FAZER LOGINSIOBEH
Kinaumagahan ay nag almusal kami ni Aarav sa Veranda. Maaliwalas ang araw na iyon at alas otso na ng umaga. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasalo kami sa hapag kainan at dahil hindi siya kumain kagabi ay nilantakan niya agad yung carbonara na niluto ni Yaya Minda. “Hungry?” tanong ko sa kanya. “Very. You should eat too kasi sasamahan mo ako ngayong araw.” “At saan naman tayo pupunta?” “Basta. Sige na, kumain ka na, masarap magluto si Yaya Minda, specialty niya ‘yang carbonara. You should try it.” saad niya na kinuha ang tinidor sa plato ko at kumuha ng carbonara at akmang isusubo sa akin ngunit hindi ko binubukas ang bibig ko. “Tss, Siobeh, walang lason yan, wala ka bang tiwala sa akin?” “Wala talaga.” bored siyang tumingin sa akin ng sabihin ko iyon. “Subo mo na, bago pa magbago ang isip ko at iba ang ipasubo ko sayo.” Natakot naman ako sa sinabi niya dahil baka totohanin niya nga at baka bayag niya pa ang ipasubo niya sa akin kaya ginawa ko nalang ang sinabi niya at sinubo ang inaalok niyang carbonara at masarap nga iyon. “Oh diba, sabi ko sayo masarap eh. Kain na.” saad niya na inabot sa akin ang tinidor. “Akala ko bihag mo ako dito.” “Bakit? hindi ba?” “Eh, bakit ganito ang trato mo sa akin?” “What would you expect? That I will throw you into the dungeon and give you some cold treatment and less food?” “Something like that.” saad ko na napayuko habang kumakain. “You're an Aldama, mortal na kalaban ka ng angkan ko pero espesyal ka dahil ikaw ang mapapangasawa ko kaya dapat lang na ibigay ko ang best ko para sayo.” “What makes you think that I will marry you?” “Because you will. Natalo ka sa pustahan at iyon ang kasunduan natin kaya wala ka ng magagawa.” sarkastikong saad niya sa akin. “Wag kang pakakasiguro dahil sa mga oras na ‘to alam na ni daddy at kuya ang kalokohang ginawa mo sa akin kaya maghanda-handa ka na dahil ililigtas nila ako dito at pababagsakin nila ang impyernong lugar na ito.” saad ko na nanggigigil sa galit na pinagbantaan siya. “You’re so cute, My Baby boo boo! mas lalo kang gumaganda kapag pinagbabantaan mo ako ng ganyan!” saad niya na akmang kukurutin ang pisngi ko ngunit iniwas ko ang mukha ko at napahagalpak siya ng tawa. Mukhang hindi siya nasisindak sa akin. Kainis kang Clemente ka! just wait! dahil ako mismo ang papatay sayo! paglalamayan ka ng mga tauhan mo dito! Pagkatapos naming kumain ay binigyan niya ako ng pair ng white v-neck t-shirt at black board shorts. “Sorry, yan lang kasi damit ko dito eh, gamitin mo muna yan pansamantala. Bibilhan naman na kita ng mga bagong damit mo.” saad niya dahil napansin niyang naka nighties at robe pa ako. Nagpunta na kami sa shopping centre at pumasok sa bilihan ng mga gadgets. Napakaraming gadgets doon. May laptop, cellphone, printers, LED TV at iba pa. “Boss Aarav! good morning po. Ano pong hanap niyo?” pagbati sa kanya ng store crew. “Patingin ng ano… latest model ng android phone niyo.” “Sige po.” saad ng store crew at ipinakita iyon kay Aarav. Inihilera niya isa-isa iyon sa estante ngunit wala doon ang atensyon ko dahil nagtitingin-tingin din ako sa loob ng gadgets store. “Hmm, what do you think, My Baby boo boo?” tanong ni Aarav na lumingon sa akin. “Ako? bakit ako tinatanong mo?” tanong ko sa kanya. “Bibilhan kita ng bagong phone.” “Oo nga pala, hindi ko alam kung saan ko nalagay yung phone ko.” malungkot na saad ko na pilit inaalala kung nasaan yung phone ko. “You mean this?” tanong niya, nang mag angat ako ng ulo ay nakita ko ang phone ko na hawak niya at nakalagay sa isang zip lock bag ngunit basag-basag na iyon. Nagmistulan itong paraphernalia sa isang crime scene. “Where did you get that?” tanong ko. “Remember nung hinubaran ka ng mga tauhan ko? nahulog mo raw yan at ibinigay sa akin nung nakapulot dito sa Mall.” “Ahh ganon ba, uhm, I know this is too much to asked pero… pwede bang ipaayos mo nalang yan? importante kasi yung mga files ko dyan sa phone na yan eh.” “Sure, anything for you, My Baby boo boo.” saad niya na kumindat at ngumiti sa akin. “Pero bibilhan pa rin kita ng bago kaya pumili ka na.” “Sige…” nahihiya man ako ay tinanggap ko na at pumili ng phone dahil kailangan kong makontak si Kent o kaya