LOGIN"Make sure na mapagkatiwalaan at malinis ang lalaking ipadala mo dito, understand?" Bilin ni Jaira sa manager.
"Yes po, ma'am, right away!" Agad na tumalikod ang manager at nagmamadaling lumabas na. Nanlaki ang mga mata ni Jaira nang makita ang pinsan na nakatayo sa sofa at nagsasayaw eh wala namang music. "C'mon, boys, let's dance!" Gumiling si Faredah at hinubad ang suot na blazer. "Nabuang na!" Naibulalas ni Jaira, natutunan niya ang ganoong salita sa ina na tubong probinsya. "Tumigil ka at baka matumba ka, hindi kita kayang salohin!" "Taksil kang hayop ka!" "P*ta!" Napamura si Jaira at tinuturo na siya ng pinsan at hawak pa ang isang bote ng alak. Nag aalala siya na baka maibato iyon sa kaniya. " mukha ba akong tukmol?" Tukoy niya sa boyfriend ng pinsan. "Ano, mag deny ka pa? Kitang-kita ng magaganda kong mga mata kung paano mo kabayuhin ang malanding iyon!" Ibinato ni Faredah sa kung saan ang hawak na bote. "Ahhhh! Tarantang tumakbo si Jaira palayo sa pinsan sa takot na sa kaniya tumama ang ibinato nito. Ngunit bigla siyang nauntog naman sa kung saan. "Okay ka lang?" Mabilis na bumitaw si Jaira mula sa pagkahawak sa braso ng lalaki. Doon pala siya nabunggo. "Ikaw na ba ang napili ng manager at pinadala dito?" Sa una ay clueless ang binata pero agad ding tumango. "What is your name?" tanong muli ni Jaira sa binata. Guwapo ang lalaki at makisig. Hindi na lugi ang pinsan niya kung sakali. Mabango din ito at malinis tingnan, puwedeng irampa at ipagmalaki. "Blake." Maiksing tugon ng lalaki at napatingin sa dalagang nasa itaas ng sofa. "Okay, Blake, nakita mo ang babaing iyan?" Tumango ang binata. "Pinsan ko iyan at siya ang aalagaan mo. Gawin mo ang lahat upang makalimutan niya ang gagong boyfriend niya!" May diin ang huling sinabi ni Jaira. Umangat ang isang sulok ng labi ni Blake at hindi hiniwalay ang tingin sa babaing lasing. Napatikwas ang kilay ni Jaira nang mahuli kung paano titigan ng lalaki ang pinsan niya. Mukhang naramdaman ng pinsan niyang may nakatingin dito at tumingin sa gawi nila. Napangisi siya nang makitang ngumiti si Faredah sa lalaki. Mabilis kumilos si Blake nang makitang gumiwang ang dalaga sa kinatayuan nito. Bago pa ito mahulog ay nasalo niya ang katawan nito. "Easy!" "Wow, ikaw na ba ang binibili kong lalaki?" tuwang tuwa na pinisil ni Faredah ang pisngi ng guwapong lalaki. Natawa si Jaira nang makita ang pangungunot ng noo ng lalaki. Ang weird naman kasi ng pinsan niya ay gustong bumili ng lalaki. Tinapik niya sa balikat ang lalaki at nagbigay instruction. "Kung ano man ang nakita mo ngayong gabi at sa mga mangayayari pa ay hindi dapat makalabas, understand?" "Pinsan mo siya at lasing pero ipaubaya mo sa taong hindi mo kilala?" Natigilan si Jaira at napatitig sa lalaki. Para kasi hindi ito gigolo kung manalita. "Babayaran kita ng malaking halaga para sa trabahong ito. Samahan mo lang siya ngayon pero hindi mo gagalawin." "Hindi mo ba alam na maaring mapahamak ang kaibigan mo na basta mo na ipinagkakatiwala sa hindi mo kilala at lalaki pa?" Napasimangot si Jaira at nasemunan pa siya ng lalaki. May point naman ito pero—natigil siya sa pag iisip nang biglang magsalita ang pinsan niya. "Hey, may pera kami na pambayad sa serbisyong kinukuha namin sa isang tulad mo. Kung ayaw mong mapagsilbihan ang tulad ko, then umalis ka at maghahanap ako ng iba!" Nag igtingan ang mga panga ni Blake at hindi natuwa sa idea ng dalaga na kukuha ng ibang lalaki upang pagsilbihan ito. "Pasensya ka na sa kaibigan ko, broken hearted kasi kaya siya nagkakaganyan. Kahit ngayon lang kita nakilala ay may tiwala ako sa management ninyo dito. Alam mo nman tiyak ang trabaho mo kaysa personal na pangangailangan?" Seryusong turan ni Jaira. Napabuntong hininga si Blake saka napatingin muli sa babaing nakayakap na sa baywang niya. "Ok, I will take care of her.""Papatayin kitang hayop kang malandi ka!" Naghistirika na si Cynthia at nangangati ang mga kamay na mapaputok ang hawak na baril. Ngunit hindi magawa dahil nagtatago ang babae sa likod ni Terence. "Terence, baka mapahamak ka. Hayaan mo na akong harapin siya." Natatakot na kausap ni Charlene sa nobyo habang mahipit na nakahawak sa braso nito."No, stay away from her." Matigas na turan ni Terence at hindi hinihiwalay ang tingin kay Cynthia. Nang makita ang ama na nasa bungad na nang pinto at nagsenyasan sila gamit lang ang tingin. Pinarating ng tingin ni Cyril sa anak na libangin si Cynthia upang hindi siya mapansin na maka lapit dito at maagawa ang hawak na baril."Cynthia, " tawag ni Terence sa babae nang mangunot ang noo nito. "Mahal mo ba talaga ako?"Nagulat si Cynthia sa biglang bago ng tono ni Terence at hindi inaasahan ang ganoong tanong mula rito. "Hindi tayo hahantong sa ganito kung hindi kita mahal na mahal!""Hayaan mong makaalis si Charlene at sasama ako sa iyo kung saan
Nangalit ang mga bagang ni Terence at humigpit pa ang yakap sa dalaga. Hindi niya rin kayang isipin na mawala ang dalaga. Kung sinunod niya ang utos ng ama at hepe.ay baka nahuli na siya sa pag ligtas sa nobya. Binuhat niya ang dalaga at humakbang na palabas ng silid ngunit natalisod niya ang lamesa kaya natumba.Napalingon si Cynthia sa pinto nang makarinig ng lagabog doon. Babalik na sana siya sa loob nang biglang magsalita ang lalaking nanghihingi ng tubig."Pulis ito, itaas ang mga kamay at huwag nang magtangkang manlaban dahil napapalibutan na namin kayo!" Nanlaki ang mga mata ni Cynthia at nakatutok na sa kanila ang baril na hawak ng pulis. Ang tao niya ay mukhang na estatwa na sa kinatayuan at agag na itinaas ang mga kamay. "No..." nanlisik ang mga mata niya dahil sa galit. "Hindi ako papayag!"Napamura ang hepe nang biglang ibato sa kaniya ng babae ang hawak nitong cellphone at mabilis na nakapasok sa pinto. Naisara agad nito ang pinto bago pa niya mapigilan iyon na magsara.
Parang nabunutan ng tinik si Charlene at pansamantalang naudlot ang kahalayan ni Willy. Nang maalala na may tao sa paligid ay bigla siyang sumigaw. "Tulong! Tulunga—uhmp!"Galit na tinakpan ni Willy ang bibig ng dalaga saka idiniin ang katawan nito sa dingding upang hindi makapag pumiglas.Halos dumugo na ang gilagid ni Terence dahil pangangalit ng mga ngipin nang marinig ang sigaw ni Charlene. Kung puwede niya lang wasakin na ang pinto. Nang maalala na silencer ang hawak na baril at pinaputuka na niya ang seradura. Sinabayan niya ang ingay sa loob.Nangunot ang noo ni Cynthia nang pag silip niya sa bintana ay makita niya ang isang mukhang matanda na may hilang kambing palapit sa bahay. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kusina at parang may kumalabog doon. "Ma'am, ano po ang gagawin ko sa lalaking baliligaw dito?" tanong ng tao ni Cynthia. "Paalisin mo!" Pagalit na utos ni Cynthia. Nagtataka rin siya kung nasa ganito lugar pa ang lalaki dahil palubog na ang araw.Agad na sinuno
"Ano na ang sitwasyon diyan?" tanong ng hepe sa tauhan at malapit na rin sila. Mabuti na lang at maliwanag pa ang paligid."Napalibutan na po namin sila at hinintay ang inyong go signal. May dumating babae at mukhang sinasaktan ang bihag."Naikuyom ni Terence ang mga kamay at sigurado siya na si Cynthia ang nakita ng kapulisan. Wala pang dalawang minuto ay huminto na ang sasakyan, hindi kalayuan mula sa bahay na pinagdalhan kay Charlene. Hindi niya talaga mapatawad ang babaeng iyon sa ginawa nito sa nobya niya sa ikalawang pagkakataon. Nag iisa ang bahay sa isang parang farm na napabayaan na dahil walang tanim o hayop sa paligid."Sir, huwag po kayo padalos dalos at naka lalong malagay sa pelegro ang nobya ninyo." Pigil ng hepe kay Terence nang tangkang baba na ito ng sasakyan."Ano pa ang hinihintay ninyo? Saka lang ba kayo kikilos kapag napahamak na nang tuluyan ang nobya ko?" Inis na tanong ni Terence sa hepe."Terence, kumalma ka at alam nila kung ano ang dapat gawin." Kausap ni C
Napalitan ng pagkaaliw ang galit na nadarama ni Willy nang makita ang hitsura ng dalaga. Ang sexy nito sa ganoong posisyon at lalo siyang ginaganahan kapag mukhang palaban ang babae pero mahina. "Fierce, baby!"Parang masuka si Charlene sa paraan ng mga titig sa kaniya ng binata. Kahit may bTali ang mga kamay ay nagawa niya damputin ang lampshade na nakitang naka patong sa bedside table. "Huwag kang lumapit!" Inumang niya ang hawak dito pero tumawa lang ang lalaki."Wow, sa tingin mo ay masasaktan mo ako sa hawak mong iyan?" Natatawang tanong ni Willy sa dalaga. Mabilis na bumaba ng kama si Charlene at kamuntik pa siyang matumba. Mahina pa rin talaga ang mga tuhod niya at nanginginig iyon. Nilalamig din siya dahil tanging bra at panty ang suot niya. Hindi na muna niya initindi ang lantad na katawan. Ang kailangan niya ay lakas at makapag isip ng tama upang matakasan ang lalaki. Nang humakbang muli ang lalaki palapit sa kaniya ay inihampas niya ang hawak dito ngunit hindi ito tinamaa
"Makinig ka, may hinala na sila na nakidnap ang kapatid ko.""Ano?" Galit na sigaw ni Willy. "Ang akala ko ba ay magaling ka sa drama at malinis itong ginawa natin? Paano nila nalaman?" "Hindi ko alam at huwag mo akong sisishin!" Bulyaw muli ng babae.Nagmura muli si Willy at napatingin sa babaeng natutulog. "Huwag kang magkamaling ikanta ako!""Gago ka ba? Bakit ko naman gawin iyan? Tumawag ako para sabihin sa iyo at nang makatago ka ng maayos!"Napabuga ng hangin sa bibig si Willy. "Nasaan ka na ngayon?""Dito pa sa bahay ng kapatid ko at hinaharangan nila ang pagkuha ko sa anak natin." Naiiritang sagot ni kausap ni Willy."Magkaniya kaniya na tayo mula ngayon. Bahala ka kung paano ka makaalis diyan at bahala na rin ako sa buhay ko!" Ibaba na sana ni Willy ang tawag ngunit pinigilan siya ng kausap mula sa kabilang linya."Paano ang kapatid ko?"Ngumisi si Willy. Wala sana siyang balaka sabihin ang totoo sa dati niyang kasintihan pero nasa mood siya ngayon manakot. "Huwag mo na siya
ĥNagulat si Sophie nang ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Ang akala niya ay namalikmata lamang siya. Pero nang nasa malapit na ito ay saka niya nakumpirma na si Blake nga ang lalaki. "Ano ang ginagawa mo dito?"Nangunot ang noo ni Blake at hindi natuwa sa tanong ng kaharap. Muntik pa siya maka
"Oo nga pala, nag aaya si Terence sa isang isla at birthday niya." Bumagsak ang mga balikat ni Faredah. Muntik na niyang makalimutan ang kaarawan ng isa sa pinsan nila. Hindi hilig ni Terence ang magkaroon ng magarbong kaarawan kasama ang mga kaibigan. Mas gusto nitong silang magkamag anak lamang
"Good morning, baby, sino ang kausap mo?" Paglalambing ni Blake sa dalaga at hinalikan ito sa labi.Nangalit ang bagang ni Denis at hawak nang mahigpit ang cellphone nang may marinig na tinig ng isang lalaki. Kung ganoon ay hindi nga nagsisinungaling ang dalaga nang sabihing kasama nito ang lalaki
"May babae ka bang kasama ngayon?" Nagdududang tanong ni Faredah dahil mukhang nagmamadali ang binata na tapusin na ang tawag niya."No, baby. May bisita lang ako ngayon at lalaki siya." Mabilis niyang paliwanag sa dalaga. "Okay, busy na rin ako kaya mamaya na tayo mag usap." Paalam na rin ni Fare







