登入
CALISTA'S POV
"Cali!" Napalingon ako nang may tumawag sa aking pamilyar na boses. Lumapit ako at napangiti kay Angie ang kaibigan ko. "Girly dito dali!" Kaway naman sa akin ni Shane ang isa ko pang kaibigan. Magkasama sila sa isang open café. Hindi ito basta-bastang café ito. Nasa isa kaming exclusive club na tanging mayayaman lang ang nakapapasok. Ito ang Valtieri Equestrian & Leisure Estate. Nang makarating ako sa gawi nila, inabutan ako agad ng strawberry daiquiri ni Angie. "My god! Ang aga nito mga girls." Puna ko sa kanilang dalawa martini ang kay Angie, kay Shane ay piñacolada. "Cheers!" Maligayang angat ni Angie sa kanyang martini glass. Naiiling akong nakipag-cheers sa kanila. "Alam mo, hindi ka na nasanay. Pampagana 'to, para mamayang gabi sa party ay tumagal ka." Sabi ni Angie at may nakakalokong ngiti ito sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako saka sumimsim sa strawberry daiquiri ko. "Oo nga girly, dapat tumagal tayo sa party mamaya. Nandoon ang mga magpipinsan na Valtieri. Nako sana makita ko si Niccolo Valtieri." Pinagsiklop pa ni Shane ang dalawang palad niya, tila ba'y nagdadasal at humihingi ng milagro sa langit na mapansin siya. Ang pamilyang Valtieri, they are the untouchables, mahirap pangarapin dahil sa sobrang taas ng mga tingin nila sa sarili nila. Magkakamag-anak sila na lahat yata pasukin ng mga larangan ay sikat sa buong bansa. Kahit na ba kami ay mayayaman din, mahirap pa rin makisama sa kanila. Sobrang sikat kasi ng circle na ginagalawan nila. "Ah basta ako, Cadmon Valtieri pa rin period." Sabi naman ni Angie, "excited na nga ako sa party mamaya. Target lock ko talaga si Cadmon. Humanda siya dahil isang Angie De Mesa ang mang-aakit sa kanya." Malanding sabi ni Angie. Natawa naman ako. "Seryoso ka talaga kay Cadmon. Usap-usapan may scandal daw 'yun at nakabuntis ng isang sikat na vlogger." Umirap si Angie sa hangin at napasinghal. "Tsimis lang iyon. Walang mga evidence. Saka tigilan nga nila ang Cadmon ko, ako ang magiging ina ng mga babies niya." Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Angie. Nagtanong naman si Shane sa akin. "Eh ikaw, Cali. Sino naman ang natitipuhan mo, kahit hindi Valtieri." Napanguso ako at tipid na sumagot. "Wala, focus ako sa goal ko." Nag-smirked naman si Angie. "Focus sa goal o focus kay Drew?" Nanlaki ang mga mata ko nang binanggit ni Angie ang pangalan ng katiwala namin sa farm na si Kuya Drew. "Grabe naman kayo. Ang malisyosa niyo. Katiwala lang namin iyon sa farm. Saka kuya ko iyon, may girlfriend na iyon si Kuya Drew." Paliwanag sa kanila. "Sus ba't ka defensive?" Natatawang sabi ni Shane. "Hindi ah. Tantanan niyo nga si Kuya Drew, magkapatid lang ang turingan namin niyon." Ani ko. "Ah... okay." Ani Angie, pero hindi kumbinsido. Tumawa naman ng malakas si Shane. "Grabe ka Calista Montemayor. Kung nakikita mo lang talaga ang hitsura mo ngayon." Tinuro pa ang mukha ko, habang tumatawa pa rin ng nakaloloko. Anong meron?” Kunot-noo kong tanong, at napahawak sa pisngi ko. “Para kang… may tinatago kasi eh, ” dagdag ni Angie, sabay s****p sa martini niya, pero hindi pa rin naiaalis dito ang matang mapanuri. Napailing na lang ako at umiwas ng tingin. Kung alam lang nila na ang totoo… hindi ko kayang maging ganoon ka-relaxed kagaya nila. Dahil habang sila’y nag-iisip kung sinong Valtieri ang hahabulin sa party mamaya. Ako... ikakasal na sa isa sa kanila. Napahigpit ang hawak ko sa baso ko at tuluyang inubos ang laman nito. “Whoa, easy ka lang girl,” puna ni Shane. “Pampagana lang ‘yan, hindi para maging wasted ka agad bago ang party.” Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako nang pilit. Bumalik na kami sa mga suite namin. May hotel din kasi dito. Habang nakatingin sa salamin, nag-flash back ako sa sinabi sa akin ni Papà. Isang linggo na ang nakalipas, bago pa yayain ako nila Angie and Shane dito, ay nag-usap na kami ni Papà. "Pakakasalan mo siya." May awtoridad na sabi ng aking ama na si Don Crisostomo Montemayor. Sa totoo lang, hanggang ngayon, parang isang punyal pa rin na tumatarak sa puso ko ang mga salita niya na iyon. "This is the only way, Calista. Kung magpapakasal ka sa mga Valtieri, masasalba tayo." "Tayo? O ikaw lang? Umamin ka na Papà. Lubog na tayo sa utang dahil sa kasusugal mo. Pa, naman! Tatlong taon nang patay si Mamà. Pero imbis na umasenso tayo kasi ako na lang ang bubuhayin mo, pero nalugmok pa tayo sa mga utang." Mahabang litanya ko sa akin tatay. Halos ma-stress ako doon, dahil imbis na ang magulang dapat ang pinagsasabihan at pinapagalitan ang anak, iba ito para sa akin. Ako ang nagagalit sa tatay ko dahil sa maling desisyon niya sa buhay. Saka dinamay pa ako. "I have made my decision." Mariin sabi ni Papa sa akin. "Wow, Pa. Seriously? Are you hearing yourself? Ipapakasal mo ako sa hindi ko kilala, para maisalba mo ang dairy farm mo. Wow! Just wow." I said in full sarcasm. Napapailing-iling pa ako. Lumapit naman si Papa sa akin at hinawakan ng marahan ang dalawang balikat ko. Saka malamyos na tinigigan. "Anak, sundin mo na lang si Papà. Your mother and I were an arrange marriage as well, when we had you things change... you are the gift of our love, Cali, anak." Napapikit ako sa sinabi niya. “Pero hindi ako si Mamà…” mahina kong sagot, halos pabulong. “Hindi ko kayang mahalin ang isang lalaking hindi ko kilala.” Buong lakas kong sabi sa kanya. Saglit siyang natahimik. Nakita ko ang pagdaan ng kung anong emosyon sa mga mata niya, pagsisisi ba iyon? O baka takot? “Matutunan mo mahalin si Alejandro Valtieri. He's a good man. Hindi ka niya sasaktan.” My father said to me with assurance. Napatawa ako nang mapakla. Dapat bang maniwala ako doon sa sinabi niya? “Hahantayin pa talaga natin na saktan niya ako? Ngayon pa lang nasasaktan na ako sa ginagawa mo eh.” Napabalik ako sa kasalukuyan nang kumatok si Angie sa pintuan ng suite ko. Marahas akong nagpakawala ng hangin mula sa bibig ko. “Cali! Bilis na, girl! Malelate tayo sa pinaka-importanteng gabi ng buhay natin!” sigaw niya mula sa labas. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng isang eleganteng itim na bodycon dress—simple pero halatang mamahalin. Ang buhok ko ay maayos na naka-wave, at ang makeup ko ay sakto lang—pero hindi nito natatakpan ang bigat na nasa dibdib ko. Ito na ba ang simula ng pagtatapos ng kalayaan ko? Huminga muli ako nang malalim bago tuluyang lumabas. Pagdating namin sa main hall ng estate, bumungad agad ang engrandeng setup. Crystal chandeliers. Live band. Mga taong nakangiti pero halatang may kanya-kanyang agenda. Ito ang elite playground ng mga tao dito. “Grabe… ibang level talaga ang mga Valtieri.” Bulong ni Shane, habang lumilinga-linga ng tingin sa paligid. “Focus, girls,” sabi ni Angie habang iniikot ang paningin niya sa paligid. “Kailangan mapasaatin ang mga target natin.” Umirap ako ng tingin kay Angie. Na-gets naman niya ang ginawa ko. "Ay target lang pala namin ni Shane." Natatawa niyang sambit. Napailing na lang ako. Sa totoo lang kaya gusto kong sumama dito, gusto ko rin makilala ang Alejandro Valtieri na 'yon. Ang balita kasi, mailap ang taong iyon sa media at mga social media. Negosyo lang at pagpapayaman ang nasa isip. Ilan lang kasi ang nakikita niya na Valtieri sa mga social media. Oo, sikat at mayaman sila, pero ang iba sa kanila ay mailap talaga o hindi interesado sa social media. Hindi ko nga alam kung ano ang hitsura ni Alejandro Valtieri. “Drink?” Napalingon ako nang may staff na lumapit sa akin at nag-abot ng champagne. Tinanggap ko iyon nang hindi na nag-iisip. Iniwan naman na ako nila Angie at Shane nang makita nila ang pinunta nila sa party na 'to. Si Cadmon Valtieri ay napapalibutan ng mga babaeng tagahanga. Isa kasi itong sikat na influencer. Kasama nito ang kapatid niyang si Niccolo Valtieri. Hindi ko na mabilang kung ilang lagok na ang ginawa ko. Hanggang sa unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Maging ang mga agam-agam ko at isipin sa utak ko about sa pesteng arrange marriage na 'yan ay nawala kahit papaano. “Mukhang effective ang pag-inom mo.” May isang malalim na tono ng boses ang aking narinig. Napakunot-noo ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses. May nakita akong isang lalaki na nakasandal sa bar, hawak ang baso ng whiskey, at nakatingin sa akin na para bang matagal na niya akong pinagmamasdan. Matangkad ito, matipuno ang katawan at meron itong ngiting delikado. Parang… siya ang tipo ng lalaking dapat mong iwasan. Pero siya rin ang tipo na hindi mo kayang iwasan. Napakagwapo kasi nito, o sadyang lasing na ako, kaya nakakakita ako ng mga kaaya-aya sa mga mata ko. Kung lasing na ako, I swear, I think I have been possess by the alcohol. “Excuse me?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang composure ko para hindi mahalata na medyo nahihilo na ako. Ngumiti siya nang bahagya. “Parang may gusto kang kalimutan na bagay,” sabi niya, diretso sa mga mata ko. “At mukhang ginagawa mo iyon sa maling paraan.” Napataas ang kilay ko. “At sino ka para magsabi kung ano ang tama o mali?” Hindi siya sumagot. Lumapit siya ng bahagya, sapat lang ang lapit, para maamoy ko ang mamahaling pabango niya na may halong amoy ng alak. Nakahuhumaling ang amoy na iyon. Parang biglang nag-init ang kalamnan ko. “I'm someone who’s very good at making people forget,” bulong niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko siya kilala, pero may kung anong humila sa akin papalapit sa kanya. At isang bagay na hindi ko maipaliwanag. “So…” sabi niya, iniikot ang baso niya na may lamang alak, “tatakasan mo ba ang problema mo buong gabi?” Napangiti ako—sa unang pagkakataon, totoo. “Maybe,” sagot ko. “Or maybe… I just don’t care tonight.” Tumango siya, parang may na-confirm. “Good,” sabi niya. “Because neither do I.” At sa gabing iyon, pinili kong kalimutan kung sino ako. Hindi ko na namalayan na nakikipagtawanan na pala ako sa isang estranghero. Nagkwento na ako ng kung anu-ano. At parang napapalapit na rin sa kanya. Sobrang sarap kasi nitong kausap. Mayamaya pa'y tiningnan niya ako diretso sa mga mata ko. “Come with me.” Walang pag-aalinlangan niyang yaya sa akin. At sa halip na tumanggi… tumango ako.LUCIEN'S POVDalawang linggo na rin ang lumipas. Sa totoo lang hindi pa rin mawala sa isip ko si Cali. Oo, one night stand lang iyon, pero iyon ang one of a kind na one night stand na hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko.Ang totoo, nangungulila ako. Dalawang linggo na! Simula nang may nangyari sa amin ni Cali, hindi na ako tumikim pa ng ibang babae. Sabi sa akin ni Cadmon na pinsan ko, hindi raw ako ito.At sa tingin ko rin. Hindi nga ako ito.Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw mula sa floor-to-ceiling glass wall ng opisina ko.Nasa ika-70th floor ako ng headquarters ng Valtieri Enterprises—ang isa sa pinakamakapangyarihang business empires sa buong Asia.Hindi lang ito simpleng kumpanya. This is an empire.Sa ibaba, tanaw ko ang buong lungsod. Nagmumukhang maliliit na laruan ang mga sasakyan sa kalsada. Ang mga gusali? Halos hindi na umabot sa kalahati ng taas ng Valtieri Tower.Tatlong magkakadikit na skyscrapers ang bumubuo sa headquarters namin. Puro itim na salamin at s
CALISTA'S POV"What? Ma-masama ba 'yon?" Inosente kong tanong.Tinanggal niya ang kapirasong rubber na iyon sa kanya at nagsuot na rin ng kanyang pants. Seryoso siyang tumingin sa akin."Lucien, anong gagawin natin? Mabubuntis ba ako?" Hindi ako tanga. Kahit naman NBSB ako, tinuturo naman ang mga ganito sa school."Are you fertile? Kailan ang huling menstruation period mo?" Mariing tanong niya."Uhm... ano..." kinakabahan kong sabi. Napakagat pa ako ng pang-ibabang labi ko. "Alam ko magkakaroon na ako. Dapat in two days mula ngayon.""So, you're safe." Sabi niya na parang nakahinga ng maluwag."Sorry. This is a mess." Sabi ko."No, Cali. Ako nga dapat mag-sorry sa'yo. I'm your first and I look like an asshole, kanina sa bar tapos dito pa kita niyaya makipag—""Okay na, Lucien. You don't have to. Ginusto ko rin naman at pinahintulutan kita na gawin iyon sa akin." Putol ko sa kanya. Totoo naman, naligayahan ako. First time ko, kinaya ko ang malaking tubo."Thanks, Cali. I want to know y
CALISTA'S POVPumunta kami sa open parking area, at doon ko nakita ang sports car niya."Aba! Loaded ka pala." Sabi ko ng medyo tipsy na. "Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng Porsche?" Mayabang na sagot at tanong niya.Umiling ako. Siyempre mayaman din kami. I mean mayaman kami dati, ngayon, nanganganib na maging pulubi.Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at sumakay na ako sa shotgun seat."So, where are we going?" tanong ko sa kanya ng malambing.Kumurba naman ang labi ng lalaki. Sa totoo lang ang lakas ng hatak sa akin ng lalaking ito. Para bang titigan niya lang ako ay nahihipnotismo na ako. Hindi ko alam pero dala lang siguro ng kalasingan kaya ko nararamdaman ito.Hinuli naman niya ang bewang ko at hinigit papalapit sa kanya. Namungay pa ang mga mata ko at nanlabo ng bahagya. Napahawak naman ako sa matikas at matigas niyang dibdib. Matamnan naming tiningnan ang isa't isa.Sa sobrang bilis ng pangyayari, nanlaki na lang ang mga mata ko nang sinakop niya ang aking mga labi. Lasap ko
CALISTA'S POV"Cali!" Napalingon ako nang may tumawag sa aking pamilyar na boses. Lumapit ako at napangiti kay Angie ang kaibigan ko."Girly dito dali!" Kaway naman sa akin ni Shane ang isa ko pang kaibigan. Magkasama sila sa isang open café. Hindi ito basta-bastang café ito. Nasa isa kaming exclusive club na tanging mayayaman lang ang nakapapasok. Ito ang Valtieri Equestrian & Leisure Estate. Nang makarating ako sa gawi nila, inabutan ako agad ng strawberry daiquiri ni Angie. "My god! Ang aga nito mga girls." Puna ko sa kanilang dalawa martini ang kay Angie, kay Shane ay piñacolada."Cheers!" Maligayang angat ni Angie sa kanyang martini glass.Naiiling akong nakipag-cheers sa kanila."Alam mo, hindi ka na nasanay. Pampagana 'to, para mamayang gabi sa party ay tumagal ka." Sabi ni Angie at may nakakalokong ngiti ito sa akin.Napabuntong-hininga na lang ako saka sumimsim sa strawberry daiquiri ko."Oo nga girly, dapat tumagal tayo sa party mamaya. Nandoon ang mga magpipinsan na Valt






![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
