INICIAR SESIÓNCHAPTER 2
" THE LIFE I NEVER CHOSE " Avianna's POV After what happened at the hotel earlier, dumiretso agad ako sa kwarto ko. I don't know what to feel. Magkahalo ang nararamdaman ko. Galit. Takot. Pagkalito. Pagkabalisa sa magiging kinabukasan ko. Hindi ko na alam. Halos mamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak dahil sa sinabi nina Mom at Dad kanina. Hindi ko alam kung magulang ko pa ba talaga sila o hindi na. May pakialam pa ba sila sa akin? Sa nararamdaman ko? Anak pa ba ang tingin nila sa akin? O isa lang akong mahalagang asset na maaari nilang gamitin para sa negosyo? Pakiramdam ko kasi ganoon. Hindi anak. Kundi isang bagay na kailangang sumunod sa lahat ng gusto nila. Wala na ba talaga akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Kahit man lang sa bagay na ito? Kung sino ang gusto kong makasama habang buhay? Pagod na pagod na ako sa buhay na ganito. Pagod na akong magpanggap na okay lang ang lahat. Pagod na akong sundin ang bawat gusto nila. Minsan napapaisip ako na baka may magandang dahilan sila para gawin ito. At kung mayroon man, baka kaya ko pang intindihin. Pero wala. Kahit isang paliwanag, wala. Kasalanan ba ang magreklamo nang ganito? Napahawak ako sa sentido ko nang sumakit ang ulo ko dahil sa stress, pagod, at kakaiyak. Malapit nang mag-alas diyes ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Inabot ko ang cellphone ko mula sa maliit na side table sa tabi ng kama. I opened my F******k account. Agad na lumabas ang isang notification. "You have memories to look back on today." Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga larawan noong elementary pa lamang ako. Masaya akong nakangiti kasama sina Mom at Dad. Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay may mapait na alaala. Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. Dahil naalala ko ang isang araw na pilit kong gustong kalimutan. --- Flashback --- Sa apat na sulok ng classroom, maingay ang lahat sa kakadaldalan at kani-kanilang ginagawa. Nang maglakad si Ma'am Love papunta sa harapan, unti-unting tumahimik ang buong klase. "Class, listen. I will now announce the valedictorian, salutatorian, and all the top students." Excited niyang anunsyo. Napuno ng hiyawan ang classroom. May kaba. May excitement. May lungkot. Iilang araw na lamang kasi ay graduation na namin. "Our class valedictorian is—" Lalong lumakas ang ingay. Naririnig ko ang ilan kong kaklase na binabanggit ang pangalan ko. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba. Pinagpapawisan ang noo ko kahit malamig naman ang hangin. Kailangan ako iyon. Kailangan ako ang valedictorian. Hindi ko dapat biguin sina Mom at Dad dahil iyon ang gusto nila. Ang maging top one ako palagi. Sa murang edad pa lamang, ramdam ko na ang bigat ng kanilang mga inaasahan. Ang pakiramdam na kailangan kong maging perpekto. Napapikit ako nang marinig kong muling magsalita si Ma'am Love. Ngunit sa pagkakataong iyon, parang gumuho ang mundo ko. Hindi pangalan ko ang narinig ko. "Our class salutatorian is Avianna Brie Saavedra." Nagpalakpakan ang buong klase. May mga bumati. May mga ngumiti. Pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Salutatorian lang ako. Paano na? --- End of Flashback --- Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa screen ng cellphone. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang araw na iyon. Hindi dahil naging salutatorian ako kundi dahil iyon ang unang pagkakataong naramdaman kong hindi sapat ang best ko. At mula noon, parang buong buhay ko nang sinusubukang abutin ang mga pamantayang hindi ko naman pinili para sa sarili ko. Muli akong napabuntong-hininga at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa pag-scroll sa newsfeed. Habang nag-i-scroll, napahinto ako nang makita ang post ng dati kong schoolmate. Nasa beach siya kasama ang mga kaibigan niya. Masaya. Malaya. Walang iniisip. Walang pressure. Walang expectations na kailangang abutin. She looked so happy and contented. Napangiti ako nang mapakla. "Siguro kung ganito rin ang buhay ko, masaya rin ako." Hindi sila mayaman. Simple lang ang buhay nila. Pero mukhang mas masaya pa sila kaysa sa akin. At least they can choose for themselves. At least malaya sila. Napabuntong-hininga ako. Bakit nga ba? Bakit hindi ko magawa ang gusto ko? Bakit kailangan palaging kagustuhan nina Mom at Dad ang masunod? Bigla akong napatigil. I could. Kahit ngayong gabi lang. Kahit isang beses lang. Gusto kong maranasan kung paano maging ako. Hindi ang anak nina Mr. and Mrs. Saavedra. Hindi ang tagapagmana ng kumpanya. Hindi ang babaeng ipinagkasundo sa isang lalaking hindi niya kilala. Ako lang. Just for this night. Walang magulang. Walang pressure. Walang arranged marriage. Dali-dali akong bumangon mula sa kama. Agad akong naligo at nagbihis. I chose a simple but elegant party dress and applied makeup that suited my look for tonight. Pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Tahimik ang buong bahay. Madilim na rin ang hallway. I think they're already asleep. Kinuha ko ang car keys at purse ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay gusto kong makalanghap ng kalayaan. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan ko sa harap ng isang bar. Napatingala ako sa malaking neon sign nito. "The Velvet Hour." Tahimik akong nakatitig dito habang mahigpit na hawak ang manibela. This is crazy. May parte sa akin na gustong paandarin muli ang sasakyan at umuwi. Bumalik sa kwarto. Magkunwaring walang nangyari. Pero kung gagawin ko iyon, bukas paggising ko, ganoon pa rin ang buhay ko. Pareho pa rin ang mga desisyong ipinipilit sa akin. At ayoko nang tumakbo mula sa sarili kong nararamdaman. Hindi ko pa ito nagagawa kailanman. Ngunit sa unang pagkakataon sa matagal na panahon... Pakiramdam ko ako ang may kontrol sa sarili kong desisyon. Huminga ako nang malalim. At saka bumaba ng sasakyan. Just for this night.“Under One Roof”Avianna’s POVParang hindi pa rin umaabot sa isip ko ang mga salitang narinig ko kanina.“Kyrex and Avianna will be living under the same roof.”Paulit-ulit ‘yon sa utak ko habang papalabas kami ng Lincoln Mansion. Ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat hakbang ko, parang mas mabigat pa kaysa sa aktwal na katawan ko.Hindi ako agad makatingin kahit kanino.Lalo na kay Kyrex.Tahimik siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero mas nakakakaba ‘yon—yung katahimikan niya na parang normal lang ang lahat kahit hindi naman.Sa loob ng sasakyan pauwi, walang nagsasalita.Si Mom minsan nagsasalita sa harap, pero hindi ko na naririnig. Parang lumulutang lang ako sa sarili kong isip.Living together?Hindi kami kasal.Hindi kami magkasintahan.Pero kailangan naming tumira sa iisang bubong?Para saan? Para sa engagement na hindi namin pinili?Humigpit ang hawak ko sa palda ko.At doon ko naramdaman ang maliit na pangingi
" BETWEEN US " Avianna's POV Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan si Mrs. Lincoln matapos kong marinig ang pag-uusap nila ni Maureen. Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko, paulit-ulit pa rin bumabalik ang mga salitang iyon. "Not necessarily." Bakit parang may mas malalim na kahulugan ang lahat ng sinasabi nila? Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Maureen sa studio? Dahil ba may namamagitan pa rin sa kanila ni Kyrex? O… ako lang ba ang biglang sumulpot sa gitna ng isang bagay na hindi pa talaga tapos? Paano kung hindi ako ang unang pinili? Paano kung ako lang ang pansamantalang kapalit? Hindi ko alam kung bakit… pero kahit alam kong ito naman ang gusto ko noon—na hindi matuloy ang engagement— may kung anong mabigat sa dibdib ko ngayon. Parang… ayokong ako ang “replacement.” Hindi ako makatulog. Alas-diyes na ng gabi pero gising pa rin ako, paulit-ulit ang pagbaliktad sa kama. Hanggang sa— Toot. Napalingon ako sa cellphone ko. Isang message. " Thank you fo
THE WOMAN FROM HIS PASTAvianna's POVParang nawalan ako ng boses dahil sa mga narinig at nasaksihan ko. Napatingin aki sa buong paligid ng studio. Lahat ng kanilang attention ay nasa amin. Nakikinig. Nagiguluhan.Nagbubulungan sa isa't-isa dahil pati sila ay naguguluhan din sa nangyayari. Naghahanap ng kasagotan kung bakit may babaeng nagpatigil ng lahat.Sino sya?Ano ang relasyon nilang dalawa?Marahil yan din ang mga iilang tanong na nasa isipan ng lahat nang nakatingin ngayon.Tinignan kong muli si Kyrex na nasa gilid ko. Tahimik at seryoso ang kanyang mukha. Walang bahid ng emosyon. Napatingin din ako sa babaeng nasa harapan ko. Nakakunot ang kanyang noo at ang kanyang mga mata ay may bahid ng luha.Nasasaktan sya. Hindi kaya may relasyon talaga silang dalawa habang nangyayari ang sa amin?" Why you didn't told me about this? " Nasasaktang tanong ng babae." There's no need. " Maikling sagot ni Kyrex habang nakatingin sa kanya." I just returned from abroad and the first thing
THE PRE-ENGAGEMENT PHOTOSHOOTAvianna's POV Para akong nawalan ng buong lakas sa nararamdaman ko ngayon. Ayo'ko bumangon. Wala akong gana. Pwede ba hindi nalang mangyari yung narinig ko kagabi.Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. Araw-araw may bagong nangyayari." Pre-engagement photoshoot? " Tanong ko sa sarili ko.Ini-imagine ko pa lang ang mga mangyayari mamaya ay kinakabahan na'ko. Ayaw ng mapakali ng puso ko sa pagtibok nang mabilis.Hindi ko alam kung paano ako gagalaw mamaya kaharap ang mga tao lalo na't katabi ko si Kyrex.Naligo na'ko nang mabilis at nagbihis bg simpleng damit lang. Isang simpleng blouse at jeans lang ang isinuot ko pinaresan ko ito ng sneakers at cap.Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakkataon at ngumiti.Ngiting mapakla. Kaya mo yan. Banggit ko sa sarili ko. Pampalubag loob nalang.Isinara ko na ang pinto ng kwarto at bumaba na. Nang makita ko sina dad at mom sa sala na nagkakape ay huminga ako nang malalim saka lumapit sa
Avianna's POVAndito ako ngayon sa kwarto nakahilata sa kama ko buong araw. Malalim ang iniisip. Wala akong ganang lumabas at makipag-usap dahil sa mga pangyayari nitong nakaraan.Ang bilis dumaan ng mga araw. Parang kahapon lang yung dinner ngunit sabado na naman ngayon. Ang araw na sana pwede kong hilingin na wala nalang, hindi mangyari. Kung pwede lang linggo na diretso para pwede kong maiwasan ang family gathering sa bahay ng mga Lincoln.Alas syete ng gabi ang oras ng gathering dun kaya kahit alas singko y medya pa lang ng hapon rinig na rinig ko na ang boses ni mommy. Kesyo kailangan ko na daw maligo dahil aayosan pa'ko ng mga hinire nyang hair and makeup artist.Kahit labag sa loob ko ang pagpunta sa pagtitipon na ito, kinuha ko balang ang tuwalya ko at dumiretso na sa cr para mag-shower. Binuksan ko ang shower at hinayaan lang dumaloy ang tubig.Pwede bang hilingin kong hindi ako pumunta sa pagkakataong to? Ngayon lang naman ako hihindi sa buong buhay ko kaso kami yata ng fia
Avianna's POVPagkatapos ng isa pang announcement na narinig ko mula kay Mr. Lincoln, mas lalo akong nawalan ng gana. Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko at ang tamlay ng buong katawan ko.Andito na'ko ngayon sa kotse at nakatingin sa labas, minamasdan ang daan pauwi ng bahay kasabay sina mom and dad. Hindi ko kayang iharap ang mukha ko at tignan sila lalo na si dad. Pakiramdam ko nag-iinit ang buong sistema ko dahil sa mga sinabi nila.Hindi ko alam kung ano pa ang kasunod nito. Ano ang mga plano nila sa amin." Avi, are you happy?" Mom asked kaya napatingin ako sa kanya." Opo. "Nagpilit ako ng ngiti at ngumiti rin sya at hinimas ang ulo ko." You have to. You will marry him soon. " Mom added.Tinignan ko sya at tumango. Pati rin ba ang pagiging masaya ay obligado? Dapat kailangan masaya ako sa sitwasyon ko kahit ang totoo ay hindi?" Avi. " Awtoridad na banggit ni dad sa pangalan ko." Yes, dad? " Muntik nang manginig ang boses ko." Don't disappoint us. Don't make any mist
Avianna's POV Isang napakagwapong lalaking nakatitig sa akin. Napailing ako at umalis sa pagkakahawak sa kanya at inayos ang suot ko nang ma-realize kung ilang segundo rin akong nakattitig sa kanya. " Pasensya na. " Naiilang na sabi ko. " Be careful next time. " He seriously said at umalis na.
THE MORNING AFTER AVIANNA'S POV " You're awake." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo at tinignan kung sinong nagsalita at agad kong nakilala ang may-ari ng boses. Siya. Yung lalaking nakabangga ko sa bar. Nanlaki ang mga mata ko nang
CHAPTER 3 " A TASTE OF FREEDOM "Avianna's POV Just for this night. Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang mga katagang ito. Bumaba na'ko ng sasakyan at tinignan ang gusaling nasa harapan ko. Maraming kasing edad ko ang pumapasok at lumalabas ng bar. Napabuntong hininga ako at napakapit ng
CHAPTER 1 " I REFUSE " Avianna's POV Kung may isang bagay na gusto kong maranasan sa buhay ko, iyon ay ang kalayaan. Hindi pera. Hindi karangyaan. Hindi ang pagiging tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa kundi Kalayaan. Dahil sa kabila ng marangyang buhay na mayroon ako,







