MasukAng pagiging isang single mom ang pinakamahirap na desisyon na ginawa ni Kenna sa buhay niya. Hinarap niya ang lahat ng panghuhusga ng mga tao at bukod pa doon ay pinalaki niya ang anak niya ng mag-isa dahil para sa kaniya, ang anak niya ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa buong buhay niya. Sa edad nitong anim na taon ay mahilig itong maglaro at kung sino-sinong lalaki ang itinuturo nitong gustong maging Daddy na tinatawanan lang naman niya. Not until isinama niya ito sa hotel na pinagtatrabahuhan niya, nang hanapin niya ito ay natagpuan niyang may kausap itong isang lalaki kung saan ay karga-karga pa siya nito. "Cassandra!" sabay na lumingon sa kaniya ang dalawa at doon ay para siyang itinulos mula sa kinatatayuan niya ng makita niya ang mukha ng lalaki. Siya iyon, ang pamilyar na mukha na minsan niya lang nakita sa buong buhay niya pero tandang-tanda niya. Sa isang sulyap lang ay parang bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari noong gabing iyon. Mabilis na tumakbo ang kaniyang anak patungo sa kaniya at bumulong. "Mommy, I found Daddy!" ----- He was her greatest mistake, now he is her boss and her past that she can’t escape. How will they story unfold? Will their daughter scheme— "mission Mommy and Daddy fall inlove" would be a success or a failure?
Lihat lebih banyak‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.
Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala niya.
“Anong klaseng babae ka para magpabuntis ha?! Alam mo ba kung anong kahihiyan ang naghihintay para sa pamilya natin lalong-lalo na sa akin?!” galit na galit na sigaw sa kaniya ng kanyang ina.
“Alam mo ba Kenna?!” hindi siya makaimik o ni hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito dahil maging siya ay hindi kayang sagutin ang tanong nito.
Gulong-gulo ang isip niya noong gabing iyon. Ni hindi niya alam na pumayag siyang makipagsiping sa lalaking iyon. Kaya lang naman niya nagawa iyon dahil sa sama ng loob niya. Kung sana ay hindi nito palaging kinakampihan ang mga step sister niya e di sana ay hindi siya nag lasing at hindi siya nabuntis.
“Ginawa ko naman ang lahat, ibinigay ko sayo ang lahat pero bakit? Bakit mo ginawa ito?” halos mawalan ng boses ang kanyang ina.
Bakit? Bakit niya nagawa iyon?
Dahan dahang gumalaw ang kanyang ulo at tumingin dito. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa ilang taon niyang pananahimik at pagkikimkim ng sama ng loob niya para sa ina, sa mga oras na iyon ay hindi na niya kaya pang pigilan ang lahat ng iyon. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya.
“Bakit ‘Ma? Tinatanong niyo ako kung bakit?” puno ng pait na tanong niya rito. Pakiramdam niya ay parang may nakabara sa lalamunan niya ng mga oras na iyon. Parang may sumasakal sa kaniya.
“Bakit? Dahil sa inyo. Dahil palagi na lang sila ang kinakampihan niyo kahit alam niyong sila ang mali. Dahil palaging—” ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay isang sampal ang muling dumapo sa pisngi niya.
Halos mapangiwi siya sa sakit. Ngunit walang mas sasakit sa nararamdaman niya sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon.
“Anong karapatan mo para sabihin yan sa akin?!” halos manginig sa galit ang kanyang ina. “Alam mo naman na ang Tito mo ang bumubuhay sa atin diba? Siya ang nagpapaaral sayo kaya tama lang na—”
“Na ano Ma? Na maging alila ako dito sa bahay na ito? Na ako ang palaging mali kahit na sila naman talaga?” putol niya sa sinasabi nito. Sa mga oras na iyon ay tuluyan ng tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang emosyon at tuluyan itong rumagasa.