ay sila daddy para masabi ko na okay lang ako. “Ito, maganda.” sabay turo ko sa isang android phone na mukhang matibay naman at high-end. “Ito raw, Ace, bigyan mo nga ako nyan, dalawa.” “Sige po Boss, maganda po itong napili niyo.” saad ng store crew na inilapag na ang mga bagong unit ng cellphone na napili ko. “May iba pang kulay nyan Sir, may red, blue, green, violet, pink, black at saka gold.” “Kulay blue gusto ko.” saad ko. “Okay, blue it is.” saad naman ni Aarav. “Sige po. Ito Sir, may black.” suggestion ng store crew na ang pangalan ayon kay Aarav ay Ace. “Hindi. Gusto ko blue din yung isa para matchy-matchy.” “Ah, couple phone po ba?” “Ano? kupal phone?” tanong ni Aarav dahil hindi niya gaanong narinig habang ako naman ay nagpipigil ng tawa. Sira-ulo talaga ang taong ito! “Ay, hindi po kupal Boss, couple po, couple phone.” paglilinaw ni Ace. “Ah okay, kung ano man iyon sige, ayusin mo na, paki-total na din kung magkano tapos kung maaayos mo daw ‘to.” saad ni Aarav na ibinigay ang sira kong cellphone kay Ace. “Ah, parang LCD lang naman sira nito Boss eh, kayang-kaya ‘to.” “Oh sige, iwan muna namin dito ah, babalikan nalang namin.” “Sige Boss, ako pong bahala dito.” “Okay.” Inayos na ni Ace ang biniling cellphone ni Aarav. Bumili na rin kami ng bagong sim at pina-set up na rin namin ang mga bagong phone. “That would be sixty thousand, Sir.” “Sixty. Okay.” saad ni Aarav na dinukot ang makapal na lilibuhing pera ngunit nakalagay lang ito sa lumang letter envelope. “Ang yaman-yaman mo wala kang wallet?!” saad ko. Natigilan naman si Aarav sa sinabi ko at napatingin sa akin kung kaya't napayuko ako na animo'y kuting na natatakot ngunit narinig ko siyang natawa. “Paldo ako ngayon Mahal, hindi kasya sa wallet ‘to.” paliwanag niya sa akin. “Ah sabi ko nga eh.” “50.. 55, 56, 57, 58, 59, 60! Alright.” saad ni Aarav na satisfied naman sa serbisyo sa kanya. “I can't believe na papalitan mo na ang phone mo ng ganun ganun nalang.” saad ko sa kanya. “Luma na ‘to eh limang taon na sa akin ito at saka… gusto ko parehas tayo ng phone.” saad niya habang tinitignan yung luma niyang phone at parang may inaayos. “Thank you nga pala dito, Aarav.” “Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko. Ibig sabihin ba hindi ka na galit sa akin?” Inirapan ko siya, “You wish!” saad ko at tumalikod palabas ng gadgets store dahil nahihiya na ako.AARAV“You did great, My baby boo boo.” saad ko na hinaplos ang chin at lips niya na masarap halik-halikan ngunit iniwas niya ang mukha niya sa akin. Ngayon ay nasa byahe na kami pauwi at sa tingin ko ay kailangan ko na namang suyuin si Siobeh. Tinotopak na naman ang babaeng ito. “Huy, sorry na, wag ka ng magalit, pumapangit ka oh.” saad ko na tinusok ang tagiliran niya para kilitiin siya. “Ano ba?!” angil niya sa akin ngunit hindi ako papayag na magalit na naman siya sa akin.“Baby naman…”“Ano?! Masaya ka na ba? Huh?! Alam mo ba kung anong tingin nila sa akin doon?! isang taksil! Traydor na sumama sa kalaban! Ni-ang sarili kong ama’y ayaw akong kilalanin at gusto na akong itakwil!” asik niya na puno ng sama ng loob at tila nangingilid na ang mga luha. Natahimik naman ako bigla. Masakit nga naman iyon.“Sorry na, saan mo gusto bukas? Ipapasyal kita.”“Hindi na ako bata, Aarav! Akala mo mauuto mo ako sa ganyan?”“Eh kasi… ayoko naman na basta-basta nalang tayo magpapakasal na para
AARAV“Siobeh, Anak!” alalang-alalang saad ni Mrs. Aldama “Mommy!” kaagad na tumayo si Siobeh upang puntahan si Mrs. Aldama at niyakap ito. Tumayo na rin ako at pinanuod sila pero hinihimas ko pa rin yung ulo ko sa sakit ng pagpalo ni Don Ramon ng tungkod niya, napatingin ako dahil yari pala sa solid wood iyon. Putang ina! kaya pala ang sakit! mababagok ata ang ulo ko!Hindi nila alintana ang gulo na dulot ko ngunit napansin ko na si Antonio kanina pa na animo'y nilalamon ako ng tingin. Namumuhi siya sa akin at ganon din ako sa kanya. “Kamusta ka, Anak? anong nangyari sayo? bigla ka nalang hindi umuwi, alalang-alala ako sayo!” “Okay lang po ako Mommy.” “Edralyn! bitiwan mo ‘yang walang hiya mong anak na hindi nag-iisip ng matino!” “Ramon! ngayon lang umuwi si Siobeh! wag mo naman siyang pagalitan!”“Paanong hindi ako magagalit?! buntis ‘yang anak mo at humihingi sa akin ang dalawang ito ng pahintulot para sa isang kasal na hindi naman nararapat!” “Totoo ba ‘to, Siobeh? buntis k
