LOGINBuong buhay niyang tinanggap ni Seraphina ang sakit, pananakit, at kawalan ng pagmamahal mula sa sarili niyang pamilya. May peklat sa mukha, mahirap, at itinuring na parang alipin, akala niya ay ganoon na lang hanggang sa huli—hanggang sa araw na ibenta siya ng sarili niyang ama kapalit ng isang milyong piso. Ibinigay siya kay Damian Black, isang malamig, mayaman, at makapangyarihang lalaki na para bang hari sa kaniyang sariling mundo. Napilitan siyang pumasok sa kasal na hindi niya naman ninais. Para kay Damian, isa lang siyang gamit na hindi pasok sa kaniyang pamantayan; para sa pamilya niya, isa lang siyang pabigat. Pumasok siya sa mundong puno ng yaman ngunit mas malamig pa sa bahay na iniwan niya. Hinamak at minaliit siya ng lahat, lalo na ng lalaking kaniyang mapapangasawa. Ngunit sa likod ng kaniyang kabutihan at pagtitiis ay nakatago ang isang babae na matagal nang naghihintay ng pagkakataon. Paano kung dumating ang araw na mapagtanto ni Damian na ang babaeng itinakwil niya ay siya lamang ang makakapagpagaling ng kaniyang puso? At kapag nakita ng pamilya niya ang pag-angat niya, kakainin ba sila ng pagsisisi sa pagtatapon sa isang kayamanang hindi nila kailanman narapat? Sa mundong pinamumunuan ng kapangyarihan at yabang, mahirap ang pag-ibig—ngunit para kay Seraphina, ito ang tanging daan patungo sa tunay na kalayaan.
View MoreMalakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina.
Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karapatang huminto, magreklamo at magpahinga, ang importante lang sa mga ito'y ang kapakinabangan sa bawat paghihirap n'ya. Hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya magiging sunud-sunuran at tila walang sariling desisyon sa mga gusto at hindi n'ya gustong gawin. Wala naman s'yang pagpipilian kun'di ang sumunod sa nais ng kan'yang pamilya. "Seraphina! Hindi ka pa rin tapos d'yan hanggang ngayon?! Anong oras na! Magluluto ka pa ng hapunan!" Galit na sigaw ng pamilyar na boses sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumingon sa pinanggalingan ng boses, at do'n n'ya nakita ang kan'yang ama. Nakatayo sa may pinto at base sa hitsura nito, sigurado s'yang lasing na naman ito. Gano'n naman ito palagi. O mas tamang sabihin na araw-araw ay lasing at kapag walang maibili ng alak, ay nagagalit ito sa kan'ya at nauuwi sa pananakit. Pero kahit gano'n ang kan'yang ama, mahal pa rin n'ya ito. Iisang dugo lamang ang nananalaytay sa kanilang mga ugat. Ang hindi lang n'ya matanggap ay ang biglang pagbabago ng trato sa kan'ya ng kan'yang pamilya, gayong wala naman s'yang ginagawang masama. "Ano?! Tutunganga ka na lang ba d'yan? Kumilos ka!" Bulyaw nito sa kan'ya, kaya wala s'yang nagawa kun'di tapusin agad ang pagsasalansan ng mga kahoy. Hindi n'ya alintana ang biglaang pagguhit ng matalim na kidlat sa kalangitan. Ang mahalaga lang sa kan'ya ay matapos na sa ginagawa para makapagluto ng hapunan. "Bilisan mo! Nagugutom na ako!" Galit na sigaw ng kan'yang ama sa ikalawang pagkakataon. Mas malakas, at mas nakakatakot. "Heto na po Papa, tapos na po ako." Mababa pero puno ng takot ang kan'yang boses. Marahan n'yang hinatak ang tolda para takpan ang mga putol na kahoy ng hindi tuluyang mabasa ng ulan. Matapos n'yon ay nagmamadali na s'yang nagtungo sa kusina para maghanda ng iluluto sa hapunan. Hindi n'ya ininda ang lamig at basang damit; uunahin na muna n'ya ang pagluluto. Sa tahanang 'yon, batas ang bawat salita ng kan'yang ama. Kaya hangga't maaari ay mas pipiliin n'yang unahin ang utos nito kaysa sa sarili. Maaari naman s'yang maligo at magpalit ng damit kapag natapos na ang kan'yang mga gawain Binuksan n'ya ang kaldero upang silipin kung may laman, pero nang makitang wala ni kahit kaunting pagkain sa loob, ay malungkot s'yang napabuntong-hininga. Dahan-dahan n'yang hinaplos ang kan'yang tiyan na matagal nang kumakalam at hindi pa nasasayaran ng kahit kaunting pagkain mula pa kaninang tanghali. Sa dami ng kan'yang ginagawa at kabi-kabilang utos na tinanggap, ay tuluyan na itong nawala sa kan'yang isipan. "Ayos lang 'yan Seraphina, makakakain ka rin mamaya." Mahina pero puno ng pag-asa na bulong n'ya sa sarili. Kahit tira-tira ay malaking bagay na sa kan'ya. Maiibsan na no'n kahit papa'no ang kumakalam n'yang sikmura. Kung sakaling hindi s'ya tirhan ng pagkain, ay may ibang paraan pa naman para maibsan ang kan'yang gutom. May nakita s'yang biskwit kaninang umaga, itatabi n'ya 'yon para kahit papaano'y malamnan ang kan'yang sikmura. Sa ganoong pagkakataon kapag nakakaramdam s'ya ng matinding awa sa sarili ay iniisip na lamang n'ya ang laging sinasabi ng kan'yang Lola noong musmos pa s'ya. Dapat raw ay maging masunurin s'ya at puno ng pang-unawa. Pero habang lumalaki s'ya ay nagiging malinaw sa kan'ya ang katotohanan: kahit gaano kabuti ang ipakita n'ya sa kan'yang pamilya ang mga ito naman ay itinutulak s'ya palayo. Iniisip na lamang n'ya na balang-araw ay magbabago rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan n'yang magtiis, lalo't wala naman s'yang mapupuntahan kung sakaling aalis s'ya sa tahanang 'yon. Ang lahat ng kamag-anak; nila ay nasa malayo. Kung meron mang nasa malapit, ay malamig naman ang pakikitungo sa kan'ya. Sa paningin ng mga ito ay isa lamang s'yang walang-kuwentang pabigat. Kaya nga hangga't maaari ay nagsusumikap s'ya para makaipon ng pera, para kapag dumating na ang tamang panahon at kaya na n'yang tumayo sa sariling mga paa ay may magagamit s'ya. Sa edad n'yang bente-dos at walang maayos na edukasyon ay siguradong magiging malaking pagsubok ang lahat para sa kan'ya. "Hoy Seraphina, nakaluto ka na ba? Nagugutom na ako, ipaghanda mo ako ng makakain." Bahagya s'yang gulat dahil sa lalaking nagsalita. Nilingon n'ya ito pero ng makilala at mapagtantong ang nakatatandang kapatid pala ang nagsalita ay agad s'yang napayuko. "H-hindi pa po Kuya, katatapos ko pa lamang sa iniutos ni Papa." Nanginginig ang boses na wika n'ya. Lihim s'yang nanalangin na sana ay huwag s'ya nitong pagbuhatan ng kamay. "Inuna mo pa talaga 'yon kaysa sa magluto ng hapunan?" Bulyaw nito sa kan'ya kaya mas lalo pa s'yang napayuko. "P-pasensiya na po, Kuya Michael, bibilisan ko na lamang ang pagluluto. Kung gusto mo po ay ipagtitimpla kita ng kape para mainitan ang 'yong sikmura." Aniya para hindi na ito magalit sa kan'ya. Batid naman n'ya kung saan sila hahantong kung hindi s'ya magpapakumbaba. Kung hindi, tiyak na sakit ng katawan ang aabutin n'ya, siguradong mawawalan na naman s'ya ng pagkakataong makakain ng hapunan. Ang mas masakit at malala pa ay baka sa malamig at madilim na kamalig na naman s'ya matulog. Ayaw na ayaw n'yang magpalipas ng gabi sa lugar na 'yon lalo't bumubuhos ang malakas na ulan. Alam n'yang basang-basa ang mga dayami dahil butas-butas at sira-sira na ang bubong. Hindi rin n'ya gusto