LOGINGabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina.
Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang mga ito. Pero nagkamali s'ya. Hindi na kailanman magbabago ang mga ito. "Anong klaseng kapalaran ba ito? Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa'kin pa napunta ang lahat ng kamalasan at pagdurusa?" Bulong n'ya sa sarili, mababa, mahina sa takot na baka magising ang kan'yang ama at kapatid. Siguradong magagalit ang mga ito sa kan'ya at baka pagbuhatan na naman s'ya ng kamay. Ayaw n'yang mangyari 'yon. Sapat na ang mga peklat at pasa n'ya sa katawan para matutong umiwas sa gulo. Minabuti na lamang n'yang ayusin ang kan'yang higaan para matulog, dahil kinabukasan ay darating si Mr. Black para sunduin s'ya. Gusto sana n'yang tumutol sa kasal ngunit kapag ginawa n'ya 'yon, ay siguradong magagalit ang kan'yang ama. Baka bawiin ng mapapangasawa n'ya ang isang milyong piso na pambayad sa utang ng kan'yang ama. Isa pa, naisip n'yang mas makabubuti kung aalis na s'ya sa bahay nila. Malaking oportunidad na ang kasal para makawala s'ya sa mala-impiyernong pamumuhay kasama ang kan'yang pamilya. Tutal wala namang magandang idinulot ang mga ito sa kan'ya kun'di pasakit at labis na pagpapahirap. Sana ay tama ang kan'yang desisyon na ipaubaya na lang ang tadhana sa mapapangasawa n'ya. Pero napaisip s'ya ng malalim: ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mr. Black kapag nakita at nasilayan ang kan'yang hitsura? Maputi lang s'ya pero may bakas ng isang nakaraang aksidente ang nakaukit na makikita sa kan'yang mukha. Yun ang tunay dahilan kung bakit siya ikinakahiya at itinataboy ng sariling pamilya. Mula ng maaksidente s'ya kasama ang kan'yang ama ay nag-iba na ang pakikitungo ng sariling pamilya sa kan'ya. Siguro ay gano'n talaga kahit wala naman s'yang kasalanan. …Pinipilit na lamang n'yang kalimutan ang lahat dahil hindi na rin naman n'ya maibabalik ang nakaraan. "Ano kaya ang naghihintay na kapalaran sa'kin bukas?" Bulong n'ya matapos ayusin ang kan'yang luma at sira-sirang higaan. Nahiga s'ya at nagkumot ngunit hindi n'ya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Paano kung mas mabagsik at mas malupit pa sa kan'yang ama at kapatid ang Mr. Black na 'yon? Napaisip s'ya. Bakit kakaiba yata ang apelyido nito? Tunog dayuhan. Ngunit agad n'yang inalis kaisipang 'yon sa isip–hindi naman kaila sa kan'ya na may ilang pamilya sa kanilang lugar ang may ganoong apelyido. Baka isa lang sa mga ito ang mapapangasawa n'ya. Isa pa malalaman din n'ya kinabukasan kung sino ang malas na lalaking mapapangasawa n'ya, sa ngayon kailangan na n'yang matulog. Gigising pa s'ya ng maaga para maghanda tulad ng utos sa kan'ya ng kan'yang ama. Umayos s'ya ng higa, binalot ng manipis na kumot ang sarili para hindi lamigin. Nang masigurong kumportable na ay pumikit na s'ya para matulog. Hindi rin naman nagtagal at unti-unti na s'yang nilamon ng kadiliman. Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw ay gumising na s'ya. Itinupi n'ya ang kumot at iniligpit ang higaan saka s'ya nag-inat para buhayin ang dugo at dumaloy 'yon ng maayos sa kan'yang mga ugat. Makalipas ang ilang sandali ay inayos n'ya ang buhok at lumabas na ng kan'yang silid. Marahan at maingat s'yang humakbang patungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Ganoon ang ginagawa n'ya kapag gusto n'yang mainitan ang sikmura. Matapos n"yang magtimpla ng kape ay naghilamos lang s'ya at inihanda ang lulutuin. Hindi n'ya alam kung anong oras darating ang mapapangasawa n'ya dahil wala namang nabanggit ang kan'yang ama. "Sana ay agahan n'ya para makaalis na ako sa pamamahay na ito." Wika n'ya. Pareho lang naman ang sasapitin ng kan'yang kapalaran kahit matuloy ang kanilang kasal ng Damian na 'yon. Kesa kung anu-ano ang iniisip, minabuti na lamang n'yang uminom muna ng kape saka ituon ang buong atensiyon sa pagluluto. May natirang kaning lamig noong nagdaang gabi kaya 'yon na lamang ang kan'yang iluluto. Habang umiinom ng kape ay hindi n'ya mapigilang ilibot ang paningin sa kabuuan ng kusina. Saksi 'yon sa bawat pasakit ng kan'yang sariling pamilya. Sa bawat daing at pasakit, sa mga pagmamakaawa n'ya sa kan'yang ama at kapatid na huwag s'yang saktan. Pero bawat pagmamakaawa n'ya ay tila balewala sa mga ito. "Huling araw ko na dito... at lahat ng masasamang pangyayari, lahat ng hirap at sakit na naranasan ko sa loob at labas ng tahanang ito, ay aking iiwanan upang makapagsimula muli." wika n'ya sa sarili habang nakapako ang tingin sa paligid. "Wala nang abusadong pamilya, wala nang mapanakit na ama at kapatid. At sana, sa bagong mundong aking papasukin at sa bagong buhay na naghihintay, ay hindi ko na muling maranasan ang kalupitan at kasamaan ng mga taong nakapaligid sa akin." Wika n'ya bago sumimsim ng kape. "Ang aga mong nagising ah, ipagtimpla mo nga ako ng kape." Wika ng babae sa kanya. Sinulyapan n'ya ito; ngunit ng makilala n'ya kung sino ang babaeng nasa harapan ay tahimik s'yang tumayo upang sundin ang utos ng kan'yang ina. Hindi n'ya alam na nakauwi na pala ito mula sa kung saan. Hindi kasi ito tulad ng ibang ina na nasa bahay lang at inaasikaso ang pamilya. Ang kan'yang ina ay mahilig gumala kung saan-saan kasama ang mga kaibigan. Hindi naman s'ya nag-uusisa para iwas sakit ng katawan. "Huling araw mo na pala rito," panimula nito habang nakatingin sa kan'ya ng walang anuman ni katiting na awa at pagmamahal ng isang ina. "Balita ko ay ipinagbili ka ng 'yong ama sa isang negosyante. Ayos 'yon, tiba-tiba ka. Siguradong buhay reyna ka kahit gan'yan ang hitsura mo." Wika nito habang abala s'ya sa pagtitimpla ng kape. Nang matapos ay maingat n'yang dinala ang tasa sa kinaroroonan ng kan'yang ina at inilapag sa harapan nito. "Alam ko naman hong pangit ako... at alam ko ring walang sinumang magkakagusto o mamahalin ang katulad ko." Aniya sa napakababa at mahinang tono, tila bumubulong lamang sa sarili at sa hangin. Walang galit, walang hinanakit, kun'di purong pagtanggap lamang sa katotohanang matagal na n'yang isiniksik sa kan'yang isipan at puso. Humalakhak naman ang kan'yang ina na para bang may nakakatawa s'yang sinabi. "Tama ka. Baka nga alilain ka lang ng mapapangasawa mo kasi hindi talaga kaaya-aya ang iyong hitsura. Pero huwag kang mag-aalala, hindi naman importante 'yon. Ang mahalaga ay hindi mo na mararanasan ang hirap ng buhay. Malaking kabawasan ka din sa pakainin kapag umalis ka na dito." Sabi nito ngunit hindi s'ya nag-reak o anuman. Kaligayahan kasi ng kan'yang ina na makitang kawawa s'ya. "Magluluto na po ako ng almusal," wika na lamang n'ya rito upang ilihis ang usapan. "May grocery diyan sa kabinet, magluto ka ng masarap." Anito kaya lumapit s'ya sa kinaroroonan ng kabinet at binuksan 'yon. Bahagya s'yang nagulat ng tumambad sa kan'yang paningin ang laman noon. May sardinas, mga itlog, cup noodles at tinapay. "Ma, saan n'yo nakuha ang lahat ng ito? Sobrang dami," wika n'ya ng makitang hindi lang mga itlog, sardinas at cup noodles ang laman ng kabinet. Mayroon ring mga hotdogs at tocino. "Huwag ka ng magtanong, simulan mo na ang pagluluto at maaga akong aalis." Wika nito na tila nainis sa kan'yang tanong. "Pasensiya na po, magluluto na ako." Aniya saka tahimik na kumilos. "Pagkatapos mong magluto ay labhan mo ang mga damit namin. Sulitin mo na ang huling araw mo sa pamamahay na ito, tutal magbubuhay reyna ka na naman. Maano ba naman na mahirapan ka sa huling araw mo rito?" Anito na para bang isa lang talagang alila ang papel n'ya sa pamamahay na 'yon. "Sige po," tugon n'ya ng hindi lumilingon sa kan'yang ina. "Mabuti naman kung ganoon." Malamig na wika nito. Tumango lang s'ya ngunit sa loob-loob n'ya ay parang kinukurot ang kan'yang dibdib. Kahit kailan ay hindi manlang n'ya naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ina. Talagang kinalimutan na nito na mag-ina sila. Na minsa'y itinuring s'ya nito na isang prinsesa na ayaw padapuan sa langaw o sa lamok. Pero ngayon? Heto s'ya, kung utusan ay daig pa ang maid. Subalit ayos lang, huli na naman 'yon dahil hindi na s'ya babalik sa mga ito anuman ang mangyari. "Tawagin mo ako kapag nakaluto ka na." Wika nito bago n'ya narinig ang papalayo nitong yabag. Nang masiguro n'yang wala na ito ay saka lamang s'ya lumingon sa may pinto. "Hindi n'yo talaga ako minahal kahit kaunti. Pero ayos lang dahil ito na rin ang huling araw na makikita at maaalila n'yo ako. Kapag nakaalis na ako dito, hinding-hindi na ako babalik. Sapat na ang maraming taon ng pagpapaka-tanga na magbabago pa kayo. Ito na rin ang huling beses na aasa ako na kahit kaunti ay may pakialam kayo sa akin." Malungkot na wika n'ya. Marahan n'yang pinunasan ang gilid ng kan'yang mga mata saka nagpatuloy sa ginagawa. Kumuha s'ya ng limang itlog, isang pakete ng hotdog saka dinala sa lamesa. Pagkuwa'y kumuha s'ya ng lalagyan at sinimulang batiin ang itlog. Nang matapos ay isinunod n'ya ang hotdog. Inalisan n'ya ng balot 'yon saka ginihaan at itinabi. Dinampot n'ya ang tasa ng kape at sumimsim ng kaunti saka n'ya sinimulan ang pagluluto. Inuna muna n'ya ang pagpiprito ng hotdog at itlog saka isinunod ang sinangag. Habang nagluluto ay naramdaman n'ya ang pagkalam ng kan'yang sikmura. Gutom na, s'ya ngunit hindi muna puwedeng kumain kung ayaw n'yang masaktan ng sobrang aga. Pakiramdam tuloy n'ya ay sobra s'yang nakakaawa dahil sa kalagayan n'ya. Ngunit kaunting tiis na lamang at magbabago na rin ang kan'yang kapalaran. Kailangan lang n'yang maging matalino lalo na kapag kasal na sila ng Damian na 'yon. "Kaya mo ito Seraphina, kaunting tiis na lang." Pagpapalakas-loob n'ya sa sarili. Yun na lang naman ang magagawa n'ya at wala ng iba.Handa na sanang matulog si Damian nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.Agad naman niya itong inabot at sinagot."Napatawag ka?" bungad niya sa kanyang abogado.Hindi kasi ito basta-basta tumatawag sa dis-oras ng gabi maliban na lamang kung may mahalagang balita o may nangyaring problema sa kumpanya."Boss... bad news," mabigat na tugon nito.Nangunot ang noo niya. Maingat siyang bumangon at lumayo sa kama upang hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng kanyang asawa. Tahimik niyang binuksan ang sliding door patungo sa balkonahe bago muling nagsalita."Anong nangyari?""Boss, tungkol sa Greenview Commercial District. Yung proyektong halos tapos na ang negosasyon at inaasahan nating mapapasaatin sa susunod na linggo... naagaw ng ibang kumpanya."Natigilan siya. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone."Paano nangyari 'yon? Ilang buwan nating pinaghandaan ang proyektong iyon. Wala namang ibang nakapagbigay ng mas magandang alok.""Iyon din ang ipinagtataka namin, Bo
Hindi malaman ni Damian kung ano ang mararamdaman habang pinagmamasdan ang isang basket ng sariwang strawberries.Bigay iyon ng kanyang ka-meeting para raw may pasalubong siya sa kanyang asawa. Bukod sa sariwang strawberries ay may jam din, ngunit binili niya ang iba doon. Napansin kasi niyang mahilig sa matatamis ang asawa niya, ang ayaw lang nito ay mayonnaise dahil maasim daw.Imagine, may inaayawan din pala ang asawa niya. Akala niya ay wala itong pinapalampas, meron din pala."Siguradong matutuwa si Ma'am Seraphina sa mga pasalubong mo. Pero ano kaya ang ginawa niya maghapon?" Napapaisip na tanong ni Mang Alfred sa kanya. Kahit siya ay napaisip din lalo't hindi sumasagot sa tawag o text niya si Seraphina. Kahit ang kanyang ina at kapatid ay gano'n din. Pero malalaman din niya kapag nakarating na sila sa mansiyon."We'll see," aniya sa matandang driver. Natawa naman ito pero hindi na nagkomento, itinuon na lamang ang atensiyon sa daan.Alas-sais na ng gabi pero kataka-taka na hind
Hindi namalayan ni Seraphina ang mabilis na paglipas ng mga araw. Masyado kasi siyang nag-e-enjoy sa pagsama kay Damian sa kumpanya nito. At gaya ng dati, hilig pa rin niyang asarin ang asawa.Kapag tinatawag niya itong Tatang, napipikon ito at nagagalit, pero hindi naman umaabot sa puntong pinagbubuhatan siya ng kamay.Isa nga 'yon sa napansin niya dito. Mabilis mapikon at magalit pero lumalambot din kalaunan. At inaamin niyang gusto niya ang ugaling 'yon. Tigasin pero pagdating sa kanya ay unti-unti itong lumalambot."Good morning Ma'am, mukhang blooming ka ah," biro ni Ate Kathleen sa kanya."Hindi naman masyado, pero teka, si Damian nga pala?" tanong niya dito nang maalala ang asawa. Tinanghali kasi siya ng gising dahil as usual pinuyat na naman siya."Maagang umalis si Mr. Black, may meeting daw siya sa Baguio. Isasama ka sana pero ang sarap raw ng tulog mo kaya next time na lang. Uuwi din naman daw siya ng maaga, may plano yatang yayain kang lumabas," saad nito at animo'y kiniki
"So siya pala ang asawa mo? Akala ko kagabi ay maganda siya, nadala lang pala ng mamahaling roba."Hindi napigilan ni Damian na bigyan ng matalim na tingin si Miya bilang babala.Sa harap niya, walang sinuman ang puwedeng mang-insulto sa kanyang asawa. Hindi si Miya o kahit sino pa. Kung hindi, siya ang makakalaban ng mga ito."Mag-ingat ka sa sinasabi mo," mariing wika niya."Hayaan mo siya, hubby. Kahit laitin niya ako ng paulit-ulit, hindi naman ako maaapektuhan. Kasi sa aming dalawa, mas mababang uri at kalait-lait siya kasi alam na ngang may asawa ka na pero pilit pa rin niyang isinisiksik ang sarili sa iyo. Sino ba ang lalabas na mas kahiya-hiya? Ako na pangit lang at galing sa mahirap na pamilya, o siya na naturingang edukada pero hindi marunong rumespeto sa relasyon ng iba? Kung ang pamantayan ng kagandahan ay siya, ayoko na lang maging maganda," ani Seraphina, dahilan para mapatitig siya dito at mapaisip.Bakit sa tuwing sila lang dalawa ay napaka-immature at childish nito? P
