LOGINBakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!
Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Flight stewardess siya, pero sa ibang company siya nagtatrabaho imbes na sa company nila. Iyan lagi ang ikinagagalit ng kanyang ama kapag nagkakausap sila.
Hindi lang naman siya stewardess, marami siyang pinagkakaabalahan sa America, kaya hindi siya makakuwi ng basta-basta. Isa rin siyang modelo sa isang sikat na lingerie company.
Sinong mag-aakala na ang isang ugly duckling at nerd noong high school ay highest-paid model na ngayon sa America?
“Nikita, are you still there?” pukaw ng daddy niya.
“Pag-iisipan ko, Dad. I'll clear my schedule.”
“Anak… hindi ka ba naaawa sa akin? Simula nung naghiwalay kami ng mommy mo at naiwan ako dito sa Pilipinas. It’s been what, 5 years? Wala na ang mommy mo, at obligasyon mo naman sigurong magpakita sa akin bilang anak ko. I miss you too, My Nikita! Di ka ba naaawa sa daddy mo?” paawa nitong sabi.
'My Nikita' ang tawag nito kapag naglalambing sa kanya. Kapag narinig niya ang mga katagang iyon, pakiramdam niya ay 5 years old ulit siya. Alam na alam nito kung paano siya palambutin.
“Okay, okay, Dad… aayusin ko lang ang schedule ko para bisitahin ka diyan sa Pilipinas. Pero hindi ko maipapangakong magtatagal ako dahil andito na ang buhay ko sa America.”
“Pangako mo ba ‘yan, My baby Nikita?”
Humugot siya ng malalim na hininga sa kakulitan ng kanyang daddy. “Yes, Dad. I will visit you.”
“Thank you, anak!” Halata ang saya sa boses nito. “I'm sure your Tita Vivian will be happy to see you too. Matagal ka na niyang gustong makita nang personal. Sa mga magazine ka lang namin kasi nakikita. She is your big fan, anak.”
Napangiti siya. “Oo na, Dad. Uuwi na nga ako, di ba? Hindi mo na ako kailangang bolahin!”
“Hahaha… hindi kita binobola. Proud lang ako sa narating mo diyan sa America. Napakasikat mo na, anak, at pinagmamalaki ko na anak kita.”
Muntik na siyang maiyak. Sa totoo lang ay daddy’s girl talaga siya. Mas close pa nga siya sa kanyang daddy kaysa sa kanyang mommy. Pero ang daddy niya mismo ang nagdesisyon na sumama siya sa kanyang mommy sa America nung maghiwalay ang mga ito. Hindi siya nito matutukan nang maayos sa dami ng negosyo ng pamilya nila.
Kahit naghiwalay ang kanyang mga magulang, ang daddy pa rin niya ang patuloy na sumusuporta sa kanila sa America. Hindi na muling nag-asawa ang kanyang mommy, at nanatiling walang nobya ang kanyang daddy.
Pagkamatay lamang ng kanyang mommy naisipan ng kanyang daddy na pumasok sa isang relasyon, dahil na rin sa pangungulit niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang magiging nobya nito ay ang mismong mommy ni Kieran!
“Alam mo ba, anak” dagdag pa ng kanyang ama, “may anak din si Tita Vivian mo na kasing-edad mo. Si Kieran. I hope you’ll get along. He’s a nice guy… parang anak ko na rin siya.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya.
Nice guy? Kung alam lang ng daddy niya… Kung alam lang nito kung paano siya tinukso, inasar, at ginulo ng lalaking iyon noon. Hindi alam ng kanyang daddy na matagal na niyang kilala si Kieran Del Toro
"Tito Wesley..."
Napasinghap siya nang marinig ang boses sa kabilang linya. Speaking of the devil! Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya kailangang hulaan. Alam niya... Si Kieran.
“Iho… what brings you here?” Halata sa boses ng kanyang ama ang galak.
Parang may sariling radar ang katawan niya pagdating sa lalaking iyon, kahit sa boses lang, kahit sa presensya na hindi niya nakikita.
“I have to go, iha,” paalam ng kanyang ama. “Andito na si Kieran. May pag-uusapan pa kami tungkol sa kumpanya.”
Kumunot ang noo niya, sabay higpit ng hawak sa telepono. “S-sige, Dad… may gagawin din ako. See you soon.”
