Share

CHAPTER 3

last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-15 13:55:11

Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos.

"Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba ka rin naman." Wika ng kan'yang Kuya Michael ng sumulpot ito sa kan'yang harapan hawak ang tasa ng umuusok na kape.

"Pero… Kuya, madami akong labahin. Kailangan ko itong matapos bago dumating si Mr. Black." Aniya pero sinamaan s'ya nito ng tingin.

"Sinusuway mo na ba ako?" Galit na tanong nito kaya naalarma s'ya.

Sunod-sunod s'yang umiling sa takot na baka saktan s'ya nito.

"K-kukunin ko na po," wika n'ya sabay yuko.

"Gusto mo pa akong galitin susunod ka din naman pala." Anito na may pagduro pa sa kanya.

Mas lalo naman s'yang napayuko at hinayaan lang itong duru-duruin siya. Iniisip na lamang n'yang 'yon na ang huling beses na magagawa nito sa kan'ya 'yon.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo d'yan? Kumilos ka na! Pasalamat ka at sinabihan ako ni Papa na huwag kang kakantiin." Malamig na wika nito saka s'ya tinalikuran.

Lihim naman s'yang nakahinga ng maluwag dahil kahit papa'no ay hindi nadagdagan ang sakit ng kan'yang katawan.

Minabuti na lang n'yang ilapag ang laundry basket at dumiretso sa silid ng nakatatandang kapatid.

Pagpasok n'ya sa loob ay napakunot s'ya ng noo dahil sa dami ng kalat. Sa sobrang dami hindi na n'ya maisa-isa ang lahat ng 'yon. Hindi rin n'ya maiwasang mapaisip kung paano nagagawang matulog ng kan'yang kapatid sa ganoong kakalat na silid.

Kung tutuusin mas malinis pa ang kan'yang silid kahit na puro luma ang mga gamit n'ya.

"Bahala s'yang maglinis ng kalat n'ya. Kukunin ko lang ang lalabhan ko at lalabas na dito." Bulong n'ya.

Lumapit s'ya sa kinaroroonan ng kama at dinampot ang isang unan, handa na sanang alisin ang punda pero hindi natuloy ng makarinig s'ya ng ugong ng sasakyan sa labas.

Dahil sa kuryusidad, napalapit s'ya sa may bintana at dumungaw sa labas.

Mula sa kan'yang kinatatayuan ay kitang-kita n'ya ang paglabas ng isang lalaki ngunit natigilan s'ya ng mapansing may edad na ito.

"S'ya ba ang mapapangasawa ko?" Bulong n'ya habang nakasunod ang kan'yang paningin sa bawat kilos ng lalaki.

"Ano ito? Pangit na nga ako tapos matanda at kulubot na ang mapapangasawa ko? Hayyysss!! Kapag minamalas ka nga naman talaga oh." Napapailing s'yang napahawak sa noo. Mukhang hindi naman asawa ang kailangan ng matanda kundi caregiver.

"Hoy Seraphina, ipinapatawag ka ni Papa, dumating na ang mapapangasawa mo." Pukaw sa kan'ya ng nakatatandang kapatid.

"Opo, lalabas na." Aniya, at kahit nag-aalinlangan ay lumabas s'ya ng silid nito at dumiretso sa labas ng bahay.

Habang papalapit sa kinaroroonan ng kan'yang ama ay bigla namang bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang guwapong nilalang.

Napahinto siya sa paglalakad at napatitig sa mukha nito. Pero ng makita n'ya ang malamig nitong mga mata ay napayuko s'ya. Hindi n'ya kayang salubungin ang ganoong klase ng titig na para bang dinadala s'ya sa ibang dimension. Idagdag pa ang nakakatakot nitong presensiya na nagpapatayo sa kan'yang mga balahibo.

"Mr. Black, ikinagagalak kong makita kayo dito." Wika ng kan'yang ama dahilan para mapalingon s'ya dito. Pagkuwa'y muli n'yang ibinalik ang atensiyon sa lalaki at pasimple itong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi na n'ya kailangang hulaan kung gaano kamahal ang suot nito. Bagay na bagay naman dito dahil mas lalo pa itong gumwapo. Sigurado s'ya na kahit sinong babae ang makakita dito ay mahuhumaling. Pero sandali lang, ang lalaking ito ba ang mapapangasawa n'ya? Hitsura pa lang ay hindi na s'ya nababagay rito idagdag pa ang estado n'ya sa buhay.

"Wala akong masyadong oras. Nandito lang ako para sunduin ang mapapangasawa ko." Malamig at diretsahang wika ng lalaki habang nakatitig sa kan'ya. Hindi naman n'ya maiwasang makaramdam ng ilang nang mapansin n'yang salubong ang mga kilay nito habang nakatutok ang mga mata sa kan'yang mukha.

"S'ya ba ang mapapangasawa ko?" Tanong ng lalaki na tila dismayado na sumandal sa sasakyan.

Pasimple nitong hinagod ang kabuuan n'ya at pagkuwa'y naiiling na bumuntong-hininga.

"Opo Mr. Black, s'ya ang bunso kong anak, si Seraphina." Anang kan'yang ama na halatang kinakabahan na baka hindi s'ya magustuhan ng lalaki.

"So bumili pala ako ng produkto na hindi pasok sa standard ko." Makahulugang wika ng lalaki na ikinumpara pa talaga s'ya sa mababang uri ng produkto.

"Alam kong hindi s'ya kagandahan Mr. Black, pero puwede mo naman s'yang pakinabangan sa ibang paraan. Mabait naman s'yang bata, masunurin at masipag. Hindi ka na lugi sa isang milyon. Isipin mo na lang na isa s'yang personal na tagapagsibi." Wika ng kan'yang ama dahilan para makagat n'ya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi.

Sa tanang buhay n'ya, isa lang pala s'yang tagapagsilbi kung ituring ng sariling pamilya. Kaya naman pala gano'n s'ya kung itrato ng mga ito. Tapos ngayon pati ang mapapangasawa n'ya ay ganoon rin magiging turing sa kan'ya. Sobrang malas talaga n'ya sa buhay. Bakit pa ba s'ya ipinanganak kung puro kamalasan lang din naman pala ang mararanasan n'ya sa piling ng mga taong dapat ay pumu-protekta sa kan'ya at nagmamahal?

"Fine, I'll take her." Rinig n'yang wika ng lalaki.

"Salamat Mr. Black," anang kan'yang ama na daig pa ang nanalo sa kung anong pustahan. "Puwede n'yo na s'yang isama ngayon din. Salamat sa isang milyon." Excited na dagdag nito.

Gano'n lang, gano'n lang kadali para dito na ipamigay s'ya. Napapaisip tuloy s'ya kung totoo ba n'yang ama ito o hindi. Hindi kaya ampon lang s'ya? Napulot sa kung saan at inuwi para magkaroon ng anak na babae? Kaya ng masira ang kan'yang mukha ay ganoon na lamang kadali sa mga ito na magbago ng pakikitungo sa kan'ya.

Pero sana nga ay ampon na lamang s'ya para hindi n'ya pagsisihan na naging parte pa ng pamilya ng mga ito. Mas matatanggap pa n'ya na isa lang s'yang ampon kesa sa tunay nga s'yang pero wala namang halaga.

"Let's go, wala akong oras para sa mga walang kuwentang bagay." Anang lalaki at nauna ng bumalik sa loob ng sasakyan.

Ilang sandali s'yang hindi nakakibo ngunit ng maramdaman n'ya ang mahinang pagtapik sa kan'yang balikat ay doon lamang s'ya kumilos.

"Miss Cruz," anang matandang lalaki at sinenyasan s'yang sumakay na sa sasakyan.

"Tatabi po ako sa amo mo? Baka saktan n'ya ako, ang sama pa naman n'yang tumingin." Pabulong ngunit malinaw na wika n'ya.

"Kung nag-aalangan po kayo, puwede kayong maupo sa front seat." Sabi nito saka s'ya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

"Salamat po," aniya bago pumasok sa loob ng sasakyan.