Mariing ipinikit ni Damian ang kanyang mga mata habang sinusubukang kalmahin ang sarili.Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho dahil hindi mapakali ang kanyang asawa sa kinauupuan nito.Lakad dito, lakad doon, panay silip sa ginagawa niya kaya imbes na matapos ang trabaho, lalo lamang siyang natatagalan."Babae, bakit hindi ka na lang kumuha ng basahan at punasan ang mga gamit dito sa opisina para naman may maitulong ka? Kanina pa akong nahihilo sa iyo," aniya rito.Alam niyang hindi ito sanay na walang ginagawa kaya bibigyan niya ito ng pagkakaabalahan para tumigil na. Nagsisisi na tuloy siyang isinama pa ito sa kumpanya tulad ng gusto ng kanyang ina.Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumayag.Binigyan na niya ito ng tablet para may mapanood na mga video, pinabilhan ng sandamakmak na pagkain, pero ang ending nagkalat lang lahat ng 'yon sa receiving area ng opisina niya. Yung tablet, ayon, nadaganan na ng throw pillow."Tanungin mo si Mang Alfred," an
Hindi maiwasang mapayuko ni Seraphina habang nakasunod kay Damian papasok sa gusali. Paano ba naman, pinagtitinginan sila ng mga empleyado kaya mas pinili niyang yumuko para makaiwas sa mapanghusgang tingin ng mga ito."Sino kaya ang kasama ni boss?" tanong ng ilan sa mga ito na tila hindi takot mawalan ng trabaho."Hubby, ang tsismosa naman ng mga empleyado mo," bulong niya kay Damian nang huminto sila sa harap ng elevator.Nilingon siya nito, at pagkuwa'y ang mga empleyado nito."Okay, huling araw na nila dito sa kumpanya," wika nito at nauna nang pumasok sa elevator nang bumukas 'yon. Agad naman siyang sumunod dito at pumuwesto sa kabilang tabi.Pinagmasdan niya ang mga buton, pero hindi niya alam kung para saan ang mga 'yon."Damian, para saan ang mga ito?" turo niya sa mga buton."Yung mga may numbers ay sumisimbolo sa bawat palapag. Kita mo 'yung pinakahuling numero? Doon naroon ang opisina ko. Pero natatandaan mo ba ang usapan natin kanina?" tanong nito kaya agad niyang inalal
Hindi maiwasan ni Seraphina na makaramdam ng kaba habang nakasilip sa labas ng kanyang silid. Baka kasi nasa labas lang si Mr. Black at magalit kapag lumabas siya.“Wala siguro siya,” bulong niya sa sarili saka dahan‑dahang humakbang palabas. Sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang inga
Salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang mukha ni Damian nang pumasok siya sa mansiyon.Sa likuran niya ay nakasunod ang mga kaibigan na panay ang tuksuhan habang nagtatawanan.Wala talaga siyang balak pumayag na mag-party ang mga ito sa mansiyon. Subalit mapilit ang mga ito at binantaan pa siy
Hindi maipinta ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin."Ano ba itong ipinasuot mo sa akin, Ate Kathleen? Ang sikip-sikip at ang ikli, tapos itong... itong ano ko, kulang na lang ay lumuwa," reklamo niya habang tinuturo ang kanyang dibdib.Hindi n
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong be