Kitang kita niya kung paano ito natigilan ngunit sandali lang iyon ngunit kahit na ganun ay nagpatuloy pa rin siya. “Alam niyo ba kung anong nararamdaman ko sa tuwing sila ang kinakampihan niyo? Alam niyo ba kung anong sakit ang nararamdaman ko?” puno ng hinanakit na tanong niya rito habang hilam ng luha ang kanyang mga mata.
Nagtagis lang ang mga bagang nito at malamig ang mga matang nakatingin sa kaniya na para bang walang pakialam sa kung anong sinasabi niya. Napahikbi siya. Mas lalo pang sumikip ang dibdib niya dahil dito. Parang walang pakialam ang kanyang ina at higit sa lahat ay parang hindi siya nito anak.
“Bakit parang mas anak pa ang turing mo sa kanila Ma? E ako yung tunay mong anak.” sabi niya habang itinuturo ang sarili niya.
“Ako ang anak mo, hindi sila diba? Pero bakit?” halos bulong na lang iyon.
Tumayo ito sa kinauupuan. “Lumayas ka ngayon din. Tiyak na kapag nalaman ni Tito mo na buntis ka ay magagalit lang siya sa akin kaya mas maganda na lang kung lumayas ka.”
Napuno ng sakit ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. Paano siya lalayas? Saan siya pupunta? Isa lang siyang twenty years old at third year college student. So saan siya pupunta kung palalayasin siya nito?
“Ma, saan ako pupunta? Bakit mo ako kailangang palayasin? Alam niyo naman na—”
“Wala akong pakialam!” sigaw nito sa kaniya habang pinanlalakihan siya ng mga mata. “Alam mo pala na wala kang mapupuntahan pero nagpabuntis ka! Kung hindi ka naman talaga gaga! Nag-aaral ka pero hindi mo ginagamit ang utak mo.” puno ng poot na sabi nito sa kaniya.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kenna ng marinig ang mga salitang iyon galing sa kanyang sariling ina. Hindi niya na matandaan pa kung kailan siya nito kinausap na parang noong bata pa siya, noong sila lang dalawa. Ibang iba na ito.
Nagpunas siya ng kanyang mga mata at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Walang imik na umalis sa harap ng ina at pumunta sa silid na halos maging isang bodega na. Halos mapadausdos siya paupo sa sahig hanggang sa muling napahikbi. Wala siyang pagpipilian kundi ang umalis na lang sa bahay na iyon lalo na at mukha rin namang impyerno ang bahay na iyon para sa kaniya.
Tama, mas mainam na umalis na lang siya. Baka sabihin lang sa kaniya ng kanyang stepfather na ipalaglag niya ang anak niya at hindi niya iyon hahayaang mangyari.
…
“You mean she was your real daughter?” hinid makapaniwalang tanong ni Via sa kaniya.Nasa mansyon siya ng mga oras na iyon para sabihin dito ang totoo. Tumango siya. Kahit late na ay gising pa rin ang mga ito at sa loob ng study ay naroon ang kanyang ama, si Via at ang asawa nitong si Ivan.Napatakip si Via sa bibig nito. “Grabe, sinong mag-aakala na anak mo talaga siya? Hinid mo man lab naramdaman yung sinasabi nila na, what was that again?” nilingon nito ang asawa.Mahina itong napatawa. “Lukso ng dugo, sweetheart…” masuyong sagot naman ng asawa nito.“That! Hindi mo ba man lang ba iyon naramdaman?” kunot ang noo nitong tanong sa kana.Sa totoo lang, naramdaman niya siguro iyon kaya lang ay hindi niya alam na iyon na pala iyon. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na iyon kaya hindi niya ito nakilala kaagad at dahil dito ay mas naging matindi lang ang guilt na nararamdaman niya. Napahlamos siya sa kanyang mukha. Ang kanyang mga siko ay nakapatong sa kanyang mga tuhod.“I don’t kn
NARINIG ni Kenna ang mahina at mahabang pagbuntong hininga ni Nathan. “It’s okay… hindi ikaw ang dapat humingi ng tawad sa akin kundi ako.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay binitawan siya. Hinawakan nito ang magkabila niyang mga pisngi at pagkatapos ay pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang mga hinlalaki nito.“Tahan na okay?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay hinalikan ang noo niya.“Nagulat lang ako and I am lost. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil tunay ko pa lang anak si Cassandra. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko noong makita ko siya.” patuloy pa nito.Hawak pa rin nito ang kanyang mukha habang siya ay patuloy sa pag-iyak. Ayaw pa rin tumigil ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. “And I am so sorry if I didn’t recognize you. I am really sorry Kenna…” puno ng panghihinayang at pagsisisi na usal nito sa kaniya. “I am so sorry…”Pinupog siya nito ng halik. Sa totoo lang, ibang-iba ang naiimagine niyang reaksyon nito sa reaksyon nito ngayon. Aka
ISANG linggong magkasama sina Nathan at Kenna ngunit pakiramdam ni Nathan ay kulang pa rin ang oras na pinagsaluhan nila. Ibang-iba an pakiramdam niya habang nasa isla sila. Para niyang nakalimutan ang lahat ng problema niya habang kasama niya si Kenna doon. Kung pwede lang sana na magbakasyon pa siya ng mas matagal ay ginawa na niya ngunit ang isang linggong iyon ay napakalaking kawalan na sa kaniya.Napakarami na sana niyang nagawa pero syempre, deserve niya naman ang bakasyon kaya hindi siya nagpapigil. Idagdag pa na alam niyang worth it ang lahat ng iyon dahil talagang napakalaki na ng pagbabago ng relasyon nila ni Kenna.Kung noon, ilang na ilang ito kapag kasama siya ngayon ay masasabi niyang komportable na ito sa kaniya. Medyo madaldal na rin ito sa kaniya kaya masaya siya. Ayaw pa sana niya talagang umuwi kaso ay kailangan na niyang bumalik sa dami ng kailangan niyang gawin.Napa buntong hininga siya. “Daddy…” tawag sa kaniya ni Cassandra.Hindi niya namalayang hinabol pala s
KATULAD nga ng inasahan ni Kenna, hindi siya nagising ng maaga dahil kay Nathan. Hindi niya namamalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil nga tulog ba siya at nang magising siya ay hapon na.Bumangon siya sa kama at pasuray-suray na naglakad patungo sa balcony salaming pinto patungo sa balcony. Halos palubog na ang araw ng mga oras na iyon at hindi niya maiwasang hindi mapa buntong hininga. Isang araw na kaagad ang lumipas ngunit sa halip na maglakad-lakad siya ay natulog lang ang tanging nagawa niya.Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at alam na niya kaagad kung sino ang pumasok. Walang iba kundi si Nathan. Sa sumunod na sandali ay narinig niya ang papalapit nitong mga yabag at bigla na lang may mga bisig na pumulupot sa beywang niya.“Gising ka na pala wife…” hinalikan nito ang balikat niya. Napapikit lang siya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakabalot sa kaniya.Hindi sila ganito ka-sweet noong nasa bahay sila. Siguro dahil nagpapakiramdaman pa sila o dahil b
NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.
YUMUKO ang lahat ng mga staff ng marinig nila angs inabi ng isang manager na papasok na daw ang owner ng hotel. Wala ni isa ang nagtangkang magtaas ng ulo kahit sino sa takot. “Mommy!” halos mapalundag sa gulat si Kenna ng marinig ang boses ng kanyang anak.Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nak
“Dito ka lang, okay? Huwag kang lalayo. Hahanapin kita mamaya kapag may free time na ako.” bilin niya rito. Tumango naman ito kaagad sa kaniya. Bukod doon ay iniwanan niya ito ng mga pagkain para hindi naman ito magutom.Muli niya itong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis dahil kailangan na niyan












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan