Share

Chapter 6

Author: sheenxinxin
last update publish date: 2026-02-28 20:32:34

(Selene’s POV)

Lumipat kami sa sala sa ground floor ng mansion nina Fourth matapos na umalis ang mga bisita nila dahil mas maluwag doon. Isa pa ay may kailangan din kasing itanong si Fourth sa Mommy niya. Iyon ang trabaho niya ngayon, at itutuloy naman namin nina Joanna at Tyler ang iba naming gagawin.

Sumali rin naman sa amin si Fifth para may kasama daw siya sa paggawa ng assignments niya, habang ang Daddy naman nila ay nananatili rin dito kasama nina Uno, Dos at Tres. Tahimik lang din naman silang nanonood sa amin dahil magugulo ang mga kasama ko.

“I think bukas dapat talaga sa library na tayo gumawa nitong research papers natin,” sabad ko sa kanya-kanyang daldalan ng mga kasama ko.

“Sorry na nga Selene, ito na nga,” sabay na sagot sa akin ni Joanna at Tyler.

Tiningnan ko lang din naman nang masama ang dalawa at natawa lang din naman si Fifth, Fourth at Mrs. Delacroix sa akin. Hindi ko na lang din sila pinansin pagkatapos dahil bumalik na lang din naman sila sa kani-kanilang ginagawa, and I just check my wristwatch after I stretch my neck. Sa estado ng natatapos namin ngayon, mukhang hindi na nga kami makakapasok.

“Iniisip mo pa rin ba iyong trabaho natin? Maiintindihan naman tayo ni Boss, hindi ba?” Joanna suddenly asked me.

“Sa sahod ako nanghihinayang,” agad kong sagot na tinawanan niya lang naman agad habang abala pa rin ako sa ginagawa ko.

“Ikaw talaga, alam mo, napakaseryoso mo palagi. Magsaya ka naman minsan. Saka mabilis lang naman nating matatapos ‘to. Sigurado na ‘ko do’n. Tayo pa ba? Saka nagpaalam din naman kami nang maayos sa boss natin, huwag ka nang mag-alala diyan.” Joanna said again.

“Coming from someone na ginawang pasyalan ang bahay ng mga Delacroix?” I said, smirking, saka ko itinuloy ang ginagawa ko.

“Seryoso na ‘ko, okay,” pagtatanggol ni Joanna sa sarili niya.

“How about your other work? Nagpaalam ka na ba?” Tyler also asks.

“Oo, kanina pa,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Mabuti na lang talaga at nagpaalam na ako kanina pa. Usual routine na rin kasi namin na after class, doon na rin namin ginagawa ang mga research, assignments, and other things na kailangan naming gawin bago pumasok sa trabaho. Minsan naman, natutulog din muna kami o kumakain, naglalaba o kaya naglilinis ng bahay.

Tapos, kapag seven na ng gabi, doon na kami nagsisimula. Madalas, tumutugtog kami sa bar ng kaibigan ko hanggang eleven. From there ay papasok ako bilang panggabing crew sa resto na malapit doon hanggang alas kuwatro ng umaga. Paguwi ko naman ay matutulog ako at pagkatapos ay gigising ako ng six para maagang makapasok.

Ako na rin ang gumigising sa dalawa kapag papasok na kami. Sila rin kasi madalas ang kasama ko sa pagtugtog sa bar, kaya napupuyat din sila. Minsan naman, kapag may mga lakad kami na tungkol sa school, ay hinahayaan kaming mag-absent ng boss namin. Marami rin naman kasi kaming kapalitan na part-timers.

“You have part-time jobs?” Tres suddenly asks me.

Agad akong napalingon sa kanya saka ako napatango. Kabisado ko na tuloy ang mga boses nila kahit hindi ko sila direktang nakikita.

“But wait? Hindi ba sapat ang allowance na ibinibigay sa inyo? Full scholarship ba ang meron kayo?” Dos also asks.

“Sa iba naming mga kasamahan ay sakto lang iyon, pero para sa amin ay hindi. Binawasan na kasi ang allowance na ibinibigay sa mga scholars, dahil daw sa dorm at sa iba pang miscellaneous, saka nagdagdag kasi ng scholars,” agad kong sagot sa kanya.

“Really?” Dos said again na para bang hindi siya makapaniwala. Weird.

“Yes, kaya may mga pagkakataon na kailangan din namin ng part-time jobs. Kahit kasi may full scholarship na kami ay may binabayaran pa rin kami,” I answered again.

“But how about those scholars pero hindi full ang nakukuha?” Tres also asks.

Dahil doon ay napatigil ako sa ginagawa ko, saka ako napatingin sa kanya.

“Some of them have to work more than three jobs to survive, and most of them have to quit dahil hindi nila kinakaya. Actually, swerte pa rin kaming mga full scholarship ang nakukuha, pero nasa mga katulad talaga ng mga kasama namin ang epekto ng pagbabawas ng allowance,” I answered.

“Nasubukan niyo na bang mag-report ukol sa issue na iyon? Because as far as I know hindi ito ang nakakarating sa’min.” Uno asks.

This time, sa kanya ako napatingin. I forgot he’s the acting dean at narito rin ang Mommy niya.

“I didn’t mean to sound ungrateful, and I-I didn’t mean to accuse,” depensa ko.

“Just answer me.” Uno said again, kaya napatitig na lang din ako sa kanya.

“We did so many times. Hindi pa si Ms. Javier ang Dean noon at wala pa kayo, pero walang nangyayari. I even tried to coordinate this matter with the finance department at sa academy scholars president so many times pero wala pa ring nangyayari.” I answered. “And the craziest part? I once saw the report ng financial department tungkol sa budget sa mga scholars, since I am the student president, doon ibang-iba ang nakalagay na halaga sa report nila sa natatanggap namin. Ibang-iba ang rules na ibinababa nila sa amin sa ipinatupad ni Mrs. Delacroix noon at wala kaming magawa ni Ms. Javier sa issue dahil labas siya sa issue na iyon,” I casually answered.

Nakatitig lang din naman siya sa akin, pero biglang kumunot ang noo niya. Maybe hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko o talagang ayaw niya lang na maniwala. Maniwala man siya o hindi, bahala na siya basta sinabi ko na sa kanya ang totoo.

(Fourth’s POV)

“Kuya?” Agad kong tawag kay Kuya Uno nang makita ko siyang lumabas ng kwarto niya.

Kararating lang namin ni Dad mula sa paghatid sa mga kaklase ko, pero gising pa rin siya. Weird nga, dahil pasado ala-una na rin.

“May kaylangan ka ba? Magpahinga ka na,” he asked.

“Pinatatawag tayo nina Mom and Dad,” I said again.

Tumango na lang siya sa akin at nauna na siyang bumaba, kaya tinawag ko na lang din sina Kuya Tres at Dos na gising pa rin. Nasa baba pa kasi si Fifth kasama ni Mom, kaya sila na lang ang tinawag ko. At matapos kong tawagin ang dalawa pa, ay bumaba na lang din kami nang sabay-sabay diretso sa sala kung nasaan ang iba.

Mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan. Pinupulong lang naman kami nang ganito nina Mom at Dad kapag gusto nilang makausap kami sa seryosong bagay, tungkol man sa pamilya o sa organization.

“Mag-uusap lang tayo sandali. Gusto ko lang na magsabi kayo ng totoo. May itatanong lang ako,” agad na panimula ni Mom.

Nagkatinginan lang din naman kaming magkakapatid dahil sa sinabi ni Mommy, at maging ako ay kinakabahan sa kanila.

“Fourth anak, sabihin mo ang totoo. Do you really like Selene?” Mom then asked me.

Dahil doon ay agad din akong napatingin kay Kuya Uno saka ako napatingin muli kay Mom. Narinig ko kasi ang pinag-uusapan nila ni Kuya Dos sa backyard kanina, at narinig ko na gusto niya si Selene. Kaya siguro dapat ko na ring sabihin ang totoo sa kanila.

“Crush ko siya, but I like someone else, Mom,” agad kong sagot kay Mom habang nakatingin sa kanya, saka ako muling tumingin kay Kuya Uno. “We’re just friends for real at biruan lang talaga namin ni Fifth iyon. Ang totoo ay si Isabella ang gusto ko. Pero alam ko rin naman na hindi niya ako gusto dahil si Kuya Uno ang gusto niya, and it's fine with me. Hindi ko pa sineseryoso ang bagay na iyon. Magkaibigan lang talaga kami ni Selene. Close kami dahil alam niyang gusto ko si Isabella. Iyon ang totoo, Mommy.”

“Hindi ko gusto si Isabella,” agad na sagot sa akin ni Kuya Uno.

“Alam ko, Kuya, huwag kang magalala; alam kong siya ang may gusto sa iyo. Saka hindi ko pa talaga sineseryoso ang mga bagay na ito. Magkaibigan lang din kami ni Selene, pangako. Ligawan mo siya kung gusto mo siya, okay lang iyon sa akin,” I answered.

“Why would I do that?” nagtatakang tanong ni Kuya Uno sa akin.

“Kuya, alam naman namin na unang kita mo pa lang kay Selene, nagustuhan mo na siya. Huwag kami, ano,” sabad ni Fifth sa usapan.

“Oo nga naman, bro, bro, tutal naman pala at magkaibigan lang ang dalawa. Diskartehan mo na si Selene; mahaba ang pila sa kanya. Bahala ka,” sabad din ni Kuya Dos.

“He’s right, Kuya. Wala namang aagaw ng pagiging Boss mo sa organization if that’s what you want. You can save us sa responsibility, pero huwag mo ring kalimutan ang sarili mo. If you need her and if you love her, win her,” kuya Tres also said.

Ngumiti lang din kaming lahat sa kanya, and Mom and Dad smile also.

“Uno anak? Ullysses Norvan, listen to me. You don’t have to suffer alone, okay? Para saan pa na pamilya tayo, anak? We’re here, nandito kami anak. Marami kang pagdadaanan, pero huwag mong kalimutang maging masaya. Be happy. Okay? Be happy so we’re all happy. Live your life, son,” Mom said to him, at nakita ko rin agad na kumislap ang mga mata ni Mommy.

Her tears also ran down when Kuya Uno hugged her.

“I want you to be happy, don’t suffer the same pain as us. Live, love, and laugh, son, you need those. Don’t let the organization stop you from being the person you want to be,” Mom said again.

Dahil doon ay napayakap din kami sa kanila, then Dad hugged us.

“I knew that look, son, I knew it. So, don’t think that we will never allow that. Don’t stop yourself, make me the happiest. Because your Dad and I? We’re happy kapag masaya kayo anak. Kaya, be happy, make me and your Dad the happiest,” Mom said again.

Tinapik ko rin agad ang balikat ni Kuya Uno, saka ko siya nginitian. Agad din naman siyang ngumiti sa akin dahil doon bago kami muling maghiwa-hiwalay.

“Actually, I heard you talking with kuya Dos and kuya Lionel kanina, Kuya. I didn’t mean to do that, pero doon ko napatunayan na tama ang hinala ko na gusto mo nga siya,” I said again.

“You tell them?” Kuya Uno asks me.

Napakamot naman agad ako sa ulo ko dahil sinabi ko talaga kay Dad ang tungkol doon, and he probably told Mom.

“I told Dad, he maybe tells Mom,” I answered na agad nilang ikinatawa.

“Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, matagal ko nang sinabi kay Dad ang tungkol dito,” Kuya Dos also said.

Agad naman siyang tiningnan nang masama ni Kuya Uno, pero nagtawanan lang naman kami lalo.

“Kuya Dos, don’t worry, huwag ka nang mainip, susunod ka na kay Kuya Uno,” sabad ni Fifth na ikinatawa lalo namin.

“Baby? Basta huli ka ha?” seryosong-seryosong sabi ni Kuya Dos kay Fifth na ikinatingin lang din namin sa kakambal ko.

“Don't worry, I’ll be wise. I’ll settle kapag gusto ko okay?” Fifth answered.

Napangiti na lang kami sa kanya habang nakangiti lang din naman sa amin sina Mom at Dad.

“Triplets and twins, hindi namin kayo pinipilit na hawakan ang organization. Okay? Just like your Mom, puwede nating isalin sa mga kasamahan natin ang organization for them to hold. But if you really want to hold the organization, promise us you will never sacrifice your life and happiness,” Dad also said.

“Thank you, Mom and Dad,” Kuya Uno said again.

“Kaya natin ito, mga anak. Huwag ninyong isakripisyo ang buhay at kaligayahan ninyo para sa organization. If you wanted to do it, do it, kung hindi then don’t,” Mom said.

Muli kaming niyakap ni Mom at nauwi na naman sa group hug ang yakap na iyon. Bagay na hindi nawawala sa amin kahit pa lumaki na kami. Ganito kasi kami palagi. Mom always makes sure also na vocal kami palagi sa isa't isa. Hindi rin kami nahihiya na lambingin o maging showy sa pagmamahal sa isa't isa because Mom and Dad raised us full of love.

“Siya, sige, matulog na tayong lahat,” Mom said to us.

Sumang-ayon na lang din kami sa kanya saka kami sabay-sabay na umakyat sa second floor ng mansion. Hindi rin naman ako pumasok agad sa kwarto ko. Hinayaan ko lang na pumasok na sina Mom and Dad sa kwarto nila bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya Uno na agad ding natawa sa akin.

Hanggang sa mayamaya lang din naman ay pumasok na sina Kuya Tres at Kuya Dos, maging si Fifth. Sabay-sabay kaming naupo sa kama ni Kuya Uno habang natatawa lang siya sa amin.

“Kuya, magkuwento ka na. Since when mo pa ba nagustuhan si Selene?” agad na usisa ni Fifth sa kanya.

“Si Fourth muna dapat ang magkuwento, hindi natin alam na gusto niya si Isabella at matagal na iyon, pero hindi natin nahahalata. Ang galing magtago, ah,” Kuya Uno said.

Dahil doon ay napatingin agad sa akin ang mga kapatid ko, kaya agad akong natawa.

“Alam ni Fifth ‘yon, okay? Saka si kuya Uno muna dapat, siya ang first eh,” agad kong angal sa kanila na tinawanan lang din naman nila.

Magsasalita na rin sana siya, pero nagulat na lang din kaming lahat nang biglang may magbukas ng pinto ng kwarto ni Kuya, dahilan para matigil ang kuwentuhan. Agad namang pumasok sina Mom and Dad saka sila naupo sa kama ni Kuya gaya namin ni Fifth habang nasa lapag ang tatlong kuya namin.

“Game na, hindi niyo man lang kami hinintay, ito popcorn,” Mom said, that make us laugh also.

Agad din namang nagkuwento sa amin si Kuya Uno, kaya nakinig na lang din agad ako sa kanya.

Posible pala talaga iyong gano’n? Iyong love at first sight? Kagaya iyon ni Dad at Mom noon. Kung posible ‘yon, ako kaya? Mapapansin pa kaya ako ni Isabella?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 107

    (Fifth’s POV)Sabay-sabay na kaming lumabas ng garden nina Mom, matapos ko silang gisingin for breakfast. Saktong-sakto na naabutan naming sumasayaw ang kambal kasama si Artemis. She’s wearing just a sports bra at basa siya, indikasyon na naligo siya sa pool and she’s dancing for the twins na ginagaya rin siya.Abala naman sa pagtawa at pagpalaklak ang dalawang buntis na nakaupo sa may mahabang mesa na maraming pagkain, habang abala rin si Fourth at ang iba pa na halatang bagong gising din.“Baby, sobrang aga ng ligo mo. Baka magkasakit ka,” kuya Tres said to Artemis in his husky voice, dahil literal na kagigising lang talaga niya.“Hi, mga tito, tita, Dad, granny, and grandpa. Isang good morning muna diyan,” bati ng kambal sa amin na agad din naming ikinatawa kasabay ng mga nauna na sa amin.“Say it, twins, say it. Puro ako na lang ang napapansin ng mga ‘yan eh,” Artemis said, laughing, saka niya muling inayos ang buhok niya.“Ninang, let’s eat na lang kaya ulit para matapos na ‘to?”

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 106

    (Selene’s POV)“Posible ba na mapag-isa ang organization?” Artemis asks na agad na nakapagpakunot ng noo ko.“What do you mean?” Naguguluhan kong tanong.“I mean the organization where we belong and the Delacroix’s organization,” she answered.“It’s not possible,” Archer immediately answered.“Actually, wala pa namang nagpo-propose ng ganoong idea as far as I know sa history ng organization,” I answered.“But that doesn’t mean na pwede ‘yon,” Archer added. “Kung puwede ‘yon, sa tingin niyo, bakit hindi nangyayari?”Agad din kaming natahimik dahil doon.“Technically, the merging of Slater and Delacroix’s mafia was done because of Mrs. Delacroix. Sa kanya nagsimula ang idea na ‘yon, and they succeeded, kaya si Mr. Delacroix na ang nagpatakbo ng organization. But the organization where we belong? Ibang usapan ‘yon. Kung naaalala niyo pa, naging usapin pa noon na itakwil iyong triplets dahil nag-annul ng kasal sina Mr. and Mrs. Delacroix noon,” Archer continued explaining.“We have to try

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 105

    (Fifth’s POV)Makakahalata sina Selene at Archer. Sigurado akong mahahalata nila na hindi simple ang pagkawala ng dalawa. At the same time, kailangan naming lumipat sa mas secure na venue. Alam kong iisipin nila na hindi coincidence lang ito. Lalo na at kami ang naiwan ngayon.“Make sure they evacuated the area,” kuya Uno said to Fourth, and she immediately left with Kaleel to make sure na walang naiwang tao dito.“Aisha immediately defused the bomb in the north.” Balita ko sa mga kasama ko na agad na napalingon sa akin. “Luna’s working on the bomb on the south, at nasa east si Arche. Aisha’s going to the next location, which is the west.”“How about Art and Tres?” kuya Uno asked kaya agad akong napailing.“Still negative,” I answered. 

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 104

    (Fourth’s POV)When Selene left, Kuya Lionel immediately got Archer away. Lumabas muna sila sa kabilang side ng garden, kung saan hindi sila makikita ni Artemis. Sa kusina naman pumasok si Selene, and Kuya Uno immediately followed her, kaya naiwan na naman kami.“Okay, pagpasensyahan na natin sila. Alam kong hindi dapat ganito palagi, pero wala tayong magagawa, buntis. Alam niyo na hormones,” tita Leanna said to us.Hindi pa man kami nakaka-rekober ay siya namang baba ni Kuya Tres mula sa taas. He’s busy. Diretso siya sa glass wall. Saktong nakasalubong niya si Artemis na papunta na sana dito, pero may kausap siya. She does not look okay until kuya Tres takes the call.Hindi nagtagal ay bumalik na rin sina Ate Archer at Kuya Lionel, kasunod din nilang dumating sina Selene at Kuya Uno, pero sabay-sabay lang din silang napalingon sa mga nasa labas. Kuya Tres is still talking on the phone, and Artemis just waved her hand to Selene and ate Archer the moment she saw them.Nawala ang seryos

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 103

    (Fourth’s POV)Matapos ang araw na mag-walk out sina Selene sa family gathering. Wala na ring araw na nakita namin na hindi sila abala. They are all busy, pero hindi kami kasali doon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin namin nagagawa ang surprise baby shower dahil parang wala silang mood doon, kasi masyado silang abala.Madalas silang magkakasama. Madalas para bang marami silang pinag-uusapan na mahalaga. Madalas na nasa bahay ng mga Valle sina Kuya Uno at Kuya Tres, dahil naroon si Archer at Selene. At doon din madalas ang diretso ni Artemis. Minsan may pagkakataon na narito sila sa mansion, pero abala pa rin sila.Kakaiba iyon, hindi iyon simple lang. Walang sinasabi sina Mom and Dad about it, pero narinig ko minsan na tungkol sa organization ang pinag-uusapan at sa trabaho nila. Kaya madalas na narito ang kambal kasama namin.“Abala na naman iyong tatlo ah,” bati ko kay Kuya Dos na kasama namin ngayon sa sala ng mansion.Siya ang acting CEO ng company ngayon, pero wala kaming nari

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 102

    (Selene’s POV)“Ang bilis mo namang gumawa ng arrangement,” puna ko kay Tres na abala sa paghahanda kasama nina Uno at Lionel, habang si Artemis naman ay abala sa pag-iikot sa taniman ng Azalea.“Gusto ko nga sanang ipakita sa kanya ang campsite na ito as a surprise. I didn’t know na madadala ko siya dito dahil inaalo ko na naman siya,” Tres said, saka siya naupo kasama namin.Abala kami ngayon sa pag-aayos ng pagkain sa mahabang mesa sa ilalim ng punong mangga sa sentro ng campsite. Habang si Artemis ay kasama ang caretaker ng site at abala sila sa pag-iikot.“Pasensya ka na ha. Alam kong nahihirapan ka rin. At katulad nitong bunso ko; alam kong sa kanya ka lang nakatingin, just like how she is to me. At alam ko na nahihirapan ka rin na pakisamahan ang mga kapatid namin, lalo na sa ganitong sitwasyon, lalo na ang pumagitna. Habaan mo pa ang pasensya mo, ha?”“It’s okay, as long as she’s the one I’m looking to walang problema,” Tres assured me, kaya agad akong napangiti.“I’m sure nas

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 2

    (Selene’s POV)Naupo na lang ako sa tabi ni Joanna na kaklase ko ng tawagin niya ako habang nasa assembly hall kaming lahat, ngayon kasi ipakikilala ng official ang panibagong dean ng school na nakita ko na rin naman kahapon.At sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako sa resulta ng ginawa ko kahapo

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 1

    (Selene’s POV)Nananatili akong nakatayo sa hallway habang nakatitig sa pintuan ng dean’s office sa mga oras na ito, habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko rin malaman kung papasok ba ako, o tatayo na lang ako dito para lang huwag makatanggap ng disciplinary action paper. Hindi kasi

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 4

    (Selene’s POV)Agad kong tiningnan ng masama si Fourth ng makalayo na kami sa Mommy nila na agad din namang natawa sa reaksyon ko. Agad niya ring itinaas ang kamay niya habang natatawa siya sa akin tanda ng pagsuko.“Nakakahiya ka, pati ba naman ikaw ay naniniwala sa kalokohan ng mga iyan?” singhal

  • That Possessive Mafia Boss: Uno   Chapter 3

    (Selene’s POV)“Sa tingin niyo kakampi kaya natin ang bagong dean?”Napakunot agad ang noo ko sa tanong ni Tyler saka ako napatingin sa kanya habang naglalakad kami papasok sa school.“Hindi ko rin alam ang sagot sa bagay na ‘yan Tyler, may bali-balita kasi na iba sa mga kapatid niya si Mr. Uno Del

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status