“See you soon, my Nikita. I love you.”
Nang marinig niya iyon, hindi niya napigilan ang paghapdi ng kanyang mga mata.
“I love you too, Dad…” pabulong niyang sagot, bago tuluyang pinatay ang tawag.
Biglang naging napakatahimik ng paligid. At sa katahimikang iyon, isang katotohanan ang unti-unting luminaw sa kanya...
Ang pagbabalik niya sa Pilipinas ay hindi lang simpleng pagbisita. Ito ay pagbabalik sa nakaraan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya ang dating Nikita na kayang apakan, pagtawanan, at balewalain.
Pero ang tanong, kaya ba niyang harapin si Kieran Del Toro bilang kanyang magiging stepbrother? …o muli na naman siyang mahuhulog?
Napahiga siya sa kama sa kanyang apartment nang ibaba niya ang telepono. Hindi siya makapaniwala na ganito pa rin ang epekto ni Kieran sa kanya. He is her first and only crush… at malamang ay first love na rin.
Ganoon siguro talaga kapag first love... mahirap kalimutan. Idagdag pa na ito rin ang first kiss niya. Napangiti siya nang maalala kung bakit niya ito naging first kiss....
Pagdating ni Kieran sa kanyang condo, agad niyang ibinaba ang mga dala niyang grocery sa kitchen counter. Bagama't palaging malinis ang lugar, naglibot pa rin siya sa bawat sulok upang tiyaking walang kalat. Inayos niya ang mga unan sa sala, pinunasan ang center table, at siniguradong maayos ang kabuuan ng unit.Hindi naman talaga kailangan. Pero gusto niyang maging perpekto ang lahat ngayong gabi.Napangiti siya habang isa-isang inilalagay ang mga pinamili sa pantry at refrigerator. Kinuha niya ang mga sangkap na balak niyang lutuin at sinimulang ihanda ang hapunan para sa kanilang dalawa ni Nicole. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng ganitong pananabik.Habang hinihiwa ang mga sangkap ay hindi niya mapigilang mapailing sa sarili... It's going to be a long night.Ilang sandali pa ay kumalat na sa buong condo ang mabangong amoy ng niluluto niyang pagkain.Nang matapos ang lahat, inilapag niya ang mga putahe sa mesa at sinulyapan ang oras sa kanyang relo.Maya-maya lang ay umali
Pagkatapos nilang pag-usapan ang iba pang detalye tungkol sa muling pagbabalik ng partnership ng kanilang mga kumpanya, tumayo na si Kieran at inayos ang manggas ng kanyang polo."Mauna na ako sa inyo. Mom, Tito Wesley."Agad siyang nilingon ni Vivian. "Saan ka pupunta, anak?""May pupuntahan lang po."Nagsalubong ang mga kilay nito. "Anong oras ka uuwi?"Saglit siyang nag-alinlangan bago sumagot. "I might not go home tonight."Lalong naging mapanuri ang tingin ni Vivian. "Saan ka nga ba pupunta?"Napabuntong-hininga siya. Noon pa man ay alam na niyang mahirap maglihim sa kanyang ina. "Mom... malaki na ako. Hindi ko na kailangang sabihin sa'yo ang bawat lakad ko."Ngunit hindi pa rin siya tinigilan nito. "Sino ang kasama mo?"Muli siyang napahinga nang malalim. Hindi niya maaaring sabihin ang totoo. Hindi puwedeng malaman ng kanyang ina na si Nicole ang kasama niya mamaya. Kilalang-kilala niya ang opinyon nito tungkol sa babae. Masyado raw liberated. At kung tutuusin... Yeah... libera
Tahimik niyang ibinaba ang telepono sa ibabaw ng mesa bago muling isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Napapikit siya at marahang napabuntong-hininga.Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Ilang buwan na rin siyang walang nakaniig na babae. Mula nang mangyari ang lahat, si Nikita pa rin ang huling babaeng nakaniig niya."Damn..."Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit iwinaksi ang alaalang muling sumagi sa kanyang isipan.Naalala niya ang unang pagkakataong may nangyari sa kanila ni Nikita... ang gabing muntik na itong makidnap sa hotel.Dahil sa epekto ng pinaamoy na droga rito, nawalan ito ng kontrol sa sarili. Siya man ay nadala rin ng matinding emosyon, kaya nauwi ang lahat sa isang gabing pareho nilang hindi inaasahan.They were uncontrollable that night. Halos lahat ng posisiyon ay ginawa nila. Virgin ni Nikita at siya ang naka-una dito. Bilang mahal na mahal niya ang dalaga ay hindi na rin niya napigilan ang sarili. Para na din siyang naka-drugs noon. Naalala niya
Pagdating sa kanyang opisina ay halos ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair. Napasandal siya rito at ipinatong ang dalawang paa sa ibabaw ng kanyang mesa habang nakatingala sa kisame.Pakiramdam niya ay wala siyang lakas para harapin ang buong araw. Katatapos pa lang ng bakasyon, ngunit imbes na ma-recharge, tila mas lalo pa siyang napagod.Ilang segundo pa lang siyang nakaupo nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina."Good morning, Boss Kieran!" masiglang bati ng kanyang sekretarya. "Kamusta po ang bakasyon ninyo?"Hindi siya sumagot. Dahan-dahan lang niyang ibinaba ang tingin at binigyan ito ng masamang tingin bago muling tumitig sa kisame.Napatawa si Adrian. "Oh? Akala ko ba kaya ka nag-Boracay ay para mag-recharge? Bakit parang low battery ka pa rin pagbalik mo?"Hindi na siya nag-abalang sumagot. Matagal na niyang assistant at sekretarya si Adrian. Ngunit higit pa roon, kaibigan na rin niya ito. Ilang taon na rin silang magkasama sa trabaho kaya kabisado na nito ang bawat e
Nagising si Kieran na tila may mabigat na martilyong paulit-ulit na tumatama sa kanyang sentido. Napapikit siya at agad na dinala ang isang kamay sa noo, marahang minamasahe iyon habang nananatiling nakahiga sa kama."Ang sakit..."Marahil dala lang ito ng pagod. Hindi naman siguro jet lag. Mula Boracay lang naman ang biyahe nila kahapon, halos isang oras lang ang flight. Ni hindi nga siya nakakaranas ng jet lag kapag galing sa mga international flight na inaabot ng halos isang araw ang biyahe. Bilang isang piloto, sanay na sanay na siya sa mahabang oras sa ere.Pero iba ang pagod na nararamdaman niya ngayon. Sa buong isang linggo nilang pananatili sa Boracay, wala siyang naramdamang kapaguran. Puro tawanan, kwentuhan, pagkain, at masasayang bonding kasama ang mga barkada.Panandalian niyang nakalimutan ang problema.Ngunit nang lumapag ang eroplano sa Maynila... kasabay ng paglapag ay ang pagbabalik ng realidad. Ang saya ay tila naiwan sa Casa Celestine, habang ang tanging nadala niya
VIVIAN POV:Nakatingin lamang si Vivian sa anak habang papalayo ito sa kanila ni Wesley. Mabagal ang mga hakbang ni Kieran, ngunit ramdam niya ang bigat na pasan nito.Napabuntong-hininga siya, naawa siya sa kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit paulit-ulit nitong sinasabing handa na itong isuko ang lahat, alam niyang may bahagi pa rin sa puso ni Kieran na patuloy na umaasa. Ang simpleng muling pagdating ni Wesley ay tila muling nagsindi ng munting apoy ng pag-asa sa dibdib nito.Kilalang-kilala niya ang kanyang anak. Kapag sinabi nitong susuko na, ibig sabihin lang noon ay pagod na ito. Ngunit hindi kailanman tumigil ang puso nitong magmahal. At ang babaeng iyon ay si Nikita."Vivian..."Napalingon siya kay Wesley. Tahimik itong nakatingin sa direksyong nilakaran ni Kieran bago muling ibinalik ang tingin sa kanya."Our families have been through so much over the past few months... and I'm sorry, Vivian." mahina nitong sabiNapailing siya at ngumiti nang mapait. "No, Wes
Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit
FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c
NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may
Matapos nilang ipaligpit ang lahat ng kanilang mga gamit, muli silang bumalik sa sasakyan. Maingat na sinigurado ni Kieran na wala silang maiiwan kahit isang gamit sa bahay na iyon. Para bang ang bawat maletang isinakay nila sa kotse ay simbolo ng tuluyan nilang pagputol sa nakaraan. Wala na silang







