Share

Chapter 4

Author: Batino
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-23 11:04:42

“Best, ito yung magiging kwarto mo… at sa isang pintong ’yan, ’yan yung magiging kwarto ng magiging baby namin ng asawa ko.”

Mahinahon ngunit may awtoridad ang tinig ni Theariza habang itinuturo ang pintuang nasa loob ng maluwang na silid. Malaki ang kwartong iyon—may mataas na kisame, kristal na chandelier, at malalambot na carpet na kulay garing. Halatang pinaglaanan ng panahon at pagmamahal ang bawat detalye.

Tahimik na napalunok si Althea habang iniikot ang paningin sa paligid. Hindi niya maikakaila ang lawak at ganda ng bahay. Ang lahat ng ito—kayamanan, pangalan, respeto—pagmamay-ari ni Theariza.

“Wow… ang ganda naman ng silid na ’to,” plastikan niyang sabi, pilit ang ngiti. Hindi niya ipinahalata ang bahagyang inggit na kumurot sa kanyang puso.

“Gusto mo bang kumain?” tanong ni Theariza, mahinahon at magalang pa rin sa kabila ng pagiging amo ng bahay.

“Busog na ako, best. Kumain ako sa bahay ng parents ko bago ako umalis doon. Magpapahinga na ako… ’di ba bukas na gagawin ang surrogation?”

Saglit na tumahimik ang paligid. Ang salitang surrogation ay tila may bigat na bumagsak sa pagitan nila.

“Oo, tama ka. Bukas na,” sagot ni Theariza, pilit na matatag. “Kaya magpahinga ka na. Kailangan mong maging maayos ang pakiramdam mo.”

“Oo… salamat.”

Pagkasara ng pinto, unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Althea. Ang maamong mukha ay napalitan ng malamig na titig.

“Napakalaki ng bahay… napakaganda ng buhay,” bulong niya habang hinahaplos ang sarili niyang tiyan.

Lingid sa kaalaman ni Theariza—buntis na siya. At si Alexander ang ama.

Matagal na nilang plano iyon. Hindi na kailangan ng surrogation dahil nauna na ang lahat—sa mga palihim na pagkikita nila sa parehong hotel na kanilang tagpuan. Sa bawat gabing sinasabing may meeting si Alexander, sa bawat pag-uwi nitong pagod—si Althea ang kasama niya.

“Hindi magtatagal…” mahina ngunit puno ng ambisyon ang kanyang tinig.

“Ako na ang kikilalaning Mrs. Huston.”

Bahagya siyang napangiti.

“Pero sa ngayon… kailangan ko munang magpanggap. Hanggang sa tuluyan nang mawala sa buhay namin ang babaeng ’yon.”

*******************

Sa master bedroom ng bahay—ang silid ng tunay na may-ari.

Pagpasok ni Theariza, agad niyang nasilayan si Alexander na mahimbing nang nakahiga. Malawak ang kama, may malalambot na unan at makapal na comforter. Sa dingding ay nakasabit ang kanilang wedding portrait—nakangiti, puno ng pangako.

“Ilang gabi na… lagi siyang pagod kung umuwi,” bulong ni Theariza habang marahang inilapag ang kanyang bag.

Kung nabigyan ko lang sana siya agad ng anak… baka mas naging buo ang pamilya namin.

May kirot sa kanyang mga mata. Siya ang may-ari ng bahay. Siya ang legal na asawa. Ngunit bakit pakiramdam niya’y may kulang?

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at umupo sa gilid nito.

Pinagmasdan niya ang mukha ni Alexander—ang lalaking minahal niya nang walang kondisyon.

Marahan siyang humiga sa tabi nito at niyakap siya mula sa likod. Isang yakap na puno ng pangungulila at pagmamahal.

“Mahal kita…” halos hindi marinig ang kanyang bulong.

Ngunit si Alexander—gising.

Nakapikit lamang siya, nagkukunwaring tulog. Ramdam niya ang init ng yakap ng asawa. Ramdam niya ang lambing na hindi na niya kayang suklian.

Dahan-dahan siyang gumalaw, kunwari’y nasa mahimbing na pagtulog. Marahan niyang inalis ang kamay ni Theariza sa kanyang dibdib.

Unti-unting bumagsak ang kamay ng babae sa kama.

Nanatiling nakapikit si Alexander—tinatakpan ng dilim ang kanyang konsensya.

Samantalang si Theariza, kahit nakapikit na rin, ay may luhang tahimik na pumatak sa kanyang unan.

Isang oras matapos…

Tumayo si Alexander nang mahinahon, tinitingnan ang natutulog na si Theariza—hindi niya alam na ang babae ay nagkukunwari lang ring makatulog para hindi makita ang pag-alis ng asawa.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at lumabas, dala ang kanyang cellphone. Diretso siya sa silid ni Althea, walang alinlangan sa mga hakbang. Pagbukas ng pinto, agad siyang sinalubong ng yakap ni Althea.

“Akala ko hindi ka na darating,” bulong nito, hinalikan siya sa pisngi. Baka mamaya hinalikan kapa niya.

“Huwag mong isipin ‘yon,” sagot ni Alexander, inilagay ang cellphone sa mesa. “Nagkunwari lang akong tulog para hindi na siya makulit.”

Napangisi si Althea. “Bukas na ‘yung surrogation.

At kailangan maging successful ang lahat .saad ni Althea, nakausap mo na ba si Doc Allan.

“Oo naman,” sagot ni Alexander, hawak ang tiyan. “Ang anak natin ang dapat makamtan lahat ng ito. Hindi siya.”

“Alexander? Nandito ka ba?”

Anong pinaguusapan niyong dalawa?“Best… bakit nandito si Alexander?” tanong niya, ngunit alam na niya ang sagot.

“Nandito lang ako para kausapin siya tungkol bukas,” plastik na sagot ni Alexander. “Baka kasi may mga detalye pa kasi siyang hindi napag-usapan tungkol sa surrogation.”

“Totoo ba ang sinasabi niya best? Eh ano yung maririnig kong ang anak niyo ang dapat magnamasa ng lahat?”

Napalakas ang paghinga ni Althea, ngunit hindi umimik. Si Alexander naman ay tumayo at nilapitan ang asawa.

“Mali ka ng pandinig?” mahinahong sabi ni Alexander.

“Wag na tayong maging plastic, Sweetheart, sabihin na natin sa kanya ang totoo..

Anong sinasabi niyo? Anong totoo ang sinasabi niyo?

“Ngumiti ang dalawa, bago nagsalita si Alexander.

“Dahil hindi mo ako kayang bigyan ng isang anak!” sigaw ni Alexander, “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko makamtan ang tunay kong ninanais! Si Althea lang ang nakapagbigay sa akin ng lahat ng gusto ko!”

“A-anong sinasabi mo, Alexander? Hindi kita maintindihan!

Best, anong sinasabi niyo! Hindi ko kayo maintindihan!”

Halos manginig ang buong katawan ni Theariza habang nakatitig sa dalawa. Ramdam niya ang panlalamig ng hangin sa silid, ngunit mas malamig ang paraan ng pagtitig sa kanya ni Alexander—walang lambing, walang bakas ng dating pagmamahal.

“Hindi pa ba malinaw sa’yo, Theariza?” malamig at mariing saad ni Althea. “Hindi mo ako best… dahil ako na ngayon ang papalit bilang Mrs. Husyon…”

Parang isang malakas na sampal ang mga salitang iyon. Nanlaki ang mga mata ni Theariza. Unti-unting napuno ng luha ang kanyang paningin habang pilit inuunawa ang ibig sabihin ng narinig.

“Paano niyo nagawa ’to sa akin? Best friend kita!” sigaw niya, halos mabasag ang boses sa sobrang sakit. Ang dibdib niya’y tila pinipiga, bawat paghinga ay may kasamang kirot.

Dahan-dahan siyang lumingon kay Althea. Ang babaeng minsan niyang tinawag na kaibigan. Ang babaeng pinagkatiwalaan niya sa loob ng sarili niyang tahanan. Nanginginig ang kanyang labi habang nagsasalita. “Akala mo ba makakamtan mo ang lahat sa pamamagitan ng pandaraya? Isang bata lang ay hindi sapat para makuha ang lahat ng gusto mo.”

Saglit na naghari ang katahimikan. Ngunit ang katahimikang iyon ay mabigat—punong-puno ng galit, inggit, at pagtataksil.

Hindi na kinaya ni Theariza ang presensya nila. Tinalikuran niya ang dalawa, pilit pinipigilan ang pagguho ng kanyang emosyon.

“Tatawag ako ng pulis! Hindi kayo pwedeng magtagumpay!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mayrose Matabia
grabe nakakdurog ng puso
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen O Angela 5

    Aakyat na sana ako papunta sa aking silid nang bigla kong narinig ang nagmamadaling yabag ni Helda sa likuran ko. Bago pa ako tuluyang makahakbang sa susunod na baitang ng hagdan, mariin niyang hinablot ang aking pulsuhan. "Bastos kang bata ka!" galit niyang sigaw. "Kahit si Angela ang pinalaki ko sa loob ng labing-anim na taon, ikaw pa rin ang anak ko!" Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang pilit binabawi ang aking kamay. Ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang hawak. Sa gitna ng aming paghihilahan, nawalan ako ng balanse. Nadulas ang paa ko sa gilid ng hagdan. Napabitaw si Helda sa gulat, ngunit huli na. Nagkandamali ang aking mga hakbang habang pilit akong kumakapit sa handrail upang hindi tuluyang mahulog. Hindi ko na naabot ang handrail. Dumulas ang mga daliri ko habang tuluyan akong nawalan ng balanse. "A-ahh!" Sunod-sunod na tumama ang likod, balikat, at ulo ko sa bawat baitang ng hagdan. Malalakas na kalabog ang umalingawn

  • The Billionaire Who Watched me Die   KAREN O ANGELA 4

    POV: Karen Nang makita ng babae na wala na sina Mama at Papa, kasama si Angela, ang anak na matagal na nilang hinahanap, dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanina'y nag-aalalang tingin ay napalitan ng matinding galit. Mabibigat ang hakbang niyang lumapit sa akin habang nakatayo ako sa may hagdan. Napaatras ako nang bahagya nang makita kong nanginginig sa galit ang kanyang mga kamay. Huminto siya sa tapat ko at mariing itinuro ako. "Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo kay Angela?!" sigaw niya, halos mawalan ng boses. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. "Inalagaan ko si Angela sa abot ng makakaya ko! Siniguro kong wala siyang kahit isang sugat sa katawan. Pero ikaw..." napailing siya habang pinipigilan ang galit at pagkadismaya. "Isang tulak lang ang ginawa mo para mahulog siya sa hagdan dahil alam mong mawawala ka na sa pamilyang matagal mo nang nakasama!" Nanatili akong nakatayo habang sunod-sunod na tumama sa akin ang bawat salitang ibi

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela. 3

    POV: Karen Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang tumakbo si Angela papunta sa kinatatayuan ko. Huminto siya sa harap ko at ngumiti. "Ate... Ate Karen," mahina ngunit masaya niyang bati. "Kinagagalak kitang makilala." Hindi ako agad nakapagsalita. Bago pa man ako makapag-react, niyakap niya ako. Sa yakap na iyon, unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Akala ko... galit siya sa akin. Akala ko, sisisihin niya ako sa lahat ng nangyari. Pero mali pala ako. Mahina kong ibinalik ang yakap niya. Nang lingunin ko sina Mama at Papa, nakita ko ang mga ngiti sa kanilang mga labi. "Napakabuti talaga ni Angela," emosyonal na sabi ni Mama. "Kahit labing-anim na taon siyang nawalay sa atin, wala siyang kahit katiting na galit kay Karen." Napangiti ako. Marahil... Magiging maayos din ang lahat. Ngunit sa mismong sandaling iyon, naramdaman kong lalo pang humigpit ang yakap ni Angela. Lumapit ang labi niya sa aking tainga. At sa mahinang boses na kami lang ang makakarinig, bu

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela - 2

    POV: Karen Saglit akong napatigil sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ko ang usapan nina Mama at Papa sa sala. Hindi ko sana papansinin, ngunit may kung anong kaba ang biglang sumiksik sa dibdib ko. Tahimik akong nanatili sa kinatatayuan ko, pilit na pinakikinggan ang kanilang usapan. "Paano ba natin sasabihin sa kanya?" puno ng pag-aalalang tanong ni Mama. Napakagat ako sa labi. Tungkol saan? Sino ang tinutukoy nila? Napahigpit ang hawak ko sa railings nang marinig ko ang sagot ni Papa. "Hindi siya ang tunay nating anak... at si Angela ang tunay nating anak." Parang biglang tumigil ang mundo ko. Nawalan ako ng marinig. Nawalan ako ng maramdaman. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Hindi siya ang tunay nating anak. Si Angela ang tunay nating anak. Ako ba ang tinutukoy nila? Ako? Ang anak na labingwalong taon nilang pinalaki? Ang anak na buong buhay na naniwalang siya ang tunay na anak ng pamilyang ito? Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla

  • The Billionaire Who Watched me Die   Karen o Angela. Unang kabanata

    Humahagupit ang malakas na hangin habang walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Ang mga puno sa labas ay halos mabali sa lakas ng bagyo, at ang kalangitan ay paulit-ulit na nililiwanagan ng nakakasilaw na kidlat. Sa gitna ng nagngangalit na panahon, abala ang mga doktor at nars sa loob ng isang pribadong ospital. “Dok, walong sentimetro na ang bukas ng cervix!” sigaw ng isang nars habang mabilis na itinutulak ang stretcher papunta sa delivery room. Sunod-sunod ang pag-ugong ng kulog na tila nakikisabay sa mga daing ng mga babaeng manganganak. Sa kabilang dulo ng ospital ay naroon si Victoria Monteverde, ang asawa ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Nakasuot siya ng mamahaling hospital gown habang napapalibutan ng mga doktor at personal na nars. “Konti na lang, Ma'am Victoria. Malapit na po,” pagpapakalma ng doktor. Sa kabilang banda naman ng parehong palapag ay naroon si Aling Rosa, isang simpleng tindera ng gulay na halos walang pambayad sa ospital. Basa pa ang kanyang da

  • The Billionaire Who Watched me Die   Wakas

    Habang unti-unting lumulubog ang araw sa likod ng hardin ng mansyon, mas lalong naging payapa ang paligid. Ang hangin ay banayad, at tila pati ang mundo ay nakisama sa katahimikan ng bagong yugto ng kanilang buhay. Tahimik na pinagmamasdan ni Alexander ang mag-ina niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Theariza habang karga ang maliit na si Baby Thearonna. “Hindi ko akalaing darating tayo sa puntong ito,” mahina niyang saad, may halong pag-igting ng emosyon sa kaniyang boses. Ngumiti si Theariza habang marahang hinaplos ang pisngi ng kanilang anak. “Dumaan tayo sa napakaraming sakit, Alexander… pero tingnan mo ngayon,” sagot niya, puno ng luha ang mga mata ngunit masaya. Sa hindi kalayuan, tahimik na nakatanaw si Master Rereio. Hindi na mababakas ang dating galit sa kaniyang mukha, kundi puro kapanatagan na lamang. “Minsan, ang mga pagkakamali ang nagdadala sa atin sa tamang landas,” mahinang sabi niya sa sarili bago bahagyang ngumiti. Lumapit si Althea, may bakas

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 193. Ang B@ngkay ni Alexander

    Habang abala ang dalawang bata sa Mansion ng Montellana Mansion, abala naman si Theariza sa madilim na bodega kung saan nakagapos si Alexander. “Ano ba, Theariza?! Pakawalan mo ako rito!” sigaw ni Alexander habang pilit kumakawala sa pagkakatali ng kanyang mga kamay. Halatang takot na takot na ito

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 180

    “Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko…” Hindi ko na maramdaman ang paligid. Ang sakit… parang unti-unting nilalamon ang buong katawan ko. Pero mas masakit— yung takot na hindi ko na siya makikita pa. “Darryl…” mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. “Ang anak ko

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 176

    Nanlaki ang mga mata ni Alexander. “Ano…?!” paos niyang tanong, pilit hinahabol ang hininga habang nakayuko pa rin sa railings. Dahan-dahang yumuko ang lalaki upang pantayan ang kanyang mukha. Ramdam ang mabigat nitong presensya, at ang malamig na titig na tila kayang pumatay kahit walang hawak

  • The Billionaire Who Watched me Die   Chapter 167

    Bahagyang napatawa si Theariza sa sinabi ni Darryl, saka marahang sinuntok ang dibdib nito—mahina, parang lambing lang. “Ang kulit mo talaga…” bulong niya, pero hindi na maitatago ang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan ni Darryl ang kamay niyang sumuntok, saka dahan-dahang inilapit sa kanyang dib

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status