LOGINSix Years Later
CALISTA POV Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang. Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan. Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila. O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya. "Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko. Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay. Sa gabi, nagsusulat ako ng mga artikulo para sa mga website kapalit ng maliit na bayad. Halos wala na akong tulog at wala na rin akong pahinga. Mabigyan ko lang ng magandang buhay ang anak ko. Ngunit hindi ako kailanman nagreklamo kahit hirap na hirap na ako sa buhay. Dahil sa tuwing nakikita ko ang aking anak na masayang natutulog, nawawala ang lahat ng aking pagod. "Mommy ko!" Napalingon ako sa limang taong gulang kong anak na babae na nakaupo sa maliit naming sofa. Nakasuot ito ng mumurahing pajama ngunit maliwanag ang ngiti sa mukha. Napaka-bubbly nito at very positive sa buhay. Kaya nagiging inspirasyon ko ang anak ko araw-araw. My bubbly baby Cassie. Ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. "Mommy ko, kapag yumaman ako, bibilhan kita ng malaking bahay at magandang kotse." Napangiti ako sa sinabi ng anak ko. "Talaga, anak?" Tumango naman agad ang anak ko. "Opo, at hindi ka na magtatrabaho, Mommy." Napaluha ako ngunit agad ko rin iyong pinunasan. Lahat ng sakripisyo ko ay para sa anak ko. Para mabigyan ko ang anak ko ng magandang kinabukasan. Ang anak namin ni Zayver. Pagkaalala ko sa kanya ay sumikip bigla ang dibdib ko. Gusto ko na namang humagulgol sa sobrang pagka-guilty sa ginawa kong pagsisinungaling sa kanya. Hanggang ngayon parang hinahabol pa rin ako ng sarili kong multo. Dahil sa ginawa kong kasalanan sa kanya. "Mahal na mahal kita Zay mananatili ka dito sa puso ko magpakailanman," bulong ko. ZAYVER POV Samantala... Sa kabilang panig ng siyudad. Tahimik ang buong conference room ng Devereux Holdings. Walang nangangahas magsalita. Walang nangangahas huminga nang malakas dahil sa takot nila na mawalan ng trabaho. Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window. Mas makapangyarihan na ako ngayon. Mas mayaman at mas kinatatakutan na sa business world. "Rejected." Isang salita lang ang binitiwan ko. Ngunit sapat na iyon para mamutla ang mga direktor. Hindi ko kasi nagustuhan ang proposal na hindi man lang nila pinag-isipang mabuti at ayusin. "Sir, puwede pa naming ayusin ang proposal na..." "Rejected." I firmly repeat it. Mas malamig at mas mapanganib ang boses ko sa pagkakataon na iyon. Napaubo ang isang executive dahil sa tensyon. Anim na taon na ang nakalipas. Ngunit hindi ko pa rin nakakalimutan si Calista. Ang babaeng pinakamamahal ko na sumira sa akin. Ang babaeng pinaniwalaan niyang ipinagpalit ako sa ibang lalaki. Mula noon, naging trabaho na lamang ang laman ng buhay ko. Walang pag-ibig kahit maraming nagkakandarapa sa akin. Wala na akong tiwala pa sa lahat. Kahit ang Lolo ko na gumawa ng arranged marriage sa amin ng anak ng kasosyo nito sa negosyo ay hindi ko pinansin. Nawala ang paglalakbay ng diwa ko sa harapan ng board of directors at executive. Napatigil ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang unknown number na nasa screen ng cellphone. Wala sa sariling kaagad ko iyong sinagot. "Who is this?" Sa kabilang linya ay may ilang segundong katahimikan. Pagkatapos ay isang maliit at masiglang boses ang narinig kong nagsalita. "Hello po!" Napakunot lalo ang noo ko. 'How does this little girl know my number?' Curious na tanong ko sa sarili. "Bata ka?" "Opo! Obviously po!" Saglit na natahimik ang buong conference room. Parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib dahil sa tumawag. Hindi ko pinansin ang katahimikan ng tao sa conference room. Lahat rin ay nakatingin sa akin na kilalang walang pasensya. Ngunit lalo lamang silang nagtaka nang hindi ko pinatay ang tawag. Bagkus ay nakipag-usap ako sa batang tumatawag sa akin. "Anong kailangan mo?" mahinahon na tanong ko. "Wala naman po." Napaangat ang kilay ko sa sinagot niya sa akin. "Wala?" "Nadial ko lang po yata nang mali," hagikhik pa ng bata sa kabilang linya. Muntik ko nang ibaba ang tawag dahil wala ako sa mood makipaglaro lalo na sa bata. Pero nagsalita ulit ang bata. "Pero ang ganda ng boses mo po." Napakurap ako sa sinabi niya. Sa buong buhay ko, walang nagsabi niyon sa akin. Dahil takot, respeto at pag-iingat ang kadalasang nakikita ko sa mga taong nakakasalamuha ko araw-araw. Iyon lamang ang natatanggap ko. Pero ang batang ito? Parang walang takot. Well, hindi naman pala niya ako kilala kaya natural na walang takot makipag-usap. "Mister, may anak ka na po ba?" tanong ng bata. Napasinghap ang mga executive. Halos mabitawan ng assistant ang hawak niyang tablet. Pero ako ay hindi sumagot sa tanong ng bata. Nanatili lang akong nakatitig sa malayong tanawin ng lungsod. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa unang pagkakataon sa buhay ko, matapos ang limang taon, may kung anong gumaan sa dibdib ko. "Bakit mo natanong, maliit na bata?" sabi ko naman. "Para siya na lang ang kakwentuhan ko. Boring kasi wala ako kalaro at kausap," narinig ko pa itong bumuntong-hininga. Parang matanda na kung magsalita. Ang cute siguro nito. Pero bago pa ako magsalita, nagpaalam na ako dahil may mas mahalaga pa akong meeting na hindi pa natatapos hanggang ngayon. Hindi niya alam na ang madaldal na batang kausap niya ngayon ay ang anak na matagal na niyang hinahanap nang hindi niya nalalaman.The Voice He Couldn't Ignore Calista POV "Cassie!" Tawag ko sa anak ko. Napalingon agad ang anak ko. "Yes po, Mommy!" "Ano'ng ginagawa mo na naman ba?" "Wala po." Mabilis niyang sagot. "Wala? Sigurado ka? Kanina ka pa nakikipagkuwentuhan diyan! Ano na naman ba ang mga pinagsasabi mo ha, bata ka." "Wala po, Mommy. Good girl po ako ah. Tsaka mahalaga po ang kwentuhan namin, Mommy." "Mahalaga?" Agap ko. "Opo." "Kanino ka ba nakikipag-usap, anak?" Napakamot si Cassie sa ulo. Parang hesitant pa itong sumagot sa tanong ko. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Sa kaibigan ko po." Napabuntong-hininga ako. Hindi pwedeng ma-attach ito sa lalaking hindi naman niya kilala at nakikita. Baka ibuyo pa ako ng anak ko. Yung nanliligaw sa akin ay ayaw ng anak ko kasi daw pangit pero mabait. Sinita ko nga na bawal manlait pero hindi daw iyon lait. Napa-facepalm na lang ako. Maganda naman ang trabaho ng lalaki kaso lang ayaw ng anak ko sa kanya kahit pa very respectful na la
The Little Menace Chapter 6 Calista POV "MOMMY!" malakas na sigaw ng anak kong si Cassie. Nagulat ako sa malakas nitong pagtawag sa akin. Halos kabahan akong tumingin sa kanya. Akala ko kung ano na. "Ano ka ba naman, anak ? Nakakagulat ka!" Sabi ko. Tumawa lang ito sabay yakap sa bewang ko. "Hiram ako ng phone mo po," matinis na sabi ng anak ko. Napasimangot ako. "Aanhin mo na naman ba ang cellphone ko, anak?" Mapanuring tingin ko siyang tiningnan. Matamis naman itong ngumiti sa akin at nagpa-cute pa. Napangiti naman ako agad. "Gusto ko lang po makausap si Mister baka po namimiss na niya ako," nguso ng anak ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ito ba ang palaging kausap nito na halos humalakhak ng malakas sa mga pinagsasabi niya? Makulit at pasaway na madaldal ang anak ko, kaya sigurado ako na kung ano-ano na naman ang pinagsasabi sa taong iyon. "Anak, alam kong pasaway at madaldal ka. Pero tantanan mo ang panggugulo sa taong hindi mo naman kilala," mahinahon
The Strangest Friend Chapter 5 Zayver Pov Apat na araw na kaming magkausap ang batang si Cassie. At sa loob ng apat na araw na iyon ay apat na beses ding napatanong ang assistant ko kung may sakit daw ba ako. Dahil sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon na lumipas, ay ngayon lang ako hindi nagalit sa kahit sino. Kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang mahalagang meeting. Tahimik ang conference room. Lahat ay nakatutok sa presentasyon sa harapan. Seryoso akong nakikinig nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Unknown number na naman, at sigurado akong si Cassie ang tumatawag. I-save ko na nga next time ang number na ginagamit ng bata. Nakita ko na lumaki ang mga mata ng assistant ko. Hindi siguro nila akalain ng mga nandito sa conference room na hindi nila kailanman nakitang may sumagot sa personal na tawag ang CEO habang may meeting. Mas mahalaga kasi ang kwentuhan namin ng batang makulit kaysa sa anumang meeting kahit importante pa ito. Agad
The Little Voice That Stayed Zayver Pov Pagkatapos ng unang tawag, inisip ko na hindi ko na muling maririnig ang madaldal na batang iyon. Pero kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng aking opisina. Bigla ko na lang naalala ang bata. Tahimik na ang buong palapag. Tanging ilaw ng siyudad na lang ang aking natatanaw. Paulit-ulit kong naaalala ang boses ng bata. Lalo na ang sinabi nitong "Ang ganda po ng boses mo." Napailing ako. Baliw ba ang batang iyon? Ako? Maganda ang boses? Kilala ako bilang isang pinakanakakatakot na CEO sa bansa. Hindi ko alam kung bakit, pero paulit-ulit kong tinitingnan ang unknown number sa aking cellphone. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na tawagan ito. Ilang segundo akong nag-atubili. Pagkatapos ay pinindot ko rin ang call button. Tatlong ring lang ay may sumagot agad. Napangiti ako ng wala sa oras. >Phone call
Six Years Later CALISTA POV Limang taon ang lumipas. Hindi naging madali ang buhay ko. Parang may pumipigil sa akin na magtrabaho sa magandang kompanya o kahit sa mga simpleng trabaho lang. Pakiramdam ko may humaharang sa akin na makahanap ng trabaho. Gusto talaga yata nilang maghirap ako sa mundong ito. Pero hindi ko hahayaan na masira nila ako ng tuluyan. Hanggang ngayon ba ay pinapamanmanan pa rin niya ako para makita ang kamiserablehan ng buhay ko? Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi pa nila ako tantanan. Hindi ba pwedeng hayaan na nila ako dahil sinunod ko naman ang gusto nila. O, baka si Zayver naman ang may gawa nito. Kaya di ako nakakapasok at natatanggap sa trabaho dahil sa kagagawan niya. "Six years na hindi ba dapat hayaan na niya ako. Masaya na ako kasama ang anak ko eh," masamang loob na bulong ko. Kaya sa umaga, nagtatrabaho ako bilang online seller. Sa hapon naman ay tumatanggap ako ng mga labada mula sa kapitbahay.
Emotional Chapter 2 Ang kompanya ng Devereux Holdings International ay isang multi- bilyong pisong conglomerate na may hawak na mga hotel, real estate, airlines, at banking. Isa ito sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Kapag nagsalita pa ako, baka tuluyan na akong iiyak. Baka lalo lang akong magkamali sa aking sasabihin. Masasaktan ko pa siya lalo. Dahan-dahang tumayo si Zayver. Nakatindig ako sa harap nito. Matangkad ito at makapangyarihan. Naglalagablab sa galit ang kanyang mukha. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at sobrang kaba. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin..." Mababa ang kanyang boses. "Pera lang pala ang pipiliin mo, over me?" "Hindi..." Agad akong napahinto dahil huli na para magpaliwanag pa. Napatawa nang mapait si Zayver. Kita ko ang samo't saring emosyon sa kanyang mga mata. 'I'm sorry.' lihim na sambit ko. "Iyon lang?" Namumula ang kanyang mga mata. "Iyon lang an