AARAV“Sinong may sabing bumalik ka dito sa pamamahay ko?! Lapastangan!” puno ng galit na sambit ni Don Ramon kay Siobeh.Nanginginig at nangingilid na ang luha ni Siobeh habang nakaupo sa sahig at hawak ang pisngi niyang namumula dahil sa sampal ng kanyang ama. Awtomatikong nagdilim ang paningin ko at mabilis na hinugot ang baril ko sa tagiliran at tinutok iyon kay Don Ramon ngunit bumunot din ng baril ang mga tauhan ni Don Ramon kasabay ng paghugot ng baril nila Michael sa likod ko. “Aarav! It’s fine, I’m fine! Please!” pagmamakaawa sa akin ni Siobeh na napatayo kaagad at pilit na niyayakap ako upang awatin ako sa masamang balak ko sa tatay niya. Tang ‘ina pasalamat siya, mahal ko si Siobeh. Hindi ko nga sinasasaktan yan eh, tapos sasampalin niya lang?“Hindi kami nandito para manggulo, gusto ko lang makipag-usap kaya please lang wag niyong sagarin ang pasensya ko! At wag na wag niyong sasaktan si Siobeh!” asik ko sa kanilang lahat. “Sayo pa talaga nanggagaling na wag kong sasakt
AARAV I was a high profile mafia at sa mundong ginagalawan ko mas inuuna at mas matimbang ang utak kaysa sa puso ngunit ang puso ko, mukhang tinamaan ng lintik nang makita ko si Siobeh Aldama sa isang auction sa Europe isang taon na ang nakalipas. Maganda, maputi, makinis, mabango at higit sa lahat sexy! Damn it! Nakakatuliro! Kasama niya ang tatay niya sa auction ngunit hindi sila sumali sa mga nagbi-bid at tumitingin-tingin lang. I was bidding on 7.5 hectares of land and property with a vineyard on the side dahil inutusan ako ng ama ko bilang huling habilin niya sa akin. I am just fulfilling my old man’s wishes ngunit hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit pinabili niya sa akin iyon at wala pa akong malinaw na plano para sa lupain na iyon. Hay naku, Dad. Hirap na hirap na akong tuparin ang mga huling habilin mo. Bakit naman kasi napakadami? Iniwan mo pa sa akin ang crime family ng wala man lang pasabe na mamamatay ka na pala. Putang inang buhay ‘to! Hirap na hirap tuloy ak
SIOBEH“Siobeh, pansinin mo naman ako, kausapin mo naman ako oh.” pag-uungot sa akin ni Aarav habang umaakyat kami sa hagdan. Gusto ko na kasing magpahinga dahil gabing-gabi na at wala na talaga akong energy pa. “I hate you! go away!” saad ko na mabilis na pumasok sa kwarto namin.“It won't happen again, I’m sorry!” saad niya na sinusundan pa rin ako. “Ah talaga?! eh bakit mo binaril yung pinadalang espiya ni daddy?!” “I got pissed. Okay?” paliwanag niya. Naupo naman ako sa kama at tinanggal ang stilletos ko. “Well, hindi iyon rason para pumatay ng tao!” asik ko habang kumukuha ng sleepwear sa cabinet ko. “He’s a spy! Dapat lang sa kanya iyon!” natigilan ako sa sinabi niya.“Gusto lang naman ni daddy na malaman kung okay lang ako because you didn’t allow me to contact them! Binilhan mo pa ako ng cellphone pero blocked naman lahat ng sites para makausap ko sila. Bawal social media, hindi rin ako makagamit ng email! Aanhin ko ito, Aarav?!” saad ko na padabog na ibinalik sa kanya an
SIOBEHIt’s an engagement party for me and Aarav ngunit hindi ako masaya. Iniisip ko pa rin ang pagtakas. Kailangan ko ng makauwi sa amin kung kaya’t nang malingat si Aarav ay tumakbo ako palayo sa kasiyahan ngunit napadpad ako sa isang malaking hardin. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas ngunit kailangan kong makatakas dito.Damn it! Saan ba ang daan paalis dito?! Malaki at malawak ang hardin na iyon. Naglalakad ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko nang may biglang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. “Wag kang sisigaw, ako ‘to si Kent.” pakilala niya at marahang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. “Kent!” saad ko at sinunggaban siya ng yakap.“Nagpadala kami ng espiya upang bantayan ka dito at alamin ang kalagayan mo.” “Tama ka! Hindi dapat ako sumama kay Aarav! Wala siyang puso! Masama siyang tao! Iuwi mo na ako samin Kent please, parang awa mo na!” “Teka lang, hindi pwede! Nakarating na sa ama mo ang lahat at galit na galit siya!”“I’ll explain everything to him







