LOGINMahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina.
Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba tayong nakahinto? Bakit hindi niyo agad ako ginising?" Halos hindi na humihingang tanong niya sa matandang driver. "Kararating lang po natin, kaya sige na, bumaba na po kayo at pumasok sa loob ng mansiyon. Naroon na si Mr. Black at naghihintay sa iyo. May pag-uusapan daw kayo, kaya bago pa siya mainip at uminit ang ulo ang mabuti pa'y puntahan mo na siya." Wika nito at matamis siyang nginitian. "Ngunit… n-natatakot po ako sa amo niyo. Paano kung saktan niya ako tulad ng ginagawa ng ama at kapatid ko?" Puno ng pangambang wika niya dito. Hindi naman sa nagpapaawa siya sa matanda, ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Kung ang sarili nga niyang pamilya ay kaya siyang saktan, ibang tao pa kaya? "Miss Cruz, huwag kang mag-alala, ganoon lang talaga ang amo ko ngunit sang totoo ay mabait at hindi siya nananakit ng walang malalim na dahilan. Huwag mo lang siyang galitin at siguradong magiging payapa ang buhay mo rito sa mansiyon. Isa pa, araw-araw naman siyang wala dahil lagi siyang nasa kumpanya. Halos doon na nga siya tumira dahil sa dami ng trabaho. Ito lang ang tatandaan mo upang hindi siya magalit. Huwag na huwag mo siyang tatanungin kung hindi naman importante. Iwasan mong makialam sa mga desisyon niya upang walang gulo. Kapag may inutos siya sundin mo lang." Saad ng matanda sa kanya. Marahan naman siyang tumango at tinandaan ng mabuti ang mga sinabi nito. "Kung araw-araw po siyang wala dito sa mansiyon, sino lang ang makakasama ko? Sigurado naman po akong lagi niya kayong kasama." Wika niya ayon na din sa kaniyang obserbasyon. "Huwag po kayong mag-alala Miss Cruz, may mga kasambahay dito sa mansiyon kaya hindi ka malulungkot. Puwede mo po silang utusan anumang oras." Anito, kaya lang parang hindi magandang ideya. "Ano po, tara na? Siguradong naiinip na si Mr. Black, baka magalit iyon kung hindi pa tayo papasok sa loob." Dagdag pa nito kaya inalis na niya ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Hinintay lang niya ang matanda at sabay na silang pumasok sa loob ng malaking bahay. "Sobrang laki naman po ng bahay na ito. Sino po ang kasama ni Mr. Black na manirahan dito?" Tanong niya habang inililibot ang paningin sa paligid. Pakiramdam nga niya ay bigla siyang nalula dahil sa sobrang karangyaan. At habang inililibot ang paningin sa paligid ay may bagay na kumuha sa kaniyang atensiyon. Yun ay ang crystal na chandelier. Nakapuwesto iyon sa may hagdan kaya talagang takaw atensiyon lalo na ang mga palamuti niyon. "Kami-kami lang. Malayo ang tirahan ng mga magulang ni Mr. Black dito. Isang oras na biyahe bago marating ang subdivision nila." Sagot nito saka siya sinenyasang maupo sa mahabang sofa. Nag-aalangan naman siyang naupo doon saka nagmasid sa paligid. "Mabuti naman at gising ka na." Wika ng lalaking unti-unti ng nagiging pamilyar ang boses sa kanya. Mabilis siyang tumayo at nilingon ito. "P-pasensiya na po nakatulog ako sa biyahe." Hingi niya ng paumanhin sa binata. "Whatever." Masungit na sabi nito sabay sulyap sa suot na relong pambisig. "I'm leaving, ang mga maid na ang bahala sa iyo, pero ang gusto ko pag-uwi ay malinis ka ng tingnan at presentable. Iiwan ko si Alfred para siya na ang magsabi ng mga kailangan mong malaman." Wika nito, "Naiintindihan ko po Mr. Black," aniya at bahagyang nagyuko upang magbigay-galang. "Alfred! Stay here at ituro mo sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Siguraduhin mo din na pagbalik ko ay presentable na siyang tingnan, hindi iyong para siyang gusgusin." Bilin nito sa lalaki imbes na pansinin siya. "Masusunod Mr. Black, mag-iingat po kayo sa biyahe." Wika ng driver nito. "Sungit, pasalamat ka at guwapo ka. Kundi isinumpa na kita dahil sa ugali mo." Aniya sa kaniyang isipan. "I'm going, ikaw na ang bahala sa babaeng 'yan. Turuan mo ng tamang asal at kung paano kumilos ng tama para hindi naman nakakahiyang ipakilala sa publiko." Makahulugang sabi nito bago tuluyang lumabas ng bahay. "Kita mo ang lalaking 'yon, ang sama ng ugali. Akala mo kung sinong guwapo." Aniya, ngunit tinawanan lang siya ng matandang lalaki. "Hayaan mo na siya Miss Cruz, ang mabuti pa'y halika sa dining upang makakain ka na. Pagkatapos mong kumain ay ihahatid kita sa magiging silid mo upang makapag-ayos ka ng sarili bago magpahinga." Wika ng matanda sa kanya. Nahihiya naman siyang sumunod dito dahil gutom na gutom na rin siya. "Mang Alfred, matagal ka na po bang nagtatrabaho bilang driver kay Mr. Black? Ano po ba talaga ang ugali niya? Ang hirap kasi niyang basahin. Saka hindi po ba siya magagalit kung kakain ako ng wala siya?" Sunod-sunod niyang tanong sa matanda. "Hindi siya magagalit, may karapatan kang kumain, matulog at magpahinga. Hindi ka alila dito tulad sa bahay niyo. Saka oo matagal na ako sa kanya bilang driver at kanang kamay. Ang totoo ay bihira kaming magkalayo tulad ngayon. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kumain ka ng mabuti para naman magkaroon ka ng laman, ang payat-payat mo oh. At kung sakaling may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga kasambahay." Saad nito kaya nakaramdam siya ng kaginhawaan. "Salamat po Mang Alfred, sa tanang buhay ko kayo pa lamang ang trumato sa akin ng ganito. Ang sarili kong pamilya kasi ay ikinakahiya ako, sinasaktan at inaalila lalo na sina Papa at Kuya." "Kaya ba puro pasa ka?" Tanong nito na sunod-sunod niyang tinanguan. "Mula po noong maaksidente kami ni Papa at masira ang kabila kong mukha ay ikinakahiya na nila ako. Kung ituring nila ako ay daig ko pa ang alila. Kaunting pagkakamali lang ay pinagbubuhatan na nila ako ng kamay. Madalas nga po ay naiisip ko kung anak ba ako nina Mama at Papa o baka naman ampon lang ako. Wala kasing may gusto sa akin eh." Saad niya hindi para makakuha ng simpatya mula sa matanda. Kundi para maglabas ng sama ng loob at hinanakit para sa mga magulang. "Kawawang bata ka naman. Tapos nagawa ka pang ibenta ng sarili mong ama. Anong klaseng magulang sila? Pero parang okay na din 'yun, at least dito sa mansiyon iisa lang ang kailangan mong iwasan na magalit. Anuman ang gawin niya, hayaan mo lang siya. Hindi lahat ng asawa ay kailangang makialam para iwas gulo." Sabi nito kaya tinandaan niya ng mabuti 'yon. Ayaw rin naman niya ng gulo kaya siya na lamang ang mag-a-adjust. "Maupo ka na Miss Cruz, ikampante mo ang iyong sarili. Magpakabusog ka," anang matanda sa kanya ng makarating sila sa dining. Ipinaghila pa siya ng silya ng matanda kaya nahihiya siyang ngumiti dito ng makaupo. "Ihain niyo na ang mga pagkain para makakain si Miss Cruz." Utos nito sa mga kasambahay na agad namang tumalima. Wala pang dalawang minuto ay halos mapuno na ang mesa ng masasarap na pagkain. May lechong manok, mga seafoods, at kung anu-ano na hindi pa niya natitikman ni minsan. Puro tira-tira lang kasi ang kinakain niya. "Ang dami naman pong pagkain. Bakit hindi niyo ako sabayan?" Aniya sa mga ito. "Miss Cruz, hindi puwede ang gusto mo. Mapapangasawa ka ng amo namin, at bilang mga tauhan, hindi kami puwedeng sumabay sa iyo na kumain. Kaya sige na, kumain ka na, damihan mo para naman kahit papaano ay magkaroon ka ng laman. Kung may gusto ka pa sabihan mo lang ang mga kasambahay para mailuto. Maiwan muna kita dito, may aasikasuhin lang ako sa labas." Paalam sa kanya ng matanda at nagmamadaling nilisan ang dining area. Napasunod na lang siya ng tingin dito hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin. "Ang lungkot naman, marami ngang pagkain ngunit wala naman akong kasabay kumain." Wika niya ng sulyapan ang nakaparaming pagkain sa mesa. "Ma'am, kumain na po kayo." Anang isa sa mga maid sa kanya. Tiningnan niya ito at malungkot na nginitian. "Hindi niyo ba talaga ako puwedeng sabayan na kumain? Hindi ko naman makakain lahat ng ito, kaya sige na po kumain din kayo. Wala naman si Mang Alfred kaya walang magsusumbong sa amo niyong masungit." Kumbinsi niya sa mga ito dahilan para magkatinginan ang mga kasambahay. Mukha naman kasing mababait ang mga ito kaya gusto niyang makipagkaibigan. "Sige na nga po," anang mga ito kaya malawak siyang napangiti. "Maupo na kayo kung ganoon." Utos niya sa mga ito. Mabilis naman ang mga itong sumunod sa gusto niya kahit na parang nahihiya. "Kumain ka na po Ma'am, pagkatapos ay tutulungan namin kayong mag-ayos ng sarili." Anang isa sa mga ito kaya kahit nahihiya ay sumandok na siya ng pagkain. "Hindi po ba kayo natatakot sa hitsura ko o di naman kaya ay nandidiri?" Tanong niya sa mga ito. "Ma'am, bakit naman po kami matatakot sa hitsura mo o mandidiri? Kahit naman may peklat kayo sa mukha nangingibabaw pa rin ang ganda mo. Para ka ngang anghel eh, napaka-inosente mo at halatang napakabata pa. Ilang taon ka na po ba?" Tanong ng isa sa mga ito na may pagka-kulot ang buhok. "Twenty-two po," sagot niya na ikinatingin ng mga ito sa isa't isa. "Napakabata mo pa Ma'am para mag-asawa. Pero siguradong may dahilan kaya ka napasok sa ganyang sitwasyon." Sabi ng babaeng may pagka-morena ang kutis. "Ibenenta ako ng mga magulang ko sa amo niyo upang may pambayad ng utang." Malungkot na sagot niya. "Pero ayos lang, iyon na ang huling pakinabang nila sa akin. Kahit papaano ay nakawala na ako sa mala-impiyernong buhay ko sa bahay na iyon. Ahm sige na po kumain na tayo bago pa lumamig ang mga pagkain." Pag-iiba niya ng usapan bago itinuon ang atensiyon sa plato niya.Handa na sanang matulog si Damian nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.Agad naman niya itong inabot at sinagot."Napatawag ka?" bungad niya sa kanyang abogado.Hindi kasi ito basta-basta tumatawag sa dis-oras ng gabi maliban na lamang kung may mahalagang balita o may nangyaring problema sa kumpanya."Boss... bad news," mabigat na tugon nito.Nangunot ang noo niya. Maingat siyang bumangon at lumayo sa kama upang hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng kanyang asawa. Tahimik niyang binuksan ang sliding door patungo sa balkonahe bago muling nagsalita."Anong nangyari?""Boss, tungkol sa Greenview Commercial District. Yung proyektong halos tapos na ang negosasyon at inaasahan nating mapapasaatin sa susunod na linggo... naagaw ng ibang kumpanya."Natigilan siya. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone."Paano nangyari 'yon? Ilang buwan nating pinaghandaan ang proyektong iyon. Wala namang ibang nakapagbigay ng mas magandang alok.""Iyon din ang ipinagtataka namin, Bo
Hindi malaman ni Damian kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang isang basket ng sariwang strawberries.Bigay iyon ng kanyang ka-meeting para raw may pasalubong siya sa kanyang asawa. Bukod sa sariwang strawberries ay may jam din, ngunit binili niya ang iba doon. Napansin kasi niyang mahilig sa matatamis ang asawa niya, ang ayaw lang nito ay mayonnaise dahil maasim daw.Imagine, may inaayawan din pala ang asawa niya. Akala niya ay wala itong pinapalampas, meron din pala."Siguradong matutuwa si Ma'am Seraphina sa mga pasalubong mo. Pero ano kaya ang ginawa niya maghapon?" Napapaisip na tanong ni Mang Alfred sa kanya. Kahit siya ay napaisip din lalo't hindi sumasagot sa tawag o text niya si Seraphina. Kahit ang kanyang ina at kapatid ay gano'n din. Pero malalaman din niya kapag nakarating na sila sa mansiyon."We'll see," aniya sa matandang driver. Natawa naman ito pero hindi na nagkomento, itinuon na lamang ang atensiyon sa daan.Alas-sais na ng gabi pero kataka-taka na hind
Hindi namalayan ni Seraphina ang mabilis na paglipas ng mga araw. Masyado kasi siyang nag-e-enjoy sa pagsama kay Damian sa kumpanya nito. At gaya ng dati, hilig pa rin niyang asarin ang asawa.Kapag tinatawag niya itong Tatang, napipikon ito at nagagalit, pero hindi naman umaabot sa puntong pinagbubuhatan siya ng kamay.Isa nga 'yon sa napansin niya dito. Mabilis mapikon at magalit pero lumalambot din kalaunan. At inaamin niyang gusto niya ang ugaling 'yon. Tigasin pero pagdating sa kanya ay unti-unti itong lumalambot."Good morning Ma'am, mukhang blooming ka ah," biro ni Ate Kathleen sa kanya."Hindi naman masyado, pero teka, si Damian nga pala?" tanong niya dito nang maalala ang asawa. Tinanghali kasi siya ng gising dahil as usual pinuyat na naman siya."Maagang umalis si Mr. Black, may meeting daw siya sa Baguio. Isasama ka sana pero ang sarap raw ng tulog mo kaya next time na lang. Uuwi din naman daw siya ng maaga, may plano yatang yayain kang lumabas," saad nito at animo'y kiniki
"So siya pala ang asawa mo? Akala ko kagabi ay maganda siya, nadala lang pala ng mamahaling roba."Hindi napigilan ni Damian na bigyan ng matalim na tingin si Miya bilang babala.Sa harap niya, walang sinuman ang puwedeng mang-insulto sa kanyang asawa. Hindi si Miya o kahit sino pa. Kung hindi, siya ang makakalaban ng mga ito."Mag-ingat ka sa sinasabi mo," mariing wika niya."Hayaan mo siya, hubby. Kahit laitin niya ako ng paulit-ulit, hindi naman ako maaapektuhan. Kasi sa aming dalawa, mas mababang uri at kalait-lait siya kasi alam na ngang may asawa ka na pero pilit pa rin niyang isinisiksik ang sarili sa iyo. Sino ba ang lalabas na mas kahiya-hiya? Ako na pangit lang at galing sa mahirap na pamilya, o siya na naturingang edukada pero hindi marunong rumespeto sa relasyon ng iba? Kung ang pamantayan ng kagandahan ay siya, ayoko na lang maging maganda," ani Seraphina, dahilan para mapatitig siya dito at mapaisip.Bakit sa tuwing sila lang dalawa ay napaka-immature at childish nito? P
Mariing ipinikit ni Damian ang kanyang mga mata habang sinusubukang kalmahin ang sarili.Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil hindi mapakali ang kanyang asawa sa kinauupuan nito.Lakad dito, lakad doon, panay silip sa ginagawa niya kaya imbes na matapos ang trabaho, lalo lamang siyang natatagalan."Babae, bakit hindi ka na lang kumuha ng basahan at punasan ang mga gamit dito sa opisina para naman may maitulong ka? Kanina pa akong nahihilo sa iyo," aniya rito.Alam niyang hindi ito sanay na walang ginagawa kaya bibigyan niya ito ng pagkakaabalahan para tumigil na. Nagsisisi na tuloy siyang isinama pa ito sa kumpanya tulad ng gusto ng kanyang ina.Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumayag.Binigyan na niya ito ng tablet para may mapanood na mga video, pinabilhan ng sandamakmak na pagkain, pero ang ending nagkalat lang lahat ng 'yon sa receiving area ng opisina niya. Yung tablet, ayon, nadaganan na ng throw pillow."Tanungin mo si Mang Alfred," an
Hindi maiwasang mapayuko ni Seraphina habang nakasunod kay Damian papasok sa gusali. Paano ba naman, pinagtitinginan sila ng mga empleyado kaya mas pinili niyang yumuko para makaiwas sa mapanghusgang tingin ng mga ito."Sino kaya ang kasama ni boss?" tanong ng ilan sa mga ito na tila hindi takot mawalan ng trabaho."Hubby, ang tsismosa naman ng mga empleyado mo," bulong niya kay Damian nang huminto sila sa harap ng elevator.Nilingon siya nito, at pagkuwa'y ang mga empleyado nito."Okay, huling araw na nila dito sa kumpanya," wika nito at nauna nang pumasok sa elevator nang bumukas 'yon. Agad naman siyang sumunod dito at pumuwesto sa kabilang tabi.Pinagmasdan niya ang mga buton, pero hindi niya alam kung para saan ang mga 'yon."Damian, para saan ang mga ito?" turo niya sa mga buton."Yung mga may numbers ay sumisimbolo sa bawat palapag. Kita mo 'yung pinakahuling numero? Doon naroon ang opisina ko. Pero natatandaan mo ba ang usapan natin kanina?" tanong nito kaya agad niyang inalal
"Bro, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"Napalingon si Damian kay Miko nang marinig ang tanong ng kaibigan."Sa hardin, nagpahangin. Lagi ko namang ginagawa 'yon kapag narito tayo, kaya bakit parang hindi pa kayo sanay? Pero, nakilala ko na ang magiging asawa
Buong akala ni Seraphina ay katapusan na niya matapos sagut-sagutin si Mr. Black.Masyado kasi itong mapanghusga dahil lamang sa siya'y nakatira sa pamamahay na ito.Wala sana siyang balak na magsalita ng kung anu-ano, ngunit sobra na. Parati na lang nitong ipinapaalala sa kanya na pangit siya at h
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang m
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karap