ang masangsang na amoy ng mga manok na nakakulong sa loob dahil mahina ang kan'yang sikmura. Siguradong sasakit ang kan'yang tiyan at maduduwal lang s'ya. "Pasalamat ka at maganda ang mood ko ngayon. Sige na, ipagtimpla mo ako ng kape, samahan mo na rin ng tinapay, ihatid mo sa Salas." Wika nito. Dahil doon ay lihim s'yang nakahinga ng maluwag at gumaan ang pakiramdam. "Sige po, ihahatid ko na lang." Aniya. Pero hindi na sumagot ang kan'yang kapatid at tinalikuran na lamang s'ya. Nang makalabas na ng kusina ang kan'yang Kuya Michael, ay daig pa n'ya ang nabunutan ng tinik. Dahil nakaligtas s'ya sa mabagsik na palad ng kan'yang nakatatandang kapatid, pakiramdam n'ya ay sinusuwerte s'ya ng mga sandaling 'yon. Masigla s'yang nagtimpla ng kape at nagpalaman ng tinapay. Nang matapos ay maingat n'yang inilagay sa plato at dinala sa Salas. "Kuya, heto na ang kape mo." Pukaw n'ya sa nakatatandang kapatid na abala sa hawak nitong cellphone. "Ilapag mo d'yan at umalis ka sa harapan ko, ayokong makita ang pangit mong pagmumukha; naaalibadbaran ako." Wika nito. Tumango na lang s'ya at sinunod ang gusto nito para wala ng gulo. Isa pa, sanay na s'ya sa mga panlalait nito at maging sa panlalait ng ibang tao. Sanay na s'yang lait-laitin, saktan at kung ano pa man. Pakiramdam nga niya'y manhid na s'ya sa masasakit na salitang araw-araw n'yang naririnig. Matapos ayusin sa lamesita ang tasa ng kape at platong may lamang tinapay ay tumalikod na s'ya at muling bumalik sa kusina. Ibinalik n'ya ang tray sa lalagyan at nagpasyang magluto bago pa man magalit ang kan'yang kapatid. "Paubos na pala ang bigas; pansaing na lang ito ngayon hanggang bukas ng tanghali." Aniya ng pagbukas n'ya sa bigasan ay bumungad ang kakaunti na lamang na laman ng balde. Ang lakas pa namang kumain ng kan'yang ama at Kuya Michael, kaya madalas ay tutong na kanin na lamang ang natitira sa kan'ya. Hindi naman problema 'yon dahil sanay na s'ya. Wala din naman s'yang magagawa kun'di kainin ang matigas at tutong na kanin para hindi kumalam at sumakit ang kan'yang tiyan. "Mukhang tutong na naman ang kakainin ko ngayong gabi, pero ayos lamang 'yon. Mas mabuti na ito kaysa naman matulog na kumakalam ang aking sikmura." Bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasang mapailing habang naglalagay ng bigas sa kaldero. "Magtatago na lang ako ng isang pirasong tinapay mamaya, dagdag laman-tiyan din 'yon kung sakaling kulangin ang kanin." Bulong niya. "Seraphina, ipinapatawag ka ni Papa, may mahalaga raw s'yang sasabihin sa 'yo." Wika ng kan'yang Kuya Michael, nang pumasok ito sa kusina bitbit ang tasa ng kape at ngiting hindi mapagkakatiwalaan. "Ano raw 'yon at para saan?" Tanong n'ya pero sinamaan s'ya nito ng tingin, dahilan para mapayuko s'ya. "Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na magtanong sa'kin ng gan'yan? Sumunod ka na lamang kung ayaw mong makatikim sa akin. Ang ganda ng mood ko tapos sisirain mo lang? Kumilos ka na, baka makalimutan ko ang bilin ni Papa, na huwag kang pagbubuhatan ng kamay." Saad nito na ipinagtaka n'ya. Gusto sana n'yang malaman kung ano ang meron pero ayaw naman n'yang masaktan kaya tumango na lamang s'ya. "Opo! Pupuntahan ko na po s'ya; isasalang ko lamang itong kaldero." Magalang pero puno ng takot na wika n'ya. Hindi naman nagsalita ang kan'yang Kuya Michael, at iniwan na lamang s'ya. Nang mawala ito sa kan'yang paningin ay dali-dali n'yang hinugasan ang bigas at isinalang sa kalan ang kaldero. Sinigurado muna n'yang maayos ang pagkakagatong, saka lamang s'ya lumabas ng kusina at hinanap ang kan'yang ama at kapatid. "Papa, may sasabihin raw po kayo sabi ni Kuya Michael?" Aniya ng makita ang mga ito sa labas ng bahay. "Oo, kaya makinig ka ng mabuti. Bukas ay darating dito si Mr. Black para sunduin ka." Anito na ikinakunot ng kan'yang noo. "Po? Pero bakit?" Puno ng pagtatakang tanong n'ya sa ama. "Naniningil na ang mga pinagkakautangan natin, kaya wala akong ibang pagpipilian kun'di ang ibenta ka para magkaroon ng pambayad. Masuwerte ka nga dahil kahit gan'yan ka ay nagkaroon ng interes sa 'yo ang bilyonaryong 'yon." Natatawang sabi nito. Makailang-ulit s'yang umiling bilang pagtutol. "Ayoko po! Hindi ako papayag! Ayos lang na alilain n'yo ako dito sa bahay basta huwag n'yo akong ibigay sa lalaking 'yon! Please, Papa…" pagmamakaawa n'ya sa ama. At para makumbinsi itong huwag s'yang ibenta ay walang pagdadalawang-isip s'yang lumuhod sa harapan nito kahit maputik. "Tigilan mo ako Seraphina, buo na ang desisyon namin ng 'yong kapatid kaya wala ka ng magagawa. H'wag kang mag-alala, kapag nasa mansiyon ka na, magiging maayos na ang buhay mo. Magiging reyna ka na kahit na…" saglit itong huminto sa pagsasalita at tinitigan s'ya ng mabuti. "Kahit na gan'yan ang hitsura mo." Puno ng pang-iinsultong sabi nito saka tumatawang sinulyapan ang kan'yang nakatatandang kapatid. "Papa…" sambit n'ya kasabay ang walang tigil na pagpatak ng mga luha sa kan'yang pisngi.Hindi malaman ni Damian kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang isang basket ng sariwang strawberries.Bigay iyon ng kanyang ka-meeting para raw may pasalubong siya sa kanyang asawa. Bukod sa sariwang strawberries ay may jam din, ngunit binili niya ang iba doon. Napansin kasi niyang mahilig sa matatamis ang asawa niya, ang ayaw lang nito ay mayonnaise dahil maasim daw.Imagine, may inaayawan din pala ang asawa niya. Akala niya ay wala itong pinapalampas, meron din pala."Siguradong matutuwa si Ma'am Seraphina sa mga pasalubong mo. Pero ano kaya ang ginawa niya maghapon?" Napapaisip na tanong ni Mang Alfred sa kanya. Kahit siya ay napaisip din lalo't hindi sumasagot sa tawag o text niya si Seraphina. Kahit ang kanyang ina at kapatid ay gano'n din. Pero malalaman din niya kapag nakarating na sila sa mansiyon."We'll see," aniya sa matandang driver. Natawa naman ito pero hindi na nagkomento, itinuon na lamang ang atensiyon sa daan.Alas-sais na ng gabi pero kataka-taka na hind
Hindi namalayan ni Seraphina ang mabilis na paglipas ng mga araw. Masyado kasi siyang nag-e-enjoy sa pagsama kay Damian sa kumpanya nito. At gaya ng dati, hilig pa rin niyang asarin ang asawa.Kapag tinatawag niya itong Tatang, napipikon ito at nagagalit, pero hindi naman umaabot sa puntong pinagbubuhatan siya ng kamay.Isa nga 'yon sa napansin niya dito. Mabilis mapikon at magalit pero lumalambot din kalaunan. At inaamin niyang gusto niya ang ugaling 'yon. Tigasin pero pagdating sa kanya ay unti-unti itong lumalambot."Good morning Ma'am, mukhang blooming ka ah," biro ni Ate Kathleen sa kanya."Hindi naman masyado, pero teka, si Damian nga pala?" tanong niya dito nang maalala ang asawa. Tinanghali kasi siya ng gising dahil as usual pinuyat na naman siya."Maagang umalis si Mr. Black, may meeting daw siya sa Baguio. Isasama ka sana pero ang sarap raw ng tulog mo kaya next time na lang. Uuwi din naman daw siya ng maaga, may plano yatang yayain kang lumabas," saad nito at animo'y kiniki
"So siya pala ang asawa mo? Akala ko kagabi ay maganda siya, nadala lang pala ng mamahaling roba."Hindi napigilan ni Damian na bigyan ng matalim na tingin si Miya bilang babala.Sa harap niya, walang sinuman ang puwedeng mang-insulto sa kanyang asawa. Hindi si Miya o kahit sino pa. Kung hindi, siya ang makakalaban ng mga ito."Mag-ingat ka sa sinasabi mo," mariing wika niya."Hayaan mo siya, hubby. Kahit laitin niya ako ng paulit-ulit, hindi naman ako maaapektuhan. Kasi sa aming dalawa, mas mababang uri at kalait-lait siya kasi alam na ngang may asawa ka na pero pilit pa rin niyang isinisiksik ang sarili sa iyo. Sino ba ang lalabas na mas kahiya-hiya? Ako na pangit lang at galing sa mahirap na pamilya, o siya na naturingang edukada pero hindi marunong rumespeto sa relasyon ng iba? Kung ang pamantayan ng kagandahan ay siya, ayoko na lang maging maganda," ani Seraphina, dahilan para mapatitig siya dito at mapaisip.Bakit sa tuwing sila lang dalawa ay napaka-immature at childish nito? P
Mariing ipinikit ni Damian ang kanyang mga mata habang sinusubukang kalmahin ang sarili.Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil hindi mapakali ang kanyang asawa sa kinauupuan nito.Lakad dito, lakad doon, panay silip sa ginagawa niya kaya imbes na matapos ang trabaho, lalo lamang siyang natatagalan."Babae, bakit hindi ka na lang kumuha ng basahan at punasan ang mga gamit dito sa opisina para naman may maitulong ka? Kanina pa akong nahihilo sa iyo," aniya rito.Alam niyang hindi ito sanay na walang ginagawa kaya bibigyan niya ito ng pagkakaabalahan para tumigil na. Nagsisisi na tuloy siyang isinama pa ito sa kumpanya tulad ng gusto ng kanyang ina.Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumayag.Binigyan na niya ito ng tablet para may mapanood na mga video, pinabilhan ng sandamakmak na pagkain, pero ang ending nagkalat lang lahat ng 'yon sa receiving area ng opisina niya. Yung tablet, ayon, nadaganan na ng throw pillow."Tanungin mo si Mang Alfred," an
Hindi maiwasan ni Seraphina na makaramdam ng kaba habang nakasilip sa labas ng kanyang silid. Baka kasi nasa labas lang si Mr. Black at magalit kapag lumabas siya.“Wala siguro siya,” bulong niya sa sarili saka dahan‑dahang humakbang palabas. Sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang inga
"Bro, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"Napalingon si Damian kay Miko nang marinig ang tanong ng kaibigan."Sa hardin, nagpahangin. Lagi ko namang ginagawa 'yon kapag narito tayo, kaya bakit parang hindi pa kayo sanay? Pero, nakilala ko na ang magiging asawa
Buong akala ni Seraphina ay katapusan na niya matapos sagut-sagutin si Mr. Black.Masyado kasi itong mapanghusga dahil lamang sa siya'y nakatira sa pamamahay na ito.Wala sana siyang balak na magsalita ng kung anu-ano, ngunit sobra na. Parati na lang nitong ipinapaalala sa kanya na pangit siya at h
Salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang mukha ni Damian nang pumasok siya sa mansiyon.Sa likuran niya ay nakasunod ang mga kaibigan na panay ang tuksuhan habang nagtatawanan.Wala talaga siyang balak pumayag na mag-party ang mga ito sa mansiyon. Subalit mapilit ang mga ito at binantaan pa siy












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.