Share

CHAPTER 5

last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-16 06:24:48

“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan.

Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong beses sa isang araw, pero ngayong natupad na ang simpleng hiling na 'yon, wala na s'yang mahihiling pa. Payag na nga s'yang kunin na ni Lord upang makapagpahinga nang maayos. Sa tagal ba naman n'yang inalila ng sariling pamilya, pakiramdam n'ya ay pagod na pagod na s'ya.

“Miss Cruz, ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo? Ang bata-bata mo pa para kunin ni Lord! Saka ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan, kung kailan nakalaya ka na sa pang-aalila ng pamilya mo? Tingnan mo naman—nakatira ka na sa mansiyon ngayon, may masasarap na pagkain, maayos na kagamitan, at kumportableng silid. Isa pa, hindi man naging mabuti sa’yo ang iyong pamilya, hindi ibig sabihin no’n ay wala nang nagmamahal sa’yo. Nandito kami; mula ngayon, ituring mo kaming pamilya, okay?” wika ng kasambahay na s'yang una n'yang nakapalagayan ng loob.

Hindi tuloy n'ya maiwasang mapahikbi sa narinig. Buong buhay n'ya ay hindi pa s'ya nakaranas ng ganoong atensiyon at simpatya. Ngayon, may mga taong tumatanggap sa kanya at handang ituring s'yang kapamilya. Kaya lang… karapat-dapat ba s'yang magkaroon ng kaibigan? Sa hitsura n'yang ‘yon? Kahit yata langgam ay hindi gugustuhing lumapit sa kanya, lalo na’t hindi kaaya-aya ang kanyang mukha sa paningin ng lahat.

“Pero… hindi naman ako maganda tulad n'yo. Ang kinis ng mukha ninyo, samantalang ang sa akin ay puno ng peklat. Kaya nga ayaw sa akin ng pamilya ko—pangit daw ako. Tingnan n'yo ang mga braso ko, puno ng pasa at bakas ng nakaraan,” wika niya sa mababang tono.

“Miss Cruz, ano bang pinagsasasabi mo diyan? Mga peklat lang ‘yan! Hindi ‘yan sukatan ng pagkatao o dahilan para hindi ka magkaroon ng mabuting kaibigan. Maganda ka—sa loob at labas. Kailangan mo lang matutong magtiwala sa sarili. Huwag mong ibaba ang iyo sarili dahil lang sa pamilyang garapal at abusado. Maging matatag ka at itaas ang iyong noo. Kung napapangitan sila sa’yo, hayaan mo lang. Maganda lang ang panlabas nilang anyo pero bulok naman ang pagkatao. Ang ganda ng ay lumilipas, pero ang kabutihan at magandang pag-uugali ay kailanman hindi nawawala. At ang tiwala sa sarili? Para ‘yang halaman—yumayabong habang tumatanda. Huwag mong kalilimutan ‘yan.”

“Salamat sa payo Ate… Huwag kang mag-alala, tatandaan ko ang bawat salitang sinabi mo. Pero ano nga pala ang pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang pangalan ng isa’t isa,” aniya sa mabait na kasambahay.

“Tawagin mo na lang akong Ate Kathleen, mas matanda naman ako sa’yo ng tatlong taon.” Wika nito at matamis s'yang nginitian. Yung ngiting walang halong panghuhusga di tulad ng iba.

“Ang ganda naman ng pangalan mo, Ate Kathleen,” puri niya dito.

“Hindi naman masyado. Ikaw ba, ano ang pangalan mo?” tanong nito pabalik.

“Seraphina Cruz. Dati, ang tawag sa akin ng Mama at Papa ko ay ‘Sera’, pero ngayon ay Seraphina na lang. Dati ay prinsesa kung ituring nila ako, pero nang magbago ang lahat, naging alila na lamang. Madalas pa akong gawing labasan ng galit nina Kuya at Papa,” saad n'ya nang may halong lungkot.

“Huwag mo na silang isipin. Ang mabuti pa’y halika, tutulungan na kitang mag-ayos. Gusto kong makita kung bagay ba sa’yo ang mga gamit na ipinabili ni Mr. Black. Ano, game ka ba?” wika nito kaya tumayo na s'ya at hinayaan itong igiya s'ya palabas ng dining area.

“Ate Kathleen, may gusto sana akong itanong. Matagal ka na bang nagtatrabaho dito sa mansiyon? Mabait ba si Mr. Black? Anong klaseng amo ba s'ya? Sa palagay mo ba ay magkakasundo kami?” puno ng kuryosidad na tanong n'ya dito. Gusto n'yang makilala ang lalaki dahil malapit na silang maging mag-asawa. Wala naman sigurong masama doon.

“Tatlong taon na rin ako dito. Si Mr. Black? Tahimik lang s'ya, laging seryoso, at abala sa trabaho. Malamig makitungo, pero may pagka-babaero. Sa totoo lang, maraming babae dumadalaw dito sa mansiyon. Kaya ikaw, pilitin mong huwag mahulog ang loob sa kanya kung ayaw mong masaktan. Isipin mo na lang: mag-asawa kayo sa papel—sa papel lang, ha? Para sa huli ay hindi ka magsisi. Hindi masamang magmahal, pero kung alam mong hindi babalik sa’yo ang pagmamahal na 'yon, itigil mo na agad. Isa pa, mahirap magmahal ng taong maraming babae. Mas mabuti pang i-enjoy mo na lang ang buhay bilang Mrs. Black,” paalala nito.

“Wala akong balak magmahal ng babaero, Ate Kathleen. Nandito lang naman ako kapalit ng isang milyong piso. Saka bata pa ako, marami pa akong pangarap. Gusto kong maayos ang mukha ko… may posibilidad pa bang mangyari ‘yon? Maaayos pa ba ang peklat na ito?” tanong n'ya sabay haplos sa kanyang pisngi kung saan naroon ang bakas ng nakaraan.

“Maaayos pa ‘yan. Sa panahon ngayon, wala nang imposible pagdating sa siyensiya. Marami nga ang nagpapagawa ng mukha para gumanda lang. At sa totoo lang, hindi naman gano’n kalala ang sa’yo—nakikita ko pa rin kung gaano ka kaganda sa likod ng mga pilat na 'yan. Ang kailangan lang ay malaking halaga. Hindi naman siguro uubos ng isang milyon ang operasyon para sa pagpapaganda mo. Heto ang payo ko: itabi mo ang bawat sentimong matatanggap mo mula kay Mr. Black. Kung gusto mo, gagawan kita ng sariling online bank account; kailangan ko lang ang cellphone mo para masimulan na natin,” wika nito na bakas ang kasiyahan sa mukha.

“Ate Kathleen, pasensya na… wala akong cellphone. Kita mo naman ang suot ko—luma na at may butas pa. Sa madaling salita, wala akong kahit singkong duling. At kung may pera man ako, ibibili ko na lang ng pagkain kaysa sa bumili ng gamit,” sagot n'ya.

“Oo nga pala, nakalimutan kong inalila ka ng sarili mong pamilya. Dapat ay inasahan ko na ‘yan. Pero huwag kang mag-alala, may solusyon ako diyan—pag-usapan na lang natin mamaya. Unahin muna natin ang pag-aayos mo, gaya ng utos ni Mr. Black. Dapat ay maayos at maganda ka na pag-uwi nya, kundi baka umusok ang ilong no’n,” wika nito sabay tawa—mukhang sanay na sanay na ito sa ugali ng amo nito.

“Kapag natapos tayo, puwede mo ba akong ipasyal dito sa loob ng mansiyon?”

“Ha? Ipapasyal kita? Ahm… sige, magpapaalam muna ako kay Mang Alfred. Istrikto kasi si Mr. Black—may mga lugar na bawal pasukin dito sa mansiyon, lalo na sa ikatlong palapag. May silid doon na mahigpit n'yang ipinagbabawal na lapitan ng sinuman,” sagot nito kaya napaisip siya. Ano kaya ang itinatago ng lalaki doon? Ginto ba? Pero wala naman s'yang pakialam—sapat na sa kanya ang maayos na tirahan, masaganang pagkain, at proteksyon.

“Hayaan mo, Ate Kathleen—hinding-hindi ako pupunta roon. Masaya na ako dito sa malawak na salas, sa hardin, o kaya naman ay sa sarili kong silid. Mas maganda pa nga 'yon para hindi ako laging nakikita ni Mr. Black. Pero kung maaari… gusto ko sanang humiram ng mga aklat, papel, lapis, at pangkulay. Mahilig kasi akong magbasa at gumuhit mula pagkabata. Siguro naman ay hindi s'ya magagalit kapag hiningi ko ang mga ‘yon,” aniya, bagama’t hindi na s'ya umaasa nang labis.

“Sasabihin ko kay Mang Alfred—huwag kang mag-alala, ako ang bahala,” sagot nito, dahilan upang ngumiti s'ya nang malawak.

“Salamat, Ate. Pero nasaan ba ang silid ko? Kanina pa tayo naglalakad at paikot-ikot,” nagtatakang tanong n'ya.

“Malawak kasi ang mansiyon at puno ng pasikot-sikot kaya natatagalan tayo. Aakyat pa tayo—ang hagdang nakita mo kanina ay patungo sa silid ni Mr. Black at sa mga silid ng kanyang pamilya. Ang sa’yo naman ay nasa ikalawang palapag din, pero malayo sa kanya. Pero malay mo, sino ba ang makakaalam… baka sa pagkatapos ng kasal n'yo ay doon ka rin matulog. Sa tabi n'ya,” pilyang wika nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.

“Ate Kathleen! Wala akong balak tumabi sa kanya—baka mandiri lang s'ya sa akin, gaya ng sinabi n'ya kanina. Akala mo naman ang gwapo n'ya, eh! Hmmp!” aniya, dahilan upang matawa ang kasambahay.

“Gwapo naman talaga si Mr. Black—lalo na kapag ngumingiti, kahit bihira 'yung mangyari,” sagot nito at nauna ng umakyat sa hagdan. Agad naman s'yang sumunod, habang ang kanyang paningin ay lumilibot sa bawat sulok ng mansiyon.

“Ang ganda naman ng mansiyon na ito. Siguro ay milyones ang halaga ng bawat gamit—lalo na ang mga vase at paintings na nadaanan natin sa salas. At paano n'yo nalilinis ang mga bintanang kasingtaas noon?” tanong niya habang nakatingin sa nagtataasang bintana.

“Madali lang—may mahahabang hagdan kami, pero hindi kami ang naglilinis noon; may tauhang partikular na inatasan para diyan,” sagot ni Ate Kathleen bago buksan ang isang pinto na hindi kalayuan sa hagdanan.

Pumasok ito at sumunod naman s'ya. Ngunit sa pagpasok, bigla s'yang natigilan ng tumambad sa kanyang paningin ang isang napakaganda at marangyang silid. Napaka-elegante ng lahat, kaya wala siyang nasabi kundi isang mahinang “Wow…”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maricris Sencillo
next please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 31

    Handa na sanang matulog si Damian nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.Agad naman niya itong inabot at sinagot."Napatawag ka?" bungad niya sa kanyang abogado.Hindi kasi ito basta-basta tumatawag sa dis-oras ng gabi maliban na lamang kung may mahalagang balita o may nangyaring problema sa kumpanya."Boss... bad news," mabigat na tugon nito.Nangunot ang noo niya. Maingat siyang bumangon at lumayo sa kama upang hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng kanyang asawa. Tahimik niyang binuksan ang sliding door patungo sa balkonahe bago muling nagsalita."Anong nangyari?""Boss, tungkol sa Greenview Commercial District. Yung proyektong halos tapos na ang negosasyon at inaasahan nating mapapasaatin sa susunod na linggo... naagaw ng ibang kumpanya."Natigilan siya. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone."Paano nangyari 'yon? Ilang buwan nating pinaghandaan ang proyektong iyon. Wala namang ibang nakapagbigay ng mas magandang alok.""Iyon din ang ipinagtataka namin, Bo

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 30

    Hindi malaman ni Damian kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang isang basket ng sariwang strawberries.Bigay iyon ng kanyang ka-meeting para raw may pasalubong siya sa kanyang asawa. Bukod sa sariwang strawberries ay may jam din, ngunit binili niya ang iba doon. Napansin kasi niyang mahilig sa matatamis ang asawa niya, ang ayaw lang nito ay mayonnaise dahil maasim daw.Imagine, may inaayawan din pala ang asawa niya. Akala niya ay wala itong pinapalampas, meron din pala."Siguradong matutuwa si Ma'am Seraphina sa mga pasalubong mo. Pero ano kaya ang ginawa niya maghapon?" Napapaisip na tanong ni Mang Alfred sa kanya. Kahit siya ay napaisip din lalo't hindi sumasagot sa tawag o text niya si Seraphina. Kahit ang kanyang ina at kapatid ay gano'n din. Pero malalaman din niya kapag nakarating na sila sa mansiyon."We'll see," aniya sa matandang driver. Natawa naman ito pero hindi na nagkomento, itinuon na lamang ang atensiyon sa daan.Alas-sais na ng gabi pero kataka-taka na hind

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 29

    Hindi namalayan ni Seraphina ang mabilis na paglipas ng mga araw. Masyado kasi siyang nag-e-enjoy sa pagsama kay Damian sa kumpanya nito. At gaya ng dati, hilig pa rin niyang asarin ang asawa.Kapag tinatawag niya itong Tatang, napipikon ito at nagagalit, pero hindi naman umaabot sa puntong pinagbubuhatan siya ng kamay.Isa nga 'yon sa napansin niya dito. Mabilis mapikon at magalit pero lumalambot din kalaunan. At inaamin niyang gusto niya ang ugaling 'yon. Tigasin pero pagdating sa kanya ay unti-unti itong lumalambot."Good morning Ma'am, mukhang blooming ka ah," biro ni Ate Kathleen sa kanya."Hindi naman masyado, pero teka, si Damian nga pala?" tanong niya dito nang maalala ang asawa. Tinanghali kasi siya ng gising dahil as usual pinuyat na naman siya."Maagang umalis si Mr. Black, may meeting daw siya sa Baguio. Isasama ka sana pero ang sarap raw ng tulog mo kaya next time na lang. Uuwi din naman daw siya ng maaga, may plano yatang yayain kang lumabas," saad nito at animo'y kiniki

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 28

    "So siya pala ang asawa mo? Akala ko kagabi ay maganda siya, nadala lang pala ng mamahaling roba."Hindi napigilan ni Damian na bigyan ng matalim na tingin si Miya bilang babala.Sa harap niya, walang sinuman ang puwedeng mang-insulto sa kanyang asawa. Hindi si Miya o kahit sino pa. Kung hindi, siya ang makakalaban ng mga ito."Mag-ingat ka sa sinasabi mo," mariing wika niya."Hayaan mo siya, hubby. Kahit laitin niya ako ng paulit-ulit, hindi naman ako maaapektuhan. Kasi sa aming dalawa, mas mababang uri at kalait-lait siya kasi alam na ngang may asawa ka na pero pilit pa rin niyang isinisiksik ang sarili sa iyo. Sino ba ang lalabas na mas kahiya-hiya? Ako na pangit lang at galing sa mahirap na pamilya, o siya na naturingang edukada pero hindi marunong rumespeto sa relasyon ng iba? Kung ang pamantayan ng kagandahan ay siya, ayoko na lang maging maganda," ani Seraphina, dahilan para mapatitig siya dito at mapaisip.Bakit sa tuwing sila lang dalawa ay napaka-immature at childish nito? P

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 27

    Mariing ipinikit ni Damian ang kanyang mga mata habang sinusubukang kalmahin ang sarili.Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil hindi mapakali ang kanyang asawa sa kinauupuan nito.Lakad dito, lakad doon, panay silip sa ginagawa niya kaya imbes na matapos ang trabaho, lalo lamang siyang natatagalan."Babae, bakit hindi ka na lang kumuha ng basahan at punasan ang mga gamit dito sa opisina para naman may maitulong ka? Kanina pa akong nahihilo sa iyo," aniya rito.Alam niyang hindi ito sanay na walang ginagawa kaya bibigyan niya ito ng pagkakaabalahan para tumigil na. Nagsisisi na tuloy siyang isinama pa ito sa kumpanya tulad ng gusto ng kanyang ina.Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumayag.Binigyan na niya ito ng tablet para may mapanood na mga video, pinabilhan ng sandamakmak na pagkain, pero ang ending nagkalat lang lahat ng 'yon sa receiving area ng opisina niya. Yung tablet, ayon, nadaganan na ng throw pillow."Tanungin mo si Mang Alfred," an

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 26

    Hindi maiwasang mapayuko ni Seraphina habang nakasunod kay Damian papasok sa gusali. Paano ba naman, pinagtitinginan sila ng mga empleyado kaya mas pinili niyang yumuko para makaiwas sa mapanghusgang tingin ng mga ito."Sino kaya ang kasama ni boss?" tanong ng ilan sa mga ito na tila hindi takot mawalan ng trabaho."Hubby, ang tsismosa naman ng mga empleyado mo," bulong niya kay Damian nang huminto sila sa harap ng elevator.Nilingon siya nito, at pagkuwa'y ang mga empleyado nito."Okay, huling araw na nila dito sa kumpanya," wika nito at nauna nang pumasok sa elevator nang bumukas 'yon. Agad naman siyang sumunod dito at pumuwesto sa kabilang tabi.Pinagmasdan niya ang mga buton, pero hindi niya alam kung para saan ang mga 'yon."Damian, para saan ang mga ito?" turo niya sa mga buton."Yung mga may numbers ay sumisimbolo sa bawat palapag. Kita mo 'yung pinakahuling numero? Doon naroon ang opisina ko. Pero natatandaan mo ba ang usapan natin kanina?" tanong nito kaya agad niyang inalal

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 3

    Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 2

    Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang m

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 1

    Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karap

  • THE BILLIONAIRE'S UGLY WIFE    CHAPTER 10

    "Bro, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"Napalingon si Damian kay Miko nang marinig ang tanong ng kaibigan."Sa hardin, nagpahangin. Lagi ko namang ginagawa 'yon kapag narito tayo, kaya bakit parang hindi pa kayo sanay? Pero, nakilala ko na ang magiging asawa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status