Mag-log inPagpasok nina Damian at Seraphina sa opisina, agad niyang napansin na tila may mali. Ngunit sa halip na pagtuunan ito ng pansin, lumapit siya sa mesa at inilapag ang kanyang office bag. Ang kanyang asawa naman ay dumiretso sa pantry at inayos ang kanilang mga baon. Hindi kasi ito pumayag na wala silang dalang pananghalian.Nadamay pa siya sa pagluluto na umabot din ng dalawang oras. Gusto raw nito ng lutong bahay ang kanilang kakainin, hindi 'yung puro order sa labas. At dahil ayaw niyang masayang ang oras sa pakikipagtalo rito, pumayag na siya.Yun nga lang, puno ng band-aid ang mga daliri niyang mas sanay tumipa ng keyboard kaysa maghiwa ng sibuyas at mga gulay.Sa dami ng kanilang mga katulong sa mansiyon, siya pa talaga ang napansin nito."Hanggang ngayon kandahaba pa rin ang nguso mo, hubby." Wika nito ng nakapamewang itong humarap sa kanya. "Wifey, sino bang hindi mapapanguso? Ginising mo ako ng alas-kuwatro y media ng madaling araw para lang paghiwain ng sibuyas at mga gulay.
Malawak na napangiti si Miya pagpasok niya sa lobby ay pinagtitinginan siya ng mga empleyado ni Damian.Sinigurado talaga niyang magiging kaakit-akit siya sa paningin ng mga ito, lalo na sa paningin ni Damian.Pero ang totoong layunin niya ay makapasok sa opisina ni Damian at makuha ang mga dokumento. Kapag nagtagumpay siya, mawawala na rin ang Seraphina na ‘yon sa kanilang landas.“Hi, good morning. Dumating na ba si Damian?” tanong niya sa isang empleyado.“No, Ma’am,” sagot nito saka magalang na nagpaalam sa kanya.Lihim naman siyang napangiti at dire-diretsong naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator.“Excuse me,” hinawi niya ang mga empleyadong nakaharang sa kanyang harapan.Nagsitabi naman ang mga ito at binigyan siya ng daan.Marunong din naman palang makinig ang mga ito sa mas maganda at nakatataas sa kanila.Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay sinuri muna niya ang sarili.Nag-retouch na rin siya at maarteng inilugay ang buhok.“Ang ganda mo talaga, Miya,” sambit
Matapos ayusin ang mga pagkain sa mesa ay nagpasya si Seraphina na umakyat sa kanilang silid para yayain si Damian na mag-dinner. Anong oras na rin kasi… isa pa, nagugutom na siya."Hubby, dinner na." Aniya sa malakas na boses para marinig siya nito.Lumapit siya sa kinaroroonan ng isang pinto at hinawakan ang doorknob saka marahang pinihit pabukas. "Hubby…" tawag niya dito. Pero ng walang sumagot ay pumasok na siya sa loob para alamin kung naroon ba ang asawa. "Dinner na, halika na sa baba." Wika niya saka humakbang papasok sa loob. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid pero wala doon ang asawa."Saan nagpunta ang lalaking 'yon?" puno ng pagtatakang bulong niya. Nagtungo siya sa shower room pero wala si Damian doon. Wala man lang bakas na nanggaling ang asawa doon kaya lumabas na siya."Hubby…" tawag niya dito at naiinis na nagtungo sa balcony, bakasakaling naroon ito. "Hubby, nariyan ka ba?" aniya sabay silip sa labas."Yes wifey? May kailangan ka ba?" Tanong nito na baha
Ilang ulit nagpakawala ng buntong-hininga si Seraphina habang tahimik na nakaupo sa damuhan, pinagmamasdan ang mga naggagandahang bulaklak.Pero kahit gaano pa man kaganda ang kapaligiran, hindi pa rin niya maiwasang isipin ang kanyang pamilya.Kailan niya kaya makikita ang mga ito? Kahit saglit lang, basta't makita niyang maayos ang kalagayan ng mga ito, ay masaya na siya. Pero alam naman niyang imposibleng mangyari iyon hangga't hindi sinasabi ng kanyang asawa ang eksaktong kinaroroonan ng mga ito."Ang bad mo hubby… bakit naman kasi ipinatapon mo sila kung saan? Hayyysss…" sambit niya at inis na ginulo ang kanyang buhok. "Teka lang… baka naman pansamantala lang 'yon?" aniya, pero sana nga ay gano'n para hindi siya mapilitang umaksiyon."Ma'am Seraphina, mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ba?" tanong ni Ate Kathleen sa kanya nang lapitan siya nito, bitbit ang tray.Inilapag nito sa kanyang tabi 'yon kaya napatingin siya sa mga laman no'n."Wala naman, Ate Kathleen, naalala
Tahimik at nag-e-enjoy ng husto si Damian habang kumakain nang bigla siyang tapikin ni Seraphina sa balikat.Nilingon naman niya ito na may pagtataka.“Why?” tanong niya bago sumandok ng ulam.“Hubby, may improvement ba sa apela niyo doon sa Hidalgo Holdings?” tanong nito.“Hidalgo Holdings?” nagtatakang tanong niya.“Oo, ‘di ba umapela kayo?” anito…Napangiti siya, sabay iling. “Wifey, mukhang nakikitsismis ka na naman. Mali ang alam mong pangalan.”Inilapag niya ang kutsara bago magpatuloy, mas seryoso na ang tono.“Hindi Hidalgo Holdings ang kalaban natin kundi Valderama Holdings.” Saad niya dito. Tumiim ang kanyang bagang dahil sa galit. Pero ng napatingin siya sa kanyang pamilya ay napabuga siya ng hangin at pilit na kinalma ang sarili. "Ahhh gano'n ba hubby? Akala ko kasi ay Hidalgo Holdings, mali pala ako." Anito kaya napailing na lamang siya."Huwag mo nang isipin 'yon, kumain ka na. After lunch ay babalik na rin ako sa opisina. And next time, huwag kang nakikinig sa usapan
Marahang napapunas sa kanyang noo si Seraphina habang abala sa pagluluto. Ilang putahe din kasi ang kailangan niyang iluto para sa asawa. Inaamin naman niyang napasubo siya, pero hindi siya susuko alang-alang sa masarap na pananghalian.Ang ipagluto ng masasarap na pagkain na lamang para kay Damian ang alam niyang paraan para mapalapit ito ng husto sa kanya. Kapag malapit na sila ng lubusan sa isa't isa, siguradong sasabihin na nito sa kanya ang kinaroroonan ng kanyang pamilya.Alam niyang naging masama ang kanyang mga magulang at kapatid, pero sabi nga, blood is thicker than water. Ibig sabihin, kahit na pinagmalupitan siya ng sariling pamilya, hindi pa din magbabago na iisang dugo lang ang nananalaytay sa kanilang ugat. Oo galit siya, pero kahit gano'n mahal niya ang pamilya. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Darating din ang panahon na magbabago ang mga ito at magsisisi sa mga nagawa sa kanya. Kahit isang porsiyento lang ay panghahawakan niya. Alam naman niyang darating ang pan
Hindi maiwasan ni Seraphina na makaramdam ng kaba habang nakasilip sa labas ng kanyang silid. Baka kasi nasa labas lang si Mr. Black at magalit kapag lumabas siya.“Wala siguro siya,” bulong niya sa sarili saka dahan‑dahang humakbang palabas. Sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang inga
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong be
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba







