Share

Chapter 7

Author: Yeiron Jee
last update Petsa ng paglalathala: 2025-07-09 12:21:05

"Great!" Mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib si Jaira. "Mabait iyang pinsan ko. Kapag nakatulog na siya ay pakidala na lang sa room ko at kailangan ko nang magpahinga." Ibinigay ni Jaira ang hotel room sa lalaki. Medyo lasing na rin kasi siya kaya gusto na niyang magpahinga. Bahala na ang pinsan niya sa sarili nito. Alam niyang kahit lasing na ito ay alam pa rin ang ginagawa.

Napabuntong hininga si Blake nang makaalis na ang isang babae. Mabilis niyang binuhat ang dalaga saka pinaupo sa sofa ngunit biglang tumayo at nagsasayaw. "Hindi ka ba nahihilo?"

Tumigil sa pagsayaw si Faredah at sinipat ang mukha ng lalaki. Namumungay ang mga mata na lumapit siya rito at sinalat ang maganda nitong mukha. Pinisil niya ang panga nito saka ngumiti. "Ang guwapo mo naman para maging bayarang lalaki."

"What?" Mukhang nabingi ang binata sa narinig. "Alam mo pa ba ang pinanggagawa mo?"

Napalabi si Faredah at ang sungit ng lalaki. "Of course, bakit ba ang dami mong reklamo at tanong? Hindi mo ba alam na masuwerte kang ikaw ang napili kong bilhin ngayong gabi?" Pagkasabi niyon ay dinampot niya ang basong may laman na alak.

Mabilis na inagawa ni Blake ang baso. "Tama na at lasing ka na."

Napasimangot na si Faredah at naalala ang ganoong linyahan ni Denis. Laging sinasabi na huwag siyang maglasing at baka makalimot sa sarili. Inis na hinila niya ang necktie ng binata. "Ayaw ko nang makinig sa isang tulad mo, pare pareho lang kayo na kunwari ay gentleman pero ang totoo ay hindi makuntinto sa isang babae!"

Napamura si Blake at mukhang ginagalit niya lang lalo ang dalaga. "Alright, wala na akong masabi pa at ikaw ang boss ngayon." Itinaas pa niya ang dalawang kamay upang ipakita sa dalaga na mahina siya.

Biglang umamo ang mukha ni Faredah at natuwa sa lalaki. "Good boy. Gusto kong makaganti sa manloloko na iyon at ipakitang kaya ko ring gawin ang ginagawa niya!"

Nanlaki ang mga mata ni Blake nang bigla na lang haklitin ng dalaga ang suot niya. Nagtalsikan ang buton niyon at agad lumantad ang dibdib niya sa mga mata nito.

Mukhang natakam si Faredah na pinagmasdan ang matigas na dibdib ng binata. Hindi nga siya nagkamali na maraming pandesal na itinatago ang binata. Agad niya iyong hinaplos at dinama ang init sa katawan ng lalaki.

"Alam mo ba kung ano ang maaring mangyari kapag ipinagpatuloy mo iyang ginagawa mo?" tanong ni Blake sa dalaga at pilit na kinukontrol ang sarili.

Inis na iwinaksi ni Faredah ang kamay ng binata nang piginilan nito ang kamay niya sa pagdama pa sa katawan nito. "Akin ka mula ngayon!" Mapang angking aniya saka hinalikan sa dibdib ang binata.

"You ask for this, huwag mo akong sisihin sa kung ano mang mangyari sa atin ngayon." Agad na binuhat ni Blake ang dalaga at inilabas sa silid na iyon.

"Hey saan mo ako dadalhin?" Reklamo ni Farefah at para siyang isang sako kung buhatin jg binata at isinampay sa balikat nito.

Sa halip na sagutin ang dalaga ay marahan niyang pinisil ang pang upo ng dalaga upang tumigil sa paglilikot. May sumalubong sa kaniya na staff at pinagbuksan ng silid siya ng pinto.

"May ipag utos pa po kayo, sir?" tanong ni Josh sa binata.

"No." Maiksing sagot ni Blake at dumiritso na ng pasok sa silid.

Mabilis na isinara ni Josh ang pinto at umalis na upang hindi makaistorbo.

Napasinghap si Farefah at walang ingat na ibinaba siya ng lalaki sa kama. Tatayo sana siya ngunit mabilis itong nakasunod at ngayon ay nasa ibabaw na niya. Agad niyang nakalimutan ang galit dito nang masilayan ang nakakahalina nitong labi at guwapong mukha. Namalayan na lang niya ay magkahugpong na ang mga labi nila at parang lalo siyang nalasing dahil sa kakaibang tamis ng halik ng binata.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Ernesto P. Arcalas Jr.
ayan na may mangyayari na sa knila ni blake.ok lng Yan baka Kilala dn sya ng magulang mo faredah.kaya Jan k nlng KY Blake at hiwalayan mo na c Dennis
goodnovel comment avatar
Jenelyn Occillada
plss can u give me a chance to read until the end
goodnovel comment avatar
Joce Lyn Buyacao
naku Faredah jan ka nlng kay Blake hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 147

    "Papatayin kitang hayop kang malandi ka!" Naghistirika na si Cynthia at nangangati ang mga kamay na mapaputok ang hawak na baril. Ngunit hindi magawa dahil nagtatago ang babae sa likod ni Terence. "Terence, baka mapahamak ka. Hayaan mo na akong harapin siya." Natatakot na kausap ni Charlene sa nobyo habang mahipit na nakahawak sa braso nito."No, stay away from her." Matigas na turan ni Terence at hindi hinihiwalay ang tingin kay Cynthia. Nang makita ang ama na nasa bungad na nang pinto at nagsenyasan sila gamit lang ang tingin. Pinarating ng tingin ni Cyril sa anak na libangin si Cynthia upang hindi siya mapansin na maka lapit dito at maagawa ang hawak na baril."Cynthia, " tawag ni Terence sa babae nang mangunot ang noo nito. "Mahal mo ba talaga ako?"Nagulat si Cynthia sa biglang bago ng tono ni Terence at hindi inaasahan ang ganoong tanong mula rito. "Hindi tayo hahantong sa ganito kung hindi kita mahal na mahal!""Hayaan mong makaalis si Charlene at sasama ako sa iyo kung saan

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 146

    Nangalit ang mga bagang ni Terence at humigpit pa ang yakap sa dalaga. Hindi niya rin kayang isipin na mawala ang dalaga. Kung sinunod niya ang utos ng ama at hepe.ay baka nahuli na siya sa pag ligtas sa nobya. Binuhat niya ang dalaga at humakbang na palabas ng silid ngunit natalisod niya ang lamesa kaya natumba.Napalingon si Cynthia sa pinto nang makarinig ng lagabog doon. Babalik na sana siya sa loob nang biglang magsalita ang lalaking nanghihingi ng tubig."Pulis ito, itaas ang mga kamay at huwag nang magtangkang manlaban dahil napapalibutan na namin kayo!" Nanlaki ang mga mata ni Cynthia at nakatutok na sa kanila ang baril na hawak ng pulis. Ang tao niya ay mukhang na estatwa na sa kinatayuan at agag na itinaas ang mga kamay. "No..." nanlisik ang mga mata niya dahil sa galit. "Hindi ako papayag!"Napamura ang hepe nang biglang ibato sa kaniya ng babae ang hawak nitong cellphone at mabilis na nakapasok sa pinto. Naisara agad nito ang pinto bago pa niya mapigilan iyon na magsara.

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 145

    Parang nabunutan ng tinik si Charlene at pansamantalang naudlot ang kahalayan ni Willy. Nang maalala na may tao sa paligid ay bigla siyang sumigaw. "Tulong! Tulunga—uhmp!"Galit na tinakpan ni Willy ang bibig ng dalaga saka idiniin ang katawan nito sa dingding upang hindi makapag pumiglas.Halos dumugo na ang gilagid ni Terence dahil pangangalit ng mga ngipin nang marinig ang sigaw ni Charlene. Kung puwede niya lang wasakin na ang pinto. Nang maalala na silencer ang hawak na baril at pinaputuka na niya ang seradura. Sinabayan niya ang ingay sa loob.Nangunot ang noo ni Cynthia nang pag silip niya sa bintana ay makita niya ang isang mukhang matanda na may hilang kambing palapit sa bahay. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kusina at parang may kumalabog doon. "Ma'am, ano po ang gagawin ko sa lalaking baliligaw dito?" tanong ng tao ni Cynthia. "Paalisin mo!" Pagalit na utos ni Cynthia. Nagtataka rin siya kung nasa ganito lugar pa ang lalaki dahil palubog na ang araw.Agad na sinuno

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 144

    "Ano na ang sitwasyon diyan?" tanong ng hepe sa tauhan at malapit na rin sila. Mabuti na lang at maliwanag pa ang paligid."Napalibutan na po namin sila at hinintay ang inyong go signal. May dumating babae at mukhang sinasaktan ang bihag."Naikuyom ni Terence ang mga kamay at sigurado siya na si Cynthia ang nakita ng kapulisan. Wala pang dalawang minuto ay huminto na ang sasakyan, hindi kalayuan mula sa bahay na pinagdalhan kay Charlene. Hindi niya talaga mapatawad ang babaeng iyon sa ginawa nito sa nobya niya sa ikalawang pagkakataon. Nag iisa ang bahay sa isang parang farm na napabayaan na dahil walang tanim o hayop sa paligid."Sir, huwag po kayo padalos dalos at naka lalong malagay sa pelegro ang nobya ninyo." Pigil ng hepe kay Terence nang tangkang baba na ito ng sasakyan."Ano pa ang hinihintay ninyo? Saka lang ba kayo kikilos kapag napahamak na nang tuluyan ang nobya ko?" Inis na tanong ni Terence sa hepe."Terence, kumalma ka at alam nila kung ano ang dapat gawin." Kausap ni C

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 143

    Napalitan ng pagkaaliw ang galit na nadarama ni Willy nang makita ang hitsura ng dalaga. Ang sexy nito sa ganoong posisyon at lalo siyang ginaganahan kapag mukhang palaban ang babae pero mahina. "Fierce, baby!"Parang masuka si Charlene sa paraan ng mga titig sa kaniya ng binata. Kahit may bTali ang mga kamay ay nagawa niya damputin ang lampshade na nakitang naka patong sa bedside table. "Huwag kang lumapit!" Inumang niya ang hawak dito pero tumawa lang ang lalaki."Wow, sa tingin mo ay masasaktan mo ako sa hawak mong iyan?" Natatawang tanong ni Willy sa dalaga. Mabilis na bumaba ng kama si Charlene at kamuntik pa siyang matumba. Mahina pa rin talaga ang mga tuhod niya at nanginginig iyon. Nilalamig din siya dahil tanging bra at panty ang suot niya. Hindi na muna niya initindi ang lantad na katawan. Ang kailangan niya ay lakas at makapag isip ng tama upang matakasan ang lalaki. Nang humakbang muli ang lalaki palapit sa kaniya ay inihampas niya ang hawak dito ngunit hindi ito tinamaa

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 142

    "Makinig ka, may hinala na sila na nakidnap ang kapatid ko.""Ano?" Galit na sigaw ni Willy. "Ang akala ko ba ay magaling ka sa drama at malinis itong ginawa natin? Paano nila nalaman?" "Hindi ko alam at huwag mo akong sisishin!" Bulyaw muli ng babae.Nagmura muli si Willy at napatingin sa babaeng natutulog. "Huwag kang magkamaling ikanta ako!""Gago ka ba? Bakit ko naman gawin iyan? Tumawag ako para sabihin sa iyo at nang makatago ka ng maayos!"Napabuga ng hangin sa bibig si Willy. "Nasaan ka na ngayon?""Dito pa sa bahay ng kapatid ko at hinaharangan nila ang pagkuha ko sa anak natin." Naiiritang sagot ni kausap ni Willy."Magkaniya kaniya na tayo mula ngayon. Bahala ka kung paano ka makaalis diyan at bahala na rin ako sa buhay ko!" Ibaba na sana ni Willy ang tawag ngunit pinigilan siya ng kausap mula sa kabilang linya."Paano ang kapatid ko?"Ngumisi si Willy. Wala sana siyang balaka sabihin ang totoo sa dati niyang kasintihan pero nasa mood siya ngayon manakot. "Huwag mo na siya

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 2: Chapter 34

    Napaiyak si Jaira nang malaman na inilabas na ng hospital si Arthur at dinala sa ibang bansa. Hindi manlang siya nakapag paalam sa binata at tulog ito nang umalis siya kanina. Kung alam niya lang na ganito ang balak ng ina ni Arthur ay hindi na sana siya umuwi upang maligo. "Anak, huwag kang mag a

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 2: Chapter 32

    "Baby, ayaw ko ring naglalagay ka ng lipstick sa labi at sobrang nakakaagaw ng atensyon ng mga lalaki."Umawang ang mga labi ni Jaira at hindi alam kung puri ba ng binata ang puna sa kaniya o what? Pero tama ba ang nadinig niya? Tinawag siyang baby ni Arthur? Lalong umawang ang mga labi niya nang d

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 2: Chapter 29

    Naaawang niyakap ni Faredah ang pinsan at umiiyak na ito nang maabutan sa sasakyan nito. Nagtatago ito roon at ayaw magpakita sa ina o kahit kanino."Confirm, dadalhin nga siya sa ibang bansa!" Umiiyak na sumbong ni Jaira sa pinsan. Tinapik tapik ni Faredah ang likod ng pinsan saka hinaplos. "Para

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 2: Chapter 19

    "Kawawa ka naman, aasa sa wala." Nang aasar at makahulugang turan ni Jessa."Kung wala ka lang ding alam kundi ang magyabang at mang asar, umalis ka sa harapan ko!" Inis na tinalikuran na niya si Jessa at ipinagpatuloy ang ginagawa.Tinawanan lang ni Jessa ang babae. Gusto niya sana lalo itong inis

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status