تسجيل الدخولTahimik lang kami ni Uncle Easton sa loob ng kotse habang papunta sa West Crestfall University. Nakasandal ang aking ulo sa bintana para kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng ulo ko pero kahit pa-minsan minsan ay napapatingin ako sa kaniya habang nagmamaneho.
Pinagmasdan ko ang kaniyang kamay at braso dahil lalaking lalaki ang dating nito. Maugat at halatang alaga ng gym ang uncle ko.
“Stop staring,” bigla niyang sabi nang hindi man lang lumilingon.
Napangiwi ako, trying to act like I wasn’t just caught. “Excuse me? Who said I was staring?”
Bakit ba kasi kahit paghinga lang niya ang lakas-lakas na agad ng dating?
“You’ve been looking at me since we left the house,” mahinahon niyang dugtong. “Eyes on the road, Eloisa.”
Hindi ko mapigilang mapanguso ako. “‘E ikaw naman po ang nagda-drive, Uncle, hindi ako.” Sabay tingin ulit sa labas.
I heard a light chuckle from him kaya parang nanghina ako. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang marinig ko ‘yong mababang tawa niya.
“Marunong ka rin palang tumawa, Uncle.” Bulong ko.
Kaagad nabawi ang kaniyang ngiti. “May problema ba roon?” Kunot-noo niyang wika.
Sayang, hindi ko man lang nakukuhanan ng picture!
“Wala naman po,” mabilis kong sagot. “Bagay nga ‘e. Akala ko puro simangot at death stares lang kaya mong gawin.”
Nang matanaw na namin ang gate ng West Crestfall University, unti-unting bumagal ang pagtakbo ng kotse hanggang sa tuluyan itong tumigil.
“Bumaba ka na rito.” Muling pagsusungit niya. “You don’t want anyone seeing you get out of my car.”
Napairap ako kahit na naiintindihan ko ang punto niya. Magiging talk of the town nga naman kami kung makikita ng mga estudyante na bumababa ako sa kotse ng aming professor, especially the Professor Easton, na ubod ng kasungitan at saksakan ng ka-gwapuhan!
Pero kahit alam kong tama siya, hindi ko mapigilang mainis. Hindi ko rin alam kung anong rason, pero halata naman na ayaw niyang malaman ng iba na pamangkin niya ako.
At saka, paano ‘yon? Nakita na siya ng mga kaklase ko sa bar kagabi, sigurado akong kumalat na ang chismis .
“Alright,” Inayos ko ang uniporme ko at kinuha ang bag ko. “See you later, Uncle Professor,” malandi kong saad bago sinara ang pinto at tumalikod.
Agad sumalubong ang mainit na hangin. I flipped my hair at sinuot ang aking shades. Kung may mga chismis na agad na kakalat, might as well give them something worth talking about.
Nangangalahati pa lang ako sa aking paglalakad nang may nagpahinto sa ‘kin.
“Excuse me,” Someone pulled me on my arm. Napaharap ako sa kaniya at napansin ko kaagad ang kaniyang itsura. Naka-high ponytail ito at malinis ang pagkakahawi ng kaniyang buhok na tinernuhan niya ng malapad na hairband. Pink ang lipstick niya at maputla ang balat, halos kasing-puti ng isang manika.
Tinaasan ko ito ng kilay. Kung sino man siya, hindi ako natutuwa sa pagdiin niya ng kuko niya sa aking balat.
“Yes?” Naiinis kong wika. I also retrieved my arm from her. Hindi ko siya namumukhaan sa kahit anong klase ko kaya hindi ko alam bakit uma-attitude ito sa ‘kin.
I only have a few minutes left before the start of my class. Alam kong hindi matutuwa si Uncle Easton sa ‘kin kapag nalaman niyang may tardy ako sa record ko.
“Can you stop making landi to my boyfriend?” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. She even crossed her arms across her chest. “Seriously, you’re not so kagandahan naman to make patol to my boyfriend. Kaya I don’t know why his eyes are glued to you. Your ugali na nga lang babawi for you yet you can’t do it pa.” Pagtataray niya.
P*****a! Hindi ba ito marunong magsalita nang tuwid?
“Una sa lahat, hindi kita kilala at kung sino man ‘yang boyfriend mo.” Mahinahon kong sagot. “Next, I would appreciate kung kinausap mo ako nang hindi ako sinasaktan.” Pinakita ko ang bakas ng kaniyang kuko sa aking braso.
“That’s kulang pa nga for your kalandian ‘e!” Pagmamaktol niya. “Don’t go ruin relationships dito! You’re nobody compared to me.”
Wala akong energy makipag-away sa ilalim ng pagkainit-init na araw. I was about to move away from her and make my way towards the hall but then, she pulled me again.
‘Te?! Ano bang sasabihin ko sa prof namin kapag na-late ako? “Sorry po, na-late ako kasi may baliw na humarang sa daan ko?
Mukhang wala siyang planong pabayaan ako. “Kailan ko nilandi boyfriend mo? As I said, hindi ko nga po kayo kilala.”
“Kanina! Kanina pa siya naka-look sa ‘yo while you made your way pababa ng car, didn’t you pansin it ba?!” Tinaasan niya pa ako ng kilay. “You’re so landi!”
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. What the hell…
“Hindi ko kasalanan na maganda ako sa paningin nilang lahat. Ano gusto mo, ibalot ko mukha ko habang naglalakad?” Utas ko. Insecure ka masyado, girl!
Nakukuha na namin ang mga atensyon ng mga dumadaan na estudyante. Ang ilan sa kanila ay napatigil at nakiki-tsimis na sa pangyayari. Great! Kung kailan nagpapakabait na ako may mga demonyo talagang mang iinis sa ‘yo.
“Sa susunod kasi kung ayaw niyong makawala sainyo boyfriend niyo, itali ninyo!”
Right when I said that, something inside her snapped.
Nakita ko kung paanong nagdilim ang mga mata niya bago siya humakbang palapit.
“Oh, so matapang ka ha?” Singhal niya sabay taas ng kamay.
Oh no, I don’t like where this is heading.
Gaya ng pangako ni Easton, hindi ko kailangan kabahan. Pagtapak pa lang namin sa loob ng maliit ngunit napakalinis nilang tahanan, isang mainit na yakap agad ang isinalubong sa amin ng kaniyang ina. Walang sinuman sa kanilang mag asawa ang nanghusga sa aking itsura ngayon. Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang pamilya ang purong pasasalamat dahil sa wakas ay kasama na nila ang anak na matagal na nawalay sa kanila.Sobrang gaan lang ng aming pag uusap na para bang matagal na namin sila nakakasama. Napagkaalaman ko na ang pangalan ng kaniyang tunay na magulang ay sila Tatay Eduardo at Nanay Melie, hindi na sila nag anak pa ulit dala ng kahirapan sa buhay. Namumuhay sila sa paglilinis ng mga bote na ginagawang lalagyanan ng suka. Sa kabila ng mabigat na trabahong ito na bakas sa magagaspang at may mga hiwa nilang palad, walang bakas ng pait sa kanilang mga mukha.“Ang sabi ko nga dito sa asawa ko ay lalaking g’wapo at matalino itong anak namin na mana sa ‘kin!” Turan ni Nanay Melie, sabay
"Where are we?” tanong ko nang mapansin ko nasa isang liblib na lugar kami.Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng bintana. Wala na ang nagtataasang mga gusali ng Maynila at ang trapik na madalas naming nasasalubong tuwing ganitong oras ay napalitan na ng mga naglalakihang puno at madilim at medyo matitirik na daan.Lumingon sa akin si Easton. Seryoso ang kaniyang mukha, ngunit may bakas ng labis na pananabik at malalim na emosyon sa kaniyang mga mata habang dahan-dahang itinigil ang kotse sa tapat ng isang simpleng gate ng isang tahimik na bahay.“Somewhere where you’ll fully get to know me,” makahulugan niyang tugon sabay patay sa makina ng sasakyan.Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nalilito ako sa kaniyang sinabi. Hindi na lang niya kasi sinabi ng direkta para hindi na nag-iisip pa ang pagod kong utak. Itong si Easton, iba rin mag isip ‘e.Doon pa lang dahan-dahang nag-sink in sa akin ang lahat. Ang pagkalito ko ay napalitan ng isang malaking realization. Tum
"Time is up! Pass your papers to the front," deklara ng proctor.Isang sabay-sabay na malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng buong silid. Kasabay ng pagtayo ko mula sa upuan ay ang pakiramdam na tila may malaking tinik na nabunot sa dibdib ko. Sa wakas. Tapos na ang board exam. Tapos na ang tatlong buwang paghihirap.Pagkalabas ko pa lang ng testing room, agad kong nakasubong sa hallway sina Trisha, Krisha, at Drake. Halata sa mga mukha namin ang matinding puyat at pagod, pero mabilis iyong napalitan ng malalaking ngiti nang magkaabot-abot ang mga tingin namin."Anak ng tokwa, natapos din natin!" ‘Di mapigilan na ekspresyon ni Trisha habang nag iinat ng katawan. “Mukhang kailangan kong dumaan ng simbahan mamaya at iaalay ko na lang kay Lord ‘yong mga ibang questions na hindi ko na nasagutan.”Sa totoo lang, kahit ako ay hindi sigurado sa mga sagot ko. Natapos ko naman lahat pero parang inihula ko na lang ang natitirang kalahati dahil sa lutang kong utak.“Kaninang Psych Assessm
Dapat ay nagpapahinga na ako. Pero heto ako, nakatitig sa kisame ng kwarto ko at hindi man lang dalawin ng antok. Gustong-gusto kong pukpukin ang ulo ko sa pader para lang tumigil ang utak ko sa pagtakbo, dahil sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay lalo ko lang nakakalimutan ang lahat ng inaral ko.Bukas na bukas ay mag sisimula na ang board exam na tatlong buwan kong pinaghandaan. Tatlong buwan ng puyat, iyak, at halos mabaliw na utak, lahat iyon ay nakasalalay sa kung ano ang isasagot ko bukas.Tatlong buwan na rin nang huli kong makasama si Easton nang personal. Sa mga sandaling gumuho ang sistema ko sa takot, ang yakap at presensya lang niya ang tanging nakakapagpatahimik sa akin. Gustong-gusto ko siyang makasama ngayon. Sana ay katabi ko siya. Sana ay narito siya para hawakan ang kamay ko, dahil alam kong sa isang haplos at bulong lang niya ay biglang mawawala ang lahat ng kabang unti-unting pumapatay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at sinilip ang oras sa screen.
Matapos ang gabing iyon sa dalampasigan, mabilis na lumipas ang mga araw na parang ipo-ipo. Umalis si Easton patungong Batangas at naiwan naman ako upang harapin ang sunod na laban ng buhay ko—ang board exam.Gusto kong patunayan sa lahat na hindi ako nagkamali sa pagpili kay Easton, at higit sa lahat, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.“Ano ulit ang pagkakaiba ng Classical at Operant Conditioning, baby?”Napaangat ang tingin ko mula sa makapal na reviewer sheet nang marinig ko ang baritono at medyo paos na boses ni Easton mula sa screen ng laptop ko. Alas-tres na ng madaling araw. Ganito na ang naging set–up namin simula noong nag aaral ako. Ngayon ko lang naisipang mag puyat dahil ilang araw na lang ay mag-e-exam na ako.“Ang Classical ay automatic ang response sa stimulator, Easton. Parang kung paano bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nakikita kita,” pilyo kong sagot, pilit na nilalabanan ang matinding antok.Narinig ko ang mahinang taw
Matapos iabot ni Drake ang bouquet ng mga bulaklak, napuno ng init ang puso ko. Ngunit bago pa ako makahakbang patungo sa lamesa para yakapin silang tatlo, naramdaman ko ang sabay-sabay na pag-atras ng aking mga kaibigan. Ang kanilang mga ngiti ay napalitan ng makahulugang mga tingin, at ang kanilang mga mata ay natuon sa lalaking nasa likuran ko. Lumingon ako kay Easton, nagtataka sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin.Doon ko napansin ang unti-unting pagluhod niya sa isang tuhod sa harap ko, sa ibabaw ng malambot na buhangin.Awtomatikong napaawang ang aking mga labi. Seryoso ba siya? Totoo ba itong nakikita ko ngayon?! Pinanood ko siya habang nilalabas niya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ang isang maliit na kahon. Nang bumukas iyon, tila huminto ang mundo ko. Doon, sa ilalim ng isinasayaw ng hanging gabi na mga fairy lights, kumikinang ang isang napakagandang dyamanteng singsing.“E-eloisa…” nangangatog na panimula ni Easton. Kahit minsan ay hindi ko naisip na maaari palang k
Sa wakas, undas break na! Pero hindi ko maintindihan bakit imbes na gawing pahinga ito ng mga professors namin, doon pa nila kami binagsakan ng mga gawain. May mga naka-schedule na rin silang exams at presentations. Hindi na talaga sila naawa sa ‘min. Kapag talaga minulto sila ng mga kamag-anak nam
“Good Morning, Miss Psych!”“—copath? Ayoko talaga!” Iling-iling kong sagot at saka pinag-krus pa ang braso ko. “Marami namang iba dyan! Bakit ako pa pinilit ninyo?”Pinalibutan ako ng mga babaeng kaklase ko. “Sagot na namin lahat! Makeup, hair, outfit, kami na bahala basta pumayag ka na.”“B0bo ak
Nagising ako nang maaga, kahit hindi pa tumutunog ang aking alarm. Excited na ako. Ngayong araw na kasi ang simula ng Intrams kaya dali-dali akong nag-ayos para makapasok agad dahil aayusan pa ako nila Trisha. Nagulat pa sila Mama at Papa dahil maaga akong nakaayos. Sumabay na ako sa kanila dahil
Kakatapos lang namin kumain ni Drake and I had to admit, talagang nag-enjoy ako! Marunong siya magdala ng usapan at alam kong wala siyang ibang intensyon. ‘Di tulad ng iba na ang lagkit na agad ng tingin sa ‘yo.“Are you up for a romantic relationship?” Tanong ni Drake habang inaayos ang mga plato







