Share

Chapter 3

Author: cassie
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-10 09:16:36

CHAPTER 3

Crizaliah Leigh Ravencrest's POV

Pakiramdam ko ay bumibigat ang hangin sa loob ng private dining hall.

Walang nagsasalita.

Walang gumagalaw.

Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mabilis kong paghinga at ang malakas na pagtibok ng puso ko sa loob ng dibdib.

Nakatayo pa rin ako.

Nanginginig ang mga kamay ko.

Mahigpit kong hawak ang laylayan ng champagne-colored gown na suot ko.

Gusot na ang isang bahagi nito dahil sa paulit-ulit kong pagpisil.

Ramdam ko rin ang bigat ng hikaw sa aking tainga habang bahagyang nanginginig ang ulo ko.

Maging ang maingat kong inayos na makeup kanina ay nagsisimula nang masira.

Alam kong namumula na ang mga mata ko.

At marahil ay kumalat na rin ang manipis na mascara sa ilalim nito.

Ngunit wala na akong pakialam.

Hindi ko na kayang magpanggap.

Hindi ko na kayang ngumiti.

Hindi ko na kayang umupo rito na parang walang nangyayari.

Tahimik akong nakatingin kay Khaizer.

At siya naman ay nakatingin lang sa akin.

Walang emosyon.

Walang galit.

Walang pagkabigla.

Mas lalo akong naiinis.

Paano siya nagagawang maging ganoon kakalma?

Paano niya nagagawang manatiling kontrolado habang ang buhay ko ay unti-unting gumuho sa harap ko?

At pagkatapos...

Sa wakas ay nagsalita siya.

Mababa ang kaniyang boses.

Malamig.

At masyadong kalmado.

"You don't want this?"

Bahagya akong napaatras.

Nagtama ang aming mga mata.

At doon ko nakita ang isang bagay na hindi ko nakita kanina.

Determinasyon.

Matinding determinasyon.

"But I want this."

Tumahimik ang buong mesa.

Naramdaman kong nanigas ang likod ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Pero may kakaiba sa paraan ng pagkakasabi niya noon.

Parang hindi iyon simpleng sagot.

Parang isa iyong babala.

At bago pa ako makapagsalita ay tumingin siya sa mga nakatatanda.

Sa kaniyang mga lolo at lola.

Sa kaniyang mga magulang.

Pagkatapos ay muli siyang bumaling sa akin.

"They want this too."

Tumigil siya.

Sandaling katahimikan.

At pagkatapos...

Bahagya siyang ngumiti.

Ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.

"Think about it, Miss Ravencrest."

At saka siya tumalikod.

Naglakad siya papunta sa pinto.

Mabagal.

Kontrolado.

Parang siya pa rin ang may hawak ng sitwasyon kahit ako ang nag-eskandalo.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan...

Pakiramdam ko ay natalo ako.

Hindi ko alam kung bakit.

Pero ganoon ang pakiramdam.

Nang tuluyan siyang makalabas ng silid ay saka lamang ako nakahinga nang maayos.

Ngunit hindi pa pala tapos ang lahat.

"Crizaliah!"

Napalingon ako.

Si Mommy.

Mabilis siyang lumapit sa akin.

Namumula ang kaniyang mukha.

Nangingilid ang mga mata niya.

At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko...

Mukha siyang wasak.

"Oh my gosh, Crizaliah..."

Nanginginig ang boses niya.

"What have you done?"

Parang may kung anong kumurot sa puso ko.

Hindi dahil nagsisisi ako.

Kundi dahil ngayon ko lamang siya nakitang ganito.

Nangingiyak.

Nahihiya.

At tila desperado.

"Mom..."

Mahina kong sabi.

Pero agad siyang umiling.

"You embarrassed everyone."

Mas lalo siyang napaluha.

"Do you even realize what you've done?"

Napalunok ako.

Gusto kong magalit.

Gusto kong isigaw na sila ang nagsimula nito.

Na sila ang nagsinungaling.

Na sila ang nagdala sa akin dito nang walang kaalam-alam.

Ngunit sa mga sandaling iyon...

Hindi ko magawa.

Dahil kahit galit ako...

Nasasaktan din akong makita si Mommy na umiiyak.

Sa kabilang bahagi ng mesa ay tumayo na rin ang mga miyembro ng pamilyang Elazar.

Tahimik.

Seryoso.

Ngunit hindi naman galit.

Ang matandang babae ay lumapit kay Mommy.

Marahan niyang hinawakan ang kamay nito.

"It's alright."

Mahina niyang sabi.

"I think both families need some time."

Tumango ang ama ni Khaizer.

"Let's discuss things privately first."

"Then we'll decide whether this arrangement should continue."

Arrangement.

Napapikit ako.

Parang negosyo.

Parang kontrata.

Parang hindi buhay ng tao ang pinag-uusapan.

Isa-isang nagpaalam ang pamilya nila.

Ang dalawang mas batang babae.

Ang tatlong lalaki.

Ang mag-asawang nasa edad singkwenta.

At ang mga matatanda.

Tahimik silang lumabas ng silid.

Walang sigawan.

Walang eskandalo.

Mas lalo tuloy akong nahiya.

Dahil ako lamang ang nawalan ng kontrol.

Ako lamang ang sumigaw.

Ako lamang ang nagwala.

Nang tuluyang magsara ang pinto ay kami na lamang nila Mommy at Daddy ang naiwan.

At doon nagsimulang maging mas mabigat ang katahimikan.

Hindi nagsasalita si Daddy.

Nakatayo lamang siya.

Nakatalikod.

Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao.

Habang si Mommy naman ay tahimik na umiiyak sa tabi ko.

At sa unang pagkakataon ngayong gabi...

Naramdaman ko ang takot.

Dahil alam kong hindi pa ito ang pinakamasamang bahagi.

Hindi pa nagsisimula ang totoong gulo.

Pag-uwi namin ngayong gabi...

May mga katotohanang mabubunyag na tuluyan nang magbabago sa buhay ko.

To Be Continued...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 26

    CHAPTER 26Crizaliah Leigh Ravencrest's POVHindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi.Pagkatapos ng usapan namin ni Mommy...Pagkatapos ng mensahe ni Khaizer...Pagkatapos ng lahat ng pag-o-overthink ko.Ang alam ko lang, nakatulog akong yakap ang unan at hawak ang cellphone.At paggising ko...Parang may mabigat pa ring nakadagan sa dibdib ko.Napabuntong-hininga ako habang tumitingin sa kisame.Sandaling bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.Ang viral post.Si Selene.Ang mga litrato.At si Khaizer.Napapikit ako.Ayoko nang isipin.Ayoko nang magsimula ang araw ko nang ganoon.Kaya bumangon agad ako.Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili ko.Nakasuot lang ako ng oversized white sleep shirt.Magulo ang buhok.Walang makeu

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 25

    CHAPTER 24Crizaliah Leigh Ravencrest's POVPagod na pagod akong bumagsak sa kama pagkauwi ko.Pakiramdam ko ay buong araw akong nakipagdigma.Site inspection.Meetings.Budget reviews.At siyempre...Si Khaizer Liam Elazar.Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko.Nakasuot pa rin ako ng cream-colored blouse at black slacks na ginamit ko sa construction site.Bahagyang magulo na rin ang buhok ko matapos ang buong araw na pagtatrabaho."Dapat maligo muna ako..." mahina kong bulong.Pero hindi ko magawang tumayo.Masyado akong pagod.Kaya gaya ng ginagawa ng karamihan...Kinuha ko ang cellphone ko.At nagsimulang mag-scroll sa social media.Instagram.TikTok.Facebook.Wala namang bago.Hanggang sa mapunta ako sa X.

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 24

    CHAPTER 24Crizaliah Leigh Ravencrest's POVPagod na pagod akong bumagsak sa kama pagkauwi ko.Pakiramdam ko ay buong araw akong nakipagdigma.Site inspection.Meetings.Budget reviews.At siyempre...Si Khaizer Liam Elazar.Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko.Nakasuot pa rin ako ng cream-colored blouse at black slacks na ginamit ko sa construction site.Bahagyang magulo na rin ang buhok ko matapos ang buong araw na pagtatrabaho."Dapat maligo muna ako..." mahina kong bulong.Pero hindi ko magawang tumayo.Masyado akong pagod.

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 23

    CHAPTER 23Crizaliah Leigh Ravencrest's POVHindi ko na lang iyon pinansin.At least...I tried.Pero mahirap palang balewalain ang isang bagay kapag nakita mo na mismo sa harapan mo.Lalo na kung ang pangalang nakita mo ay si Selene Valmont.Tahimik ang silid.Tanging tunog lang ng cellphone ni Khaizer ang naririnig ko.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses.Patuloy itong nagri-ring.Napansin kong hindi niya agad sinasagot.Nakatitig lang siya sa screen.Parang nag-iisip.Parang may pinagdadaanan.At hindi ko alam kung bakit...Pero may kakaibang kurot akong naramdaman sa dibdib.&

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 22

    CHAPTER 22Crizaliah Leigh Ravencrest's POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan.Siguro ilang segundo lang.Siguro isang minuto.Pero pakiramdam ko ay napakabagal ng takbo ng oras.Tahimik ang silid.Tahimik ang buong floor ng building.At habang nakatingin sa akin si Khaizer...Mas lalo kong nararamdaman ang mga salitang sinabi niya."I believe in you."Nakakainis.Dahil sa lahat ng taong nakapaligid sa akin...Siya pa ang hindi ko inaasahang magsasabi niyon.At ang mas nakakainis?Mukhang sincere siya.Walang halong pambobola.Walang agenda.Walang kondisyon.Biglang—Bzzz.Tumunog ang cellphone niya.Pareho kaming napakurap.Parang nabasag ang kung anumang kakaibang sandaling namamagi

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 21

    CHAPTER 21Crizaliah Leigh Ravencrest's POVIlang segundo akong natigilan matapos marinig ang sinabi ni Khaizer."Because if there was really something between you and that engineer..."Bahagya siyang yumuko."Then I'd have a problem."God.Bakit ba ganito siya tumingin?Parang kasalanan ko pang huminga sa parehong mundo ng ibang lalaki.Mabilis akong umiwas ng tingin.Ayokong makita niyang namumula na naman ako.At ayokong malaman niyang sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.Kaya ang ginawa ko?Tinulak ko nang bahagya ang dibdib niya."Move."Sabi ko.Tumaas ang isang kilay niya."Why?""Kasi gutom na ako."Hindi ko alam kung naniniwala siya.Pero umatras naman siya.At agad akong dumiretso sa mesa kung saan nakalagay ang pagkain.Umupo

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 18

    CHAPTER 18Crizaliah Leigh Ravencrest's POVTahimik.Iyon ang pinakamagandang salitang makakapaglarawan sa buong biyahe namin pauwi.Walang musika.Walang usapan.Tanging ang mahinang ugong lamang ng makina ng sasakyan ni Khaizer ang maririnig sa loob.Nakatitig lang ako sa bintana.Pinagmamasdan a

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 13

    CHAPTER 13Crizaliah Leigh Ravencrest's POV"There's something I need to tell you before we get there."Muling umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Khaizer.Napatingin ako sa kanya.At agad kong napansin ang pagbabago ng ekspresyon n

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 2

    CHAPTER 2Crizaliah Leigh Ravencrest's POVPakiramdam ko ay huminto ang oras.Nakatayo ang lalaki sa harapan ko habang diretso ang tingin sa akin.Maitim ang kaniyang buhok.Matalas ang panga.Perpekto ang pagkakasuot ng kan

  • THE BILLIONAIRE RUNAWAY BRIDE (ELAZAR COUSIN #1)   Chapter 4

    CHAPTER 4 Crizaliah Leigh Ravencrest's POV Tahimik ang Gabi. Napakatahimik. Iyon ang unang bumungad sa akin matapos makaalis ang pamilya Elazar. Ang engrandeng private dining hall na kanina ay puno ng tawanan at usapan ay tila naging napakalamig. Pakiramdam ko ay lumiit ang buong silid. Pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status