"Good that you know your place," wika ni Mr. Black sa kan'ya.

Tumango naman s'ya ngunit hindi n'ya ito nilingon.

"Paano po ang mga gamit ko?" Tanong n'ya sa matandang lalaki ng makapasok ito sa sasakyan at maupo sa harap ng manibela.

"Ayos lang Miss Cruz, may nakahanda ng mga gamit para sa iyo sa mansiyon. Isa pa, ayaw ni Mr. Black na may mga gamit na ipinapasok sa pamamahay n'ya. Baka magalit s'ya kung magdadala ka ng lumang mga gamit." Pabulong na wika nito bago binuhay ang makina ng sasakyan. "Miss Cruz, ikabit mo po ang iyong seatbelt." Anito ngunit hindi n'ya alam kung paano 'yon gumagana.

"Hindi po ako marunong," nahihiyang wika n'ya.

Natawa naman ang matanda subalit hindi 'yung tipong nang-iinsulto kundi, dahil sa ka-inosentehan n'ya.

"Matututo rin po kayo Miss Cruz," anito, "ganito lang ang gagawin mo." Itinuro nito sa kan'ya kung paano magkabit ng seatbelt kaya tinandaan n'ya 'yon ng mabuti.

"Alfred, ano pa ba ang ginagawa mo?" Galit na sita ni Mr. Black sa driver nito.

"Aalis na po tayo Mr. Black," wika ng matanda at kaagad na pinaandar ang sasakyan saka nagmaneho.

Sinulyapan n'ya ang kanilang bahay ngunit ng maalala kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan n'ya doon ay bumaling na lamang s'ya sa unahan ng sasakyan.

First time n'yang makasakay sa mamahaling kotse at inaamin n'yang sobrang sarap pala sa pakiramdam na makasakay sa ganoon. Mahirap lang naman sila kaya tricycle at jeep lang ang palagi nilang sinasakyan lalo na s'ya.

"Idadaan ka lang namin sa bahay," wika ng lalaki na tahimik lang sa backseat at tutok na tutok sa laptop nito.

"O-okay po," tugon n'ya. Ilang sandali n'yang hinintay kung may iba pa ba itong sasabihin ngunit nanatili na itong tahimik.

Pasimple n'yang sinulyapan ang binata gamit ang rear view mirror at doon niya nakita kung gaano ito kaabala. Mabilis din ang galaw ng mga daliri nito na para bang eksperto.

Doon n'ya napagtanto kung gaano ba talaga kalayo ang agwat nila sa buhay.

Sinulyapan n'ya ang sarili at doon ay kitang-kita kung gaano kamiserable ang kan'yang buhay.

May butas ang suot n'yang bestida at lumang-luma na 'yon. Maging ang suot n'yang tsinelas ay malaki at malapit ng masira. Payat din s'ya at madaming pasa sa magkabilang braso na bago pa lamang naghihilom.

Kapag hindi kasi agad s'ya nakakasunod sa utos ng kan'yang ama at kapatid ay sinasaktan s'ya ng mga ito.

Ang kan'yang ina naman ay malamig lang ang pakikitungo sa kan'ya subalit hindi naman s'ya pinagbubuhatan ng kamay, 'yon nga lang panay sigaw ito kapag galit na.

"Mr. Black, hindi n'yo naman po kailangang magpakasal sa akin. Puwede naman akong magtrabaho sa inyo bilang kasambahay. Siguro naman ay mababayaran ko ang isang milyon bago ako tumanda." Saad n'ya baka sakaling magbago ang isip nito.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon sa kung ano ang magiging kapalaran mo. Ako ang lalaki, ako ang masusunod." Wika nito kaya natahimik na lamang s'ya. Ayaw n'yang magalit ito sa kan'ya at baka kung ano pa ang gawin nito na pagsisihan n'ya sa huli.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 31

    Handa na sanang matulog si Damian nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.Agad naman niya itong inabot at sinagot."Napatawag ka?" bungad niya sa kanyang abogado.Hindi kasi ito basta-basta tumatawag sa dis-oras ng gabi maliban na lamang kung may mahalagang balita o may nangyaring problema sa kumpanya."Boss... bad news," mabigat na tugon nito.Nangunot ang noo niya. Maingat siyang bumangon at lumayo sa kama upang hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng kanyang asawa. Tahimik niyang binuksan ang sliding door patungo sa balkonahe bago muling nagsalita."Anong nangyari?""Boss, tungkol sa Greenview Commercial District. Yung proyektong halos tapos na ang negosasyon at inaasahan nating mapapasaatin sa susunod na linggo... naagaw ng ibang kumpanya."Natigilan siya. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone."Paano nangyari 'yon? Ilang buwan nating pinaghandaan ang proyektong iyon. Wala namang ibang nakapagbigay ng mas magandang alok.""Iyon din ang ipinagtataka namin, Bo

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 30

    Hindi malaman ni Damian kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang isang basket ng sariwang strawberries.Bigay iyon ng kanyang ka-meeting para raw may pasalubong siya sa kanyang asawa. Bukod sa sariwang strawberries ay may jam din, ngunit binili niya ang iba doon. Napansin kasi niyang mahilig sa matatamis ang asawa niya, ang ayaw lang nito ay mayonnaise dahil maasim daw.Imagine, may inaayawan din pala ang asawa niya. Akala niya ay wala itong pinapalampas, meron din pala."Siguradong matutuwa si Ma'am Seraphina sa mga pasalubong mo. Pero ano kaya ang ginawa niya maghapon?" Napapaisip na tanong ni Mang Alfred sa kanya. Kahit siya ay napaisip din lalo't hindi sumasagot sa tawag o text niya si Seraphina. Kahit ang kanyang ina at kapatid ay gano'n din. Pero malalaman din niya kapag nakarating na sila sa mansiyon."We'll see," aniya sa matandang driver. Natawa naman ito pero hindi na nagkomento, itinuon na lamang ang atensiyon sa daan.Alas-sais na ng gabi pero kataka-taka na hind

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 29

    Hindi namalayan ni Seraphina ang mabilis na paglipas ng mga araw. Masyado kasi siyang nag-e-enjoy sa pagsama kay Damian sa kumpanya nito. At gaya ng dati, hilig pa rin niyang asarin ang asawa.Kapag tinatawag niya itong Tatang, napipikon ito at nagagalit, pero hindi naman umaabot sa puntong pinagbubuhatan siya ng kamay.Isa nga 'yon sa napansin niya dito. Mabilis mapikon at magalit pero lumalambot din kalaunan. At inaamin niyang gusto niya ang ugaling 'yon. Tigasin pero pagdating sa kanya ay unti-unti itong lumalambot."Good morning Ma'am, mukhang blooming ka ah," biro ni Ate Kathleen sa kanya."Hindi naman masyado, pero teka, si Damian nga pala?" tanong niya dito nang maalala ang asawa. Tinanghali kasi siya ng gising dahil as usual pinuyat na naman siya."Maagang umalis si Mr. Black, may meeting daw siya sa Baguio. Isasama ka sana pero ang sarap raw ng tulog mo kaya next time na lang. Uuwi din naman daw siya ng maaga, may plano yatang yayain kang lumabas," saad nito at animo'y kiniki

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 28

    "So siya pala ang asawa mo? Akala ko kagabi ay maganda siya, nadala lang pala ng mamahaling roba."Hindi napigilan ni Damian na bigyan ng matalim na tingin si Miya bilang babala.Sa harap niya, walang sinuman ang puwedeng mang-insulto sa kanyang asawa. Hindi si Miya o kahit sino pa. Kung hindi, siya ang makakalaban ng mga ito."Mag-ingat ka sa sinasabi mo," mariing wika niya."Hayaan mo siya, hubby. Kahit laitin niya ako ng paulit-ulit, hindi naman ako maaapektuhan. Kasi sa aming dalawa, mas mababang uri at kalait-lait siya kasi alam na ngang may asawa ka na pero pilit pa rin niyang isinisiksik ang sarili sa iyo. Sino ba ang lalabas na mas kahiya-hiya? Ako na pangit lang at galing sa mahirap na pamilya, o siya na naturingang edukada pero hindi marunong rumespeto sa relasyon ng iba? Kung ang pamantayan ng kagandahan ay siya, ayoko na lang maging maganda," ani Seraphina, dahilan para mapatitig siya dito at mapaisip.Bakit sa tuwing sila lang dalawa ay napaka-immature at childish nito? P

