me feel better."Ngumiti ito pabalik saka marahang ginulo ang buhok niya."All for you."Matapos ang usapang iyon ay muli silang natahimik. But it wasn't an awkward silence. It was a silence that gave her the space and time to recover from the sudden pain
Nakayakap si Yvonne sa kanyang mga tuhod habang hinihintay na makabalik sa daungan ang yate. Nasa kwarto lang siya at naghihintay ng senyas mula sa Ninong niya kung nakarating na ba sila. Ayaw niyang lumabas dahil mas lalo lang siyang madudurog kapag nakita niya ang Ninong niya na tila ba'y hindi apektado sa ginawa nito."Hindi niya talaga ako mahal. He doesn't even care for me."Kay hapdi ng mga mata niya. Tila natuyuan siya ng luha dahil sa dami ng inilabas niya kanina. She was deeply hurt. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang puntahan ang Ninong niya at tanungin kung ano bang wala sa kanya at hindi siya nito magawang magustuhan, pero hindi na niya ginawa dahil ayaw na niyang ibaba pa ang sarili niya. Ayaw niyang ubusin ang natitirang dignidad na mayroon siya.Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok sa pinto."We're almost there, Yvonne. Pwede ka nang lumabas."Hindi siya kumibo. Naghintay lang siya na tumigil ang pag-andar ng yate saka siya tumayo at lumabas ng kwarto. Nakita niya an
Napabuga na lang ng hangin si Abraham habang nakatingin sa direksyon kung saan tumakbo ang dalaga. Naihilamos niya ang mga palad saka umupo. It was hard for him to break her heart, but he had to. He had no choice but to break it. Hindi sila puwede. He had no time for romance because he had more pressing issues to deal with.Huminga siya nang malalim at nagsalin ng alak sa baso saka tiningnan ang madilim na karagatan. Sinamyo niya ang malamig na ihip ng maalat na hangin at hinayaan itong guluhin ang kanyang buhok. Pumikit siya at napasandal na lang sa upuan. Hindi niya lubos akalain na magiging ganito ang bakasyon nila. This was never part of his plans. He never saw this coming.Akala niya ay klaro sa dalaga ang lahat, na ayos lang dito ang set-up nila lalo pa't minsan na niyang sinabi rito na wala siyang kahit na anong nararamdamang pagmamahal para rito. Nakapag-usap na rin sila nitong nakaraan."Fúck..." Nasuklay na lang niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri dahil sa prustrasyo
Huminga si Yvonne nang malalim saka tumayo nang kahit papaano ay magpantay ang kanilang mukha. Pero kinailangan niyang kumapit sa mesa dahil nangangatog ang kanyang mga tuhod dahil sa labis na kaba."Take a guess," aniya at pilit na ngumisi rito kahit na halos matumba na siya sa kaba at mawalan ng boses sa lakas ng kabog ng dibdib niya."I don't like guessing, Yvonne..." pabulong na sambit nito sa kanya saka siya nilapitan at biglaang siniil ng halik. Hindi na siya nakapalag pa nang lamunin ng lalaki ang mga labi niya. "Why don't we let our bodies do the talking?" dagdag nito saka sensual na hinagod ang kanyang balikat pababa sa kanyang matambok na pang-upo.Napasinghap siya nang pisilin iyon ng lalaki. At sinamantala naman iyon ni Abraham para ipasok ang dila sa bibig niya.Napakapit na lang siya sa balikat ng Ninong niya at tuluyang tumugon sa mga halik nito. She kissed him sweetly. Kahit na kayrahas at gigil ng halik na iginagawad sa kanya ng lalaki ay hinalikan niya ito nang banay
Nakatitig lang si Yvonne sa screen ng cellphone niya habang nakaupo at hinihintay na matapos magluto si Abraham. Kasalukuyan silang nasa isang yate na nirentahan ni Abraham para magkaroon sila ng pribadong oras at sandali."Why do you keep on checking your phone when I am just right in front of you?" kunot-noong tanong ng Ninong niya sa kanya. Bakas ang kuryusidad sa kulay kapeng mga mata nito habang nagluluto sa harapan niya.Inilapag niya ang cellphone sa mesa saka ngumiti rito at umiling. "I'm just killing some time," aniya saka inilibot ang tingin sa paligid.Hindi ito ang unang beses na nakasakay siya sa yate, pero ito ang unang beses na nakasakay siya nang si Abraham ang kasama—at silang dalawa lang. Hindi niya rin mapigilang mapangiti habang iginagala ang mga mata sa mga dekorasyong ipinalagay ng lalaki. May mga scented candle sa bawat sulok at naka-set up sa gitna ang isang bilugang mesa na may kandila at bote ng wine at dalawang set ng mamahaling plato at kubyertos.This seem







