Mag-log inAVERY POV
Biyernes. Ordinaryong araw lang sa labas—mainit ang sikat ng araw at abala ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Pero sa loob ng opisina ng mayor sa Taguig, parang tumigil ang oras para sa akin.
Nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit na lounge, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ako naka-gown. Naka-white silk dress lang ako na hanggang tuhod, simple lang, pero alam mong mahal dahil kay Beatrice galing. Inayos ko ang buhok ko, sinusubukang itago ang panginginig ng mga kamay ko.
"Ready?"
Napatingin ako sa pintuan. Nandoon si Sandro, nakasandal sa hamba. Wala siyang suot na tie, bukas ang unang dalawang butones ng polo niya. Mukha siyang tao ngayon, hindi 'yung parang robot na nakita ko nung mga nakaraang araw.
"Kailangan ba talagang gawin 'to ngayon?" tanong ko, ang boses ko ay medyo paos.
Lumapit siya sa akin. Huminto siya sa likod ko, tinitingnan din ang repleksyon namin sa salamin. Ang tangkad niya talaga. "The papers are ready, Avery. Isang pirma na lang, protektado ka na. Protektado na ang bata."
"Protektado o pag-aari?" hinarap ko siya. "Sandro, alam nating dalawa kung bakit tayo nandito. Huwag mo nang pagandahin ang kuwento."
Tumitig siya sa akin. May dumaang emosyon sa mga mata niya—inis ba 'yun o pagod? Hindi ko masabi. "Whatever you want to call it. Let's go. Naghihintay na sila sa loob."
Mabilis lang ang seremonya. Walang bulaklak, walang kanta, walang pamilya. Kami lang nina Beatrice at isang abogado na nagsilbing mga saksi. 'Yung mayor, mukhang nagmamadali rin dahil may iba pa siyang appointment.
"I now pronounce you husband and wife," sabi ng mayor pagkatapos naming magpalitan ng 'I do.'
Napatitig ako sa kamay ko. May wedding band na sa tabi ng engagement ring ko—tapos na ang dating buhay ko, wala nang balikan. Hinalikan ako ni Sandro sa noo, mabilis lang, para sa picture na kinukuha ni Beatrice. Para sa ebidensya.
Paglabas namin ng munisipyo, sinalubong kami ng mainit na hangin.
"Sir, may tawag po galing sa Singapore office," bungad ni Beatrice habang iniaabot ang phone kay Sandro.
"Wait for me in the car," utos ni Sandro sa akin bago niya kinuha ang phone. "Yes? What happened to the merger? I thought it was settled."
Naglakad ako papunta sa sasakyan, pero huminto ako nung makita ko ang isang newsstand sa kanto. Headline ang mukha ni Jimenez. “Gov. Jimenez Files for Bail; Claims Political Sabotage.”
Napakuyom ang palad ko. Sabotage? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya kay Papa?
"Avery."
Naramdaman ko ang kamay ni Sandro sa balikat ko. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa dyaryo.
"Hindi siya makakalabas," seryosong sabi ni Sandro. "Sisiguraduhin ko 'yun."
"Pera lang ang kailangan niya, Sandro. Alam mo 'yan. Pera lang ang nagpapatakbo sa mundo niyo," lumingon ako sa kanya.
"Then it’s a good thing I have more than him," simpleng sagot niya bago ako iginaya papasok sa sasakyan.
Imbes na bumalik sa mansyon, dinala ako ni Sandro sa isang sementeryo. Nagulat ako nung huminto kami sa harap ng puntod ni Papa. Paano niya nalaman kung nasaan 'to?
Bumaba kami. May dalang puting bulaklak ang driver at iniabot 'yun kay Sandro. Inilapag ni Sandro ang mga bulaklak sa harap ng lapida ni Papa.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko, medyo gumaralgal ang boses ko.
"I told you, I’ll take care of your family," sabi niya habang nakatingin sa pangalan ni Papa. "Eduardo Santos. He was a good man, Avery. Masyado lang siyang naging tapat para sa mundong ginagalawan ni Jimenez."
Nanahimik ako. Ang sakit pa rin. Ang hapdi pa rin sa dibdib kapag naaalala ko 'yung huling gabi ni Papa.
"Magbabayad siya, 'di ba?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan.
"He already is," sagot ni Sandro. "Nagsimula nang bumagsak ang mga stocks niya kaninang umaga. By next month, burado na ang pangalan niya sa industriya."
Tumingin ako kay Sandro. Sa gitna ng sementeryo, sa ilalim ng maulap na langit, parang nakita ko ang ibang side niya. Hindi 'yung arroganteng CEO, kundi isang lalaking marunong ding makinig sa katahimikan.
"Sandro," tawag ko.
"Hmm?"
"Salamat. Kahit na... alam mo na. Kahit na ganito ang set-up natin."
Tumingin siya sa akin, sinalubong ang tingin ko. Hinawakan niya ang kamay ko—hindi para sa picture, hindi para sa ibang tao. Malambot ang pagkakahawak niya, pero naroon 'yung suporta.
"Don't thank me yet," bulong niya. "Mahaba pa ang lalakbayin natin."
Pagbalik namin sa mansyon, sinalubong kami ni Beatrice na may dalang makapal na folder. "Sir, Gov. Jimenez is requesting a private meeting. He says he has something you might be interested in."
Nag-iba ang aura ni Sandro. Sumeryoso bigla ang mukha niya . "Anong sabi?"
"He mentioned a name, Sir. Mariana."
Napatigil si Sandro nang marinig ang pangalang 'yun. Agad niyang binitawan ang kamay ko, na parang bigla siyang nawalan ng gana na hawakan ako.
"Tell him I don't negotiate with criminals," malamig na sabi ni Sandro.
"But Sir, he said it's about the... the incident seven years ago."
Tumingin sa akin si Sandro, pero blangko na ang mga mata niya. Parang bigla niyang nakalimutang kasama niya ako.
"Avery, go to your room," sabi niya, ang boses niya ay wala nang kahit anong emosyon.
"Sino si Mariana?" tanong ko, hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Hinarap niya ako at tinitigan ako nang diretso. "I said, go to your room, Avery. My business is not your concern."
"Asawa mo na ako, 'di ba? Sabi mo partner tayo?" hamon ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Pumirma ka sa papel para sa proteksyon at para sa bata," bulong niya. "Huwag mong isipin na dahil apelyido ko na ang gamit mo, may karapatan ka nang mag-usisa sa nakaraan ko. Beatrice, set the meeting. Ngayon na."
Naiwan akong tulala sa foyer habang pinapanood silang maglakad palayo ni Beatrice. Biglang sumikip ang dibdib ko.
Lumingon ang isang maid sa akin, halatang natatakot sa tensyon. "Ma'am, ihahanda ko na po ba ang dinner niyo?"
"Huwag na," sagot ko habang hinahawakan ang tiyan ko. "Busog pa ako."
Umakyat ako sa kwarto ko at sinarado ang pinto. Naupo ako sa dulo ng kama at tiningnan ang singsing ko. Akala ko kanina, may nabago. Akala ko, kahit papaano, naging totoo ang lahat nung nasa sementeryo kami.
Biglang may kumatok. Akala ko si Sandro, kaya mabilis akong tumayo para buksan ang pinto.
Pero hindi si Sandro ang nandoon. Isang luma at madilaw na envelope ang nakalapag sa tapat ng pinto ko, walang nakasulat na pangalan.
Binuksan ko 'yun. Sa loob, may isang litrato ng isang babaeng kamukhang-kamukha ko, nakatayo sa harap ng Tallano estate pitong taon na ang nakalipas.
At sa likod ng litrato, may nakasulat na mensahe sa pulang tinta...
"Hindi ka ang una, at hindi ka ang huli. Mag-ingat ka kay Sandro."
SANDRO POV "Huwag mong piliting bumangon, Sandro. May mga tahi ka pa sa balikat," seryosong saway sa akin ng doktor habang inaayos ang swero sa kaliwa kong kamay. "Ayos lang ako, Doc. Kailangan ko lang pirmahan ang mga huling waiver para makuha ni Ramos ang clearance sa opisina," sagot ko habang pilit kong itinutuwid ang likod ko rito sa hospital bed ng Makati Medical Center. Ang bawat bahagyang galaw ng kanang braso ko ay may kasamang matalas na kirot, pero wala 'to kumpara sa tindi ng ginhawang naramdaman ko nung marinig ko ang boses ni Avery sa telepono kaninang tanghali. Ligtas sila. Iyan lang naman ang tanging mahalaga sa akin ngayon. Nung lumabas ang doktor, naiwan akong mag-isa sa pribadong suite. Tumingin ako sa labas ng malaking bintana na nakaharap sa mga nagtataasang gusali ng Makati. Pitong taon kong binuhat ang bigat ng kumpanyang ito, iniisip na tinutupad ko ang pangarap ni Papa at tinatama ang mga pagkakamali ko nung gabing mamatay si Samuel. Pero ang totoo, pinalili
AVERY POV "Avery," salubong ng boses ni Sandro sa kabilang linya. Malalim pa rin ang kaniyang paghinga, at maririnig ang mahinang tunog ng mga medical monitor sa background, pero nandoon ang tindi ng ginhawa na matagal ko nang hindi naririnig sa kaniya. "Napanood mo ba ang balita? Hawak na nila si Santos." "Oo, Sandro. Kakapanood ko lang sa tablet ni Gabriel," sagot ko habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Ang bigat na dinala namin mula BGC hanggang Tagaytay, at ngayon dito sa Batangas, parang unt-unting natutunaw. "Sandro... ang sugat mo? Kamusta ka talaga dyan? Huwag kang magsisinungaling sa akin." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, kahit halatang nagingat siya dahil baka bumanat ang mga tahi sa kaniyang kanang balikat. "Masakit nang konti, pero kayang-kaya. Mas masakit ang ulo ko sa mga abogado rito na ayaw akong paalisin sa kama. Pero huwag kang mag-alala, Avery. Ligtas na ako. At ang mas mahalaga, ligtas kayo dyan ni baby. I
AVERY POV Pinalipas ko ang magdamag na nakatitig sa kisame nitong lumang kwarto sa bahay ng nanay ni Gabriel dito sa Batangas. Kahit ligtas kami sa loob ng mataas na bakod na bakal at napapaligiran ng mga puno ng mangga, hindi pa rin talaga ako mapakali. Paano ako kakalma kung ang asawa ko ay nasa isang kwarto sa Makati Medical Center, nagpapagaling mula sa tama ng bala habang ang mga kalaban namin ay parang mga sugatang hayop na nagtatago sa kung saan? Bumangon ako nang dahan-dahan para hindi magising si Salve na mahimbing na natutulog sa kabilang kama. Suot ko pa rin ang cardigan ko kagabi, at dahan-dahan akong lumabas patungo sa balkonahe ng ikalawang palapag. Malamig ang hangin ng madaling-araw sa probinsya, amoy basang damo at lupa, malayo sa mausok at maingay na condo namin sa BGC. .Kailan ba tayo makakahinga nang maluwag, Sandro? Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakatingin sa unt-unting pagbubukas ng liwanag sa silangan. Naiisip ko si Tita Letty n
AVERY POV Mabilis kong isinara ang zipper ng canvas bag habang nanginginig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang bawat laktaw ng pintig ng puso ko sa tindi ng kaba. Sinasabi ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag, para sa baby, pero ang hirap kapag alam mong ang asawa mo ay kasalukuyang nasa ospital dahil sa tama ng bala at ang taong pumatay sa kuya niya ay pabalik na rito para ubusin kami. Sandro, sana ayos ka lang dyan, pakiusap ko sa hangin habang pinapahiran ang luhang kanina pa gustong pumatak sa mga pisngi ko. Ayaw kong mag-panic sa harap ni Salve dahil kitang-kita ko na takot na takot na rin siya habang bitbit ang maliit niyang backpack. Kung noon ay pera lang ang pinag-aawayan ng mga Tallano at Jimenez, ngayon ay buhay na ang nakataya. Ang tanga ko na umasa na magiging tahimik ang buhay namin dito sa Tagaytay kahit isang gabi lang. Walang ligtas na lugar para sa amin hangga't malaya ang mga hayop na 'yun. "Ma'am Avery, tara na po. Handa na an
AVERY POV Nagising ako dahil sa singaw ng bagong saing na kanin at amoy ng pinipiritong tuyo na umaakyat sa kwarto mula sa kusina sa ibaba. Medyo madilim pa sa labas, pero nung kapain ko ang tabi ng kama, malamig na ang unan ni Sandro. Wala na siya roon. Mabilis akong bumangon kahit medyo mabigat pa ang pakiramdam ko dahil sa kulang na tulog. Binalot ko ang sarili ko ng isang manipis na cardigan at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Nadatnan ko si Salve sa kusina, nag-aayos ng mga plato sa lamesa. Si Gabriel naman ay nakatayo sa may bintana ng sala, may hawak na tasa ng kape habang nakatingin sa labas ng resthouse. Ramdam na naman ang kakaibang tensyon sa hangin, 'yung tipong alam mong may bagyong paparating pero hindi mo alam kung anong oras tatama. "Ma'am Avery, gising na po pala kayo," bati ni Salve nung mapansin niya ako. "Kumain na po kayo rito. Mainit pa 'tong sinangag." "Si Sandro?" tanong ko agad, hindi ko na pinans
SANDRO POV Umakyat ako sa rooftop ng resthouse matapos kong masigurong nakatulog na si Avery sa kwarto namin. Malamig ang hangin dito sa Tagaytay, ramdam na ramdam ko sa balat ko ang lamig na parang sumasabay sa panginginig ng buong katawan ko. Hawak ko ang laptop sa kaliwang kamay ko, habang sa kanang bulsa naman ng jacket ko ay nandoon pa rin ang itim na flash drive na ibinigay sa akin ni Avery kanina. Inilapag ko ang laptop sa ibabaw ng isang lumang mesang kahoy at umupo sa silya. Agad kong tinawagan si Ramos sa pamamagitan ng video call, at kasabay nito ang pag-akyat din ni Gabriel sa rooftop bitbit ang dalawang tasa ng mainit na kape. Umupo si Gabriel sa tabi ko, tahimik ngunit alerto ang mga mata habang hinihintay na mag-connect ang linya namin kay Ramos na nasa opisina pa rin sa Makati. "Sir Sandro," salubong ni Ramos nung bumukas ang camera niya. Mukha siyang pagod na pagod pero seryoso ang ekspresyon. "Nakahanda na po ako. Nak
AVERY POV Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon sa labas ng bintana. Medyo matagal bago nag-sink in sa utak ko kung nasaan ako. Puti ang kisame, simple ang kwarto, at walang mabigat na atmospera na katulad ng sa mansyon. Nasa Antipolo nga pala kami. Tiningnan ko ang sahig sa
AVERY POV Halos mabitawan ko ang phone ko sa tindi ng kaba habang binabasa ang text ni Sandro. Paano niya nalaman? Paano niya nalamang nandito ako sa ikatlong palapag o binalak kong umakyat dito? Nilingon ko ang madilim na pasilyo, naghahanap ng kahit anong maliit na pulang ilaw ng security camera
AVERY POV Napatayo ako sa gilid ng kama. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa phone ko habang nakikinig sa mabigat na paghinga ng lalaki sa kabilang linya. Sino 'to? Hindi ko boses si Sandro, at mas lalong hindi ito boses ng kuya niya. Medyo paos ang kaniyang pananalita, parang laging may kasamang
AVERY POVMuntik na akong madapa sa silver heels na 'to pagbaba ko ng hagdan. Ang taas masyado, parang balak yata akong pilayin ni Sandro bago pa man kami makarating sa dinner. Hawak-hawak ko ang railings habang dahan-dahang bumababa, tinitiis ang hapdi sa likod ng sakong ko.Nasa baba ng hagdan si







