FAZER LOGINSIOBEH
Pagkatapos namin sa gadgets store ay pumunta naman kami sa isang malaking boutique shop. Naroon na ata lahat ng klase ng damit sa laki nito, halos sakop niya na kasi ang buong 2nd floor. “Get whatever you need and like.” saad niya ngunit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. “How long am I going to stay here?” “Forever. Hindi ba’t habangbuhay ang kasal?” pilosopong sagot niya, inirapan ko nalang siya at saka pumili ng mga damit. Inuna ko yung mga undies ko saka bra. Kumuha rin ako ng jeans and tops, blouses at kapag maganda yung damit ay bumibili talaga ako ng iba’t-ibang kulay pero same design kung kaya’t bahala si Aarav dyan, sana lang ready ang pambayad niya sa lahat ng mga kinuha ko dahil may kamahalan rin ang mga ito. Kumuha rin ako ng isang birkin bag dahil isa lang naman ang kailangan ko. Hindi rin naman ako gaanong ka-materyosa para pahirapan si Aarav ngayon. Meron din silang shoe center dito kung kaya’t pumili na rin ako ng bagong boots, rubber shoes, sandals and high heeled closed shoes. Nalibang naman ako dahil magaganda ang mga damit at gamit doon at pasok talaga sa tastes ko lahat kung kaya’t kahit papaano ay nababawasan ang galit ko ngunit hindi pa rin naiibsan ang sakit. “Yan na lahat?” tanong ni Aarav ng matapos akong mamili ng mga damit na gusto ko. “Yup.” “Okay, uhm, Miss, pa-total naman oh.” “Sige po Sir,” Nang mai-total na lahat ng sales lady ang mga binili kong gamit at damit ay tinawagan ni Aarav ang mga tauhan niya at sila ang nagbitbit ng mga pinamili ko ngunit pumasok pa ulit si Aarav sa isa pang boutique shop. “Aarav, don’t you think this is too much?” tanong ko sa kanya. “Anong tingin mo sa akin? Pulubi?! Mamili ka pa ng gusto mo.” “Sira-ulo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! I mean marami na kasi ‘tong pinamili natin eh.” “Isang dress nalang pang special occasion kasi may pupuntahan tayo.” “Ganon.” “Oo, sige na, mamili ka na at saka sukatin mo lahat ng mapipili mo para makapili din ako ng bagay sayo.” “Fine.” saad ko na sinunod nalang ang utos niya dahil wala naman akong choice, at saka mas okay na ‘to kaysa naman ikulong niya ako sa kwarto niya sa Mansyon. Una kong pinakita sa kanya ang silk scarlet sexy dress na may slit. Hantad ang cleavage ko dito kung kaya’t medyo natulala siya ngunit nang maka-recover ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “No. That’s too revealing, Siobeh. Change it!” utos niya kung kaya’t pumasok ako ulit sa fitting room. Nakita ko naman ang isang A-line knitted party dress. Color grey ito at puno ng glitters. Sinubukan kong isuot iyon and not bad, bagay sa akin kung kaya’t lumabas na ako para ipakita kay Aarav ngunit biglang nagdilim ang paningin niya. “Can you dress properly?! Don’t try to seduce me here in the boutique shop!” “I’m not seducing you! Jerk!” hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nagagalit na siya “Palagi nalang nakalabas ‘yang hinaharap mo! At saka may glitters pa ‘yang sinuot mo, ano ka? Sasayaw? Palitan mo yan!” singhal niya sa akin. “Ano ba kasing okasyon?! Hindi ako makakapili ng maayos kung hindi ko alam kung saan tayo pupunta!” “Just dress nice, like date-nice.” “Fine!” saad ko na inirapan siya at muling bumalik sa fitting room. Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ito. Pa-iba-iba ang timpla. Sala sa init, sala sa lamig! Sinuot ko na yung huling damit na napili ko kanina. Chub na mini black dress na pa-balloon ang skirt at lumabas ng fitting room. Natulala naman si Aarav at napalunok pa, hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon niya. “Gorgeous.” saad niya at sinenyasan ako ng wait lang. Pagbalik naman niya ay may hawak na siyang isang pair ng black pointed heels. “Pero Aarav, nakabili na ako kanina, iyon nalang isusuot ko.” pagtutol ko sa kanya dahil ang dami na nga ng binili ko kanina na sapatos. Magkaka-award na ako ng hakot award sa ginawa ko kanina eh. “It’s okay, bagay ‘to dyan sa dress mo.” saad niya na iniluhod pa ang isang tuhod sa sahig at sinuot sa akin yung sapatos. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganon mula sa isang lalaki. Ito na ata yung sinasabi nilang princess treatment at hindi ko akalaing ang isang malupit na mafia boss pa ang magpaparanas nito sa akin. “Sakto lang ba? Hindi masakit sa paa?” tanong niya sa akin. Mapapansin ang sinseridad sa kanyang mga mata. “Okay lang, kumportable naman.” saad ko. Pati puso ko kumportable din pero hindi pwede ‘to. Am I falling in love with the enemy? No! This can’t be happening! “Okay na, wag ka na magpalit. Pupunta na tayo sa pupunta na tayo sa pupuntahan natin.” saad niya na hinila ako palabas ng boutique shop. “Saan ba kasi iyon, Aarav?” tanong ko habang papasok kami ng elevator. Kami nalang ulit dalawa ang magkasama at wala na ang mga bodyguards niya. Ni-hindi ko napansin na nawala sila. “To the top of the world.” saad niya na ngumiti ng sarkastiko sa akin. Puno ng buhay at kislap ang mga mata niya na para bang may isang napakaligayang tagpo ng buhay niya ang nakatakdang mangyari. Nang makarating kami sa pinaka-itaas ng shopping center ay tumambad sa harapan ko ang napakaganda at napakalaking penthouse. Ang mga pader nito ay yari sa matibay na mga salamin. Kitang-kita ang view sa paligid at talagang busog na busog ang mga mata ko. Mas mukhang mamahalin pa ito at modern style kumpara sa Mansyon ng mga Clemente. “It’s beautiful here.” “Do you like it?” “I love it! It’s cozy, hindi ko alam na may property ka pala na ganito ka-ganda.” “This is yours now.” saad niya na ibinigay sa akin ang isang blue satin box. “Open it.” utos niya na ginawa ko naman at tumambad sa aking harapan ang isang susi, pati na rin ang papel na naka-pangalan nga sa akin ang property. “Wha– for real?” tanong ko sa kanya na halos hindi makapaniwala. “This is too much, I can’t accept this Aarav.” saad ko na pilit ibinabalik sa kanya ang box pero tinutulak niya iyon sa akin. “This is an engagement gift, Siobeh, please accept it. Ito lang ang tanging naiisip kong paraan para mapatunayan sayo na seryoso ako sa kasal na ‘to.” “Pero… kakakilala palang natin Aarav, masyado kang mabilis.” saad ko na tumalikod sa kanya dahil nagugulumihanan ako at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. “I know this sound’s insane but I really wanna make this right Siobeh. This whole thing. The Bet. The wedding. I want you to be mine.” “Ano ba talagang binabalak mo?! Kasi kung ginagamit mo lang ako, wala kang mapapala sa akin! Hindi ipapamana sa akin ng daddy ko ang crime family dahil si kuya ang hahawak non! Hindi mo ako larua–” natigilan ako nang humarap ako sa kanya dahil nakaluhod na ang isang tuhod niya sa sahig at may sing-sing na rin siyang hawak. “Marry me, Siobeh. I promise that you won’t regret this. Mamahalin kita, pagsisilbihan, ipagtatanggol, iingatan, kahit buhay ko ibibigay ko para sayo. Seryoso ako sa sinasabi ko kaya please, pagkatiwalaan mo ako. Open your heart to me and I’ll make sure that it will be worth it. I’m going to ask you again. My baby boo boo, will you spend your life with me?”AARAV“You did great, My baby boo boo.” saad ko na hinaplos ang chin at lips niya na masarap halik-halikan ngunit iniwas niya ang mukha niya sa akin. Ngayon ay nasa byahe na kami pauwi at sa tingin ko ay kailangan ko na namang suyuin si Siobeh. Tinotopak na naman ang babaeng ito. “Huy, sorry na, wag ka ng magalit, pumapangit ka oh.” saad ko na tinusok ang tagiliran niya para kilitiin siya. “Ano ba?!” angil niya sa akin ngunit hindi ako papayag na magalit na naman siya sa akin.“Baby naman…”“Ano?! Masaya ka na ba? Huh?! Alam mo ba kung anong tingin nila sa akin doon?! isang taksil! Traydor na sumama sa kalaban! Ni-ang sarili kong ama’y ayaw akong kilalanin at gusto na akong itakwil!” asik niya na puno ng sama ng loob at tila nangingilid na ang mga luha. Natahimik naman ako bigla. Masakit nga naman iyon.“Sorry na, saan mo gusto bukas? Ipapasyal kita.”“Hindi na ako bata, Aarav! Akala mo mauuto mo ako sa ganyan?”“Eh kasi… ayoko naman na basta-basta nalang tayo magpapakasal na para
AARAV“Siobeh, Anak!” alalang-alalang saad ni Mrs. Aldama “Mommy!” kaagad na tumayo si Siobeh upang puntahan si Mrs. Aldama at niyakap ito. Tumayo na rin ako at pinanuod sila pero hinihimas ko pa rin yung ulo ko sa sakit ng pagpalo ni Don Ramon ng tungkod niya, napatingin ako dahil yari pala sa solid wood iyon. Putang ina! kaya pala ang sakit! mababagok ata ang ulo ko!Hindi nila alintana ang gulo na dulot ko ngunit napansin ko na si Antonio kanina pa na animo'y nilalamon ako ng tingin. Namumuhi siya sa akin at ganon din ako sa kanya. “Kamusta ka, Anak? anong nangyari sayo? bigla ka nalang hindi umuwi, alalang-alala ako sayo!” “Okay lang po ako Mommy.” “Edralyn! bitiwan mo ‘yang walang hiya mong anak na hindi nag-iisip ng matino!” “Ramon! ngayon lang umuwi si Siobeh! wag mo naman siyang pagalitan!”“Paanong hindi ako magagalit?! buntis ‘yang anak mo at humihingi sa akin ang dalawang ito ng pahintulot para sa isang kasal na hindi naman nararapat!” “Totoo ba ‘to, Siobeh? buntis k
AARAV“Sinong may sabing bumalik ka dito sa pamamahay ko?! Lapastangan!” puno ng galit na sambit ni Don Ramon kay Siobeh.Nanginginig at nangingilid na ang luha ni Siobeh habang nakaupo sa sahig at hawak ang pisngi niyang namumula dahil sa sampal ng kanyang ama. Awtomatikong nagdilim ang paningin ko at mabilis na hinugot ang baril ko sa tagiliran at tinutok iyon kay Don Ramon ngunit bumunot din ng baril ang mga tauhan ni Don Ramon kasabay ng paghugot ng baril nila Michael sa likod ko. “Aarav! It’s fine, I’m fine! Please!” pagmamakaawa sa akin ni Siobeh na napatayo kaagad at pilit na niyayakap ako upang awatin ako sa masamang balak ko sa tatay niya. Tang ‘ina pasalamat siya, mahal ko si Siobeh. Hindi ko nga sinasasaktan yan eh, tapos sasampalin niya lang?“Hindi kami nandito para manggulo, gusto ko lang makipag-usap kaya please lang wag niyong sagarin ang pasensya ko! At wag na wag niyong sasaktan si Siobeh!” asik ko sa kanilang lahat. “Sayo pa talaga nanggagaling na wag kong sasakt
AARAV I was a high profile mafia at sa mundong ginagalawan ko mas inuuna at mas matimbang ang utak kaysa sa puso ngunit ang puso ko, mukhang tinamaan ng lintik nang makita ko si Siobeh Aldama sa isang auction sa Europe isang taon na ang nakalipas. Maganda, maputi, makinis, mabango at higit sa lahat sexy! Damn it! Nakakatuliro! Kasama niya ang tatay niya sa auction ngunit hindi sila sumali sa mga nagbi-bid at tumitingin-tingin lang. I was bidding on 7.5 hectares of land and property with a vineyard on the side dahil inutusan ako ng ama ko bilang huling habilin niya sa akin. I am just fulfilling my old man’s wishes ngunit hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit pinabili niya sa akin iyon at wala pa akong malinaw na plano para sa lupain na iyon. Hay naku, Dad. Hirap na hirap na akong tuparin ang mga huling habilin mo. Bakit naman kasi napakadami? Iniwan mo pa sa akin ang crime family ng wala man lang pasabe na mamamatay ka na pala. Putang inang buhay ‘to! Hirap na hirap tuloy ak
SIOBEH“Siobeh, pansinin mo naman ako, kausapin mo naman ako oh.” pag-uungot sa akin ni Aarav habang umaakyat kami sa hagdan. Gusto ko na kasing magpahinga dahil gabing-gabi na at wala na talaga akong energy pa. “I hate you! go away!” saad ko na mabilis na pumasok sa kwarto namin.“It won't happen again, I’m sorry!” saad niya na sinusundan pa rin ako. “Ah talaga?! eh bakit mo binaril yung pinadalang espiya ni daddy?!” “I got pissed. Okay?” paliwanag niya. Naupo naman ako sa kama at tinanggal ang stilletos ko. “Well, hindi iyon rason para pumatay ng tao!” asik ko habang kumukuha ng sleepwear sa cabinet ko. “He’s a spy! Dapat lang sa kanya iyon!” natigilan ako sa sinabi niya.“Gusto lang naman ni daddy na malaman kung okay lang ako because you didn’t allow me to contact them! Binilhan mo pa ako ng cellphone pero blocked naman lahat ng sites para makausap ko sila. Bawal social media, hindi rin ako makagamit ng email! Aanhin ko ito, Aarav?!” saad ko na padabog na ibinalik sa kanya an
SIOBEHIt’s an engagement party for me and Aarav ngunit hindi ako masaya. Iniisip ko pa rin ang pagtakas. Kailangan ko ng makauwi sa amin kung kaya’t nang malingat si Aarav ay tumakbo ako palayo sa kasiyahan ngunit napadpad ako sa isang malaking hardin. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas ngunit kailangan kong makatakas dito.Damn it! Saan ba ang daan paalis dito?! Malaki at malawak ang hardin na iyon. Naglalakad ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko nang may biglang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. “Wag kang sisigaw, ako ‘to si Kent.” pakilala niya at marahang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. “Kent!” saad ko at sinunggaban siya ng yakap.“Nagpadala kami ng espiya upang bantayan ka dito at alamin ang kalagayan mo.” “Tama ka! Hindi dapat ako sumama kay Aarav! Wala siyang puso! Masama siyang tao! Iuwi mo na ako samin Kent please, parang awa mo na!” “Teka lang, hindi pwede! Nakarating na sa ama mo ang lahat at galit na galit siya!”“I’ll explain everything to him







