LOGINSi Nikita Madrigal ay isang international model at flight stewardess na tumira sa America matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Doon niya unti-unting binuo ang kanyang buhay. Ngunit isang tawag mula sa kanyang ama ang muling gugulo sa tahimik niyang mundo. Pinapauwi siya sa Pilipinas dahil muling itong magpapakasal. Isang simpleng pakiusap… pero alam niyang magdadala sa kanya sa isang kapalarang hindi niya inaasahan. Sa kanyang pagbabalik, muli niyang makakaharap ang lalaking minsan niyang itinago sa kanyang puso. Ang ultimate love niyang si... Kieran Del Toro. Si Kieran Del Toro ay hindi lamang isang matagumpay na CEO ng Del Toro Aviation, isa rin itong piloto na sanay kontrolin ang lahat… kasama na doon ang puso niya. Sa muling pagtatagpo nila, muling mabubuhay ang mga alaala, ang mga tanong na matagal nang naiwan, at ang tensyong hindi kailanman nawala. Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang babaeng pakakasalan ng kanyang ama… ay siya mismong ina ni Kieran. Isang bubong… Isang tahanan… Isang bawal na damdamin. Paano kung ang dating simpleng paghanga ay mauwi sa isang mapanganib na pagnanasa? Paano kung ang puso ay tuluyang mahulog… sa taong hindi na niya dapat mahalin? At sa ilalim ng iisang bubong… hanggang saan nila kayang pigilan ang sarili? At kung dumating ang sandaling kailangan nilang pumili... pamilya o pag-ibig... Handa ba silang sirain ang lahat para sa isa’t isa?
View MoreNagpatuloy ang masiglang kuwentuhan ng grupo, ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may isang babaeng lumapit kay Kieran.Agad iyong napansin ni Nikita. Iyon ang parehong babaeng nakita niyang kausap nito noong unang araw ng convention.Italyana ang babae, halata sa accent nito at sa paraan ng pagsasalita. Matangkad, elegante, at napakaganda rin. Suot nito ang isang fitted na business dress na lalong nagpatingkad sa kumpiyansa nito sa sarili.“Kieran!”Napangiti ang babae nang makita ang lalaki at agad itong lumapit. Bumati naman si Kieran, at hindi nagtagal ay nagsimula na silang mag-usap.Napatingin siya sa dalawa at lalo lang sumama ang timpla ng mukha niya nang mapansing tila naging abala na si Kieran sa pakikipag-usap sa Italyana... para bang wala siya roon sa tabi.Wow! Tahimik siyang napairap. Kanina lang, kung anu-anong sinasabi nito kay Logan tungkol sa kanya. Tapos ngayon, heto naman at mukhang napakasaya habang may kausap na ibang babae?!“Hey, Nikita.”Naputol ang inii
Ano?! Biglang uminit ang magkabilang pisngi niya. Napatingin siya kay Kieran. Napansin ba ng mga ito Napansin ba nila kung gaano ka-attentive si Kieran sa kanya simula kanina?Mula nang dumating siya sa convention ay palagi itong nasa malapit. Ito ang unang nakapansin nang mapagod siya. Ito rin ang tahimik na nag-abot sa kanya ng tubig kanina. At ngayon, pati ang tungkol sa pag-inom niya ng wine ay ito pa ang nagpaliwanag.Hindi siya sumagot, Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kaya hinayaan niyang si Kieran ang sumagot.Saglit na natahimik ang lalaki, pagkatapos ay ngumiti ito. “Nikita and I have been friends since high school, which is why we know each other so well... but that’s all there is between us.”Humigpit nang bahagya ang pagkahawak niya sa baso ng orange juice. Parang may malamig na bagay na biglang bumagsak sa dibdib niya. Napayuko siya nang bahagya at tinitigan ang orange juice sa kanyang baso. Friends since high school? Iyon lang ba talaga ang masasabi nito tung
Natapos ang buong araw nila sa convention na halos ubos na ang lakas ni Nikita.Kahit kalahating araw lang siyang nakadalo, ramdam na ramdam pa rin niya ang pagod sa buong katawan. Pakiramdam niya ay ilang araw siyang walang pahinga. Siguro dahil hindi lang naman pisikal na pagod ang dinadala niya, mas nakakapagod ang isip niya.Napakarami niyang iniisip... si Julia, si Kieran, at higit sa lahat… ang pagbubuntis na pilit niyang itinatago sa lahat.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung kailan niya sasabihin kay Kieran ang tungkol sa anak nila. O kung dapat pa ba niyang sabihin.Pagkatapos ng convention ay hindi rin sila agad umakyat sa kani-kanilang mga silid. Nanatili sila sa function hall kung saan nagpatuloy ang pakikipag-usap ng ilang delegates sa isa’t isa.Mas casual na ang atmosphere kumpara kanina. Wala na ang mahahabang presentations at formal discussions. Karamihan ay may hawak nang wine habang nakikipagkuwentuhan, nagpapalitan ng business cards, at bumubuo ng paniba
Lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha. "Bakit? Magkano ba dapat?" Ang five hundred dollars ay halos trenta mil din sa peso, depende sa palitan. Saan pa ito makakakuha ng trenta mill ng libre? "Di ba one thousand dollars ang binibigay mo sa akin palagi para kina Mama at Papa?" sagot ni Julia na tila walang hiya. "Gano'n din kasi ang pinapadala ko sa kanila noong nagtatrabaho pa ako." Napakagat si Nikita sa loob ng kanyang pisngi. Gusto niyang sabihin--- Then why don't you find another job? Kung gusto nitong maipagpatuloy ang dating halaga ng ipinapadala sa pamilya nito, bakit hindi ito magtrabaho ulit? Bakit parang responsibilidad niyang punan ang perang dati nitong kinikita? Pero pinili niyang manahimik. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa lobby ng hotel. Lalo na't may convention silang dinadaluhan at maraming taong nakakakilala sa kanila roon. Humugot siya ng malalim na hininga upang mag-ipon ng pasensya. "That's all the cash I have with me," mariin niyang sabi. "Wala akong da
Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H
Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit
FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c
Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore