Share

Chapter 43

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-06-09 19:11:47

BUKOD sa wedding gown ay pinapili din si Kenna ni Nathan ng gown na isusuot niya para sa charity gala na pupuntahan nila mamayang gabi. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang piliing evening gown ngunit nag-suggest ang staff na nag-assist sa kaniya at ipinakita ang isang kulay pulang evening gown at nang sukatin niya ito ay sukat na sukat sa kaniya na para bang ginawa talaga ito para sa kanya.

Katulad ng sinabi nito kanina ay pauulit-ulit na naman siya nitong pinuri. Ni hindi na niya ipinaki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jaslly Parana
Akitin mo na kaya c Nathan, Kenna?haha..thank you,author...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 67

    NAPAHILOT ng sentido si Nathan habang pinapakinggan ang mga salitang napakatagal niyang inasam na marinig mula sa mga labi ni Mandy. Kung noon siguro nito sinabi sa kaniya ang mga salitang iyon ay matutuwa siya pero ngayon? Hindi na niya alam pa. Masaya siya. Masaya siya kasama si Kenna at Cassandra kahit na sabihin pang peke lang ang pagsasama nila.Kapag kasama niya ang mga ito ay nakakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Mandy. Idagdag pa na ang focus niya ngayon ay ang ibigay sa mga ito ang lahat. Ang bigyan ng buop at masayang pamilya si Cassandra.Kapag nalaman ito ni Kenna ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nito. Ayaw niya itong masaktan kahit na peke lang ang lahat. At si Cassandra, anong mararamdaman nito kapag may nakapagsabi dito na may naghahabol sa kaniya? Hindi ba at masasaktan din ito? Ang mga ngiti sa labi nito ay nakakawala ng pagod at ayaw niyang mabura ang mga ngiting iyon.“Mandy, please… itigil mo na ang lahat ng ito. Itigil mo na ang panggugulo sa ak

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 66

    NAGING success ang ginawang pagpapakalat ni Mandy ng mga larawan nila ni Nathan dahil ngayon, lahat ng tao sa buong bansa ay pinag-uusapan na sila. Bukod pa doon ay nagpa-interview din siya sa isang podcast para malaman ng lahat kung saan at paano nagsmula ang kanilang relasyon ni Nathan.“Pero diba, ito si Mr. Nathan Montefalco ay nabalitang kakakasal lang nitong mga nakaraang araw?” tanong ng interviewer sa kaniya kanina.Ngumiti lang siya at ang ngiting ipinaskil niya sa kanyang mga labi ay isang malungkot na ngiti. Tumango siya. “Yes.”Parang may biglang naalala ang babae. “Ah, so iyon din ba ang kasabay ng pagkalat ng video mo sa isang simbahan?” tanong nito sa kaniya na ikinatango niya lang ulit. Wala siyang balak na itago pa ang lahat ng tungkol sa relasyon nila ni Nathan sa halip ay gusto niyang malaman ng mga ito kung ano ba talaga at gaano kalalim ang pinagsamahan nilang dalawa. Gusto niyang umabot ang balitang iyon sa babaeng pinakasalan ni Nathan.“Tama ka. Noong malaman k

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 65

    HANGGANG nang makasakay na sila sa sasakyan ay medyo hindi pa rin kumakalma ang puso ni Kenna. Gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili at pagalitan ito dahil bakit hinayaan niyang mangyari iyon. Hindi niya tuloy alam kung paano siya haharap ng maayos ngayon kay Nathan. Higit sa lahat ay naramdaman niya na medyo ilag din ito sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya. Hindi ba at mas maganda na rin iyon para maiwasan nila ang isat-isa?Hindi niya ba kasi alam sa sarili niya kung bakit ba ganun na lang ang reaksyon ng katawan niya, ng puso niya sa tywing magkakadikit sila ng lalaki na dati ay pagkailang lang naman ang lahat ng yon pero ngayon ay parang iba na.Napatitig siya sa labas ng bintana. Nasa pagitan nila si Cassandra ng mga oras na iyon at nakatulog na ito. Nakaunan ito sa kanyang mga hita. Sa maghapong paglalaro nito at pamamasyal ay talaga namang napagod ito. Napangiti na lang siya at hinaplos ang buhok nito. Tiyak na may maipagmamalaki na ito sa mga kaklase nito pagbalik

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 64

    “Bakit hindi? Kung gusto mo ay palagi tayong mamamasyal okay?” sagot ni Nathan kay Cassandra. Kung siya lang ang tatanungin ay wala din namang problema sa kaniya. Kaya lang kasi ay may kasunduan sila ng lalaki at magtatagal lang ang kasal nila ng isang taon at sa mga susunod na taon ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Cassandra.Kahit na may pangako ang lalaki, hindi niya pa rin sigurado kung tutuparin ba nito iyon. “Talaga po Daddy?” nagliliwanag ang mukhang tanong ni CAssandra dito, tumango naman ito pagkatapos ay yumuko para tuluyang kargahin ang anak niya.“Basta palagi mo lang ipangako na magiging mabait ka sa Mommy mo. huwag mong pasasakitin ang ulo niya okay?”Humagikgik naman ang kanyang anak at pagkatapos ay napatakip sa bibig. “Hindi naman ako pasaway diba Mommy?” mahina nitong tanong sa kaniya na ikinangiti niya lang at ikinapilig ng ulo.“Oo naman, anak ko. Ang bait-bait mo kaya…” hinaplos niya ang ulo nito.Marami ng tao silang k

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 63

    HALOS alas onse na ng umaga nang dumating ang kotse na sinasakyan nila Kenna sa Disneyland. Nagpahinga lang sila ng kaunti tyaka sila nagpunta doon. Kanina pa kasi excited si Cassandra at kanina pa sila nito kinukulit na pumunta na daw sila doon. Kung siya lang ang tatanungin ay gusto niya muna sanang magpahinga at bukas na lang sila pumunta doon ngunit ayaw magpaawat ni Cassandra kaya wala na silang nagawa pa kundi ang sundin na lang ang gusto nito.“Wow! Tingnan mo Mommy! Tingnan mo!” bulalas nito. Ang mga mata nito ay puno ng mazement habang nakatingin sa labas ng Disneyland na minsan nitong pinangarap lang puntahan pero ng ga oras na iyon ay naroon na sila at matutupad ang isa sa mga bucketlist nito.Ngumiti lang siya habang pinapanood ang anak niya dahil ang totoo ay sobrang saya ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Kapag nakikita niyang nakangiti ang anak niya ay parang nawawala ang lahat ng problema niya. Parang nawawala ang lahat ng bigat na nararamdaman niya.“Excited ka

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 62

    KAAGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Nathan nang makita ang babaeng nasa harap ng kanyang villa. Sino naman kaya ito? Nandito ba ito para manggulo?Naging madilim ang kanyang mukha nang lumapit ito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi naman siya ganun kasamang tao, kaya nga lang ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung ginugulo siya at hanggang sa bahay na tinitirhan niya ay sinusundan siya. Idagdag pa na paano naman kaya ito nakapasok doon? Samantalang napaka higpit ng seguridad sa village na iyon. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito. May ngiti itong hindi niya maipaliwanag. “Ikaw ba ang asawa ng anak ko? Ikaw ba ang manugang ko?” kaagad na tanong nito sa kaniya dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay ng wala sa oras.Manugang? Asawa ng anak niya? Napatitig siya sa mukha nitong nakatitig sa kaniya. Ibig bang sabihin ay ito ang ina ni Kenna? Pero noong tanungin niya ito ay sinabi nito sa kaniya na wala na itong ina kaya bakit ngayon ay may lumilitaw na ina pala ito?“San

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 52

    PAGKATAPOS magsayaw nina Nathan at Kenna ay nakipagkwentuhan pa sila sa ilang mga bisita. Hindi na rin siya makakaiwas pa kaya nilakasan na lang niya ang kanyang loob at mas pinag-igihan pa ang kanyang pagpapanggap. Hindi lahat ng tao ay alam niyang magugustuhan siya ngunit hindi naman iyon ang imp

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 51

    ANG lahat ng mga mata ay biglang napadako sa kanilang dalawa ni Nathan. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ni hindi niya inasahan na titingnan sila ng mga tao ng ganito na para bang sila ang pinaka attraction sa gabing iyon. Ramdam na ramdam niya ang kabog ng dibdib n

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 46

    TAHIMIK na naghihintay si Nathan kay Kenna. Inutusan niya si Cassandra na umakyat para sabihan itong kailangan na nilang umalis dahil anong oras na. Mag-aalas otso na ng gabi at iyon pa naman ang oras ng umpisa. Idagdag pa na ayaw niya kasi talaga na nalelate siya sa mga ganung party. Gusto niya ay

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 45

    ALAS sais pa lang ng gabi ay nakaligp na si Kenna at tinutuyo na niya ang kanyang buhok ng makarinig siya ng katok mula sa pinto. Tumayo siya sa kanyang kinuupuan para pagbuksan kung sino man iyon pero malakas ang kutob niya na si Cassandra ito. Hindi pa niya ito nakikita simula kanina noong dumati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status