LOGIN
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina.
Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karapatang huminto, magreklamo at magpahinga, ang importante lang sa mga ito'y ang kapakinabangan sa bawat paghihirap n'ya. Hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya magiging sunud-sunuran at tila walang sariling desisyon sa mga gusto at hindi n'ya gustong gawin. Wala naman s'yang pagpipilian kun'di ang sumunod sa nais ng kan'yang pamilya. "Seraphina! Hindi ka pa rin tapos d'yan hanggang ngayon?! Anong oras na! Magluluto ka pa ng hapunan!" Galit na sigaw ng pamilyar na boses sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumingon sa pinanggalingan ng boses, at do'n n'ya nakita ang kan'yang ama. Nakatayo sa may pinto at base sa hitsura nito, sigurado s'yang lasing na naman ito. Gano'n naman ito palagi. O mas tamang sabihin na araw-araw ay lasing at kapag walang maibili ng alak, ay nagagalit ito sa kan'ya at nauuwi sa pananakit. Pero kahit gano'n ang kan'yang ama, mahal pa rin n'ya ito. Iisang dugo lamang ang nananalaytay sa kanilang mga ugat. Ang hindi lang n'ya matanggap ay ang biglang pagbabago ng trato sa kan'ya ng kan'yang pamilya, gayong wala naman s'yang ginagawang masama. "Ano?! Tutunganga ka na lang ba d'yan? Kumilos ka!" Bulyaw nito sa kan'ya, kaya wala s'yang nagawa kun'di tapusin agad ang pagsasalansan ng mga kahoy. Hindi n'ya alintana ang biglaang pagguhit ng matalim na kidlat sa kalangitan. Ang mahalaga lang sa kan'ya ay matapos na sa ginagawa para makapagluto ng hapunan. "Bilisan mo! Nagugutom na ako!" Galit na sigaw ng kan'yang ama sa ikalawang pagkakataon. Mas malakas, at mas nakakatakot. "Heto na po Papa, tapos na po ako." Mababa pero puno ng takot ang kan'yang boses. Marahan n'yang hinatak ang tolda para takpan ang mga putol na kahoy ng hindi tuluyang mabasa ng ulan. Matapos n'yon ay nagmamadali na s'yang nagtungo sa kusina para maghanda ng iluluto sa hapunan. Hindi n'ya ininda ang lamig at basang damit; uunahin na muna n'ya ang pagluluto. Sa tahanang 'yon, batas ang bawat salita ng kan'yang ama. Kaya hangga't maaari ay mas pipiliin n'yang unahin ang utos nito kaysa sa sarili. Maaari naman s'yang maligo at magpalit ng damit kapag natapos na ang kan'yang mga gawain Binuksan n'ya ang kaldero upang silipin kung may laman, pero nang makitang wala ni kahit kaunting pagkain sa loob, ay malungkot s'yang napabuntong-hininga. Dahan-dahan n'yang hinaplos ang kan'yang tiyan na matagal nang kumakalam at hindi pa nasasayaran ng kahit kaunting pagkain mula pa kaninang tanghali. Sa dami ng kan'yang ginagawa at kabi-kabilang utos na tinanggap, ay tuluyan na itong nawala sa kan'yang isipan. "Ayos lang 'yan Seraphina, makakakain ka rin mamaya." Mahina pero puno ng pag-asa na bulong n'ya sa sarili. Kahit tira-tira ay malaking bagay na sa kan'ya. Maiibsan na no'n kahit papa'no ang kumakalam n'yang sikmura. Kung sakaling hindi s'ya tirhan ng pagkain, ay may ibang paraan pa naman para maibsan ang kan'yang gutom. May nakita s'yang biskwit kaninang umaga, itatabi n'ya 'yon para kahit papaano'y malamnan ang kan'yang sikmura. Sa ganoong pagkakataon kapag nakakaramdam s'ya ng matinding awa sa sarili ay iniisip na lamang n'ya ang laging sinasabi ng kan'yang Lola noong musmos pa s'ya. Dapat raw ay maging masunurin s'ya at puno ng pang-unawa. Pero habang lumalaki s'ya ay nagiging malinaw sa kan'ya ang katotohanan: kahit gaano kabuti ang ipakita n'ya sa kan'yang pamilya ang mga ito naman ay itinutulak s'ya palayo. Iniisip na lamang n'ya na balang-araw ay magbabago rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan n'yang magtiis, lalo't wala naman s'yang mapupuntahan kung sakaling aalis s'ya sa tahanang 'yon. Ang lahat ng kamag-anak; nila ay nasa malayo. Kung meron mang nasa malapit, ay malamig naman ang pakikitungo sa kan'ya. Sa paningin ng mga ito ay isa lamang s'yang walang-kuwentang pabigat. Kaya nga hangga't maaari ay nagsusumikap s'ya para makaipon ng pera, para kapag dumating na ang tamang panahon at kaya na n'yang tumayo sa sariling mga paa ay may magagamit s'ya. Sa edad n'yang bente-dos at walang maayos na edukasyon ay siguradong magiging malaking pagsubok ang lahat para sa kan'ya. "Hoy Seraphina, nakaluto ka na ba? Nagugutom na ako, ipaghanda mo ako ng makakain." Bahagya s'yang gulat dahil sa lalaking nagsalita. Nilingon n'ya ito pero ng makilala at mapagtantong ang nakatatandang kapatid pala ang nagsalita ay agad s'yang napayuko. "H-hindi pa po Kuya, katatapos ko pa lamang sa iniutos ni Papa." Nanginginig ang boses na wika n'ya. Lihim s'yang nanalangin na sana ay huwag s'ya nitong pagbuhatan ng kamay. "Inuna mo pa talaga 'yon kaysa sa magluto ng hapunan?" Bulyaw nito sa kan'ya kaya mas lalo pa s'yang napayuko. "P-pasensiya na po, Kuya Michael, bibilisan ko na lamang ang pagluluto. Kung gusto mo po ay ipagtitimpla kita ng kape para mainitan ang 'yong sikmura." Aniya para hindi na ito magalit sa kan'ya. Batid naman n'ya kung saan sila hahantong kung hindi s'ya magpapakumbaba. Kung hindi, tiyak na sakit ng katawan ang aabutin n'ya, siguradong mawawalan na naman s'ya ng pagkakataong makakain ng hapunan. Ang mas masakit at malala pa ay baka sa malamig at madilim na kamalig na naman s'ya matulog. Ayaw na ayaw n'yang magpalipas ng gabi sa lugar na 'yon lalo't bumubuhos ang malakas na ulan. Alam n'yang basang-basa ang mga dayami dahil butas-butas at sira-sira na ang bubong. Hindi rin n'ya gusto ang masangsang na amoy ng mga manok na nakakulong sa loob dahil mahina ang kan'yang sikmura. Siguradong sasakit ang kan'yang tiyan at maduduwal lang s'ya. "Pasalamat ka at maganda ang mood ko ngayon. Sige na, ipagtimpla mo ako ng kape, samahan mo na rin ng tinapay, ihatid mo sa Salas." Wika nito. Dahil doon ay lihim s'yang nakahinga ng maluwag at gumaan ang pakiramdam. "Sige po, ihahatid ko na lang." Aniya. Pero hindi na sumagot ang kan'yang kapatid at tinalikuran na lamang s'ya. Nang makalabas na ng kusina ang kan'yang Kuya Michael, ay daig pa n'ya ang nabunutan ng tinik. Dahil nakaligtas s'ya sa mabagsik na palad ng kan'yang nakatatandang kapatid, pakiramdam n'ya ay sinusuwerte s'ya ng mga sandaling 'yon. Masigla s'yang nagtimpla ng kape at nagpalaman ng tinapay. Nang matapos ay maingat n'yang inilagay sa plato at dinala sa Salas. "Kuya, heto na ang kape mo." Pukaw n'ya sa nakatatandang kapatid na abala sa hawak nitong cellphone. "Ilapag mo d'yan at umalis ka sa harapan ko, ayokong makita ang pangit mong pagmumukha; naaalibadbaran ako." Wika nito. Tumango na lang s'ya at sinunod ang gusto nito para wala ng gulo. Isa pa, sanay na s'ya sa mga panlalait nito at maging sa panlalait ng ibang tao. Sanay na s'yang lait-laitin, saktan at kung ano pa man. Pakiramdam nga niya'y manhid na s'ya sa masasakit na salitang araw-araw n'yang naririnig. Matapos ayusin sa lamesita ang tasa ng kape at platong may lamang tinapay ay tumalikod na s'ya at muling bumalik sa kusina. Ibinalik n'ya ang tray sa lalagyan at nagpasyang magluto bago pa man magalit ang kan'yang kapatid. "Paubos na pala ang bigas; pansaing na lang ito ngayon hanggang bukas ng tanghali." Aniya ng pagbukas n'ya sa bigasan ay bumungad ang kakaunti na lamang na laman ng balde. Ang lakas pa namang kumain ng kan'yang ama at Kuya Michael, kaya madalas ay tutong na kanin na lamang ang natitira sa kan'ya. Hindi naman problema 'yon dahil sanay na s'ya. Wala din naman s'yang magagawa kun'di kainin ang matigas at tutong na kanin para hindi kumalam at sumakit ang kan'yang tiyan. "Mukhang tutong na naman ang kakainin ko ngayong gabi, pero ayos lamang 'yon. Mas mabuti na ito kaysa naman matulog na kumakalam ang aking sikmura." Bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasang mapailing habang naglalagay ng bigas sa kaldero. "Magtatago na lang ako ng isang pirasong tinapay mamaya, dagdag laman-tiyan din 'yon kung sakaling kulangin ang kanin." Bulong niya. "Seraphina, ipinapatawag ka ni Papa, may mahalaga raw s'yang sasabihin sa 'yo." Wika ng kan'yang Kuya Michael, nang pumasok ito sa kusina bitbit ang tasa ng kape at ngiting hindi mapagkakatiwalaan. "Ano raw 'yon at para saan?" Tanong n'ya pero sinamaan s'ya nito ng tingin, dahilan para mapayuko s'ya. "Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na magtanong sa'kin ng gan'yan? Sumunod ka na lamang kung ayaw mong makatikim sa akin. Ang ganda ng mood ko tapos sisirain mo lang? Kumilos ka na, baka makalimutan ko ang bilin ni Papa, na huwag kang pagbubuhatan ng kamay." Saad nito na ipinagtaka n'ya. Gusto sana n'yang malaman kung ano ang meron pero ayaw naman n'yang masaktan kaya tumango na lamang s'ya. "Opo! Pupuntahan ko na po s'ya; isasalang ko lamang itong kaldero." Magalang pero puno ng takot na wika n'ya. Hindi naman nagsalita ang kan'yang Kuya Michael, at iniwan na lamang s'ya. Nang mawala ito sa kan'yang paningin ay dali-dali n'yang hinugasan ang bigas at isinalang sa kalan ang kaldero. Sinigurado muna n'yang maayos ang pagkakagatong, saka lamang s'ya lumabas ng kusina at hinanap ang kan'yang ama at kapatid. "Papa, may sasabihin raw po kayo sabi ni Kuya Michael?" Aniya ng makita ang mga ito sa labas ng bahay. "Oo, kaya makinig ka ng mabuti. Bukas ay darating dito si Mr. Black para sunduin ka." Anito na ikinakunot ng kan'yang noo. "Po? Pero bakit?" Puno ng pagtatakang tanong n'ya sa ama. "Naniningil na ang mga pinagkakautangan natin, kaya wala akong ibang pagpipilian kun'di ang ibenta ka para magkaroon ng pambayad. Masuwerte ka nga dahil kahit gan'yan ka ay nagkaroon ng interes sa 'yo ang bilyonaryong 'yon." Natatawang sabi nito. Makailang-ulit s'yang umiling bilang pagtutol. "Ayoko po! Hindi ako papayag! Ayos lang na alilain n'yo ako dito sa bahay basta huwag n'yo akong ibigay sa lalaking 'yon! Please, Papa…" pagmamakaawa n'ya sa ama. At para makumbinsi itong huwag s'yang ibenta ay walang pagdadalawang-isip s'yang lumuhod sa harapan nito kahit maputik. "Tigilan mo ako Seraphina, buo na ang desisyon namin ng 'yong kapatid kaya wala ka ng magagawa. H'wag kang mag-alala, kapag nasa mansiyon ka na, magiging maayos na ang buhay mo. Magiging reyna ka na kahit na…" saglit itong huminto sa pagsasalita at tinitigan s'ya ng mabuti. "Kahit na gan'yan ang hitsura mo." Puno ng pang-iinsultong sabi nito saka tumatawang sinulyapan ang kan'yang nakatatandang kapatid. "Papa…" sambit n'ya kasabay ang walang tigil na pagpatak ng mga luha sa kan'yang pisngi.Pagpasok nina Damian at Seraphina sa opisina, agad niyang napansin na tila may mali. Ngunit sa halip na pagtuunan ito ng pansin, lumapit siya sa mesa at inilapag ang kanyang office bag. Ang kanyang asawa naman ay dumiretso sa pantry at inayos ang kanilang mga baon. Hindi kasi ito pumayag na wala silang dalang pananghalian.Nadamay pa siya sa pagluluto na umabot din ng dalawang oras. Gusto raw nito ng lutong bahay ang kanilang kakainin, hindi 'yung puro order sa labas. At dahil ayaw niyang masayang ang oras sa pakikipagtalo rito, pumayag na siya.Yun nga lang, puno ng band-aid ang mga daliri niyang mas sanay tumipa ng keyboard kaysa maghiwa ng sibuyas at mga gulay.Sa dami ng kanilang mga katulong sa mansiyon, siya pa talaga ang napansin nito."Hanggang ngayon kandahaba pa rin ang nguso mo, hubby." Wika nito ng nakapamewang itong humarap sa kanya. "Wifey, sino bang hindi mapapanguso? Ginising mo ako ng alas-kuwatro y media ng madaling araw para lang paghiwain ng sibuyas at mga gulay.
Malawak na napangiti si Miya pagpasok niya sa lobby ay pinagtitinginan siya ng mga empleyado ni Damian.Sinigurado talaga niyang magiging kaakit-akit siya sa paningin ng mga ito, lalo na sa paningin ni Damian.Pero ang totoong layunin niya ay makapasok sa opisina ni Damian at makuha ang mga dokumento. Kapag nagtagumpay siya, mawawala na rin ang Seraphina na ‘yon sa kanilang landas.“Hi, good morning. Dumating na ba si Damian?” tanong niya sa isang empleyado.“No, Ma’am,” sagot nito saka magalang na nagpaalam sa kanya.Lihim naman siyang napangiti at dire-diretsong naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator.“Excuse me,” hinawi niya ang mga empleyadong nakaharang sa kanyang harapan.Nagsitabi naman ang mga ito at binigyan siya ng daan.Marunong din naman palang makinig ang mga ito sa mas maganda at nakatataas sa kanila.Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay sinuri muna niya ang sarili.Nag-retouch na rin siya at maarteng inilugay ang buhok.“Ang ganda mo talaga, Miya,” sambit
Matapos ayusin ang mga pagkain sa mesa ay nagpasya si Seraphina na umakyat sa kanilang silid para yayain si Damian na mag-dinner. Anong oras na rin kasi… isa pa, nagugutom na siya."Hubby, dinner na." Aniya sa malakas na boses para marinig siya nito.Lumapit siya sa kinaroroonan ng isang pinto at hinawakan ang doorknob saka marahang pinihit pabukas. "Hubby…" tawag niya dito. Pero ng walang sumagot ay pumasok na siya sa loob para alamin kung naroon ba ang asawa. "Dinner na, halika na sa baba." Wika niya saka humakbang papasok sa loob. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid pero wala doon ang asawa."Saan nagpunta ang lalaking 'yon?" puno ng pagtatakang bulong niya. Nagtungo siya sa shower room pero wala si Damian doon. Wala man lang bakas na nanggaling ang asawa doon kaya lumabas na siya."Hubby…" tawag niya dito at naiinis na nagtungo sa balcony, bakasakaling naroon ito. "Hubby, nariyan ka ba?" aniya sabay silip sa labas."Yes wifey? May kailangan ka ba?" Tanong nito na baha
Ilang ulit nagpakawala ng buntong-hininga si Seraphina habang tahimik na nakaupo sa damuhan, pinagmamasdan ang mga naggagandahang bulaklak.Pero kahit gaano pa man kaganda ang kapaligiran, hindi pa rin niya maiwasang isipin ang kanyang pamilya.Kailan niya kaya makikita ang mga ito? Kahit saglit lang, basta't makita niyang maayos ang kalagayan ng mga ito, ay masaya na siya. Pero alam naman niyang imposibleng mangyari iyon hangga't hindi sinasabi ng kanyang asawa ang eksaktong kinaroroonan ng mga ito."Ang bad mo hubby… bakit naman kasi ipinatapon mo sila kung saan? Hayyysss…" sambit niya at inis na ginulo ang kanyang buhok. "Teka lang… baka naman pansamantala lang 'yon?" aniya, pero sana nga ay gano'n para hindi siya mapilitang umaksiyon."Ma'am Seraphina, mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ba?" tanong ni Ate Kathleen sa kanya nang lapitan siya nito, bitbit ang tray.Inilapag nito sa kanyang tabi 'yon kaya napatingin siya sa mga laman no'n."Wala naman, Ate Kathleen, naalala
Tahimik at nag-e-enjoy ng husto si Damian habang kumakain nang bigla siyang tapikin ni Seraphina sa balikat.Nilingon naman niya ito na may pagtataka.“Why?” tanong niya bago sumandok ng ulam.“Hubby, may improvement ba sa apela niyo doon sa Hidalgo Holdings?” tanong nito.“Hidalgo Holdings?” nagtatakang tanong niya.“Oo, ‘di ba umapela kayo?” anito…Napangiti siya, sabay iling. “Wifey, mukhang nakikitsismis ka na naman. Mali ang alam mong pangalan.”Inilapag niya ang kutsara bago magpatuloy, mas seryoso na ang tono.“Hindi Hidalgo Holdings ang kalaban natin kundi Valderama Holdings.” Saad niya dito. Tumiim ang kanyang bagang dahil sa galit. Pero ng napatingin siya sa kanyang pamilya ay napabuga siya ng hangin at pilit na kinalma ang sarili. "Ahhh gano'n ba hubby? Akala ko kasi ay Hidalgo Holdings, mali pala ako." Anito kaya napailing na lamang siya."Huwag mo nang isipin 'yon, kumain ka na. After lunch ay babalik na rin ako sa opisina. And next time, huwag kang nakikinig sa usapan
Marahang napapunas sa kanyang noo si Seraphina habang abala sa pagluluto. Ilang putahe din kasi ang kailangan niyang iluto para sa asawa. Inaamin naman niyang napasubo siya, pero hindi siya susuko alang-alang sa masarap na pananghalian.Ang ipagluto ng masasarap na pagkain na lamang para kay Damian ang alam niyang paraan para mapalapit ito ng husto sa kanya. Kapag malapit na sila ng lubusan sa isa't isa, siguradong sasabihin na nito sa kanya ang kinaroroonan ng kanyang pamilya.Alam niyang naging masama ang kanyang mga magulang at kapatid, pero sabi nga, blood is thicker than water. Ibig sabihin, kahit na pinagmalupitan siya ng sariling pamilya, hindi pa din magbabago na iisang dugo lang ang nananalaytay sa kanilang ugat. Oo galit siya, pero kahit gano'n mahal niya ang pamilya. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Darating din ang panahon na magbabago ang mga ito at magsisisi sa mga nagawa sa kanya. Kahit isang porsiyento lang ay panghahawakan niya. Alam naman niyang darating ang pan
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang m
Hindi maiwasan ni Seraphina na makaramdam ng kaba habang nakasilip sa labas ng kanyang silid. Baka kasi nasa labas lang si Mr. Black at magalit kapag lumabas siya.“Wala siguro siya,” bulong niya sa sarili saka dahan‑dahang humakbang palabas. Sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang inga





![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)