Share

Chapter 3

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-05-24 16:40:35

“Dito ka lang, okay? Huwag kang lalayo. Hahanapin kita mamaya kapag may free time na ako.” bilin niya rito. Tumango naman ito kaagad sa kaniya. Bukod doon ay iniwanan niya ito ng mga pagkain para hindi naman ito magutom.

Muli niya itong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis dahil kailangan na niyang bumalik sa loob. “Ayos ka lang ba talaga dito?” tanong niya rito. 

“Yes Mommy.” sagot nito sa kaniya at nagsimula ng mag-drawing. Napa buntong hininga na lang siya. Kung pwede lang sana siyang mag-absent at samahan ang anak niya ay para mamasyal na lang ay ginawa na niya pero hindi kasi pwede. Kailangan talagang naroon siya.

“Babalikan din kita kaagad, okay?” muling sabi niya rito na ikinatango lang nito.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng tumalikod si Kenna at bumalik sa loob ng hotel.

SAMANTALA, sa likod ng hotel dumaan si Nathan dahil ayaw niya sa harapan. Masyado siyang makakuha ng atensyon kapag doon siya dumaan. Ito ang unang beses niyang pumunta sa hotel na iyon dahil unang-una ay ngayon lang naman talaga siya umuwi pagkatapos ng ilang taon na pananatili sa ibang bansa.

Hindi nga pa sana siya uuwi sa totoo lang kung hindi lang dahil pinilit siya ni Olivia, ang kapatid niya na umuwi para sa birthday ng pamangkin niya. Idagdag pa na kaya din siya umuwi ay para maayos na ang ilang taon niyang problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nareresolba— ang pagkakaroon ng asawa.

Hindi naman sa ayaw niyang mag-asawa pero wala pa kasi talaga siyang balak na itali ang sarili niya iisang babae. Hindi pa siya handang isuko ang kalayaan na meron siya. Kung makakahanap man siya ng babae na pwede niyang pakasalan at maging asawa ay yun sanang walang ibang gusto kundi ang makipag kasundo sa kaniya pero kasi, karamihan kasi sa mga babaeng nakikilala niya ay walang ibang hinangad kundi ang mapalapit sa kaniya para sa iisang bagay— dahil sa yaman na meron siya.

Umaaligid ang mga babae sa kaniya  dahil sa parehong rason na iyon kaya medyo turn off siya kaagad sa mga ito. Ayaw niya sa mga babaeng mga parang linta kung kumapit sa kaniya.

Habang naglalakad ay bigla na lang siyang napadaan sa garden kung saan ay nakita niyang may isang bayang babae ang nakaupo sa isang upuan at abalang gumuguhit. Kaagad na napaangat ang kanyang mga kilay. Anak kaya ito ng mga guest nila sa hotel? Pero bakit dito pa sa garden? E sa pagkakaalam niya ay may private na palaruan sa loob ng hotel kaya hindi niya maiwasang hindi mapataas ang kilay. Hindi niya namamalayan ay naglakad na pala siya palapit dito hanggang sa bigla na lang siyang napatitig sa iginuguhit nito. 

Isa itong guhit na na pambata, isang babae at isang lalaki at sa gitna ay isang bata. Naisip niya, baka iginuguhit nito ang Mommy at Daddy nito. Hindi nagtagal ay bigla na lang itong nag-angat ng ulo at tumingin sa kaniya.

Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi  niya malamang dahilan. Bukod pa doon ay meron siyang naramdaman na familiarity habang nakatingin sa bata. 

Kitang-kita niya kung paano nagliwanag ang mukha nito. “Sir, may asawa na po ba kayo?” biglang tanong nito sa kaniya na ikinagulat niya.

“What?” bahagya pa siyang natawa sa tanong nito.

Bigla itong bumaba sa kinauupuan nito at hinawakan ang kamay niya. Napakainit ng kamay nito at ni wala man lang siyang galit na naramdaman noong mga oras na iyon kahit na hindi siya ganun kahilig sa mga bata.

“Tingnan niyo po itong drawing ko!” biglang sabi nito at kinuha ang papel sa mesa. “Ito po ang Mommy ko,” itinuro nito ang babae na nakahawak sa kamay ng bata sa gitna. “At ako naman po ito,” turo naman nito sa batang nasa gitna, “at ito ay kayo. Kayo ang Daddy ko!” bulalas nito na ikinagulat niya.

“Teka bata… hindi, mali ka. Hindi ako ang Daddy mo.” sabi niya habang umiiling pa ngunit bigla na lang itong tumungin sa kaniya at ngumuso. Sa sumunod na sandali at suminghot singhot na ito habang namumula ang mga mata.

Nataranta siya ng wala sa oras dahil ito pa lang ang unang beses na makaka-encounter siya ng ganito. Paano kung sugurin siya ng nanay nito dahil ang akala ay pinaiyak niya ang anak nito? Bigla siyang umupo sa harapan ng bata at napa buntong hininga. Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.

“Teka bata, hu-huwag ka ng umiyak. Ano bang gusto mo? Gusto mo ng candy? Laruan? Pera? Sabihin mo sa akin at ibibigay ko sayo.” sabi niya rito sakaling tumigil ito sa pag-iyak.

Sa puntong iyon ay bigla itong tumigil. Ang mapupula nitong mga mata ay tumingin sa kaniya. May bahid pa ng luha ang mga mata nito kung saan ay dali-dali niyang pinunasan gamit ang kanyang panyo.

“Pwede po bang maging Daddy ko na lang kayo?” tanong nito sa kaniya. Ang inosenteng mukha nito ay nakakaawa ngunit napakahirap na bagay ng gusto nito. Hindi naman ganun kadali ang gusto nito kaya paano niya ito maibibigay?

“Teka bata…” huminga siya ng malalim. Paano niya ba ipapaliwanag dito ang lahat. “Ano kasi, uhm, hindi ganun kadali ang hinihiling mo. kung gusto mo ay bilhan na lang kita ng laruan yung pinakamaganda sa lahat. Ano sa tingin mo?” tanong niya habang nakangiti ngunit nanatili ang ekspresyon nito bago umiling sa kaniya.

“Ayoko po ng laruan. Ang gusto ko po ay kayo, na maging Daddy ko.” sabi nito sa kaniya at napayuko pa. “May school activity po ako at gusto kong pumunta doon kasama kayo. Pwede po ba yun na lang?” nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kaniya na may pagmamakaawang mukha. 

Parang may kung anong dumagan sa dibdib niya ng mga oras na iyon habang nakatingin sa malungkot nitong ekspresyon. “I… I…” hindi niya magawang matapos ang kanyang sasabihin hanggang sa napapikit na lang siya ng wala sa oras at napahilot sa kanyang sentid. “Fine, just once lang huh?” tanong nito sa kaniya na kung saan ay agad na nagliwanag ang mukha nito.

“Talaga po?” masayang masaya na tanong nito sa kaniya. “At, at pwede po ba kayong tawaging Daddy?” tanong pa nitong muli sa kaniya na ikinatigil niya sandali.

Daddy? Tatawagin siya nitong Daddy?

Napatitig siya sa mukha ng batang babae ng wala sa oras. Kung magkakaroon siya siguro ng ganito ka-cute at kabibong anak at tatawagin siyang Daddy ay magiging masaya kaya siya?

Isang ngiti ang dahan-dahang kumurba sa kanyang labi at mahinang tumango. “Okay. call me your DAddy as you want pero sigurado ka bang walang magagalit?” tanong niya rito dahil baka mamaya ay mapaaway pa siya ng wala sa oras.

Umiling ito. “Wala na po akong Daddy.” sagot nito sa kaniya dahilan para makaramdam siya ng awa para sa bata. Kaya ba ito ganun dahil sabik ito sa pagmamahal ng ama?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 62

    KAAGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Nathan nang makita ang babaeng nasa harap ng kanyang villa. Sino naman kaya ito? Nandito ba ito para manggulo?Naging madilim ang kanyang mukha nang lumapit ito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi naman siya ganun kasamang tao, kaya nga lang ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung ginugulo siya at hanggang sa bahay na tinitirhan niya ay sinusundan siya. Idagdag pa na paano naman kaya ito nakapasok doon? Samantalang napaka higpit ng seguridad sa village na iyon. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito. May ngiti itong hindi niya maipaliwanag. “Ikaw ba ang asawa ng anak ko? Ikaw ba ang manugang ko?” kaagad na tanong nito sa kaniya dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay ng wala sa oras.Manugang? Asawa ng anak niya? Napatitig siya sa mukha nitong nakatitig sa kaniya. Ibig bang sabihin ay ito ang ina ni Kenna? Pero noong tanungin niya ito ay sinabi nito sa kaniya na wala na itong ina kaya bakit ngayon ay may lumilitaw na ina pala ito?“San

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 61

    PUMUNTA muna si Nathan sa kumpanya para ayusin ang mga kailangan niyang ayusin doon bago siya umalis bukas. Halos isang linggo din ang bakasyon nilang tatlo nina Kenna at ayaw niya namang may maiwan siyang mga trabaho niya kaya inasikaso niya muna ang mga ito. Bukod pa doon ay mabuti na lang at naayos ng assistant niya ang ipinaayos niya rito. Mabilis n anabura ang anumang mga post tungkol sa ginawa ni Mandy na makakapag-link sa kanilang dalawa.Napa buntong hininga siya nang muli niya itong maisip, hindi niya lubos akalain na magagawa iyon ni Mandy. Wala sa hinagap niya na balang araw ay ito mismo ang gagawa ng bagay na iyon. Napa sandal na lang siya ng wala sa oras sa kanyang kinauupuan. Ngunit ang iniintindi niya naman ngayon ay ang umabot sa kanyang balita na pinag-uusapan daw ng ibang tao si Cassandra, bilang hindi anak ni Kenna at hindi niya naman tunay na anak.~~~~~Nang malaman ni Dina ang tungkol sa muling paglitaw ni Kenna ay wala lang sa kaniya. Ayos lang naman sa kaniya n

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 60

    NANG magising kinabukasan si Kenna ay nasa kama na siya at nagtataka siya kung paano siya napunta doon?Bumangon siya sa kama at nagtungo sa banyo. Napahikab pa siya. Dahil yata sa sobra niyang pagod ay medyo tinanghali na siyang gumising. Paglabas niya ng silid ay agad niyang nakita ang pagkaing nakahanda sa mesa, naghihintay sa kaniya. Hindi niya inaasahan iyon sa totoo lang.Bago pa siya makapag-react ay lumitaw si Nathan mula sa kung saan dahilan para mapatalon siya sa gulat. “Gising ka na pala. Good morning.” may mainit na ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya.Para siyang masisilaw sa ngiti ni Nathan ng mga oras na iyon. Pakiwari niya ay napakaliwanag ng mukha nito at buong katawan nito ng wala sa oras dahilan para mag-iwas siya ng tingin. “Kamusta ang tulog mo?” muling tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay umupo sa sofa.Isang nahihiyang ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi. “Ayos lang naman.” sagot niya at umupo sa harap nito. “Kumain ka na.”Napaangat siya

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 59

    PAGOD na pagod si Kenna noong araw na iyon. Paano ba naman ay madaling araw na ngunit napakarami pang bisita. Si Via lang ang nag-push sa kanila ni Nathan na umalis na dahil kailangan pa daw nilang mag-honeymoon. Natawa na lang siya dito. Bukod pa doon ay ito na rin ang nag-uwi kay Cassandra. Pansamantala daw niya muna itong kukunin sa kanila para wala munang istorbo kaya ng mga oras na iyon ay magkasama na sila ni Nathan pero hindi para mag honeymoon kundi para ipakita lang sa mga tao na magkasama sila sa kanilang wedding night.Hindi naman maganda kung makita silang hindi magkasama hindi ba? Anong silbi ng pagpapakasal nila kung sakali.Nang pumasok sila sa silid na dalawa ay kaagad na niluwagan ni Nathang ang kurbata nito tyaka nagpakawala ng isang buntong hininga. Ilang sandali pa ay nilingon siya nito. “Do you need help?”Natigilan siya. Ang kanyang gown ay may mga tali sa likod at kung siya lang mag-isa ang magtatanggal nito ay tiyak na hindi niya kaya. Sandali siyang nagdalawan

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 58

    MABILIS na kumalat ang mga video at mga pictures ni Mandy nang magtungo siya sa simbahan para pigilan sana ang kasal ni Nathan at ng babaeng iyon ngunit hindi niya talaga lubos akalain na sa ibang simbahan pala siya nagtungo. Kanina pa tunog ng tunog ang kanyang cellphone. Bukod pa doon ay kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan at kakilala niya para tanungin kung anong ibig sabihin ng nangyaring iyon.Napakagat siya sa kanyang kuko at pagkatapos ay napatayo. Pinulot niya ang isang vase na nakapatong sa kanyang coffee table tyaka niya ito ibinato. Sa sumunod na sandali ay nagkanda pira-piraso ang mga ito. Ang kanyang dibdib ay nagtaas baba sa sobrang galit ng mga oras na iyon.Napakawalang silbi ng taong nagbigay sa kaniya ng impormasyon tungkol sa pagkakasalan nina Nathan. Buong kumpiyansa pa itong sumagot sa kaniya dahil pauulit-ulit niyang tinanong kung sigurado ba talaga itong doon ikakasal ang lalaki at umuo naman ito sa kaniya at ngayon ay hindi niya akalaing mapapahya siya n

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 57

    “You may now kiss the bride.” sabi ng nagkasal sa kanila. Nang marinig ni Kenna iyon ay muli na namang lumakas ang tibok ng puso niya. Kanina habang kinakasal sila ay parang walang pumapasok sa isip niya sa totoo lang. Para lang siyang nakalutang. Parang hindi siya makapaniwala na kinakasal na silang dalawa ni Nathan at hindi lang iyon basta kasal kasalan dahil totoo iyon! Totoo at legal!Ilang sandali pa ay nagtinginan na silang dalawa ni Nathan. Malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib at medyo kinakabahan siya. “Is this your first kiss? O your first legal kiss?” tanong ulit ng nagkasal sa kanila na ikinangiti niya lang at maging ni Nathan.Nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaki ay parang gusto ng tumalon palabas ng puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang mga tao sa paligid ay nag-ingay at nag-cheer pa sa kanila.Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Nathan. Halos nakalimutan niya na ang tungkol doon na pagkatapos pala ng kasal ay m

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 5

    ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 4

    YUMUKO ang lahat ng mga staff ng marinig nila angs inabi ng isang manager na papasok na daw ang owner ng hotel. Wala ni isa ang nagtangkang magtaas ng ulo kahit sino sa takot. “Mommy!” halos mapalundag sa gulat si Kenna ng marinig ang boses ng kanyang anak.Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nak

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 2

    MALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 1

    SEVEN YEARS LATERNapa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.Sumakay siya sa kanyang kotse at n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status