Mag-log inNaging tahimik lang si Tukmol habang inaasikaso ko ang schedule niya na alam kong puro mga babae lang naman ang tatargetin niya bukod sa pakikipagdeal ng kung ano anong projects.
Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na, hindi ako tumayo sa upuan ko bagkus ay inilabas ko ang baonan ko sa bag ko at ng akma ko na itong bubuksan para makakain na ako ay bigla na lang lumapit sakin si Tukmol.
“What’s that? You call it lunch?” nandidiri niyang sabi.
“Oh pati ba naman sa pagkain ko pakikialaman mo ko?” irap ko sakaniya.
“Wag ka na munang kumain, may pupuntahan tayo” bigla niyang sabi at naglakad na papunta sa pinto ng elevator dito sa loob ng office niya niya habang ako ay naiwan lang na tulala.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” tanong pa niya sakin
“Sure kang ngayon talaga? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? Nagugutom na ako e!” inis kong sabi sakaniya pero tumalikod lang ito ulit kaya padabog kong nilagay ang baunan ko sa bag ko at binitbit ito
“Book a table for 3 at Cavea Restaurant” utos niya sakin ng makapasok kami sa elevator. Agad ko naman sinunod ang utos niya at mabilis rin namang nakapagresponse ang naturang restaurant.
“Kasama talaga ako?” tanong ko pa
“Malamang! May meeting ako and i need you to write down lahat ng mapag uusapan mamaya” tugon pa niya
“As in lahat?” tanong ko pa pero tinignan niya lang ako na para bang nag sisisi na siya na kinuha niya akong Assistant niya.
Paglabas namin ng elevator ay saktong na sa garage na kami kung nasan ang kotse niya, agad na siyang pumasok sa kotse niya habang ako ay bubuksan na sana ang pinto sa backseat pero nilock niya ito, kaya kusang tumaas ang kilay ko.
“Book a cab, ako na magbabayad pagdating mo sa restaurant” saad niya ng buksan niya ang bintana ng kotse at pinaandar na ito, habang ako? Naiwan at hindi makapaniwalang iniwan niya talaga ako.
Tarantado talaga!
Tahimik lang ako habang inis na inis sa back seat ng taxi na sinakyan ko kanina pag labas ko ng company building. Ngayon ko lang rin kasi napagtanto na wala akong phone number ni Tukmol kaya paano niya malalaman na nasa labas na ako ng restau para siya ang magbayad? Diba?! Tangina talaga niya talagang pinagtitripan ako!
“Andito na po tayo ma’am” anang driver at agad naman akong nag abot ng 150 para sa faremeter ata agad ng bumaba.
Inayos ko muna ang sarili ko at akma na sanang papasok sa restaurant ng mapatigil ako sa malakas na busina mula sa kotse sa gilid.
Nakatingin lang ako doon at lalong sumalubong ang kilay ko ng makitang papalapit si Tukmol sakin.
“Ang tagal mo naman, nainip na ako kakahintay sayo” inis pang sabi nito.
“Parang kasalanan ko nanaman?!” inis kong tugon
“Alangan namang kasalanan ko?” ngisi pa niya at naglakad na papasok, kinausap naman niya agad ang receptionist at inaassist kami patungo sa table namin.
Pag ka upo namin ay inabot saming pareho ang menu, pagbuklat ko sa menu ay halos malula ako sa presyo kaya naman napalunok ako habang si Tukmol ay nakangisi lang na nakatingin sakin.
“So what’s yours?” tanong nito pero tinignan ko lang siya ng masama at muling ibinalik ang tingin ko sa menu.
“Wala ka pa ring napipili?” tanong pa niya
“Ang… ang mahal kasi” sagot ko naman
“So what? Ako naman ang magbabayad hindi naman ikaw” mayabang pa niyang sabi kaya inirapan ko na lang siya at nag order na lang ng pinakamura na nasa menu.
“First time mo sa ganitong lugar?” tanong niya
“H-hindi no.” irap ko sakaniya at sa totoo lang first time ko naman talaga.
Ilang saglit pa ay may dumating na matandang lalaki at naupo ito saamin, mukhang ito iyong sinasabi niyang ka meeting niya, sakto rin naman na dumating ang order namin at halos mabwisit ako sa naorder ko, ang laki ng pork cutlet pero yung kanin pang isahang subo lang ata.
