Share

CHAPTER 3

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-04-02 09:51:24

FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):

“Kiss! Kiss! Kiss!”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!

Si Kieran ay ang kanyang long-time crush. MVP at Captain Ball ito ng kanilang campus. Lahat naman yata ay crush ang lalaki.

Pero walang nakakaalam na pati siya ay nag-aasam ding mapansin nito. Tanging ang kanyang best friend na si Elara lang ang napagsabihan niya ng sekreto niyang iyon... Kaya kinakagulat niya kung bakit silang dalawa ang nasa loob ng kissing booth.

Napatingala siya sa lalaki... di hamak na mas matangkad si Kieran kaysa sa kanya. Naka-uniform pa ito ng basketball ng kanilang eskwelahan.

Tisoy si Kieran kaya namumula ang balat nito kapag naiinitan. Parang kakagaling lang nito sa practice. Medyo basa din ang jersey, pero kahit pawisan ay mabango pa rin.

Ngumiti ito nang bahagya nang magtama ang kanilang mga mata, pero agad din iyong nawala. Sinuklay nito ng daliri ang maalon nitong buhok, na mas lalong nagbibigay ng manly look sa lalaki.

Kung campus crush si Kieran, siya naman ay campus president. Pareho silang graduating sa high school, at hindi niya alam kung paano siya napunta sa kissing booth.

“Kiss! Kiss! Kiss!”

Muling sigaw ng mga estudyanteng nanonood sa kanila.

“Why am I here with you, Mr. Del Toro?” supladang tanong niya, pero ang totoo ay halos matumba na siya sa kaba.

Ngumisi ito nang nakakaloko. “I don’t know. Hinatak lang din nila ako dito.”

Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Nginitian siya nito! Pero pilit niyang tinatago ang nararamdamang kilig. Hindi siya puwedeng ma-in love sa lalaking babaero at walang patutunguhan sa buhay. Ang alam lang nito ay mag-basketball at magpaiyak ng mga babae!

“Come on, Miss President, this is just a game na ikaw din ang nag-organize. Bakit hindi mo na lang ako halikan para matapos na ’to?” sambit nito na parang napipilitan lang.

Siya nga ang nag-organize ng Foundation Day na iyon bilang fundraising para sa kanilang school.

“Hell no, Del Toro! Bakit kita hahalikan?”

“Unless ayaw mong umalis dito kasama ko…” Tinaas nito ang kanilang kamay na naka-posas. Hindi sila makakaalis doon hangga’t hindi sila magki-kiss.

Bigla siyang natakot… kapag hinalikan siya ni Kieran, iyon ang magiging first kiss niya sa opposite sex! Sixteen years old lang sila. Ayaw niyang ibigay iyon basta-basta sa isang laro lang!

Kahit pa sabihing crush niya si Kieran, nanaig pa rin ang pagiging Maria Clara niya. Ang gusto niya ay maging memorable ang kanyang first kiss... sa lalaking mahal niya at mahal din siya.

“Don’t tell me you’ve never been kissed by a guy before, Miss President?” mapanuksong tanong nito sa pananahimik niya.

“Anong paki mo???” singhal niya.

“Come on, Nikita, this is just a game. Don’t tell me ikaw din ang KJ dito, eh pakana mo ’to, di ba?”

Kilala niya ako? Alam niya ang pangalan ko?... tanong niya sa sarili.

“Kung ayaw mo, umalis ka na diyan. Ako na lang!”

Sigaw ng babaeng naghihintay na matapos sila. “Ang arte-arte mo naman. Si Kieran na nga ’yan, oh! Feeling ka, girl?”

Inirapan pa siya nito. Napahiya siya at tumingin sa paligid. Nakasimangot na ang mukha ng mga estudyante habang nakatingin sa kanya. Alam niyang maraming babaeng halos ipagtulakan ang sarili para mahalikan lang ni Kieran… but not her! Kahit pa crush niya ang lalaki!

“Okay, okay! But make it quick, okay?” banta niya kay Kieran saka madiing pinikit ang mata. Ayaw niyang makita ang mukha nito habang hinahalikan siya.

Nakita niyang ngumisi si Kieran bago tuluyang sumara ang kanyang mga mata. Maya-maya ay naramdaman niyang ang kamay nito ay nasa likod ng kanyang ulo at nilalaro ang kanyang buhok. Naramdaman niyang lumalapit na ang mukha nito sa mukha niya dahil naamoy niya ang mabango nitong hininga... parang pinaghandaan talaga.

Hanggang sa naramdaman na lang niya na lumapat ang labi nito sa labi niya… Bigla siyang nanigas na parang tuod. Hindi niya alam ang gagawin. Napakalambot ng mga labi ni Kieran!

Naestatwa siya habang magkadikit ang kanilang mga labi. Hindi siya makagalaw, ni hindi makapagsalita. Ramdam niya ang init ng hininga ng lalaki, ang marahang paghaplos ng kamay nitong nasa batok niya, at ang unti-unting pagdikit ng kanilang mga katawan.

“K-Kieran…” mahina niyang bulong, pero hindi niya alam kung tinatawag ba niya ito o pinipigilan.

It was supposed to be a smack kiss, but Kieran is now kissing her torridly. Gusto niyang magreklamo at kumawala, pero napako siya roon.

Hindi rin siya makaalis dahil hawak siya nito sa batok para hindi maghiwalay ang kanilang mga labi. Ayaw niyang dumilat, ayaw niyang makita ni Kieran na nagugustuhan niya ang halik na iyon!

Hindi siya marunong humalik, kaya nagpaubaya siyang hinahalikan ni Kieran. Damn, it was so magical! Hindi niya akalain na ganoon kasarap ang magiging first kiss niya... at sa lalaking crush niya!

Parang sasabog na ang kanyang dibdib. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman na hindi na niya maipaliwanag.

“You want some more, babe?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jesusa Mesias Licudine
Good interesting
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 148

    VIVIAN POV:Nakatingin lamang si Vivian sa anak habang papalayo ito sa kanila ni Wesley. Mabagal ang mga hakbang ni Kieran, ngunit ramdam niya ang bigat na pasan nito.Napabuntong-hininga siya, naawa siya sa kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit paulit-ulit nitong sinasabing handa na itong isuko ang lahat, alam niyang may bahagi pa rin sa puso ni Kieran na patuloy na umaasa. Ang simpleng muling pagdating ni Wesley ay tila muling nagsindi ng munting apoy ng pag-asa sa dibdib nito.Kilalang-kilala niya ang kanyang anak. Kapag sinabi nitong susuko na, ibig sabihin lang noon ay pagod na ito. Ngunit hindi kailanman tumigil ang puso nitong magmahal. At ang babaeng iyon ay si Nikita."Vivian..."Napalingon siya kay Wesley. Tahimik itong nakatingin sa direksyong nilakaran ni Kieran bago muling ibinalik ang tingin sa kanya."Our families have been through so much over the past few months... and I'm sorry, Vivian." mahina nitong sabiNapailing siya at ngumiti nang mapait. "No, Wes

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 147

    Saglit na sumagi sa isip niya ang mukha ni Nikita... ngunit agad niya iyong itinaboy. Wala na siyang pakialam. Kahit pa alam niya ang address ng mga ito sa America, hindi naman siya pupunta roon para hanapin ito... hinding-hindi mangyayari yun!Tahimik siyang uminom ng tubig bago muling nagsalita. "Bakit nga po pala kayo napauwi, Tito? As far as I know, Attorney Juan Delmar is doing great in running Tala Airways."Bahagyang ngumiti ang matanda, ngunit halatang may kaunting pag-aalinlangan sa ekspresyon nito."Yeah... doing great naman si kumpadre." Tumango ito. "It's just that dumating na ang bagong eroplano na inorder ko from Japan. Kailangan kong personal na pangasiwaan ang turnover at ilang expansion plans ng kumpanya.""I see..." Tumango lamang siya habang patuloy na kumakain. "So... you're just here for vacation, Tito?"Hindi niya ito tinitingnan habang nagtatanong. Hindi niya alam kung bakit, marahil ay natatakot siyang makita ang anumang sagot sa mukha nito.Ngunit ang sumunod

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 146

    Napailing siyang muli bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Binuksan niya ang compartment at inilabas ang kanyang malaking maleta kasama ang isang kahong puno ng pasalubong para sa kanyang mommy at sa mga kasambahay."Drive safe, bro.""You too... see you some other time."Nagtaas siya ng kamay bilang pamamaalam bago tuluyang isinara ang compartment. Unti-unting umalis ang sasakyan ni Oliver habang siya naman ay humarap sa malaking gate ng kanilang tahanan.Pagkapasok niya sa gate ay agad siyang sinalubong ng isa sa kanilang security guard. "Good evening, Senyorito.""Good evening." Ngumiti lang siya bilang tugon."Ako na po ang magdadala ng maleta ninyo."Umiling siya. "Ako na. Kaya ko na.""Pero, Sir---""It's okay."Kaya hinayaan na lamang siya ng guwardiya.Habang hinihila ang kanyang maleta at buhat ang kahon ng mga pasalubong, napansin niya ang isang itim na mamahaling sasakyan na nakaparada sa garahe.Bahagya siyang napakunot-noo... May bisita kami? Hindi niya naitanong sa security

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 145

    Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang yate na maghahatid sa kanila pabalik sa port. Unti-unting bumigat ang pakiramdam ng bawat isa. Tapos na ang isang linggong bakasyon... isang linggong puno ng tawanan, kalokohan, at mga alaalang panandaliang nagpawi sa sakit na matagal niyang pasan.Isa-isa silang nagpaalam kay Celestine. Mahigpit nitong niyakap sina Oliver, Chester, Marcus at Philip bago tuluyang lumapit sa kanya.Nang siya na ang kaharap nito, bigla nitong ipinalupot ang mga braso sa kanyang leeg at niyakap siya nang mahigpit. "Bye, Kieran... I'm gonna miss you," mahina nitong bulong. Bago pa man siya makapagsalita, hinalikan siya nito ng mabilis sa labi.Muli... Saglit siyang natigilan. Pero halos kasunod noon ay pinilit niyang iwaksi ang anumang kahulugang gustong ibigay ng isip niya rito. Ginawa na rin iyon ni Celestine noong unang araw ng pagdating nila sa isla, at malinaw nitong sinabi na wala itong romantikong nararamdaman para sa kanya. Ganoon lang talaga marahil an

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 144

    KIERAN'S POV:Kasalukuyan silang abala sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.Mabilis na lumipas ang isang linggong bakasyon nila sa Boracay. Pakiramdam ni Kieran ay kahapon lang nang dumating sila sa isla, ngunit ngayon ay nakatambak na sa sahig ang kanilang mga maleta, handa nang bumiyahe pabalik sa Maynila.Kasabay ng pagtatapos ng bakasyon ay ang pagbabalik din nila sa kani-kanilang responsibilidad... mga negosyo, trabaho, at ang magulong buhay na pansamantalang iniwan nila."Haaay..."Napalingon siya sa couch kung saan nakaupo si Philip. Nakasandal ito habang nakatulala sa kisame na para bang nawalan ng gana sa buhay.Napangiti siya. "O, bakit parang ang lungkot mo yata diyan?" natatawa niyang tanong.Naghihintay na lang sila ng yate na magsusundo sa kanila para ihatid sa port. Mula roon ay didiretso sila sa airport para sa flight pauwi ng Maynila.Hindi agad sumagot si Philip. Ilang segundo muna itong nanahimik bago nagsalita."Kailangan pa ba talaga nating bumalik ng Manila?"Napa

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 143

    Muling nilagyan ni Wesley ng pagkain ang kanyang plato. Napangiti ito habang inaayos pa ang piraso ng karne sa kanin niya."Salamat at nakapag-isip-isip ka na rin, anak," malumanay nitong sabi. "Marahil tama nga ang kasabihang time heals all wounds." Sandali itong humigop ng tubig bago muling nagsalita. "Hinintay lang kitang magkusa na sabihing pwede na akong bumalik ng Pilipinas. Ayokong pilitin ka dahil alam kong masasaktan ka lang. Ramdam ko rin na kailangan mo ako rito sa America."Napabuntong-hininga ito. "Sa totoo lang, wala naman talaga akong pagpipilian. Noon, hindi kita kayang iwan habang alam kong hindi ka pa handang harapin ang lahat. Pero ngayong ikaw na mismo ang nagsabing maaari na akong umuwi..." ngumiti ito nang may kasiyahan, "...malaking ginhawa iyon sa puso ko."Tumigas ang ekspresyon ni Nikita. "But that doesn't mean makikipag-ayos na ako sa mga Del Toro, Dad!"Napatawa si Wesley. "Anak..." umiling ito. "Akala ko ba okay ka na?"Sumimangot siya. Bubuka pa lamang sa

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 4

    Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 2

    Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 1

    NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 124

    Matapos nilang ipaligpit ang lahat ng kanilang mga gamit, muli silang bumalik sa sasakyan. Maingat na sinigurado ni Kieran na wala silang maiiwan kahit isang gamit sa bahay na iyon. Para bang ang bawat maletang isinakay nila sa kotse ay simbolo ng tuluyan nilang pagputol sa nakaraan. Wala na silang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status