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 27

    Mariing ipinikit ni Damian ang kanyang mga mata habang sinusubukang kalmahin ang sarili.Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil hindi mapakali ang kanyang asawa sa kinauupuan nito.Lakad dito, lakad doon, panay silip sa ginagawa niya kaya imbes na matapos ang trabaho, lalo lamang siyang natatagalan."Babae, bakit hindi ka na lang kumuha ng basahan at punasan ang mga gamit dito sa opisina para naman may maitulong ka? Kanina pa akong nahihilo sa iyo," aniya rito.Alam niyang hindi ito sanay na walang ginagawa kaya bibigyan niya ito ng pagkakaabalahan para tumigil na. Nagsisisi na tuloy siyang isinama pa ito sa kumpanya tulad ng gusto ng kanyang ina.Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumayag.Binigyan na niya ito ng tablet para may mapanood na mga video, pinabilhan ng sandamakmak na pagkain, pero ang ending nagkalat lang lahat ng 'yon sa receiving area ng opisina niya. Yung tablet, ayon, nadaganan na ng throw pillow."Tanungin mo si Mang Alfred," an

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 26

    Hindi maiwasang mapayuko ni Seraphina habang nakasunod kay Damian papasok sa gusali. Paano ba naman, pinagtitinginan sila ng mga empleyado kaya mas pinili niyang yumuko para makaiwas sa mapanghusgang tingin ng mga ito."Sino kaya ang kasama ni boss?" tanong ng ilan sa mga ito na tila hindi takot mawalan ng trabaho."Hubby, ang tsismosa naman ng mga empleyado mo," bulong niya kay Damian nang huminto sila sa harap ng elevator.Nilingon siya nito, at pagkuwa'y ang mga empleyado nito."Okay, huling araw na nila dito sa kumpanya," wika nito at nauna nang pumasok sa elevator nang bumukas 'yon. Agad naman siyang sumunod dito at pumuwesto sa kabilang tabi.Pinagmasdan niya ang mga buton, pero hindi niya alam kung para saan ang mga 'yon."Damian, para saan ang mga ito?" turo niya sa mga buton."Yung mga may numbers ay sumisimbolo sa bawat palapag. Kita mo 'yung pinakahuling numero? Doon naroon ang opisina ko. Pero natatandaan mo ba ang usapan natin kanina?" tanong nito kaya agad niyang inalal

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 9

    Buong akala ni Seraphina ay katapusan na niya matapos sagut-sagutin si Mr. Black.Masyado kasi itong mapanghusga dahil lamang sa siya'y nakatira sa pamamahay na ito.Wala sana siyang balak na magsalita ng kung anu-ano, ngunit sobra na. Parati na lang nitong ipinapaalala sa kanya na pangit siya at h

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 8

    Salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang mukha ni Damian nang pumasok siya sa mansiyon.Sa likuran niya ay nakasunod ang mga kaibigan na panay ang tuksuhan habang nagtatawanan.Wala talaga siyang balak pumayag na mag-party ang mga ito sa mansiyon. Subalit mapilit ang mga ito at binantaan pa siy

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 7

    Hindi maiwasan ni Seraphina na makaramdam ng kaba habang nakasilip sa labas ng kanyang silid. Baka kasi nasa labas lang si Mr. Black at magalit kapag lumabas siya.“Wala siguro siya,” bulong niya sa sarili saka dahan‑dahang humakbang palabas. Sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang inga

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 6

    Hindi maipinta ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin."Ano ba itong ipinasuot mo sa akin, Ate Kathleen? Ang sikip-sikip at ang ikli, tapos itong... itong ano ko, kulang na lang ay lumuwa," reklamo niya habang tinuturo ang kanyang dibdib.Hindi n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status