LOGINPagkalipas ng ilang sandali, tinalikuran ni Calix ang ideyang pumasok at tahimik na umalis.
Pagbalik niya sa opisina, sinindihan niya ang isang sigarilyo at binuksan nang kaunti ang bintana. Pumasok ang ingay mula sa labas, ang ugong ng mga sasakyan, mga yabag, at boses ng tao, ngunit hindi nito mapigil ang paulit-ulit na pag-ikot sa isip niya ng mga salitang binitiwan nina Carlo at Cassie.
Bawat linya ay parang pumapasok sa tenga niya muli’t muli. Parang tinig na ayaw tumigil.
Humugot siya ng malalim na usok, saka marahas na itinapon ang sigarilyo. Habang nililinis ang kamay, muntik na niyang mahawakan ang kwintas na nakasabit sa leeg, pero natigilan. Pagkatapos ay dahan-dahan niya itong hinaplos, paulit-ulit, hanggang sa unti-unting humupa ang bagyong nararamdaman sa dibdib.
Samantala, sa ospital, ibang kaguluhan ang nagaganap.
Si Aurora ay dinala roon matapos makipag-away kay Axel sa isang hotel. Nagsimula lang sa bangayan, nauwi sa pisikalan, nasugatan si Axel, at sa galit ni Aurora, bigla siyang inatake ng “fetal distress.” Kaya ngayon, naka-confine siya.
Pagkatapos niyang manggulo kay Carlo, humiling si Aurora na si Cassie mismo ang mag-alaga sa kanya. Dahil sa tungkulin, wala nang nagawa si Cassie kundi bumalik agad sa trabaho.
Ginawa siyang parang katulong ni Aurora, pinagdadala ng tubig, pinagpapalitan ng kumot, pinapagawa ng kung anu-ano. Pero kahit gano’n, nanatili siyang kalmado, propesyonal, at mahinahon.
Hanggang isang araw, habang sinusukat ni Cassie ang blood pressure nito, nagsimula na naman si Aurora.
“Cassie, bakit ka ba ganyan kababa?” matalim ang boses nito. “Kasama ko si Axel, asawa ko siya, at magiging ama na siya ng anak ko, pero ikaw, patuloy mo pa rin siyang inaakit?”
Napatigil si Cassie, malamig ang tono. “’Yan ba ang sabi sa’yo ni Axel?”
Ngumisi si Aurora, mayabang. “Of course. At naniniwala ako sa kanya.”
Napatawa si Cassie, ngunit ang ngiting iyon ay malamig. Ibinaba niya ang braso ng pasyente. “Sana manatili kang ganyan, Miss Medina. Sana habang-buhay kang gano’n ka-inosente sa harap ni Axel, dahil kapag nawala ‘yan, baka hindi magtagal ang kasal niyo.”
“Don’t try to start a fight,” balik ni Aurora, napapailing. “I don’t believe a word you say.”
Saktong bumukas ang pinto. Pumasok si Axel, halatang pagod, at sa pisngi niya, may mga bakas pa ng sugat.
Napakurap si Cassie. ‘Mukhang matindi nga ang gulo nila nung araw na ‘yon.’ isip niya.
Tiningnan niya ito sandali bago magsalita, banayad ang boses, tila walang galit. “May sugat ka pa rin… baka mag-iwan ng peklat. Come on, I’ll get you some ointment later.”
Malambing ang tono niya, at sa bawat salita, ramdam ni Axel ang pamilyar na init mula sa nakaraan.
“Hindi mo kailangang alalahanin kung okay ba siya o hindi!” sabat ni Aurora, halatang nasusunog sa selos. “He doesn’t need your concern!”
Nakaramdam ng bigat si Axel, pero pinilit niyang manatiling kalmado. “The doctor said you shouldn’t get emotional. It’s bad for the baby.”
Lumapit siya sa kama, kinuha ang mansanas at sinimulang balatan. Sa paglapit niya, bahagyang natahimik si Aurora.
Ngumiti si Cassie, ngunit hindi iyon ngiti ng pagkatalo.
‘Gusto niya akong pahirapan? Sige. Tignan natin kung sino sa atin ang mauubos ng pasensya.’
Lumapit siya at marahang inagaw ang prutas at kutsilyo mula kay Axel. “Let me,” sabi niya, kalmadong-kalmado. “Naalala mo noong college tayo? Lagi mo akong binabalatan ng prutas noon. Kaya tuloy may peklat pa ‘ko dito.”
Dumikit ang malamig niyang daliri sa kamay ni Axel. Sa sandaling iyon, para bang bumalik ang apat na taong nakaraan, ang mga tawa, ang lambing, ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa.
“Cassie…” mahina ang boses ni Axel, ngunit bago pa siya makasagot,
“Enough!” singhal ni Aurora, muling sumiklab ang galit.
Ngumiti lang si Cassie, parang walang narinig. “Miss Medina, here’s your apple.”
Inabot niya ang prutas, diretso sa kamay ng babae. “I peeled it together with Axel. Try it.”
Nanlaki ang mga mata ni Aurora, naputol ang hininga sa inis.
Ngunit hindi pa doon nagtapos si Cassie. Kinuha niya ang isang peras. “Naalala ko, favorite mo pears, ‘di ba? Let me peel one for you.”
Nagulat si Axel. Hindi niya akalaing naaalala pa ni Cassie ang maliliit na bagay tungkol sa iba. May kung anong kumurot sa dibdib niya.
“Pero,” dagdag ni Cassie, habang hinahati ang prutas, “masama ‘yan sa tiyan kung sobra. So half lang sa’yo, half kay Axel. Pregnant women should eat more fruits, good for the baby.”
Itinaas niya ang kalahating peras sa isa’t isa, parang hostess sa isang twisted na eksena.
“Bakit mo binigay ‘to sa’kin kung ayaw mo rin naman kumain?” singhal ni Aurora, nanginginig sa inis. Alam niyang nilalaro siya ni Cassie, at ang mas masakit, hindi man lang iyon pinapansin ni Axel.
Ngumiti lang si Cassie. “Ayaw mo ba? Then I can just share it with him.”
Agad-agad, sinunggaban ni Aurora ang peras mula sa kamay niya.
Tahimik na tinapunan ni Cassie ng tingin si Axel bago siya tumalikod. Nang makitang tapos na silang kumain, marahan niyang niligpit ang mga balat ng prutas sa mesa, ang ngiti niya’y kalmado, pero sa loob, alam niyang siya ang nanalo sa laban.
“Tila malinis pa rin dito,” sabi ni Cassie, mahinahon ngunit may ngiti sa labi. “Mukhang pareho kayong mahilig kumain ng peras… pero alam mo ba, sa matatanda, hindi maganda ang kahulugan niyan. Eating pears means separation.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aurora. Hindi pa man siya nakakasagot, nagpatuloy si Cassie, ang tono’y magaan, parang nagbibiro lang. “Pero siyempre, I don’t think Miss Medina is that superstitious. Modern woman ka, ‘di ba?”
Napuno ng tensyon ang hangin. Si Aurora, may laman pa ng peras ang bibig, halos mabulunan sa inis. Alam niyang binibira siya ni Cassie. Kung iluluwa niya iyon, talo siya. Kaya pinilit niyang lunukin, kahit parang apoy ang dumaan sa lalamunan niya.
Nang makalunok, tiningnan niya nang masama si Cassie. “I’m hungry. Go and buy us lunch!”
“Okay.” Walang emosyon sa tinig ni Cassie habang nililinis ang mesa. Pagkatapos ay marahang tumalikod at lumabas ng silid.
Pagkaalis niya, agad humarap si Aurora kay Axel. “Kung makikipag-usapa ka pa sa kanya, tatanggalin ko ang allowance mo ngayong buwan.”
Tahimik lang si Axel, pero ang puso niya’y parang tigang na lupa na biglang nabuhusan ng ulan.
Noong sila pa ni Cassie, lagi siyang naaakit sa paraan nitong magmalasakit, maalaga pero may distansya, parang laging may pader sa pagitan nila. Dahil doon, nang makilala niya si Aurora, mabilis siyang nahulog, isang babae na agresibo, marunong mang-akit, at may kayamanan.
Pero kalaunan, ang init ni Aurora ay naging apoy na dumurog sa kanya. Ginamit siya nito, ginapos ng pera, at tinanggalan ng dignidad. Ngayon, nang maramdaman muli ang mabuting loob ni Cassie, sumiklab muli ang isang damdaming matagal na niyang pilit nililibing.
***
Makalipas ang kalahating oras, bumalik si Cassie, may bitbit na dalawang paper bags. May manipis na pawis sa noo niya, at mapulang-mapula ang kanyang pisngi. Halatang nagmadali.
Awtomatikong gagalaw sana si Axel para tulungan siya, pero agad siyang napigilan ng mapanuyang ubo at tingin ni Aurora. Kaya nanatili siya sa kinatatayuan, pinilit huwag makialam.
“Pork rib soup, millet porridge, apat na ulam at isang sabaw, lahat ‘yan para sa’yo, Miss Medina.” Isa-isang inilapag ni Cassie ang pagkain sa mesa, maayos at magalang.
Napatingin si Aurora sa isa pang bag. “At ‘yan? Para kanino ‘yan?”
“Para kay Axel.” Ngumiti si Cassie, banayad at walang bahid ng galit. “Naalala mo ‘yong tindera ng spicy hot pot sa labas ng university noon? May branch na siya ngayon sa cafeteria ng ospital. Same taste, I swear. I bought it especially for you.”
May kakaibang kislap sa mga mata niya. Alam niyang bawat salitang iyon ay parang kutsilyong tumatama sa puso ni Aurora. Ginamit niya ang alaala ng apat na taong pagmamahalan nila ni Axel, bilang sandata.
Halos manlumo si Aurora. ‘She’s mocking me.’
Ramdam niya ang pait ng selos, ang mukha niya’y namutla, at sa isip niya, parang may sumabog na ingay.
“Lumayas ka!” sigaw niya, hindi na napigilan ang galit.
Ngumiti lang si Cassie, tahimik ngunit matalim. “Axel, try the spicy hot pot before it gets cold.” Pagkasabi niyon, lumabas siya ng kwarto nang hindi lumilingon.
Paglabas, diretso siyang nagmaneho patungong five-star restaunrat na malapit lang sa opisina ni Calix. Bumili siya ng pagkain para kay Calix, pinili ang mga paborito nito, steak, soup, at dessert. Pagdating niya sa opisina, maingat niyang binuksan ang pinto.
Nakita niyang abala pa rin ang lalaki, nakakunot ang noo, parang may mabigat na iniisip. Simula nang nangyari ang insidente kay Carlo, napansin niyang bihira na itong ngumiti. May kung anong lamig sa paligid niya na hindi nawala.
Ngumiti si Cassie, pilit pinasigla ang boses. “Husband, your lunch is here!”
Tumango si Calix ngunit hindi agad tumingin. Nilapag ni Cassie ang mga pagkain sa mesa, isa-isa, parang alay.
Ngumiti siya muli, bahagyang may halong biro sa tono. “Special delivery. From your favorite restaurant. Don’t say I don’t treat you well, hmm?”
Ngunit kahit pilit niyang gawing magaan ang eksena, ramdam niyang malamig pa rin ang tingin ni Calix.
Napatingin si Cassie kay Carlo at bahagyang napakunot ang noo. “Bakit ka ba pumunta sa ospital? May masama ka bang nararamdaman?”Agad siyang nabahala. Sa isip niya, baka may problema na naman sa kalusugan nito.Ngunit mabilis namang umiling si Carlo.“Wala naman.” Bahagya siyang ngumiti bago nagpatuloy. “Alam kong si Aaron ang nagligtas sa’yo, kaya naisip kong dumaan para magpasalamat. Hindi ko lang inaasahan na maaabutan ko ang ganoong eksena.” Napakamot siya sa ulo at napangiwi. “Ay, sayang nga pala. Noong sinuntok ko si Aries kanina, naihagis ko yung basket ng prutas na dala ko. Hindi ko na nabalikan.”Napatahimik si Cassie. Habang pinagmamasdan si Carlo, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang emosyon.Noon, isa lamang itong malaking batang kailangan niyang alagaan at protektahan. Siya pa ang halos mabaliw noon sa paghahanap ng tamang bone marrow para rito.Pero ngayon… Unti-unti na itong naging isang lalaking marunong nang tumayo para sa kanya.Isang taong handang sumugod a
Hindi man lang nagdalawang-isip si Calix.“Hindi. Maraming paraan para suklian ang isang utang na loob, pero ang palayain si Aira ay hindi isa sa mga iyon.” Malamig ngunit matatag ang kanyang boses.Para kay Calix, may isang bagay na hindi niya kailanman isasakripisyo, ang kaligtasan ni Cassie.Anumang banta sa buhay nito, gaano man kaliit, kailangan niyang putulin bago pa man ito lumaki.Napatingin si Tessa sa kanya at nakita ang desisyong hindi na mababago. Kung kaya't wala na rin siyang ipinilit. “Kung ganoon, hindi na ako makikialam sa usaping ito. Gawin ninyo kung ano ang sa tingin ninyo ay tama. Susubukan ko na lang kausapin at kumbinsihin ang tatay mo.”Bahagyang tumango si Calix. Doon na nagtapos ang usapan.Pagsapit ng hapon, nakapagpahinga sandali si Cassie bago niya niyaya si Calix na bumili ng ilang regalo at prutas.Pagkatapos noon ay dumiretso sila sa ospital.Anuman ang nangyari sa nakaraan, si Aaron pa rin ang taong nagsugal ng sariling buhay upang iligtas siya.Ngayon
Nagising na si Aaron. Mamaya, dumaan ka sa ospital para bisitahin siya.”Hindi man lang tumingin si Cedrick kay Cassie. Sa halip, direkta niyang kinausap si Tessa.Napatingin si Tessa kay Cassie bago siya bahagyang tumango.“Pupunta ako. Pero noong nakaraang dalawang araw na nakakausap ko si Mrs. Benetiz, halatang ayaw niya akong kausapin. Baka pakiramdam niya, may pagkukulang ang Rosales sa kanila.”Napatingin muli siya kay Cassie, ngunit nanatiling tahimik.Bahagyang kumunot ang noo ni Cedrick at may bahid ng paninisi sa boses niya.“Hindi ba nila naiintindihan ang sitwasyon? Ilang araw na nakahiga sa ospital si Aaron dahil iniligtas niya siya. Kakagising pa lang niya ngayon, pero nagawa pa rin nilang ituloy ang kasal. Mas malala pa, ang anak ng Benetiz ay nauwi sa kulungan.”Tahimik lamang si Tessa habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Cassie.Napailing si Mrs. Rosales at marahang ibinaba ang kanyang kubyertos.“Ano ba naman kayo? Parang sabay kayong nagpaparinig. Kung may gusto kay
Pagkatapos ng kasal, isinama ni Calix si Cassie sa mesa kung saan nakaupo ang matanda. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, agad siyang itinulak ng matanda palayo sa tabi ni Calix.“Tingnan mo nga ang batang ’to,” reklamo ng matanda habang pinandidilatan ng mata si Calix. “Kakasal pa lang, hindi na marunong bumati sa mga bisita. Kung saan-saan pumupunta, bitbit ang asawa. Naka-high heels na nga si Cassie, gusto mo pa yatang mapagod siya nang tuluyan.”Hindi napigilan ni Cassie ang mapangiti. Kahit sermon iyon, ramdam niyang puno iyon ng pagmamahal.Hinila siya matanda para maupo sa tabi niya.“Halika rito. May ipapakilala ako sa’yo.”Itinuro nito ang babaeng nakaupo sa tabi ni Cedrick. Nang mapansin ni Cedrick ang paglapit nila, agad itong tumalikod at umalis, na para bang ayaw makisali sa usapan. Naiwan ang babaeng elegante at tahimik na nakaupo lamang sa puwesto niya.“Siya ang asawa ng ama ni Calix,” paliwanag ng matanda. “Ilang taon na silang kasal. Stepmother siya ni Calix. Sum
Talagang wala silang balak bigyan ng kahit kaunting pribadong oras ang magkapatid.Nang makita ni Calix ang abalang-abala na si Cassie, halos nakayuko na ito sa dami ng inaasikasong bagay para sa kasal, hindi niya napigilang mapangiti.“Napadaan ako para tingnan kung may maitutulong ako rito.”Dahan-dahan siyang lumapit. Nang makita ang seryosong ekspresyon ni Cassie, itinaas niya ang kamay at ginulo nang bahagya ang buhok nito.“Kailangan mo ba ng tulong?”Agad namang namula ang mukha ni Cassie. Tinabig niya ang kamay nito at mabilis na umiling na parang tambol.“Hindi! Kaya ko ito.”Lalong lumalim ang ngiti ni Calix bago siya lumingon kay Carlo.“May ilang detalye pa akong gustong pag-usapan tungkol sa kasal. Gusto mo bang lumabas muna tayo sandali?”Ibinaba ni Carlo ang hawak niya at tumango.“Sige.”Magkasabay na lumabas ang dalawang lalaki at nagtungo sa hardin.Naiwan si Cassie sa loob ng bahay. Hindi niya napigilang irapan ang papalayong likod ni Calix.Pakiramdam niya ay gusto
“Mas alam mo kaysa kanino man kung sino talaga ang dahilan kung bakit nangyari ito sa ama mo.”Malamig ang boses ni Calix habang inilalagay si Cassie sa likuran niya, tila isang matibay na pader na handang humarang sa anumang panganib.Saglit na kumislap ang pagkabahala sa mga mata ni Aira, ngunit mabilis din itong napalitan ng matigas na pagmamataas.“Of course, siya ang may kasalanan!” matalim niyang sagot habang nakaturo kay Cassie. “Nasagasaan si Daddy dahil iniligtas niya siya!”Bahagyang kumitid ang mga mata ni Calix.“Talaga?” mababa niyang tanong. “Kung ganoon, paano mo nalaman na nasagasaan ang ama mo habang inililigtas si Cassie?”Natigilan si Aira. Nagpatuloy si Calix nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.“Pinatahimik ko ang lahat ng balita tungkol sa insidenteng ito. Nang ipaalam namin sa pamilya ninyo ang nangyari, malinaw kong ipinag-utos na huwag sabihin ang totoong detalye. Kaya sabihin mo nga sa akin, Miss Benetiz... paano mo nalaman ang eksaktong nangyari?”Biglang
“Tita, grabe, dito pa talaga tayo nagkita!” bahagyang nanginginig sa tuwa ang boses ni Carlo. “Two days ago lang, pinag-uusapan pa natin sa ospital sa Manila ’yong tungkol sa mga librong may bukirin. Tapos pagdating ko pa lang sa Cagayan, ikaw agad ang nakita ko!”Napangiti rin ang babae, halatang
Magkaharap ang dalawang matanda sa mesa ng chess, kapwa halatang beterano at tunay na nahuhumaling sa laro. Maaga pa lamang ay nandoon na sila, at matapos itaboy si Cassie, halos sampung minuto silang hindi gumalaw, para bang ang buong mundo nila ay umiikot lamang sa itim at puting mga piyesa sa har
Isang file at isang wrench ang dala nila, tig-isa sina Cassie at Carlo, bago sila sabay na tumalikod at umalis.Hindi man lang nagtanong ang babae kung saan sila nakatira, ni hindi rin sila inabala na ihatid pauwi. Hindi pa sila gaanong nakakalayo mula sa bahay nang marinig pa rin nila ang masiglan
Dito naunawaan ni Cassie kung saan nagmula ang impormasyong nakuha ni Calix tungkol sa address na ito. Totoong ipinapadala rito ng kanyang ama ang mga liham. Ngunit ang mailbox ay punô pa rin, siksik sa mga sobre, at walang kahit anong bakas na binuksan man lamang ang mga iyon.Ibig sabihin, ni isa







