LOGINPagdating ni Kieran sa kanyang condo, agad niyang ibinaba ang mga dala niyang grocery sa kitchen counter. Bagama't palaging malinis ang lugar, naglibot pa rin siya sa bawat sulok upang tiyaking walang kalat. Inayos niya ang mga unan sa sala, pinunasan ang center table, at siniguradong maayos ang kabuuan ng unit.Hindi naman talaga kailangan. Pero gusto niyang maging perpekto ang lahat ngayong gabi.Napangiti siya habang isa-isang inilalagay ang mga pinamili sa pantry at refrigerator. Kinuha niya ang mga sangkap na balak niyang lutuin at sinimulang ihanda ang hapunan para sa kanilang dalawa ni Nicole. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng ganitong pananabik.Habang hinihiwa ang mga sangkap ay hindi niya mapigilang mapailing sa sarili... It's going to be a long night.Ilang sandali pa ay kumalat na sa buong condo ang mabangong amoy ng niluluto niyang pagkain.Nang matapos ang lahat, inilapag niya ang mga putahe sa mesa at sinulyapan ang oras sa kanyang relo.Maya-maya lang ay umali
Pagkatapos nilang pag-usapan ang iba pang detalye tungkol sa muling pagbabalik ng partnership ng kanilang mga kumpanya, tumayo na si Kieran at inayos ang manggas ng kanyang polo."Mauna na ako sa inyo. Mom, Tito Wesley."Agad siyang nilingon ni Vivian. "Saan ka pupunta, anak?""May pupuntahan lang po."Nagsalubong ang mga kilay nito. "Anong oras ka uuwi?"Saglit siyang nag-alinlangan bago sumagot. "I might not go home tonight."Lalong naging mapanuri ang tingin ni Vivian. "Saan ka nga ba pupunta?"Napabuntong-hininga siya. Noon pa man ay alam na niyang mahirap maglihim sa kanyang ina. "Mom... malaki na ako. Hindi ko na kailangang sabihin sa'yo ang bawat lakad ko."Ngunit hindi pa rin siya tinigilan nito. "Sino ang kasama mo?"Muli siyang napahinga nang malalim. Hindi niya maaaring sabihin ang totoo. Hindi puwedeng malaman ng kanyang ina na si Nicole ang kasama niya mamaya. Kilalang-kilala niya ang opinyon nito tungkol sa babae. Masyado raw liberated. At kung tutuusin... Yeah... libera
Tahimik niyang ibinaba ang telepono sa ibabaw ng mesa bago muling isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Napapikit siya at marahang napabuntong-hininga.Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ilang buwan na rin siyang walang nakaniig na babae. Mula nang mangyari ang lahat, si Nikita pa rin ang huling babaeng nakaniig niya."Damn..."Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit iwinaksi ang alaalang muling sumagi sa kanyang isipan.Naalala niya ang unang pagkakataong may nangyari sa kanila ni Nikita... ang gabing muntik na itong makidnap sa hotel.Dahil sa epekto ng pinaamoy na droga rito, nawalan ito ng kontrol sa sarili. Siya man ay nadala rin ng matinding emosyon, kaya nauwi ang lahat sa isang gabing pareho nilang hindi inaasahan.They were uncontrollable that night. Halos lahat ng posisiyon ay ginawa nila. Virgin ni Nikita at siya ang naka-una dito. Bilang mahal na mahal niya ang dalaga ay hindi na rin niya napigilan ang sarili. Para na din siyang naka-drugs noon. Naalala niya
Pagdating sa kanyang opisina ay halos ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair. Napasandal siya rito at ipinatong ang dalawang paa sa ibabaw ng kanyang mesa habang nakatingala sa kisame.Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para harapin ang buong araw. Katatapos pa lang ng bakasyon, ngunit imbes na ma-recharge, tila mas lalo pa siyang napagod.Ilang segundo pa lang siyang nakaupo nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina."Good morning, Boss Kieran!" masiglang bati ng kanyang sekretarya. "Kamusta po ang bakasyon ninyo?"Hindi siya sumagot. Dahan-dahan lang niyang ibinaba ang tingin at binigyan ito ng masamang tingin bago muling tumitig sa kisame.Napatawa si Adrian. "Oh? Akala ko ba kaya ka nag-Boracay ay para mag-recharge? Bakit parang low battery ka pa rin pagbalik mo?"Hindi na siya nag-abalang sumagot. Matagal na niyang assistant at sekretarya si Adrian. Ngunit higit pa roon, kaibigan na rin niya ito. Ilang taon na rin silang magkasama sa trabaho kaya kabisado na nito ang bawat e
Nagising si Kieran na tila may mabigat na martilyong paulit-ulit na tumatama sa kanyang sentido. Napapikit siya at agad na dinala ang isang kamay sa noo, marahang minamasahe iyon habang nananatiling nakahiga sa kama."Ang sakit..."Marahil dala lang ito ng pagod. Hindi naman siguro jet lag. Mula Boracay lang naman ang biyahe nila kahapon, halos isang oras lang ang flight. Ni hindi nga siya nakakaranas ng jet lag kapag galing sa mga international flight na inaabot ng halos isang araw ang biyahe. Bilang isang piloto, sanay na sanay na siya sa mahabang oras sa ere.Pero iba ang pagod na nararamdaman niya ngayon. Sa buong isang linggo nilang pananatili sa Boracay, wala siyang naramdamang kapaguran. Puro tawanan, kwentuhan, pagkain, at masasayang bonding kasama ang mga barkada.Panandalian niyang nakalimutan ang problema.Ngunit nang lumapag ang eroplano sa Maynila... kasabay ng paglapag ay ang pagbabalik ng realidad. Ang saya ay tila naiwan sa Casa Celestine, habang ang tanging nadala niya
VIVIAN POV:Nakatingin lamang si Vivian sa anak habang papalayo ito sa kanila ni Wesley. Mabagal ang mga hakbang ni Kieran, ngunit ramdam niya ang bigat na pasan nito.Napabuntong-hininga siya, naawa siya sa kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit paulit-ulit nitong sinasabing handa na itong isuko ang lahat, alam niyang may bahagi pa rin sa puso ni Kieran na patuloy na umaasa. Ang simpleng muling pagdating ni Wesley ay tila muling nagsindi ng munting apoy ng pag-asa sa dibdib nito.Kilalang-kilala niya ang kanyang anak. Kapag sinabi nitong susuko na, ibig sabihin lang noon ay pagod na ito. Ngunit hindi kailanman tumigil ang puso nitong magmahal. At ang babaeng iyon ay si Nikita."Vivian..."Napalingon siya kay Wesley. Tahimik itong nakatingin sa direksyong nilakaran ni Kieran bago muling ibinalik ang tingin sa kanya."Our families have been through so much over the past few months... and I'm sorry, Vivian." mahina nitong sabiNapailing siya at ngumiti nang mapait. "No, Wes
NIKITA'S POV:Pagkapasok na pagkapasok sa kotse, agad niyang inayos ang sarili sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang kulitin siya ni Kieran, Ayaw niyang makipag-usap, Ayaw niyang harapin ang gulong bumabalot sa isip at damdamin niya.Kahit mahigit isang oras na silang magkasama mul
“Ano nga pala ang plano mo habang andito ka sa Pilipinas?” kaswal na tanong niya, pilit ding pinapatay ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.“I’m just here for the wedding, then babalik na ako ng US. ’Yun naman ang sinabi ko kay Dad.” sagot nito nang hindi nakatingin sa kanya.“Bakit hindi ka n
“Can we just go? Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga,” supladang sabi niya, hindi man lang ito tinitingnan.Ramdam niyang biglang bumigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Saglit na walang nagsalita. Malamig na ang buga ng aircon, pero nainitan siya. Wala sa sariling hinubad niya ang kanyang
KIERAN’S POVYou’re a pussy, Kieran!Galit niyang sigaw sa sarili habang mahigpit na nakahawak sa manibela.Putangina… hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ni Nikita. Para siyang nawalan ng dila, natutulala, natatameme, at mas lalong lumalala ang lahat dahil sa bawat segundo na nakikita niya







