Mag-log inSi Elosia Lyra Concepcion, ang unica hija ng pamilyang Concepcion, ay kilala sa buong unibersidad sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan ngunit labis na pasaway. Kaya nagpasya ang kaniyang magulang na ilipat siya ng unibersidad kung saan mababantayan siya ng kaniyang uncle na si Professor Easton Concepcion. Ngunit, hindi nila inasahan na ang hakbang na ito ang magiging simula ng mas malaking gulo. Sa pagitan ng tama at mali, sino ang masusunod—ang puso o ang katwiran? Handa nga ba silang ipaglaban ang damdaming alam nilang bawal? O pipiliin nilang itago ang lahat sa takot na masira ang mga buhay nila? Dahil para kay Elosia, masarap nga talaga ang bawal.
view more“Masarap ang bawal.” ’Yan ang motto na ginagawa kong prinsipyo sa bawat desisyon ko. At kung may mali doon, then maybe I was never meant to be right.
“You will transfer to school, whether you like it or not.”
Those are the exact words of my mother when she found out that I got expelled. Galit na galit itong humarap sa ‘kin habang itinatapik ang lamesa para pakalmahin ang sarili.
I crossed my arms and leaned back on my chair. “Seriously, Ma? Transfer? Dahil lang doon?”
Hindi ko naman kasalanan na nahuli kami ng janitor sa boy’s comfort room ha? Kung may dapat sisihin dito, hindi ba dapat ‘yong lalaking nanghila sa ‘kin at basta-basta na lang ako hinalikan sa loob? Bakit kasi hindi niya muna ni-lock ang pinto? Ayan tuloy, bitin!
Kung sino man gumawa ng katagang “masarap ang bawal,” tama nga siya. Nakaka-excite kasi sa feeling na gumawa ng kakaiba, na parang anytime may mangyayaring hindi mo inaasahan. I don’t like following the rules. That’s for normal people who like the boring stuff.
I don’t do boring things. I was born to break the rules and stand out.
“Wala ka nang ibang ginawa kundi bigyan ng kahihiyan ang pamilyang ‘to!” Nasira ang iniisip ko dahil sa matalim at malakas na boses ni Mama. “Hindi habang panahon ay malilinis namin lahat ng kalat mo, Elosia!”
I rolled my eyes. Wala naman kasi talaga silang pakialam sa ‘kin ‘e. Ang tanging kinakatakutan lamang nila ay madungisan ang kanilang mga pangalan lalo na sa publiko.
Pinabayaan ko na lang dumaldal nang dumaldal si Mama. Hindi naman na ako nakikinig talaga. Kahit ano namang paliwanag ko ay parang hangin lang sa kaniya.
“The decision is final, Eloisa. You’ll transfer to West Crestfall University para mabantayan ka ng uncle mo.”
Natigilan ako sa pagmuni-muni nang marinig ko ‘yon. Malinaw ang kaniyang pagkakasabi. West Crestfall? The university where my single and hot uncle is working? Gusto ko man sana ngumiti pero pinigilan ko ito para hindi na magalit pa lalo si Mama.
“Fine,” padabog kong pagsang-ayon. “I’ll transfer. Happy?”
Hindi na nagsalita pa si Mama, ang akala niya siguro ay sumusunod na ako sa kagustuhan nila. Ang hindi nila alam ay may namumuong plano sa utak ko.
Kinabukasan, kaagad akong nag bihis sa bago kong uniform at tinignan ang sarili sa salamin. Hanggang tuhod lang dapat ang aming palda ngunit mas pinaiksian ko ito at ang blouse ko naman ay mas pinahapit ko sa aking katawan para mas maipakita ang hubog ng katawan ko.
Pagpasok ko, halos lahat ng tao ay nakatingin sa ‘kin. Marahil ay nagtataka kung bakit may transferee student sa kalagitnaan ng academic year o baka sadyang ganoon lang ako kaganda sa paningin nila. Ang mga kalalakihan ay hindi maiwasang mag nakaw ng tingin. Ang mga kababaihan naman ay panay ang bulungan, halatang minamasid kung ako ba ay threat sa kanila.
Sige lang, titigan niyo lang ako.
Nilagpasan ko lang ang karamihan sa kanila at napansin ko ang isang lalaki na may makapal na salamin at may dala-dalang mga libro. Huminto ako sa harap niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Excuse me,” pag-agaw ko sa kaniyang atensyon gamit ng mapang-akit kong tono. “Saan dito ang Room 203?”
Medyo natigilan siya sa biglaang tanong ko. Halos namula ang mukha niya habang hindi mapakali at nag-ayos ng salamin. “Uhm, diretso lang po kayo tapos kumaliwa lang kayo kapag nakita niyo ang drinking station,” sagot niya, halatang kinakabahan.
Kaagad naman ako ngumiti ng pagkaakit-akit. “Thank you!” Sabay wink bago ko siya tuluyang tinalikuran.
Mamaya na lang ako hahanap ng type ko dahil ayokong ma-late sa klase ko. Delikado na at baka masumbong na agad ako kayla Mama. Sayang naman ang ultimate plan ko!
Pagpasok ko ng classroom, natahimik lahat ng mga kaklase ko. Hindi ko sila pinansin at dire-diretso umupo sa bakanteng upuan sa dulo.
Ipinatong ko ang baba ko sa palad ko at itinukod ang mga siko sa lamesa. Pinagmasdan ko ang bago kong classroom. Typical university classroom. Anim na hanay ng lamesa, puting dingding, at apat na inverter aircon.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may tumabi sa ‘kin. Tinignan ko ang katabi ko, at napangisi nang makita siya.
He’s wearing the same uniform as the other guys, pero nakabukas ang unang dalawang butones. May suot din itong makapal na chain necklace. Mahaba ang buhok at nakahawi sa gitna. Maliit ang mukha nito, pero kapansin-pansin ang matulis na panga. Hot!
“Party later,” aniya, sabay abot ng maliit na papel. “You look like someone who knows how to have fun.”
Maingat na tinignan ko ang papel. 8 PM. Red Room. Be there.
May sasabihin pa sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto at tumahimik agad ang buong klase. Dali-daling nagsi-upo ang lahat, at ang lalaki kanina ay tuluyang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
I noticed that he is trying to get my attention. But I was too absorbed looking at the man who stood in front of the class.
Shit, paano ka makakapag-concentrate kung ganito kaguwapo ang professor mo?
Matangos ang ilong, matikas ang panga, at ‘yong suot niyang simpleng black polo? Halos pumutok na ito sa laki ng kaniyang mga muscles. Matangkad siya, halos abot sa taas ng pintuan, at ‘yong mga brown na mata niya, parang nakikipag-usap sa ‘yo sa lalim.
Nagbulungan ang mga kaklase ko sa harapan, dahil bago siguro ito sa kanilang paningin.
“Good Morning class, I am Professor Easton, and starting now, I’ll be handling your class.” Malalim ang kaniyang boses, ‘yong tipong kahit magbasa lang ng attendance, mapapatingin ka talaga.
Paano pa kaya kung maririnig ko siya umuungol?
Nakatitig ako sa kaniya kaya nang mapatingin siya sa aking gawi ay agad nagtama ang mga mata namin ngunit kaagad din ako umiwas.
Of all places, dito ko pa talaga siya makikita sa harap ko, at ngayon ay hindi bilang si Uncle Easton, na siyang bunsong kapatid nila Papa, kundi bilang Professor Easton.
Gaya ng pangako ni Easton, hindi ko kailangan kabahan. Pagtapak pa lang namin sa loob ng maliit ngunit napakalinis nilang tahanan, isang mainit na yakap agad ang isinalubong sa amin ng kaniyang ina. Walang sinuman sa kanilang mag asawa ang nanghusga sa aking itsura ngayon. Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang pamilya ang purong pasasalamat dahil sa wakas ay kasama na nila ang anak na matagal na nawalay sa kanila.Sobrang gaan lang ng aming pag uusap na para bang matagal na namin sila nakakasama. Napagkaalaman ko na ang pangalan ng kaniyang tunay na magulang ay sila Tatay Eduardo at Nanay Melie, hindi na sila nag anak pa ulit dala ng kahirapan sa buhay. Namumuhay sila sa paglilinis ng mga bote na ginagawang lalagyanan ng suka. Sa kabila ng mabigat na trabahong ito na bakas sa magagaspang at may mga hiwa nilang palad, walang bakas ng pait sa kanilang mga mukha.“Ang sabi ko nga dito sa asawa ko ay lalaking g’wapo at matalino itong anak namin na mana sa ‘kin!” Turan ni Nanay Melie, sabay
"Where are we?” tanong ko nang mapansin ko nasa isang liblib na lugar kami.Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng bintana. Wala na ang nagtataasang mga gusali ng Maynila at ang trapik na madalas naming nasasalubong tuwing ganitong oras ay napalitan na ng mga naglalakihang puno at madilim at medyo matitirik na daan.Lumingon sa akin si Easton. Seryoso ang kaniyang mukha, ngunit may bakas ng labis na pananabik at malalim na emosyon sa kaniyang mga mata habang dahan-dahang itinigil ang kotse sa tapat ng isang simpleng gate ng isang tahimik na bahay.“Somewhere where you’ll fully get to know me,” makahulugan niyang tugon sabay patay sa makina ng sasakyan.Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nalilito ako sa kaniyang sinabi. Hindi na lang niya kasi sinabi ng direkta para hindi na nag-iisip pa ang pagod kong utak. Itong si Easton, iba rin mag isip ‘e.Doon pa lang dahan-dahang nag-sink in sa akin ang lahat. Ang pagkalito ko ay napalitan ng isang malaking realization. Tum
"Time is up! Pass your papers to the front," deklara ng proctor.Isang sabay-sabay na malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng buong silid. Kasabay ng pagtayo ko mula sa upuan ay ang pakiramdam na tila may malaking tinik na nabunot sa dibdib ko. Sa wakas. Tapos na ang board exam. Tapos na ang tatlong buwang paghihirap.Pagkalabas ko pa lang ng testing room, agad kong nakasubong sa hallway sina Trisha, Krisha, at Drake. Halata sa mga mukha namin ang matinding puyat at pagod, pero mabilis iyong napalitan ng malalaking ngiti nang magkaabot-abot ang mga tingin namin."Anak ng tokwa, natapos din natin!" ‘Di mapigilan na ekspresyon ni Trisha habang nag iinat ng katawan. “Mukhang kailangan kong dumaan ng simbahan mamaya at iaalay ko na lang kay Lord ‘yong mga ibang questions na hindi ko na nasagutan.”Sa totoo lang, kahit ako ay hindi sigurado sa mga sagot ko. Natapos ko naman lahat pero parang inihula ko na lang ang natitirang kalahati dahil sa lutang kong utak.“Kaninang Psych Assessm
Dapat ay nagpapahinga na ako. Pero heto ako, nakatitig sa kisame ng kwarto ko at hindi man lang dalawin ng antok. Gustong-gusto kong pukpukin ang ulo ko sa pader para lang tumigil ang utak ko sa pagtakbo, dahil sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay lalo ko lang nakakalimutan ang lahat ng inaral ko.Bukas na bukas ay mag sisimula na ang board exam na tatlong buwan kong pinaghandaan. Tatlong buwan ng puyat, iyak, at halos mabaliw na utak, lahat iyon ay nakasalalay sa kung ano ang isasagot ko bukas.Tatlong buwan na rin nang huli kong makasama si Easton nang personal. Sa mga sandaling gumuho ang sistema ko sa takot, ang yakap at presensya lang niya ang tanging nakakapagpatahimik sa akin. Gustong-gusto ko siyang makasama ngayon. Sana ay katabi ko siya. Sana ay narito siya para hawakan ang kamay ko, dahil alam kong sa isang haplos at bulong lang niya ay biglang mawawala ang lahat ng kabang unti-unting pumapatay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at sinilip ang oras sa screen.
“Tinuon ko lahat ng oras ko para sa sarili ko at wala akong tinapakang tao habang ginagawa ‘yon. Hindi ako naniniwalang may ibang tao pa ang gagawa nito sa ‘kin.” ‘Yon ang huling sinabi ko kay Arissa bago dumating ang waiter at nilapag ang mga order namin sa table. Ngunit kung titignan ang kaniyan
Natapos ang klase at wala pa rin tigil ang tingin ng mga estudyante sa ‘kin. May mga nagbubulungan kapag nakita ako, may mga biglang natatahimik kapag napapalingon ako, at ang ilan pa ay kunwaring abala sa cellphone kahit obvious naman na curious sa mukha ko. Nakakapagtaka lang at hindi pa ako pin
Hindi ko aakalaing aabot ako sa ganitong pagkakataon. Pero kung gusto kong kumilos at protektahan ang sarili ko pati na rin ang mga taong importante sa aking buhay, tama lang itong gagawin ko.Kahit pa may bodyguard kami palagi sa bahay, iba pa rin kung may mga taong magpapanggap na simpleng tao la
Naikuyom ko na lang ang palad ko habang lumilipas ang oras. Ayaw ko pakinggan lahat ng sinasabi ni Lukas sa ‘kin pero malapit na akong maniwala lalo na’t lagpas isang oras na ang nakalipas simula nang tawag namin ni Easton. Nandito pa rin kami ni Lukas sa salas, lumabas na rin sila Manang Evy at M












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu