LOGINHINDI na nagtagal pa si Kenna s aibang bansa. Umuwi din sila kaagad dahil kahit na anong subok niya na hindi isipin ang tungkol sa mga bagay na nakita niya sa social media ay apektado talaga siya. Noong dumating sila sa bahay ni Nathan ay wala ito ngunit hindi siya nagtanong kung nasaan ito, sa halip ay sinubukan niyang maging kalmado sa harap ng lahat at walang alam.Bukod pa doon ay sobrang saya ni Cassandra dahil sa wakas ay dumating na ang pony na inorder ni Nathan para rito. Nang gumabi ay hindi siya kumain dahil wala siyang gana. Sa halip ay nagkulong siya sa kanyang silid, patay ang ilaw at tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana. Ewan niya ba pero wala naman talaga siyang hinihintay o sadyang pinipilit niya lang na hindi aminin na hinihintay niya ang pagdating ni Nathan?Ilang oras siyang nakatayo sa tabi ng bintana ngunit wala kahit anino ni Nathan. Para siyang tanga doon, naghihintay sa wala. Idagdag pa na hindi niya lubos maintindihan ang sarili niya kung bakit siya naghih
WALA namang alam na pwedeng puntahan si Kenna sa lugar na iyon dahil unang-una ay iyon pa lang ang unang beses na nagpunta siya doon. Dahil dito ay kinuha niya ang kanyang cellphone para maghanap sana ng pwede nilang puntahan ngunit hindi niya alam at bigla na lang siyang pumunta sa isa sa kanyang social media account.Hindi naman sa madalang niya itong binubuksan kundi sa halip ay palagi niya nga itong ginagamit dahil palagi siyang nanunuod para lang malibang at ang unang bumungad sa kaniya ay ang isang post tungkol sa isang sikat na modelo na si Mandy. Nang pindutin niya ang post ay doon na tumambad sa kaniya ang napakaraming pictures kasama ng isang lalaki at ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Nathan.Hindi niya alam ngunit bigla na lang may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib habang nakatingin sa bawat larawan na dumaraan sa kanyang harapan. Akala niya talaga ay may emergency na dahilan kaya umuwi si Nathan sa bansa pero ito pala ang dahilan.Wala siyang i
NAPAHILOT ng sentido si Nathan habang pinapakinggan ang mga salitang napakatagal niyang inasam na marinig mula sa mga labi ni Mandy. Kung noon siguro nito sinabi sa kaniya ang mga salitang iyon ay matutuwa siya pero ngayon? Hindi na niya alam pa. Masaya siya. Masaya siya kasama si Kenna at Cassandra kahit na sabihin pang peke lang ang pagsasama nila.Kapag kasama niya ang mga ito ay nakakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Mandy. Idagdag pa na ang focus niya ngayon ay ang ibigay sa mga ito ang lahat. Ang bigyan ng buop at masayang pamilya si Cassandra.Kapag nalaman ito ni Kenna ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nito. Ayaw niya itong masaktan kahit na peke lang ang lahat. At si Cassandra, anong mararamdaman nito kapag may nakapagsabi dito na may naghahabol sa kaniya? Hindi ba at masasaktan din ito? Ang mga ngiti sa labi nito ay nakakawala ng pagod at ayaw niyang mabura ang mga ngiting iyon.“Mandy, please… itigil mo na ang lahat ng ito. Itigil mo na ang panggugulo sa ak
NAGING success ang ginawang pagpapakalat ni Mandy ng mga larawan nila ni Nathan dahil ngayon, lahat ng tao sa buong bansa ay pinag-uusapan na sila. Bukod pa doon ay nagpa-interview din siya sa isang podcast para malaman ng lahat kung saan at paano nagsmula ang kanilang relasyon ni Nathan.“Pero diba, ito si Mr. Nathan Montefalco ay nabalitang kakakasal lang nitong mga nakaraang araw?” tanong ng interviewer sa kaniya kanina.Ngumiti lang siya at ang ngiting ipinaskil niya sa kanyang mga labi ay isang malungkot na ngiti. Tumango siya. “Yes.”Parang may biglang naalala ang babae. “Ah, so iyon din ba ang kasabay ng pagkalat ng video mo sa isang simbahan?” tanong nito sa kaniya na ikinatango niya lang ulit. Wala siyang balak na itago pa ang lahat ng tungkol sa relasyon nila ni Nathan sa halip ay gusto niyang malaman ng mga ito kung ano ba talaga at gaano kalalim ang pinagsamahan nilang dalawa. Gusto niyang umabot ang balitang iyon sa babaeng pinakasalan ni Nathan.“Tama ka. Noong malaman k
HANGGANG nang makasakay na sila sa sasakyan ay medyo hindi pa rin kumakalma ang puso ni Kenna. Gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili at pagalitan ito dahil bakit hinayaan niyang mangyari iyon. Hindi niya tuloy alam kung paano siya haharap ng maayos ngayon kay Nathan. Higit sa lahat ay naramdaman niya na medyo ilag din ito sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya. Hindi ba at mas maganda na rin iyon para maiwasan nila ang isat-isa?Hindi niya ba kasi alam sa sarili niya kung bakit ba ganun na lang ang reaksyon ng katawan niya, ng puso niya sa tywing magkakadikit sila ng lalaki na dati ay pagkailang lang naman ang lahat ng yon pero ngayon ay parang iba na.Napatitig siya sa labas ng bintana. Nasa pagitan nila si Cassandra ng mga oras na iyon at nakatulog na ito. Nakaunan ito sa kanyang mga hita. Sa maghapong paglalaro nito at pamamasyal ay talaga namang napagod ito. Napangiti na lang siya at hinaplos ang buhok nito. Tiyak na may maipagmamalaki na ito sa mga kaklase nito pagbalik
“Bakit hindi? Kung gusto mo ay palagi tayong mamamasyal okay?” sagot ni Nathan kay Cassandra. Kung siya lang ang tatanungin ay wala din namang problema sa kaniya. Kaya lang kasi ay may kasunduan sila ng lalaki at magtatagal lang ang kasal nila ng isang taon at sa mga susunod na taon ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Cassandra.Kahit na may pangako ang lalaki, hindi niya pa rin sigurado kung tutuparin ba nito iyon. “Talaga po Daddy?” nagliliwanag ang mukhang tanong ni CAssandra dito, tumango naman ito pagkatapos ay yumuko para tuluyang kargahin ang anak niya.“Basta palagi mo lang ipangako na magiging mabait ka sa Mommy mo. huwag mong pasasakitin ang ulo niya okay?”Humagikgik naman ang kanyang anak at pagkatapos ay napatakip sa bibig. “Hindi naman ako pasaway diba Mommy?” mahina nitong tanong sa kaniya na ikinangiti niya lang at ikinapilig ng ulo.“Oo naman, anak ko. Ang bait-bait mo kaya…” hinaplos niya ang ulo nito.Marami ng tao silang k
NAPAKABILIS lumipas ng araw dahil bukas na ang big day na pinakahihintay ng lahat. Excited ng lahat para sa kasal nila ni Nathan mas lalo na si Cassandra pero siya ay hindi excitement ang nararamdaman niya kundi kaba.Kahit na wala nama siyang dapat na ikakaba ngunit talagang kinakabahan siya. Busy
PAGKATAPOS magsayaw nina Nathan at Kenna ay nakipagkwentuhan pa sila sa ilang mga bisita. Hindi na rin siya makakaiwas pa kaya nilakasan na lang niya ang kanyang loob at mas pinag-igihan pa ang kanyang pagpapanggap. Hindi lahat ng tao ay alam niyang magugustuhan siya ngunit hindi naman iyon ang imp
ANG lahat ng mga mata ay biglang napadako sa kanilang dalawa ni Nathan. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ni hindi niya inasahan na titingnan sila ng mga tao ng ganito na para bang sila ang pinaka attraction sa gabing iyon. Ramdam na ramdam niya ang kabog ng dibdib n
TAHIMIK na naghihintay si Nathan kay Kenna. Inutusan niya si Cassandra na umakyat para sabihan itong kailangan na nilang umalis dahil anong oras na. Mag-aalas otso na ng gabi at iyon pa naman ang oras ng umpisa. Idagdag pa na ayaw niya kasi talaga na nalelate siya sa mga ganung party. Gusto niya ay







