LOGINMALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit nitong mukha.
Bagamat hindi ito nakuha ang mukha ng ama nito ay nakuha naman nito ang mga mata ng lalaki. Wala talaga siyang ideya kung sino ito. Kahit na anong research pa ang gawin niya ay hindi niya ito mahahanap dahil hindi naman niya alam kung anong pangalan nito.
Muling bumalik sa kaniya ang sinabi ng anak niya at napaisip siya. Ito na ba ang tamang oras para ikonsidera ang pagkakaroon ng bagong lalaki sa buhay niya? Hindi para sa kaniya kundi para sa anak niya na naghahangad ng pagmamahal ng isang ama. Ngunit gusto niya na piliin ang lalaking matatanggap nito ang anak niya, yung hindi basta lalaki lang.
Hindi niya gagawin iyon para sa sarili niyang kaligayahan kundi para sa anak niya. Naaawa na siya rito, awang-awa at umaabot na rin sa punto na halos maiyak siya sa tuwing nakikita niyang nakatanaw ang anak niya sa mga batang may kahawak kamay na ama. Alam niya, alam na alam niya ang nararamdaman nito kaya kailangan na niyang magdesisyon. Baka ito na nga ang tamang oras para muling buksan ang puso niya.
~~~~~~~
KINABUKASAN, maaga pa ring gumising si Kenna para maghanda ng babaunin ng anak niya. Pagdating sa mga baon at pagkain ng anak niya ay medyo mitikoloso siya. Gusto niya na palaging healthy ang kakainin ng anak niya at bukod pa doon ay iyon na lang din ang way niya para ipakita sa anak niya kung gaano niya ito kamahal.Kahit na hindi siya gaanong nakatulog kagabi ay medyo mataas pa rin ang energy ni Kenna. Nang tuluyan niyang maihanda ang mga pagkain na kailangan niyang ihanda ay ginising na niya ang kanyang anak para kumain.
Hindi naman na ito mahirap gisingin kaya hindi na siya nahihirapan pa. Wala na rin itong karekla-reklamo dahil excited ito na pumasok palagi sa school.
ISANG halik at iginawad ni Kenna sa kanyang anak. Nasa tapat na sila ng kanyang classroom. “I love you Mommy!” sabi nito sa kaniya bago tuluyang tumakbo papasok sa loob ng silid aralan. Napangiti na lang siya habang nakasunod ng tingin sa kanyang anak bago tuluyang tumalikod upang bumalik sa kanyang kotse.
Ngayong araw ay darating ang may ari ng hotel kung saan siya nagtatrabaho. Mataas na rin ang posisyon niya sa hotel dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho doon. Malaki ang utang na loob niya sa hotel dahil binigyan siya nito ng trabaho at dahil din doon ay nabuhay niya ang kanyang anak. Naibigay niya rito ang mga pangangailangan nito kaya pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho.
Ni minsan ay hindi niya pa nakita ang owner ng hotel dahil masyado daw itong busy at marami itong negosyo. Wala din siyang alam tungkol dito basta ang alam niya lang ay ang pangalan nito na Nathan Montefalco. Ni wala din kahit isa na larawan sa hotel kaya wala siyang ideya kung ano ang itsura nito.
Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang nakarating sa tapat hotel kung saan ay dali-dali siyang bumaba. Isa iyong high end hotel. Marami na silang naging customer na mga kilalang tao. Bukod pa doon ay mataas ang reviews nila online kaya marami pa ring nagchecheck in sa hotel.
Sa labas pa lang ay makikita mo na ang mga staff na talagang abalang-abala sa pagdating ng owner. Excited ang lahat dahil ito pa lang yata ang unang beses na magpunta ito doon. Marami na rin kasing branch ang kanilang hotel at maswerte pa nga sila na ang hotel na iyon ang napili nitong puntahan.
Pagdating niya ay napakarami na kaagad niyang trabaho. Isa hanggang sa dalawang oras ang lumipas ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakita niyang ang teacher ng anak ang tumatawag kung saan ay napuno siya ng pag-aalala kaagad, iniisip na baka may nangyari na rito kaya dali-dali niya itong sinagot. “Ma’am, may problema po ba?” nag-aalalang tanong niya.
“Ay wala naman po Miss, pero po ay biglaan po silang nagpatawag ng meeting sa divisions office kaya kailangan ko na pong pauwiin ng maaga ang mga bata. Pasensya na po talaga kayo.” humihingi ng pansensyang sabi nito sa kaniya.
“Wala po kayong dapat ipag-aalala ma’am, ayos lang po.” sagot niya pero ang totoo ay medyo worried siya dahil ngayon nga darating ang owner ng hotel at kailangan niya pang asikasuhin ang pagdating nito pero dahil walang mag-aalaga sa anak niya ay kailangan niya itong sunduin.
Pagkababa niya ng tawag ay sandali siyang nagpaalam sa kanyang mga kasamahan para sunduin si Cassandra sa school. Sadyang binilisan niya na lang ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan dahil kailangan niya pang magmadali na bumalik. Hindi naman pwede na wala siya pagdating ng owner ng hotel dahil baka kung anong sabihin nito. Baka isipin nitong pinapabayaan niya ang kanyang trabaho at ayaw niya naman iyong mangyari.
Hindi nagtagal ay tuluyan na siyang dumating sa school ng anak niya. Puno ng pagmamadali siyang nagtungo sa classroom nito at sinundo ito saka muling bumalik sa kotse. Hindi naman niya ito pwedeng idiretso pauwi dahil wala naman itong kasama sa bahay nila kaya no choice talaga.
Habang nasa sasakyan ay binilinan na niya ang kanyang anak na huwag itong maging makulit sa trabaho niya. Iiwan niya na lang muna ito sa garden para maglaro dahil hindi naman ito pwedeng maglaro sa loob ng kanyang opisina lalo na at naroon si Beatrice. Galit na galit ito sa kaniya kaya baka hanapan siya nito butas. Mas mainam na lang din na mag-ingat siya.
Mabait naman ang kanyang anak kaya siguradong hindi ito maglilikot. Bibigyan niya na lang ito ng papel na pwede nitong pagguhitan. Mahilig kasing gumuhit ang anak niya.
KAAGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Nathan nang makita ang babaeng nasa harap ng kanyang villa. Sino naman kaya ito? Nandito ba ito para manggulo?Naging madilim ang kanyang mukha nang lumapit ito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi naman siya ganun kasamang tao, kaya nga lang ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung ginugulo siya at hanggang sa bahay na tinitirhan niya ay sinusundan siya. Idagdag pa na paano naman kaya ito nakapasok doon? Samantalang napaka higpit ng seguridad sa village na iyon. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito. May ngiti itong hindi niya maipaliwanag. “Ikaw ba ang asawa ng anak ko? Ikaw ba ang manugang ko?” kaagad na tanong nito sa kaniya dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay ng wala sa oras.Manugang? Asawa ng anak niya? Napatitig siya sa mukha nitong nakatitig sa kaniya. Ibig bang sabihin ay ito ang ina ni Kenna? Pero noong tanungin niya ito ay sinabi nito sa kaniya na wala na itong ina kaya bakit ngayon ay may lumilitaw na ina pala ito?“San
PUMUNTA muna si Nathan sa kumpanya para ayusin ang mga kailangan niyang ayusin doon bago siya umalis bukas. Halos isang linggo din ang bakasyon nilang tatlo nina Kenna at ayaw niya namang may maiwan siyang mga trabaho niya kaya inasikaso niya muna ang mga ito. Bukod pa doon ay mabuti na lang at naayos ng assistant niya ang ipinaayos niya rito. Mabilis n anabura ang anumang mga post tungkol sa ginawa ni Mandy na makakapag-link sa kanilang dalawa.Napa buntong hininga siya nang muli niya itong maisip, hindi niya lubos akalain na magagawa iyon ni Mandy. Wala sa hinagap niya na balang araw ay ito mismo ang gagawa ng bagay na iyon. Napa sandal na lang siya ng wala sa oras sa kanyang kinauupuan. Ngunit ang iniintindi niya naman ngayon ay ang umabot sa kanyang balita na pinag-uusapan daw ng ibang tao si Cassandra, bilang hindi anak ni Kenna at hindi niya naman tunay na anak.~~~~~Nang malaman ni Dina ang tungkol sa muling paglitaw ni Kenna ay wala lang sa kaniya. Ayos lang naman sa kaniya n
NANG magising kinabukasan si Kenna ay nasa kama na siya at nagtataka siya kung paano siya napunta doon?Bumangon siya sa kama at nagtungo sa banyo. Napahikab pa siya. Dahil yata sa sobra niyang pagod ay medyo tinanghali na siyang gumising. Paglabas niya ng silid ay agad niyang nakita ang pagkaing nakahanda sa mesa, naghihintay sa kaniya. Hindi niya inaasahan iyon sa totoo lang.Bago pa siya makapag-react ay lumitaw si Nathan mula sa kung saan dahilan para mapatalon siya sa gulat. “Gising ka na pala. Good morning.” may mainit na ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya.Para siyang masisilaw sa ngiti ni Nathan ng mga oras na iyon. Pakiwari niya ay napakaliwanag ng mukha nito at buong katawan nito ng wala sa oras dahilan para mag-iwas siya ng tingin. “Kamusta ang tulog mo?” muling tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay umupo sa sofa.Isang nahihiyang ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi. “Ayos lang naman.” sagot niya at umupo sa harap nito. “Kumain ka na.”Napaangat siya
PAGOD na pagod si Kenna noong araw na iyon. Paano ba naman ay madaling araw na ngunit napakarami pang bisita. Si Via lang ang nag-push sa kanila ni Nathan na umalis na dahil kailangan pa daw nilang mag-honeymoon. Natawa na lang siya dito. Bukod pa doon ay ito na rin ang nag-uwi kay Cassandra. Pansamantala daw niya muna itong kukunin sa kanila para wala munang istorbo kaya ng mga oras na iyon ay magkasama na sila ni Nathan pero hindi para mag honeymoon kundi para ipakita lang sa mga tao na magkasama sila sa kanilang wedding night.Hindi naman maganda kung makita silang hindi magkasama hindi ba? Anong silbi ng pagpapakasal nila kung sakali.Nang pumasok sila sa silid na dalawa ay kaagad na niluwagan ni Nathang ang kurbata nito tyaka nagpakawala ng isang buntong hininga. Ilang sandali pa ay nilingon siya nito. “Do you need help?”Natigilan siya. Ang kanyang gown ay may mga tali sa likod at kung siya lang mag-isa ang magtatanggal nito ay tiyak na hindi niya kaya. Sandali siyang nagdalawan
MABILIS na kumalat ang mga video at mga pictures ni Mandy nang magtungo siya sa simbahan para pigilan sana ang kasal ni Nathan at ng babaeng iyon ngunit hindi niya talaga lubos akalain na sa ibang simbahan pala siya nagtungo. Kanina pa tunog ng tunog ang kanyang cellphone. Bukod pa doon ay kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan at kakilala niya para tanungin kung anong ibig sabihin ng nangyaring iyon.Napakagat siya sa kanyang kuko at pagkatapos ay napatayo. Pinulot niya ang isang vase na nakapatong sa kanyang coffee table tyaka niya ito ibinato. Sa sumunod na sandali ay nagkanda pira-piraso ang mga ito. Ang kanyang dibdib ay nagtaas baba sa sobrang galit ng mga oras na iyon.Napakawalang silbi ng taong nagbigay sa kaniya ng impormasyon tungkol sa pagkakasalan nina Nathan. Buong kumpiyansa pa itong sumagot sa kaniya dahil pauulit-ulit niyang tinanong kung sigurado ba talaga itong doon ikakasal ang lalaki at umuo naman ito sa kaniya at ngayon ay hindi niya akalaing mapapahya siya n
“You may now kiss the bride.” sabi ng nagkasal sa kanila. Nang marinig ni Kenna iyon ay muli na namang lumakas ang tibok ng puso niya. Kanina habang kinakasal sila ay parang walang pumapasok sa isip niya sa totoo lang. Para lang siyang nakalutang. Parang hindi siya makapaniwala na kinakasal na silang dalawa ni Nathan at hindi lang iyon basta kasal kasalan dahil totoo iyon! Totoo at legal!Ilang sandali pa ay nagtinginan na silang dalawa ni Nathan. Malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib at medyo kinakabahan siya. “Is this your first kiss? O your first legal kiss?” tanong ulit ng nagkasal sa kanila na ikinangiti niya lang at maging ni Nathan.Nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaki ay parang gusto ng tumalon palabas ng puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang mga tao sa paligid ay nag-ingay at nag-cheer pa sa kanila.Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Nathan. Halos nakalimutan niya na ang tungkol doon na pagkatapos pala ng kasal ay m
ANG lahat ng mga mata ay biglang napadako sa kanilang dalawa ni Nathan. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ni hindi niya inasahan na titingnan sila ng mga tao ng ganito na para bang sila ang pinaka attraction sa gabing iyon. Ramdam na ramdam niya ang kabog ng dibdib n
TAHIMIK na naghihintay si Nathan kay Kenna. Inutusan niya si Cassandra na umakyat para sabihan itong kailangan na nilang umalis dahil anong oras na. Mag-aalas otso na ng gabi at iyon pa naman ang oras ng umpisa. Idagdag pa na ayaw niya kasi talaga na nalelate siya sa mga ganung party. Gusto niya ay
ALAS sais pa lang ng gabi ay nakaligp na si Kenna at tinutuyo na niya ang kanyang buhok ng makarinig siya ng katok mula sa pinto. Tumayo siya sa kanyang kinuupuan para pagbuksan kung sino man iyon pero malakas ang kutob niya na si Cassandra ito. Hindi pa niya ito nakikita simula kanina noong dumati
HINDI pa rin mawala sa isip ni Kenna ang sinabi sa kaniya ni Nathan kanina. Pero tama nga ba ang desisyon niya na hindi nagpaliwanag? Sa isan banda ay mas gugustuhin niya na lang na isipin na anak nga ni Ethan si Cassandra kaysa ang maghinala ito sa kaniya. Para sa kaniya ay mas safe na iyon para h







