LOGINAlexandra's POV Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ring makauwi si Rhenfield. Hindi ko maipaliwanag ang saya at ginhawang naramdaman ko. Pagkalabas pa lang namin ng ospital ay mahigpit ko agad siyang niyakap. "Mommy." Natawa siya. "Hindi na po ako makahinga." Agad akong napabitaw. "Sorry, baby." Napangiti siya. "Okay lang." Lumapit naman si Rhenan at marahang binuhat ang anak namin. "Hindi ka muna maglalakad." Seryoso niyang sabi. "Daddy, kaya ko na." Umiling siya. "Hindi." "Hangga't hindi sinasabing malakas ka na ng doktor, spoiled ka muna sa Daddy mo." Napatawa si Rhenfield. "Yey!" Pagdating namin sa bahay ay nadatnan namin sina Mommy at Daddy na naghihintay sa labas. Pagkababa pa lang ni Rhenfield ay agad nila itong niyakap. "Kamusta ang apo namin?" Tanong ni Mommy habang pinupunasan ang luha. Ngumiti si Rhenfield. "Okay na po ako." "Tingnan niyo." Iniunat pa niya ang kanyang mga braso. "Strong na ulit." Napatawa ka
Alexandra's POV Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Rhenan. Hindi kami halos nakatulog. Magdamag kaming nakabantay kay Rhenfield. Paminsan-minsan ay nagigising siya, ngunit mabilis din muling nakakatulog dahil sa gamot. Bandang alas-nuwebe ng umaga ay dumating ang doktor kasama ang ilang resulta ng laboratory tests. Agad kaming tumayo ni Rhenan. "Dok..." Nanginginig kong sabi. "Kumusta po ang anak namin?" Tinanggal ng doktor ang salamin niya at tumingin sa amin. "May maganda at may kailangan pa tayong bantayan." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Rhenan. "Maganda po na hindi kami nakakita ng senyales ng leukemia." Napabuntong-hininga ako. Parang nabunutan ng napakalaking tinik ang dibdib ko. Naramdaman kong marahan akong niyakap ni Rhenan. "Thank You, Lord..." Mahina kong bulong. "Pero..." Dugtong ng doktor. "Hindi pa rin natin puwedeng ipagsawalang-bahala ang kondisyon niya." Tahimik kaming nakinig. "Severe ang anemia ni Rhenfield."
Alexandra's POV Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay. Napakaganda ng bawat sulok nito. May malawak na sala. Isang maaliwalas na kusina. At malalaking bintanang tanaw ang kabundukan. Pakiramdam ko ay napakapayapa ng lugar. "Mommy!" Masayang sigaw ni Rhenfield. "Halika po!" Hinila niya ako papunta sa ikalawang palapag. Isa-isang binuksan ni Rhenan ang mga pinto. "Ito ang magiging kwarto natin." Sabi niya habang itinuturo ang master bedroom. Napangiti ako. Sunod niyang binuksan ang katabing pinto. "At ito naman ang kwarto ni Champ." Nanlaki ang mga mata ni Rhenfield. "Daddy!" May sarili itong study table, bookshelf, at isang malaking kama na hugis race car. "Ang ganda!" Masaya itong tumalon sa kama. "Thank you, Daddy!" Ngumiti si Rhenan. "Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo." "Opo!" Masiglang sagot ng anak namin. Habang abala si Rhenfield sa paglalaro, marahan kong hinawakan ang kamay ni Rhenan. "Bakit mo ginawa ang lahat ng
Alexandra's POV Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kurtina ng hotel room. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Tahimik ang paligid. Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Rhenan sa aking baywang. Mahimbing pa rin siyang natutulog, at sa unang pagkakataon, pinagmasdan ko siya nang walang takot, walang alinlangan. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Napangiti ako. "Good morning, asawa ko," mahina kong bulong. Parang narinig niya iyon dahil unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. "Good morning." Ngumiti siya bago marahang humalik sa aking noo. "Nakatulog ka ba nang maayos?" Tumango ako. "Oo." "Sana ikaw rin." Tumango rin siya. "Mas mahimbing kaysa sa lahat ng gabing lumipas." Napatawa ako. "Talaga?" "Dahil wala na akong kinatatakutang paggising na wala ka na naman." Natigilan ako. Alam kong bumalik sa isip niya ang mga panahong iniwan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi na mangya
Alexandra POV Habang ako ay bahagyang nakaupo sa aming kama, walang pasabi na lumuhod si Rhenan sa aking harapan, sa mismong sahig sa gilid ng aming kutson. Hinawakan niya ang aking bukung-bukong at dahan-dahang itinaas ang kanyang paningin. Hinalikan niya ako sa binti, banayad at madiin, bago dahan-dahang naggagalugad ang kanyang mga labi pataas patungo sa aking hita habang ang kanyang mga mata ay nakatitig lang nang diretso sa akin. "May naalala ka ba nito, Alex?" nakangiting tanong ni Rhenan, ang kanyang boses ay may kasamang malambing na tono na labis kong ipinagpapasalamat ngayon na mag-asawa na kami. Napangiti ako nang malawak habang inaalala ang mga panahong magkasintahan pa lang kami at pilit pa naming itinatago ang lahat. "Oo..." mahina kong sagot, ramdam ang mabilis na namang pagtibok ng aking puso sa pamilyar niyang haplos. "Alam mo, hindi ako makatulog ng gabi na 'yun nang gawin ko 'to sa 'yo noon," pag-amin niya, bago dahan-dahan muling gumapang ang kanyang mg
Alexandra POV Gabi na pero nasa opisina pa rin ako. Nag-overtime kasi kaming buong team. Sa Friday na ang presentation namin sa kumpanya ni Rhenan, at isa ako sa mga magpe-present. Ayokong mapahiya sa asawa ko pagdating sa trabaho. Gusto kong patunayan na nandito ako dahil sa kakayahan ko, hindi dahil asawa ako ng CEO. Bago ako umalis ng bahay kaninang umaga, kinausap ko sina Mommy at Daddy. "Ma, Dad, sa bahay na muna kayo matulog." Ngumiti si Mommy. "Bakit pa?" "Nag-o-overtime kasi ako ngayon. Ayokong maiwan si Rhenfield sa mga kasambahay lang." Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Pero mas kampante ako kapag may kasama siyang pamilya. Bandang alas-diyes na ng gabi nang matapos kami. Paglabas ko ng opisina ay nadatnan ko na si Rhenan na naghihintay sa parking lot. "Tapos na?" Ngumiti siya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan para sa akin. "Oo. Sorry, ang tagal kitang pinaghintay." Umiling siya. "Hindi mahalaga iyon." "Paano ang presen
Flashback Alexandra POV Lumipas ang mga taon. Natapos ko ang pag-aaral ko sa America. Nagbago ang maraming bagay sa buhay ko. Hindi na ako ang spoiled brat na dating nakukuha ang lahat ng gusto. Hindi na rin ako ang Alexandra na ginagamit ang kapangyarihan ng pamilya para makuha ang nai
Alexandra POV “Kailangan mo nang ipalaglag ang bata!” Galit na galit si Rhenan habang mahigpit akong hinihila papasok sa isang klinika. “Hindi! Maawa ka sa akin!” umiiyak kong pagsusumamo habang pilit na kumakawala sa kanya. “Pakiusap, Rhenan! Lalayo na lang kami ng anak ko. Hindi na kita gug
Flashback continuation Rhenan POVHindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang kamay ko na nasa kanyang baywang ay unti-unting umakyat, dumaan sa kanyang tagiliran hanggang sa sumakop sa kanyang dibdib. Kahit may manipis na tela ng kanyang damit, ramdam ko ang init at ang mabilis na pintig ng kanyan
Alexandra POV Tahimik akong sumunod kay Rhenan papasok ng hotel. Lalo lamang lumalakas ang kaba sa dibdib ko habang papasok kami sa isang mamahaling suite. Pagkasara niya ng pinto ay agad akong napaatras. “Bakit mo ako dinala rito?” nanginginig kong tanong. Tinanggal niya ang coat niya at b







