Share

Chapter 58

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-06-21 18:42:38

MABILIS na kumalat ang mga video at mga pictures ni Mandy nang magtungo siya sa simbahan para pigilan sana ang kasal ni Nathan at ng babaeng iyon ngunit hindi niya talaga lubos akalain na sa ibang simbahan pala siya nagtungo. Kanina pa tunog ng tunog ang kanyang cellphone. Bukod pa doon ay kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan at kakilala niya para tanungin kung anong ibig sabihin ng nangyaring iyon.

Napakagat siya sa kanyang kuko at pagkatapos ay napatayo. Pinulot niya ang isang vase na n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 68

    WALA namang alam na pwedeng puntahan si Kenna sa lugar na iyon dahil unang-una ay iyon pa lang ang unang beses na nagpunta siya doon. Dahil dito ay kinuha niya ang kanyang cellphone para maghanap sana ng pwede nilang puntahan ngunit hindi niya alam at bigla na lang siyang pumunta sa isa sa kanyang social media account.Hindi naman sa madalang niya itong binubuksan kundi sa halip ay palagi niya nga itong ginagamit dahil palagi siyang nanunuod para lang malibang at ang unang bumungad sa kaniya ay ang isang post tungkol sa isang sikat na modelo na si Mandy. Nang pindutin niya ang post ay doon na tumambad sa kaniya ang napakaraming pictures kasama ng isang lalaki at ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Nathan.Hindi niya alam ngunit bigla na lang may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib habang nakatingin sa bawat larawan na dumaraan sa kanyang harapan. Akala niya talaga ay may emergency na dahilan kaya umuwi si Nathan sa bansa pero ito pala ang dahilan.Wala siyang i

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 67

    NAPAHILOT ng sentido si Nathan habang pinapakinggan ang mga salitang napakatagal niyang inasam na marinig mula sa mga labi ni Mandy. Kung noon siguro nito sinabi sa kaniya ang mga salitang iyon ay matutuwa siya pero ngayon? Hindi na niya alam pa. Masaya siya. Masaya siya kasama si Kenna at Cassandra kahit na sabihin pang peke lang ang pagsasama nila.Kapag kasama niya ang mga ito ay nakakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Mandy. Idagdag pa na ang focus niya ngayon ay ang ibigay sa mga ito ang lahat. Ang bigyan ng buop at masayang pamilya si Cassandra.Kapag nalaman ito ni Kenna ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nito. Ayaw niya itong masaktan kahit na peke lang ang lahat. At si Cassandra, anong mararamdaman nito kapag may nakapagsabi dito na may naghahabol sa kaniya? Hindi ba at masasaktan din ito? Ang mga ngiti sa labi nito ay nakakawala ng pagod at ayaw niyang mabura ang mga ngiting iyon.“Mandy, please… itigil mo na ang lahat ng ito. Itigil mo na ang panggugulo sa ak

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 66

    NAGING success ang ginawang pagpapakalat ni Mandy ng mga larawan nila ni Nathan dahil ngayon, lahat ng tao sa buong bansa ay pinag-uusapan na sila. Bukod pa doon ay nagpa-interview din siya sa isang podcast para malaman ng lahat kung saan at paano nagsmula ang kanilang relasyon ni Nathan.“Pero diba, ito si Mr. Nathan Montefalco ay nabalitang kakakasal lang nitong mga nakaraang araw?” tanong ng interviewer sa kaniya kanina.Ngumiti lang siya at ang ngiting ipinaskil niya sa kanyang mga labi ay isang malungkot na ngiti. Tumango siya. “Yes.”Parang may biglang naalala ang babae. “Ah, so iyon din ba ang kasabay ng pagkalat ng video mo sa isang simbahan?” tanong nito sa kaniya na ikinatango niya lang ulit. Wala siyang balak na itago pa ang lahat ng tungkol sa relasyon nila ni Nathan sa halip ay gusto niyang malaman ng mga ito kung ano ba talaga at gaano kalalim ang pinagsamahan nilang dalawa. Gusto niyang umabot ang balitang iyon sa babaeng pinakasalan ni Nathan.“Tama ka. Noong malaman k

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 65

    HANGGANG nang makasakay na sila sa sasakyan ay medyo hindi pa rin kumakalma ang puso ni Kenna. Gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili at pagalitan ito dahil bakit hinayaan niyang mangyari iyon. Hindi niya tuloy alam kung paano siya haharap ng maayos ngayon kay Nathan. Higit sa lahat ay naramdaman niya na medyo ilag din ito sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya. Hindi ba at mas maganda na rin iyon para maiwasan nila ang isat-isa?Hindi niya ba kasi alam sa sarili niya kung bakit ba ganun na lang ang reaksyon ng katawan niya, ng puso niya sa tywing magkakadikit sila ng lalaki na dati ay pagkailang lang naman ang lahat ng yon pero ngayon ay parang iba na.Napatitig siya sa labas ng bintana. Nasa pagitan nila si Cassandra ng mga oras na iyon at nakatulog na ito. Nakaunan ito sa kanyang mga hita. Sa maghapong paglalaro nito at pamamasyal ay talaga namang napagod ito. Napangiti na lang siya at hinaplos ang buhok nito. Tiyak na may maipagmamalaki na ito sa mga kaklase nito pagbalik

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 64

    “Bakit hindi? Kung gusto mo ay palagi tayong mamamasyal okay?” sagot ni Nathan kay Cassandra. Kung siya lang ang tatanungin ay wala din namang problema sa kaniya. Kaya lang kasi ay may kasunduan sila ng lalaki at magtatagal lang ang kasal nila ng isang taon at sa mga susunod na taon ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Cassandra.Kahit na may pangako ang lalaki, hindi niya pa rin sigurado kung tutuparin ba nito iyon. “Talaga po Daddy?” nagliliwanag ang mukhang tanong ni CAssandra dito, tumango naman ito pagkatapos ay yumuko para tuluyang kargahin ang anak niya.“Basta palagi mo lang ipangako na magiging mabait ka sa Mommy mo. huwag mong pasasakitin ang ulo niya okay?”Humagikgik naman ang kanyang anak at pagkatapos ay napatakip sa bibig. “Hindi naman ako pasaway diba Mommy?” mahina nitong tanong sa kaniya na ikinangiti niya lang at ikinapilig ng ulo.“Oo naman, anak ko. Ang bait-bait mo kaya…” hinaplos niya ang ulo nito.Marami ng tao silang k

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 63

    HALOS alas onse na ng umaga nang dumating ang kotse na sinasakyan nila Kenna sa Disneyland. Nagpahinga lang sila ng kaunti tyaka sila nagpunta doon. Kanina pa kasi excited si Cassandra at kanina pa sila nito kinukulit na pumunta na daw sila doon. Kung siya lang ang tatanungin ay gusto niya muna sanang magpahinga at bukas na lang sila pumunta doon ngunit ayaw magpaawat ni Cassandra kaya wala na silang nagawa pa kundi ang sundin na lang ang gusto nito.“Wow! Tingnan mo Mommy! Tingnan mo!” bulalas nito. Ang mga mata nito ay puno ng mazement habang nakatingin sa labas ng Disneyland na minsan nitong pinangarap lang puntahan pero ng ga oras na iyon ay naroon na sila at matutupad ang isa sa mga bucketlist nito.Ngumiti lang siya habang pinapanood ang anak niya dahil ang totoo ay sobrang saya ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Kapag nakikita niyang nakangiti ang anak niya ay parang nawawala ang lahat ng problema niya. Parang nawawala ang lahat ng bigat na nararamdaman niya.“Excited ka

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 46

    TAHIMIK na naghihintay si Nathan kay Kenna. Inutusan niya si Cassandra na umakyat para sabihan itong kailangan na nilang umalis dahil anong oras na. Mag-aalas otso na ng gabi at iyon pa naman ang oras ng umpisa. Idagdag pa na ayaw niya kasi talaga na nalelate siya sa mga ganung party. Gusto niya ay

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 45

    ALAS sais pa lang ng gabi ay nakaligp na si Kenna at tinutuyo na niya ang kanyang buhok ng makarinig siya ng katok mula sa pinto. Tumayo siya sa kanyang kinuupuan para pagbuksan kung sino man iyon pero malakas ang kutob niya na si Cassandra ito. Hindi pa niya ito nakikita simula kanina noong dumati

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 22

    KUNG maganda ang labas ng villa ay mas maganda na naman sa loob. Ngunit kapansin-pansin na ang kulay ng mga kurtina at halos mga kagamitan sa loob ay mga kulay itim. Okay naman at malinis itong tingnan pero parang napaka-gloomy kasi para sa kaniya ng kulay na iyon na para bang wala man lang kasaya-

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 28

    HALOS hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa papasok ng makita niya si Ethan sa loob ng cafeteria. Ilang taon na din ang nakaraan simula ng iwan siya nito dahil lang sa sinabi niya ang tungkol kay Cassandra. In short ay hindi siya nito tanggap dahil may anak siya. Mabait si Ethan, perpekto, masipa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status