Mag-log inHindi agad nagsalita si Marco kahit narinig niyang tapos nang magsalita si Lia.
Hindi siya madaling basahin. Hindi niya kailangan magsalita para may patunayan, dahil ang kanyang katahimikan ang mismong sisigaw para sa kanyang mga napatunayan. Para sa kanya, Silence is not submission but knowing things are in control.
Siya ang uri ng lalaking mas pinipiling makinig kaysa magsalita, ngunit sa oras na magsalita siya, nagiging malinaw kung bakit siya dapat pakinggan. Walang labis, walang kulang. Sakto. Sapat.
Sa kompanya, kilala siya bilang strategic lead—ang huling tumitingin sa bawat plano bago ito isakatuparan. Ngunit higit pa roon, tila may dala siyang bigat na hindi kailanman ipinaliwanag. Isang uri ng pag-iingat na parang matagal nang natutong huwag magkamali.
At sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Adrian sa harap niya, may bahagyang pagbabago sa kaniyang mga mata, hindi man halata pero sa sandalling tumagal ang iyong tingin, sapat na upang mag-ugat ng isang hindi matukoy na tanong.
Hindi galit.
Hindi rin takot.
Isang tension na hindi maipaliwanag pero hindi rin mapangalanan.
Nakatayo lang siya sa tabi ng bintana ng opisina, nakatanaw sa abalang kalsada sa ibaba. Sanay si Lia sa ganitong eksena. Tahimik lamang si Marco habang nailatag niya na ang kanyang obserbasyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit niya pinagkakatiwalaan ito. Lahat nang lumalabas sa bibig nito'y makabuluhan. Walang tapon ika nga.
“May problema ba?” tanong ni Lia, at inilapag ang folder na hawak sa mesa. Alam niyang hindi niya na dapat ito tinanong pero may kung anong tumulak sa isip niya't tinuloy niya pa rin.
Dahan-dahang humarap si Marco. Walang kaba sa mukha niya, pero may kung anong seryosong anyo na bihira lamang niyang ipakita.
“May mga bagay akong napapansin simula nung nagpalit ang building ng management,” sabi niya.
Umupo si Lia. “Alam ko.”
Nagtaas ito ng kilay. “So ramdam mo rin.”
Hindi iyon tanong.
Tumango si Lia. “Hindi ko lang masabi kung alin ang dapat kong pansinin, at alin ang dapat kong ipagwalang-bahala.”
Lumapit si Marco at inilapag ang tablet sa harap niya. May nakabukas na spreadsheet dito; mga transaction logs, system access records, security updates.
“Yung bagong security system,” sabi niya, at itinuro ang isang column. “Hindi lang simpleng upgrade. May external access point. Corporate-level encryption. Hindi ‘to pang-normal tenant.”
Sinundan ni Lia ng tingin ang mga numerong hindi niya lubos na naiintindihan, pero sapat ang tono ni Marco para maintindihan niya ang nais nitong ipahiwatig.
“Anong sinasabi mo?” mahinahon niyang tanong.
“May taong may sapat na pera at impluwensya para baguhin ang buong sistema ng gusaling ito. And he can do it without even letting us decide.”
Nanatiling tahimik si Lia.
"That person is not afraid of us."
Alam niya na ang sagot.
Ayaw lang niyang bigkasin.
“May nagmamanman sa atin?” bulong niya.
“Hindi ko masasabi kung ‘mamanman’ ang tamang salita,” sagot ni Marco. “Pero may nag-oobserba. Maybe that's a safe word. May nag-aayos ng mga bagay sa paligid mo. Fairy godmother?”
Sandaling napapikit si Lia.
Parang mas naging malinaw ang lahat sa kanya, at nakumpirma niyang hindi nga niya ito guni-guni lang. Ang bagong guard. Ang fingerprint scanner. Ang mabilis na shipment. Ang biglaang pag-ayos ng accounting issues. Mga maliliit na galaw na, kapag pinagdugtong-dugtong, bumubuo ng isang pamilyar na anino.
“Hindi ko gusto ‘to,” mahina niyang sabi.
“Me neither,” sagot ni Marco. “And I don't even want to start with being clueless of how will this ends.”
Tumayo si Lia at naglakad papunta sa bintana. Tanaw niya ang siyudad, ang mga gusali, ilaw, trapik, ingay. Isang mundong galaw nang galaw, walang pakialam sa personal na digmaan ng kahit sino.
“Hindi niya ako tinatakot,” saad niya, halos sa sarili lang. “He wants to make me feel he's here.”
At iyon ang mas nakakapanginig.
Hindi siya nito tinutulak. Para siyang puwersahang napupunta sa posisyong gusto ng taong iyon.
“Lia,” maingat na tawag ni Marco. “Kung sino man ‘yan, malinaw na hindi siya basta-basta. At kung may intensyon siyang pumasok sa mundo mo, you know more than anyone else you have to stop it.”
Dahan-dahan siyang humarap. “Does it even matter to someone who doesn't know how to stop? Tell me, Marco. Paano mo pipigilan ang isang bagay na hindi marunong huminto?”
Hindi agad nakasagot si Marco.
Dahil pareho nilang alam ang sagot.
You can't stop it, you have to prepare for it.
---
Paglabas ni Marco, naiwan si Lia sa opisina, hawak ang tablet na parang isa itong mabigat na katotohanan. Isa-isang bumabalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Naalala niya ang isang linyang minsang sinabi ng mentor niya sa Milan:
“The smallest adjustments shape the largest outcomes.”
Ang maliliit na galaw ang bumubuo ng malalaking pagbabago.
At ngayon, malinaw sa kanya na hindi ito biglaan. Isa itong dahan-dahang pag-ukit sa paligid niya, hanggang sa magising siyang ang mundo niya ay hindi na kanya.
Huminga siya nang malalim.
Hindi siya papayag na ang bawat hakbang niya ay nakadepende sa presensya ng isang lalaking matagal na niyang iniwan.
Ngunit sa kabila ng matitigas na desisyong iyon, may isang tanong na hindi niya maiwasang harapin—
Kung kaya niyang baguhin ang buong mundo niya nang hindi niya namamalayan, hanggang saan pa ang kaya niyang gawin?
At sa unang pagkakataon mula nang muling magpakita si Adrian, malinaw na malinaw kay Lia—
Hindi ito simpleng pagbabalik.
Ang tindi rin magbiro ng tadhana sa kanya. Kung kailan unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya pagkatapos ng matagal na paghihirap, doon pa siya makakatanggap ng ganitong klaseng bagsik.At ang dahilan ng sakit na ito at dahil lang sa isang tao, kay Adrian. Apat na taon na ang lumipas, bakit ba hindi pa rin siya makalaya sa sumpa ng lalaking iyon?Noon, ginawa siyang panangga sa gulo, at hindi niya isinumbat kahit nawala ang kakayahan niyang magpinta. Hindi niya isinumbat na hindi itinaboy siya ng sarili nilang anak.Pero bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin siya nitong lubayan?Hindi pa ba sapat ang pinsalang idinulot nito sa kanya at sa mga bata?Habang tumatagal, lalong nagdidilim ang mukha ni Lia sa galit. Napahigpit ang kapit ng dalawa niyang kamay sa unan na tila ba anumang oras ay mapupunit na ito sa matinding emosyon.Hinawakan ni Leonard
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya sa sobrang sakit.Ang babaeng noon ay buong-puso siyang minahal nang walang kapalit, ngayon ay malapit nang maging maybahay ng ibang lalaki.Magsasama sila sa iisang bubong, bubuo ng sariling pamilya, magkakaroon ng sariling mga anak. At pagdating ng araw na iyon, mawawalan na ng puwang si Adrian sa buhay nito. Magiging ina na lang ito ng dalawa niyang anak.Wala na itong natitirang nararamdaman para sa kanya. Kahit katiting.Nang mapagtanto iyon, hindi namalayang napadiin ang kapit ni Adrian sa hawak niyang baso. Sa isang iglap, tuluyan iyong nadurog sa palad niya. Bumaon nang malalim ang matatalas at transparent na bubog sa kanyang balat. Agad na dumanak ang malapot at pulang dugo, na dahan-dahang pumatak pababa sa kanyang pulso.Pero wala siyang naramdamang sakit. Manhid na ang buong katawan niya."Mr. Serano! Ano pong nangy
Biglang nag-flashback kay Lia ang nangyari noon, kung paano siya nahulog sa bitag ni Adrian noon. Ang sakit na idinudulot ng lalaking iyon sa buhay niya, ay tila walang katapusan.Nilunok ni Lia ang pait at pilit na pinanindigan ang pagiging kalmado. "Sinasadya ninyong sirain ang pangalan ko. Ipa-paimbestiga ko ito sa abogado ko para lumabas ang katotohanan. Pero isa lang ang sasabihin ko ngayon, guro at magulang lang ang ugnayan namin ni Adrian. Wala akong balak makipag-ugnayan sa kanya nang higit pa roon. Kung itutuloy ninyo ang paninirang-puring ito, idadaan ko kayo sa batas."Pagkatapos magsalita, tumalikod siya para lisanin ang entablado, pero isang malakas na tulak ang tumama sa likod niya. Kasabay nito ang muling pag-ulan ng mga masasakit na salita sa magkabilang tenga niya."Kapag hindi ka nagpaliwanag nang maayos, ibig sabihin guilty ka! Kung hindi mo inaakit si President Serano, bakit ayaw mong pakasalan 'yung
Biglang nagdilim ang paligid bago muling umilaw ang dambuhalang LED screen sa harapan.Isang litrato ang sumambulat doon. Walang may alam kung sino ang may gawa, pero sapat na iyon para magbago ang ihip ng hangin sa buong bulwagan.Sa screen, kitang-kita ang matitinding titigan nina Adrian at Lia. Isang mapanganib na lapit. Doon pa lang, nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Ang kaninang palakpakan, napalitan ng nakatutuling bulung-bulungan.Isang matalas na boses ang bumasag sa ingay. Isang babae ang lantarang nagturo kay Lia sabay panghuhusga."Teacher pa naman, tapos ganyan ang pinapakita niyang ehemplo? Kabit! Ang galing mong magturo, pero mas magaling ka palang pumatol sa lalaki!"Sumabay agad ang iba pa. "Oo nga! Ang balita ko, dalawang beses iniligtas ni Miss Imperial ang buhay ni President Serano. Ikakasal na nga sila sa susunod na buwan, tapos umeepal pa ang gurong 'ya
Nang marinig ang sunod-sunod na beeping sound, tuluyan nang nanghina si Wendy at napasandal sa sofa, humihinga nang malalim. Isang malamig na pawis ang gumapang sa kanyang likod.Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang mahanap ang totoong babaeng nagbigay ng dugo kay Adrian noon, at kailangan niya itong patahimikin habambuhay. Dahil sa oras na maunahan siya ni Adrian sa pagtuklas ng sekretong iyon, titiyakin nitong mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa mabuhay.-Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Opisyal nang inilabas ang mga opisyal na resulta para sa National Olympiad.Ang buong paaralan ay niyanig ng isang napakalaking balita: lahat ng dalawampung estudyante sa klase na hinahawakan ni Lia ay nakakuha ng parangal at matataas na marka.Hindi lang iyon. Dalawa sa kanyang mga estudyante ang opisyal na napili para sa National Team na kakatawan sa buong bansa para sa Inter
Sa pumasok na hinalang iyon, pakiramdam ni Adrian ay hinawakan ang kanyang puso ng isang malamig na kamay at mariin itong piniga. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa loob ng kanyang bulsa, halos mabaon ang kanyang mga kuko sa sarili niyang palad.Matagal na niyang pinagdududahan si Wendy. Hindi niya maisip na ang isang taong may busilak na pusong itaya ang buhay para sa iba ay gagamitin ang insidenteng iyon para gapusin siya sa konsensya at pilitin siyang magpakasal. Ang wagas na pag-ibig ay hindi ganoon karumi.At bakit ang sinasabing kaarawan ni Lia, ayon kay Leonard, ay tumutugma sa nakasulat sa pendant na iyon?Bukod doon, alam niyang nakapagbigay na rin ng dugo si Lia noon.Napakaimposible ng ganitong uri ng pagkakataon. May kung anong puwersa sa kanyang dibdib na biglang sumabog, dahilan para maging garalgal ang bawat hininga niya.Hindi na siya nag-atubili. Humakba
Nang marinig ang binitawang pangako ng anak, sa wakas ay nakahinga nang maluwag si Madam Serano.Dahan-dahan itong sumandal sa unan, hinayaan ang doktor na ibalik ang oxygen tube sa kanyang ilong at muling ibalik ang IV drip sa kanyang kamay.Dahil sa sob
Isang mapait at sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Lia. "Hindi ako doktor, Adrian. Bakit sa’kin mo tinatanong 'yan?""Pero nakaranas ka nang makuhanan ng napakaraming dugo noon," giit ni Adrian, bahagyang nangangatog ang boses. "Gusto ko lang malaman... kaila
Napapikit si Lia habang dinadala ng sariling alaala sa nakaraan. Akala niya noon, kaya siya itinakuwil ni Noah ay dahil mas gusto nito ang karangyaan kay Wendy. Hindi niya alam na habang nasa pinakamababang punto siya ng buhay niya, ang tatlong taong gulang niyang anak ay nakakaranas din ng matin
Pag-uwi ni Adrian sa mansyon, wala na roon sina Lia at Bunbun. Tanging si Noah na lang ang naiwan, mag-isang nakaupo sa kanyang study desk habang seryosong nagsasagot ng mga math problems.Nakahinga nang maluwag si Adrian nang makitang maayos na ang lagay ng anak pagkatapos n







