LOGIN“Maraming salamat!,” paalam ko sa nakatalagang doktor ng barangay health center matapos niya akong matingnan. Mapilit kasi si Manang Weng na kailangang magpatingin na ako dahil mag-aapat na buwan na ang tiyan ko at ang huli kong check- up ay noong magdadalawang buwan pa lang ang pagbubuntis ko. Dahil nga sa tuliro ang utak ko ay pati monthly check- up ay nakaligtaan ko na. Buntis nga pala ako at hindi nakakabuti sa kalusugan nating mag-ina ang magpakalugmok ako sa suliranin at kalungkutan. Mabuti na lang ay wala sa isipan kong nabanggit kay Manang Weng na buntis ako. Taimtim akong humingi ng patawad sa anak ko habang himas ko ang aking sinapupunan. Tuloy pati walang kamuwang- muwang na bata na hindi ko pa naisisilang ay nadamay sa pighating aking nararanasan dulot kataksilan ni Irven. Paglabas ko ng barangay health center ay agad na akong sinalubong ni Manang Weng na may bitbit na ring mga gamay na maintenance medicine na bigay sa kanya ng health worker. Hindi na kami nagta
“Kumain ka ng marami, Bel nang lumaki naman iyang tiyan mo!,” mungkahi ni Manang Bel sa akin isang umaga habang nag- aalmusal kami. “Wow—- oo, naman manang mukhang masasarap ho lahat ng niluto ninyo— ahhh— ang aga n’yo namang gumising!,” tinanghali kasi ako ng gising, ang sarap pa kasing matulog marahil dala ito ng aking pagbubuntis. “Hayaan mo naman akong makabawi sa iyong kalagayan ngayon! Lalo na’t buntis ka. Kailangang malusog kayo ng magiging anak mo,Bel,” tugon pa nito. “Maraming salamat po talaga, Manang!,” hindi na ako nagpatumpik- tumpik pa at nagsimula ng kumain, at hindi nga ako nagkamali ang sasarap nga inihaing ulam ni Manang Weng. “Mmmmm—- ang sarap talaga Manang, parang pang- restaurant ang lasa—- mapaparami talaga ang kain ko nito!,” palatak ko pa habang ngumunguya ng karne ng baboy na adobo. “Naawa na kasi ako sa iyo dahil palagi na lang gulay at isda ang kinakain mo. Dapat balanse din ang kinakain ng buntis—— huwag mo na akong intindihin kung iyon ang iniis
“Maraming salamat, Bel!,” sabi pa ni Manang Weng sa akin isang hapong nagkakape kami sa munting terasa ng bahay niya. “Walang anuman ho, Manang Weng!, ako nga ho ang dapat na magpasalamat sa inyo sa pagpapatuloy ninyo sa akin dito,” tapat kong turan. Dahil totoo naman talaga. Hindi niya lang ako kinupkop, tinuring niya rin akong parang tunay niyang kapamilya. Sa kanya ko natagpuan ang pagkakaroon ng panganay na kapatid. Siya ang nagmistula kong karamay sa wasak kong puso. Mabilis ang pagtakbo ng oras. Dalawang buwan na pala ang nakalipas magmula ng maospital si Manang Weng at dahil walang ibang kamag-anak na mag-aalaga sa kanya ay hindi ako natuloy sa pag-alis sa puder niya. Mataas pala ang presyon ng dugo at mataas din ang asukal sa katawan ni Manang Weng. Kinalaingan niya ng maintenance medicines at kontrolin ang kanyang pagkain. Sa tulong ko at pag-aalaga ko sa kanya sa nakalipas na mga araw ay bumuti- buti na rin ang pakiramdam niya. Salamat sa Diyos dahil naagapan kaag
“Mauuna na ho ako Manang Weng, maraming- maraming salamat ho sa pagkupkop ninyo sa akin, napakabuti n’yo ho sa akin!,” saad ko sa matandang babae na naging kaagapay ko sa nakalipas na mga araw. “Walang anuman, Bel, mag-iingat ka sana palagi kung saan ka man pupunta ngayon,” ganti nito sa akin at bigla itong yumakap sa akin. “Kayo rin ho, mag-iingat kayo rito,” ganti kong yakap sa kanya na hinimas-himas ang kanyang likod. Ako na ang nagkusang humiwalay sa kanya. Kahit papaano ay malaki ang naitulong ni Manang Weng sa akin. Hindi ko alam baka napaano na ako kung hindi ako sumama sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto palabas hila-hila ang aking maleta nang biglang narinig ko si Manang Weng na tila nahihirapang huminga at humihinga ng tulong. “Bel!,” bigla akong napalingon sa kanya, kitang- kita ko ang paghawak niya sa kanyang dibdib bago tuluyang bumagsak sa dibdib. “Manang Weng!,” dali- dali ko siyang dinaluhan at inakay sa aking bisig paupo. Mabuti na lang ay may basic
“Kumusta ang tulog mo, Bel?,” kinaumagahang bati sa akin ni Manang Weng kararating lang nito mula sa palengke. “Magaan na ho ang pakiramdam ko Manang Weng, salamat ho sa inyo!,” saad ko pa sa kanya na tinulungan na siya sa pag-aayos ng mga gulay , isda, at karne na pinamili niya. “Naku, wala iyon! Kumain ka na ba? May pagkain ng nakahain sa mesa, tinakpan ko lang—- masarap pa kasi ang tulog mo kanina, hindi na kita ginising!,” bulalas pa nito. “Wala pa nga ho, kagigising ko lang ho nang dumating kayo—- ah, eh— Manang Weng, sana nagpasabi kayong mamalengke, sana man lang nag- ambag ako sa mga naggasto n’yo,” turan ko pa. “Naku, huwag mo ng intindihin iyon—- may pera pa naman ako! Itabi mo na iyang pera mo baka kasi kakailanganin mo iyan sa mga darating na mga araw—— halika na nga, sabay na tayong kumain, hindi pa ako nag- almusal—- gusto mo ng kape?,” natutuwa ako kay Manang Weng sa concern at paraan ng pag-istema niya sa akin. Para siyang ate kung umasta sa akin. Ang sarap p
“Gising Bel!,” mabilis ang paghinga ko nang sa wakas ay maggising ako sa malakas na yugyog sa akin ni Manang Weng. Agad naman siyang nawala sa gilid at nang makabalik sa harap ko ay may bitbit ng isang basong may lamang tubig na inabot niya sa akin. “Uminom ka muna ng tubig, Bel,” sabi pa sa akin ni Manang Weng na sinunod ko naman. Nang maubos ko isang basong tubig ay doon pa ako tila nahimasmasan. Daig ko pa ang nagkarerahan sa marathon sa pawis at bilis ng pintig ng aking puso. “Ayos ka na ba, bel? Kumusta ang pakiramdam mo?,” nag-alalang usisa ng matandang babae na kumupkop sa akin. Huminga ako ng malalim at bumuga ng hangin. Sa nakalipas na mga araw ay limitado lang na mga impormasyong sinasabi ko sa kanya. Madalas na nahuhuli niya akong tulala o umiiyak sa kawalan. “Okay lang ho—- pasensiya na sa distorbo, bumalik na ho kayo sa pagtulog. Hu- wag n’yo na akong alalahanin pa,” kalmado kong sabi pa kay Manang Weng. “Bel, alam kong hindi mo pa ako lubos na kilala at pin
“Ate, ang baho muna, maligo ka na nga!,” angal sa akin ni Nica matapos kong magluto ng mga putaheng ihahain ko mamaya sa surprise anniversary dinner date namin ni Irven. “Oo mamaya na, tatapusin ko munang linisin ang mga kalat ko rito,” saad ko pa sa bunsong kapatid. “Hay, naku, ate… ako na baha
“Don’t you worry, hon… babalik naman ako kaagad bukas… in time for our fourth wedding anniversary!,” saad pa ni Irven sa akin ng makabalik ako galing sa pagkuha ng sapatos niya. Nakaupo na siya sa couch at tila hininhintay na suotan ko siya ng sapatos. Hindi naman ako nag- atubiling suotan siya ng
“Hon… gising na!,” untag ko kay Irven. “Hmnnp.. mmm.. ang sarap pa matulog, Hon!,” nakapikit pa ang mga mata na sagot nito. “Okay, hon… sleep ka muna, ako na bahala!,” h******n ko siya sa kanyang labi at hindi na ako nag-intay na gantihan niya rin ako, agad na akong tumalikod at bumaba ng kama.
“I love u my wife, please come back to me!,” pagsumamo sa akin ni Irven na nakaluhod sa aking harapan. Hindi ko mapigilan ang pangilid ng mga luha ko pero mas pinili ko ang patibayin ang aking kalooban. “Love? Anong alam mo sa pagmamahal? Taksil ka? Pagmamahal ba iyon?,” sumbat ko sa kanya. “







