Share

Chapter 06: Devil smile

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-04-23 14:17:13

CHAPTER 6:

SAMANTALA, nakaabang na ang drayber at assistant ni Brielle sa kaniyang paglabas sa naturang coffee shop. Atat na atat na ang dalawang malaman ang resulta ng blind date ng amo—at syempre, sa kung sino ang mananalo.

Mataas ang kumpyansa ng assistant ng makitang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang amo. Mag-isa ito lang ito kaya napapalakpak siya

“Oh, kita muna?! Nanalo ako sa pustahan natin —sabi na kasing bokya na naman si boss ngayon!”

Mabilis na inilahad ng assistant ang kaniyang palad sa kasama. “Akin na ang dyes-mil mo—talo ka na eh.”

“Ang malas naman!" Bagsak ang balikat na dinukot ng drayber ang kaniyang wallet sa bulsa niya, at ang kasama naman ay nakaharap sa kaniya at atat na atat makuha ang panalo nito.

Ngunit nang iangat ng drayber ang ulo, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang isinara ng amo ang pinto matapos lumabas ang isang babae.

“Mukhang hindi pa final kung sino ang mananalo o matatalo ngayon,” may ngiting sambit niya bagay na mapakunot saka mapalingon ang kasama.

Gaya ng reaksyon ng drayber kanina —ganon din ang naging ekspresyon nito.

Takang-taka ang dalawa habang mariing tinititigan ang amo na ngayon naglalakad palapit na may kasamang isang babae.

“What the—! Anong nangyari?”

Mabilis na nagtuwid ng tayo ang assistant gano'n din ang drayber saka pilit na ngumiti sa paparating na amo at kasama nito. At saka mabilis na binuksan ang pinto.

Agad namang tinungo ni Janella ang kabilang pinto ng kotse at inabot ang handle ng pinto, ngunit isang maputi at maugat na kamay ang lumapat at binuksan ang pinto bago pa niya ito magawa.

Dumampi ang mga daliri nito sa likod ng kamay niya, at parang may mahinang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga dulo ng daliri niya, na nagpapadala ng kakaibang init sa buong sistema niya.

Nang lingunin niya ito, nakatayo si Brielle sa tabi niya na parang isang magiting na ginoo, ang isa nitong kamay ay nakapatong pa sa bubong ng kotse.

Hilaw na nginitian ni Janella ang lalaki bago marahang umupo sa loob ng sasakyan.

“Salamat.”

Hindi umimik ang lalaki, sa halip ay isinara nito ang pinto at mabilis na umikot papunta sa kabilang side ng kotse.

Nasaksihan ng assistant ang lahat ng ito at nanatiling nakatayo sa kanyang kinatatayuan, na parang gulat na gulat.

Nasa tabi siya ng amo sa loob ng maraming taon, at ito ang unang pagkakataon na nakita niyang binuksan ng amo ang pinto ng kotse para sa ibang tao. And worst, sa isang estrangherang babae pa.

Dati, kahit anong okasyon ang puntahan nito palaging may ibang taong nagbubukas ng pinto ng kotse para sa kanya. Subalit, ngayon ay kusa nitong pinagbuksan ang babaeng kasama.

Tiningnan muli ng assistant ang babaeng nasa loob, na napuno ng paggalang ngunit halata ang kuryusidad ang kanyang mga titig. Kumibit-balikat na lamang ito at lumipat sa unahang pinto at binuksan iyon.

“Sir, saan po tayo?” tanong ng driver.

“Sa Civil Registrar Office,” sagot ni Brielle rito.

Akmang papasok na sana ang assistant, ngunit nadulas ang kanyang paa, at nauntog ang kanyang ulo sa bubong sa gulat pagkarinig sa sinabi ng amo. Halos nakakita siya ng mga bituin sa nangyari. Nasapo niya ang ulo at kunot-noong napatingin sa amo.

“R-Registrar Oficce, B-Boss? Bakit po kayo pupuntang Registrar Office? Akala ko…?”

“None of your business. Hindi ko kailangang ipaalam kung kailan at kung saan ko gustong pumunta ngayon.”

Napatango na lang ito saka tinikom ang bibig na naupo sa front seat.

Makahulugan namang natawa at nailing ang drayber habang tinitingnan ang katabi na ngayon ay himas-himas ang parte ng nauntog sa ulo. Bago tuluyang binuhay at pinaharurot ang sasakyan.

Habang paalis sila sa naturang coffee shop, pamilyar kay Janella ang babaeng makakasalubong nila. Si Diana iyon, suot nito ang isang simple ngunit halatang mamahaling white dress, mataas na heels, at magandang makeup. Bahagya pa nitong hinawi ang halatang bagong rebound na buhok papunta sa likod ng tainga. Saka malalim na bumuntonghininga.

Napalingon pa si Janella bagay na sundan ito ng tingin ng katabi.

“Do you know her?”

Mabilis s'yang lumingon rito saka umiling. “No.”

Marahan naman itong tumango bago dumeretso ng tingin sa kalsada at hindi na muling umimik pa.

“I'm sorry, Diane, walang Brielle Sebastian, ang haharap sa iyo ngayon.”

Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan niya bago tuluyang itinuon ang paningin sa labas ng bintana.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Xielyne J.
wahahah (^_^ )
goodnovel comment avatar
Xielyne J.
thank you po( ^_^ )
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Buti nga sa iyo Dianne naisahan ka ni Janella
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 165

    Samantala, sa unang palapag ng bahay, abalang gumagawa ng takdang-aralin si Jake, araw-araw iyon na lang lagi ang inaatupag niya. Minsan naglalaro siya ng online games pero alam pa rin niya ang kaniyang priority. Nang mapansin niyang dahan-dahang bumababa si Janella mula sa ikalawang palapag. At nakaalalay si Brielle.Paika-ika itong naglalakad, na para bang bawat hakbang ay may kasamang kirot."Ate, anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.Hindi pa man nakakasagot si Janella ay nauna nang magsalita si Brielle. Bahagya pa itong ngumiti at pasimpleng sinulyapan ang asawa."Ikaw na lang ang magsabi sa kapatid mo kung bakit ka paika-ika."Halos mabulunan si Janella., iba ang tono ng pagkabigkas nito kaya napakunot-noo siya.Mabilis niyang binigyan ng masamang tingin ang asawa bago pilit na ngumiti kay Jake"Wala 'yon. Nalasing lang ako kagabi. Nadulas ako at bahagyang naipit ang ugat sa paa ko."Tumango naman si Jake."Ah, kaya pala." "Kaya sa susunod, mag-ingat ka na sa pagla

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 164

    KINABUKASAN bandang alas-diyes na ng umaga nagising si Janella. Pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad niyang hinanap ang cellphone sa may ulunan ng kama. Ramdam niya ang pasakit ng kaniyang ulo, kaya napahawak siya rito. Ngunit nang makita ang oras sa screen, bigla siyang napabalikwas ng bangon. Ang sakit na kaniyang iniinda ay tila tinangay ng hangin. "Oh my gosh! Mala-late na ako sa trabaho!" Sa sobrang pagmamadali, naihagis niya ang kumot na nakatakip sa kanya, saka mabilis na bumaba ng kama. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Brielle mula sa harap ng malaking bintanang salamin. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon habang ang isa nama'y may hawak na tasa ng kape. Bahagya itong napalingon sa kanya bago kalmadong nagsalita. "Sabado ngayon." Natigilan si Janella, tila biglang nahimasmasan ang isip niya. Napakurap siya nang ilang ulit bago napahawak sa noo, napapikit saka nailing. "Ay... oo nga pala." Nahihiya siyang bumalik sa kama at muli

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 163

    Hindi man sila halos magkasama, subalit kapag nagkita sila, may mga sandaling hindi napapansin ni Janella na unti-unti nang nagiging bahagi ng kanyang buhay ang maliliit na bagay na ginagawa ni Brielle para sa kanya. Mga malumanay na salita. Mga banayad na haplos. Mga gabing hindi siya iniiwang mag-isa. At mga yakap na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya. Kahit sa kalasingan, hinahanap ng puso ng isang tao ang katahimikan at seguridad. At sa gabing iyon, natagpuan ni Janella ang mga iyon. "Sige..." mahina niyang bulong pero halatang ang diwa na lamang niya ang nakakarinig. Sa wakas ay tumigil na rin siya sa pag-aalala tungkol sa malaking itim na "daga." Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata. Ang makakapal niyang pilikmata ay nakalaylay na parang mga pakpak ng paru-paro habang unti-unting dinadala siya ng antok patungo sa mahimbing na pagtulog. Wala na ang makulit, matigas ang ulo, at palaging palaban na si Janella. Sa sandaling iyon, para lamang si

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 162

    Agad namang napalingon si Brielle. Nakatuon ang kanyang tingin sa mukha ni Janella. Namumula pa ang mga pisngi nito dahil sa mainit na paligo, habang ang mga hibla ng buhok ay bahagyang basa pa. Kumikinang ang mga mata nito sa ilalim ng ilaw, dahilan upang magmukha itong mas buhay at masigla kaysa kanina. "Halika nga rito sandali," bulong ni Janella. Lumapit si Brielle sa pintuan ng banyo. "Ano 'yon?" "Kunin mo naman ang pantulog ko," pakiusap pa nito. "Sige." Tumalikod siya at naglakad papunta sa aparador. Matapos maghalungkat ng ilang sandali, kumuha siya ng isang burgundy na pantulog at ibinalik iyon sa may pintuan ng banyo. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Janella. "Ayaw ko niyan." Napataas ang kilay ni Brielle. "Bakit?" "Masiyado iyang maganda." Napabuntong-hininga si Brielle. "At anong problema doon? Mas okay nga ito eh." "Malay mo, lalo kang mabighani sa akin." Napatawa si Brielle. "Ang taas naman ng confidence mo." Agad naman itong sumiman

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 161

    “Tinitulungan lang kita para maging kumportable ka.” Naging sagit ni Brielle. “Wehh… baka palusot mo lang iyan…” nagpupungay ang mga matang saad ni Janella. “Baka naman may binabalak ka” “Well, kung meron man, wala namang masama roon dahil ako ang asawa mo." Bahagyang namumula ang mukha ni Janella habang nakatitig kay Brielle. Dahil sa kalasingan, hindi na niya maayos na napoproseso ang mga nangyayari, ngunit malinaw pa rin sa kanya ang isang bagay—ayaw niyang magpatulong. “Kaya ko naman, eh. Ako na lang.” Napabuntong-hininga si Brielle. Alam niyang wala nang saysay ang pakikipagtalo sa isang lasing. Gayunpaman, nag-aalala siya. Baka kung ano pa ang mangyari kay Janella kapag pinabayaan niya ito. "Lasing ka na. Tutulungan na lang kitang linisin ang katawan mo." "Ako na lang." "Baka madulas ka sa banyo." Agad na sumimangot si Janella. "Mas gugustuhin ko pang madulas kaysa magpalinis sa'yo." Sa isip ni Brielle, hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis. Kapag matino

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 160

    Ngumisi si Janella, parang batang may bagong kalokohan na naiisip. Bahagya niyang itinulak palabas ang dibdib niya, may halong arte at panunukso sa galaw. “Sige… ako na ang mag-aalaga,” sabi niya, halos pabulong, pero malinaw ang intensyon. Maluwag ang suot niyang damit—isang simpleng tela na hindi naman talaga sinasadyang ipakita ang hubog ng katawan niya. Pero sa paraan ng pagtayo niya ngayon, tuwid at may konting diin sa postura, kusang umayon ang tela sa kanya. Umigting ito sa harap, lumapat sa natural na kurba, at sa isang iglap—naging mas kapansin-pansin ang dating ng kanyang katawan. Napahinto si Brielle. Hindi niya napigilang umabot. Pero bago pa man niya tuluyang mahawakan— Umatras si Janella, mabilis at mapaglaro. “Hindi pwede,” sabi niya, may halong tawa sa dulo. “Hindi kita papayagang makalapit.” Natigilan sa ere ang kamay ni Brielle. Parang may hangin na biglang dumaan sa pagitan nila—hindi malamig, pero sapat para gawing awkward ang sandali. Dahan-dahan niy

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 143:

    “Grabeng gulat naman iyan.” Sabay subo ng karne sa kaniyang bibig at dahan-dahan iyong nginuya. “Eh kasi naman, nakakagulat talaga iyon girl! Kasal kayo tapos di pa kayo ng kiss?” “Wala naman akong sinabi, nag-ano kami pero… iyong french kiss —hindi ko pa naranasan.” Pagkatapos ihain ng waiter a

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 141: I'll be Back

    MATAPOS ang mahaba-habang biyahe, sa wakas ay tanaw na ni Janella ang parking lot ng kumpanya. Agad s'yang nag-ayos at sumulyap kay Brielle na tahimik lang buong biyahe. “Dito na lang ako habang wala pa masyadong tao,” saad niya bago pa man makalapit ang sasakyan sa parking area ng kumpanya. Kum

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 139: Goodbye kiss

    Nang matapos silang kumain, muling umakyat si Janella. Kinuha niya ang kaniyang bag, naglagay ng light makeup, at naghanda na rin para pumasok sa trabaho. Pagkalabas niya ng entrada, huminto sa harap niya ang kotse na ginamit nila kagabi. Nang makita ang sasakyan, hindi niya maiwasang maalala a

  • THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME    Chapter 127:

    Pag-akyat nila sa ikalawang palapag, dinala ni Brielle si Janella sa isa sa mga silid doon. Pagkabukas pa lang ng pinto, agad nang napansin ni Janella ang malaking pagkakaiba nito sa kuwarto ni Blythe. Kung ang kuwarto ni Blythe ay puno ng malalambot na kulay, stuffed toys, at mga dekorasyong p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status