LOGINAVERY POV
Pag-uwi ko sa apartment, hindi ko na binuksan ang ilaw. Naupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang mga ilaw ng sasakyang dumadaan sa labas. Kanina pa magulo ang isip ko. 'Yung sinabi ni Sandro tungkol sa kumpanya nila, 'yung board, pati 'yung tatay ko... hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin.
Napatingin ako sa sahig. Nandoon pa rin ang pregnancy test kit.
Tumayo ako para pulutin 'yun at itapon sa basurahan. Pero bago ko mabitawan, hinawakan ko muna ang tiyan ko. Flat pa rin naman. Wala pa akong nararamdaman kundi gutom at sobrang pagod. Pero para kay Sandro, ito na ang gagamitin niya para hindi mapunta sa mga tito niya kumpanya.
Kinabukasan, nagising ako sa madiin na katok sa pinto.
Pagbukas ko, hindi si Sandro ang nandoon. Isang babaeng nasa late 40s ang nakatayo—maikli ang buhok at mukhang mamahalin ang suot na grey suit mula ulo hanggang paa.
"Ms. Avery Santos?" tanong niya. Walang ngiti, pero professional ang boses.
"Sino sila?"
"I'm Beatrice, Mr. Tallano’s executive assistant. He sent me to help you... pack."
Natawa ako ng sarkastiko. "Pack? Bakit? Sinabi ko bang lilipat ako?"
Hindi siya natinag. Pumasok siya sa loob nang hindi nagpapaalam at inilibot ang tingin sa maliit kong studio unit. Huminto ang tingin niya sa lababo na may iilang hugasin. "Mr. Tallano is not a patient man, Ms. Santos. He expects you at the estate by noon."
"Sabihin mo sa kanya, busy ako. May trabaho ako," sagot ko habang isinasara ang pinto.
"Inayos na ni Sir Sandro 'yun. You’ve been given a long-term leave. Full paid," diretsong sabi ni Beatrice habang naglalabas ng tablet mula sa bag niya. "And your father’s medical debts? Settled as of 8:00 AM this morning."
Napahawak ako sa sandalan ng upuan. Parang kinapos ako ng hininga. "Wala siyang karapatang pakialaman 'yun."
"He has every right if it involves his future family," sagot niya, sabay tingin sa orasan niya. "May dalawang oras ka pa. Gusto mo bang ako na ang mag-impake para sa'yo o gagawin mo nang kusa?"
Wala akong nagawa kundi mag-impake ng isang maleta ng mga damit at ilang importanteng gamit. Habang nag-aayos, hindi ko mapigilang mainis sa sitwasyon ko. Pero tuwing maiisip ko ang mga sulat ng paniningil na itinatago ko sa ilalim ng unan, humihinga na lang ako nang malalim.
Sumakay ako sa sasakyang naghihintay sa labas. Tahimik ang buong biyahe patungong Forbes Park. Si Beatrice, busy sa tablet niya samantalang ako naman ay nakatingin lang sa bintana, pinapanood ang pagbabago ng tanawin—mula sa masisikip na eskinita ng lugar ko hanggang sa malalawak na kalsada ng mga mayayaman.
Pagpasok sa gate ng Tallano estate, parang pumasok ako sa ibang mundo. Sobrang laki ng bahay na kulay puti, at napapalibutan ng matatayog na puno.
"Dito na tayo," sabi ni Beatrice.
Pagpasok sa foyer, naamoy ko agad ang kape at ang bagong linis na paligid. At doon, sa gitna ng sala, nakatayo si Sandro. May hawak siyang phone, mukhang may kausap na ka-business deal dahil sa kunot ng noo niya.
Nang makita niya ako, binaba niya ang phone at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"You're late," bungad niya.
"Traffic," tipid kong sagot. Nilapag ko ang maleta ko sa tabi ko. "Asan ang kwarto ko?"
"Sa tabi ng kwarto ko," sabi niya, sabay senyas sa maid na kunin ang gamit ko. "Gusto ko, laging kong alam kung nasaan ka."
"Hindi ako preso, Sandro," banta ko.
Lumapit siya sa akin. Ramdam ko na naman 'yung pamilyar na kaba. Tumigil siya nung halos magkadikit na ang mga braso namin. "You're a partner, Avery. At ang partner, hindi lumalayo."
Tumalikod siya at naglakad papunta sa dining area. "Maupo ka. Kakain tayo. May kailangan tayong pag-usapan tungkol sa press release bukas."
Umupo ako sa tapat niya. Ang haba ng lamesa, pero pakiramdam ko, ang sikip-sikip pa rin. Inihain ang pagkain—steak, mashed potatoes, at kung ano-anong gulay na hindi ko alam ang pangalan.
"Bukas, may dinner tayo kasama ang pamilya ko," panimula niya habang hinihiwa ang steak niya. Ang pulido ng bawat galaw niya. "They expect to meet my fiancé."
Nabitiwan ko ang tinidor ko. "Fiancé? Agad-agad?"
"Ayaw ko ng tsismis, Avery. Gusto ko, malinis ang kwento. Nagkakilala tayo sa isang gala sa Singapore six months ago. We kept it private. Until now."
"Singapore? Hindi pa ako nakakalabas ng bansa," sabi ko, medyo napapataas ang boses.
"Ngayon, nakalabas ka na. I’ve updated your records. Lahat ng kailangang malaman ng publiko, nasa folder na ibibigay ni Beatrice sa'yo. Aralin mo."
Tumitig ako sa kanya. Ang lamig ng mga mata niya, parang walang kahit anong emosyon. "Bakit kailangang ganito, Sandro? Bakit kailangang magsinungaling sa lahat?"
Binitawan niya ang kutsilyo niya at uminom ng tubig. "Dahil ang katotohanan ay pumasok ka sa kwarto ko para sirain si Jimenez, at nabuntis kita dahil sa isang gabi ng pagkakamali. Do you think the board will respect a man with that kind of story?"
Nanahimik ako. May punto naman siya, pero masakit pakinggan.
"Kailangan nilang maniwala na mahal kita," dagdag niya. Ang salitang 'mahal' ay lumabas sa bibig niya na parang isang ordinaryong business term. "At kailangan nilang maniwala na ang batang 'yan ay bunga ng plano natin."
"And after a year?" tanong ko.
"After a year, we announce an amicable separation. You get your money. You get your freedom."
Lumapit ang isang katulong para lagyan ng tubig ang baso ko. Nakita ko ang panginginig ng kamay ko kaya idinikit ko na lang 'yun sa kandungan ko.
"Anong mangyayari sa bata pagkatapos ng isang taon?" tanong ko ulit, mas mahina na ang boses ko ngayon.
Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin nang diretso. May sandaling katahimikan. Isang segundo, dalawa. Ang ingay lang ng wall clock sa likod ang naririnig ko.
"He stays with me," seryoso niyang sabi.
"Sandro—"
"Hindi siya pwedeng lumaki sa labas ng pader na ito, Avery. He is a Tallano. He will have the best education, the best protection. Things you can't give him."
Tumayo ako. Nawalan na ako ng gana. "Hindi lahat ng bagay, nadadaan sa pera at protection, Sandro."
Naglakad ako paalis ng dining room. Hindi ko alam kung nasaan ang kwarto ko, pero gusto ko lang lumayo sa kanya.
"Avery," tawag niya. Huminto ako pero hindi ako lumingon. "Don't forget the dinner tomorrow. 7:00 PM. Suotin mo 'yung dress na pinadala ko sa kwarto mo."
"Ayoko ng kulay na pinili mo," sagot ko nang hindi siya tinitingnan.
"Wear it anyway," sabi niya, at narinig ko ang muling pagtunog ng phone niya. "Yes, hello? I'm in a meeting. Update the stocks for the morning session."
Dire-diretso lang ako sa pag-akyat sa hagdan, hinahanap ang kahit anong kwarto na pwedeng pagtaguan. Nung mahanap ko ang maleta ko sa isang malawak na kwarto, sinarado ko agad ang pinto at ni-lock 'yun.
Naupo ako sa sahig, nakasandal sa pinto. Hinawakan ko ang tiyan ko.
"Sorry," sabi ko ng mahina. "Ang gulo ng pinasukan natin."
May kumatok sa pinto pero mahina lang.
"Ms. Avery? Nandito po ako para i-check kung kasya ang sapatos," boses ng isang batang maid.
"Iwan mo na lang dyan sa labas," sigaw ko.
Narinig ko ang paglapag ng box sa carpeted floor at ang paglayo ng mga hakbang. Binuksan ko nang bahagya ang pinto at kinuha ang box. Isang pares ng silver na heels. Ang taas. Parang hindi ko kayang tumayo dyan nang matagal nang hindi natutumba.
Binalik ko ang box sa loob at humiga sa malaking kama. Ang lambot, pero pakiramdam ko, mas masarap pa ring matulog sa luma kong kutson na medyo lubog na sa gitna.
Biglang nag-vibrate ang phone ko sa tabi. Isang text mula sa unknown number.
“Don’t think about running, Avery. I’ve already seen the exit logs for the gate. Just sleep.”
Binitawan ko ang phone at nagtalukbong ng kumot.
"Bwisit ka, Sandro Tallano," bulong ko bago ko ipikit ang mga mata ko.
SANDRO POV "Huwag mong piliting bumangon, Sandro. May mga tahi ka pa sa balikat," seryosong saway sa akin ng doktor habang inaayos ang swero sa kaliwa kong kamay. "Ayos lang ako, Doc. Kailangan ko lang pirmahan ang mga huling waiver para makuha ni Ramos ang clearance sa opisina," sagot ko habang pilit kong itinutuwid ang likod ko rito sa hospital bed ng Makati Medical Center. Ang bawat bahagyang galaw ng kanang braso ko ay may kasamang matalas na kirot, pero wala 'to kumpara sa tindi ng ginhawang naramdaman ko nung marinig ko ang boses ni Avery sa telepono kaninang tanghali. Ligtas sila. Iyan lang naman ang tanging mahalaga sa akin ngayon. Nung lumabas ang doktor, naiwan akong mag-isa sa pribadong suite. Tumingin ako sa labas ng malaking bintana na nakaharap sa mga nagtataasang gusali ng Makati. Pitong taon kong binuhat ang bigat ng kumpanyang ito, iniisip na tinutupad ko ang pangarap ni Papa at tinatama ang mga pagkakamali ko nung gabing mamatay si Samuel. Pero ang totoo, pinalili
AVERY POV "Avery," salubong ng boses ni Sandro sa kabilang linya. Malalim pa rin ang kaniyang paghinga, at maririnig ang mahinang tunog ng mga medical monitor sa background, pero nandoon ang tindi ng ginhawa na matagal ko nang hindi naririnig sa kaniya. "Napanood mo ba ang balita? Hawak na nila si Santos." "Oo, Sandro. Kakapanood ko lang sa tablet ni Gabriel," sagot ko habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Ang bigat na dinala namin mula BGC hanggang Tagaytay, at ngayon dito sa Batangas, parang unt-unting natutunaw. "Sandro... ang sugat mo? Kamusta ka talaga dyan? Huwag kang magsisinungaling sa akin." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, kahit halatang nagingat siya dahil baka bumanat ang mga tahi sa kaniyang kanang balikat. "Masakit nang konti, pero kayang-kaya. Mas masakit ang ulo ko sa mga abogado rito na ayaw akong paalisin sa kama. Pero huwag kang mag-alala, Avery. Ligtas na ako. At ang mas mahalaga, ligtas kayo dyan ni baby. I
AVERY POV Pinalipas ko ang magdamag na nakatitig sa kisame nitong lumang kwarto sa bahay ng nanay ni Gabriel dito sa Batangas. Kahit ligtas kami sa loob ng mataas na bakod na bakal at napapaligiran ng mga puno ng mangga, hindi pa rin talaga ako mapakali. Paano ako kakalma kung ang asawa ko ay nasa isang kwarto sa Makati Medical Center, nagpapagaling mula sa tama ng bala habang ang mga kalaban namin ay parang mga sugatang hayop na nagtatago sa kung saan? Bumangon ako nang dahan-dahan para hindi magising si Salve na mahimbing na natutulog sa kabilang kama. Suot ko pa rin ang cardigan ko kagabi, at dahan-dahan akong lumabas patungo sa balkonahe ng ikalawang palapag. Malamig ang hangin ng madaling-araw sa probinsya, amoy basang damo at lupa, malayo sa mausok at maingay na condo namin sa BGC. .Kailan ba tayo makakahinga nang maluwag, Sandro? Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakatingin sa unt-unting pagbubukas ng liwanag sa silangan. Naiisip ko si Tita Letty n
AVERY POV Mabilis kong isinara ang zipper ng canvas bag habang nanginginig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang bawat laktaw ng pintig ng puso ko sa tindi ng kaba. Sinasabi ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag, para sa baby, pero ang hirap kapag alam mong ang asawa mo ay kasalukuyang nasa ospital dahil sa tama ng bala at ang taong pumatay sa kuya niya ay pabalik na rito para ubusin kami. Sandro, sana ayos ka lang dyan, pakiusap ko sa hangin habang pinapahiran ang luhang kanina pa gustong pumatak sa mga pisngi ko. Ayaw kong mag-panic sa harap ni Salve dahil kitang-kita ko na takot na takot na rin siya habang bitbit ang maliit niyang backpack. Kung noon ay pera lang ang pinag-aawayan ng mga Tallano at Jimenez, ngayon ay buhay na ang nakataya. Ang tanga ko na umasa na magiging tahimik ang buhay namin dito sa Tagaytay kahit isang gabi lang. Walang ligtas na lugar para sa amin hangga't malaya ang mga hayop na 'yun. "Ma'am Avery, tara na po. Handa na an
AVERY POV Nagising ako dahil sa singaw ng bagong saing na kanin at amoy ng pinipiritong tuyo na umaakyat sa kwarto mula sa kusina sa ibaba. Medyo madilim pa sa labas, pero nung kapain ko ang tabi ng kama, malamig na ang unan ni Sandro. Wala na siya roon. Mabilis akong bumangon kahit medyo mabigat pa ang pakiramdam ko dahil sa kulang na tulog. Binalot ko ang sarili ko ng isang manipis na cardigan at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Nadatnan ko si Salve sa kusina, nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Si Gabriel naman ay nakatayo sa may bintana ng sala, may hawak na tasa ng kape habang nakatingin sa labas ng resthouse. Ramdam na naman ang kakaibang tensyon sa hangin, 'yung tipong alam mong may bagyong paparating pero hindi mo alam kung anong oras tatama. "Ma'am Avery, gising na po pala kayo," bati ni Salve nung mapansin niya ako. "Kumain na po kayo rito. Mainit pa 'tong sinangag." "Si Sandro?" tanong ko agad, hindi ko na pinans
SANDRO POV Umakyat ako sa rooftop ng resthouse matapos kong masigurong nakatulog na si Avery sa kwarto namin. Malamig ang hangin dito sa Tagaytay, ramdam na ramdam ko sa balat ko ang lamig na parang sumasabay sa panginginig ng buong katawan ko. Hawak ko ang laptop sa kaliwang kamay ko, habang sa kanang bulsa naman ng jacket ko ay nandoon pa rin ang itim na flash drive na ibinigay sa akin ni Avery kanina. Inilapag ko ang laptop sa ibabaw ng isang lumang mesang kahoy at umupo sa silya. Agad kong tinawagan si Ramos sa pamamagitan ng video call, at kasabay nito ang pag-akyat din ni Gabriel sa rooftop bitbit ang dalawang tasa ng mainit na kape. Umupo si Gabriel sa tabi ko, tahimik ngunit alerto ang mga mata habang hinihintay na mag-connect ang linya namin kay Ramos na nasa opisina pa rin sa Makati. "Sir Sandro," salubong ni Ramos nung bumukas ang camera niya. Mukha siyang pagod na pagod pero seryoso ang ekspresyon. "Nakahanda na po ako. Nak
AVERY POV Napatayo ako sa gilid ng kama. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa phone ko habang nakikinig sa mabigat na paghinga ng lalaki sa kabilang linya. Sino 'to? Hindi ko boses si Sandro, at mas lalong hindi ito boses ng kuya niya. Medyo paos ang kaniyang pananalita, parang laging may kasamang
AVERY POVBiyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-
AVERY POVMuntik na akong madapa sa silver heels na 'to pagbaba ko ng hagdan. Ang taas masyado, parang balak yata akong pilayin ni Sandro bago pa man kami makarating sa dinner. Hawak-hawak ko ang railings habang dahan-dahang bumababa, tinitiis ang hapdi sa likod ng sakong ko.Nasa baba ng hagdan si
AVERY POVNapatitig lang ako sa phone ko kahit namatay na ang tawag. Nanlalamig ang mga palad ko, at 'yung kaba sa dibdib ko, parang gustong kumawala. Sandro Tallano. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan niyang lumitaw kung kailan iniisip ko na kung paano itatago ang lahat?Dahan-dahan akong lumapit sa