“Thank you for coming here Mr. Romano” nakangiting bati ni Tukmol at nakipag shake hands, tumayo rin ako at nakipag shake hands rin sa matanda.
Nag usap lang ang dalawa habang ako ay lamon lang ng lamon pero nakikinig rin naman ako sakanila as the same time at inilalagay ko ang mga important notes sa tablet na dala ko.
“Seems you’re not full hija? You can take mine hindi ko pa naman yan nagagalaw” nagulat ako ng kausapin ako ni Mr. Romano kaya naman napatingin ako kay tukmol at sinenyasan niya ako na wag kong kunin.
“N-nakakahiya naman po…” saad ko pa
“No hija, sige na. Mahirap mag trabaho pag kulang ang kinain” natatawa pa nitong sabi at siya na mismo ang naglagay ng plato niya sa hrap ko at kinuha iyong plato ko na wala ng laman.
“T-thank you po, Mr. Romano” nakangiti ko pang sabi at agad na kumain dahil gutom pa talaga ako sa totoo lang.
“Hmm about the billions donation, pag iisipan ko muna.” saad naman ni Mr. Romano at tumayo na ito mula sa kinaupuan niya at napatayo rin kami ni Tukmol para makipagkamayan sakaniya. Pero bago pa tuluyang makaalis ang matanda ay parang kusa nalang kumilos ang kamay ko at kinuha ang baon kong pagkain tsaka ko ito inabot kay Mr. Romano.
“What are you doing?!” pasimpleng inis na tanong sakin ni Tukmol, pero di ko siya pinansin.
“What is this hija?” tanong namn ni Mr. Romano
“Ahh, luto po ng mama ko… nakakahiya naman po kasi binigay nyo po yung pagkain nyo sakin” saad ko pa, tinanggap naman ito ng matanda at ngumiti sakin
“Thank you, hija. I’ll make sure to eat this,” sabi ni Mr. Romano bago tuluyang lumabas.
Nang kaming dalawa na lang ang naiwan, hinarap ako ni Tukmol.
“Anong trip 'yun? You just handed to multi-billionaire a cheap plastic container!” asik niya, pero bakit parang may halong amusement na sa boses niya?
“Masama bang maging mabait? Lalo na sa mga katulad ni Mr. Romano? Dapat gano’n ka rin, nang magkasundo naman tayo paminsan minsan” sagot ko habang nililigpit ang gamit ko.
“At bakit naman ako magiging mabait? Lalo na sa’yo?”
“Hindi ko sinabing sa akin! Pero kung magsusungit ka, ibabalik ko lang din sa’yo. Quits lang.”
Tinitigan niya ako nang matagal. Yung titig na hindi ko mawari kung galit ba o nagtataka. Tapos, bigla siyang tumawa—isang maikli at malalim na tawa na hindi ko inaasahan.
“Kakaiba talaga 'yang utak mo.”
“Mas kakaiba 'yang mukha mo! Mukha kang chameleon!” ganti ko para itago ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
“Wow? Coming from the chameleon herself!” hirit pa niya habang naglalakad kami palabas.
Tsk! Di talaga nag papatalo!
They said a Laxamana could never survive away from the grid. But Timothy proved that his entire world was already standing right in front of him.Dalawang taon matapos ang kasal—at dalawang taon mula nang magpasya si Timothy na tuluyang talikuran ang malamig at ang walang katapusang takbo ng mga stocks, ang mga flash ng media, at ang ingay ng Dominion, ay naging mga malabong alingawngaw na lamang ng nakaraan.Nakatayo kami sa isang pribadong isla sa Batangas. Isang nakatagong paraiso na walang mararangas na hotel, walang semento, at higit sa lahat, walang maayos na signal ng telepono. Dito namin piniling magtayo ng isang simpleng beachfront villa. Dito namin piniling mabuhay, malayo sa mga anino ng mga Del Rio at sa lahat ng sugat ng pitong taong digmaan na tuluyan nang natunaw sa bawat segundong lumilipas.Lumabas ako sa terrace ng aming bahay, suot ang isang simpleng puting linen dress na sumasabay sa marahang ihip ng hangin na may amoy ng asin at kalayaan. Doon ko sila nakita.Nakas
Ang unang liwanag ng sikat ng araw ay marahang sumilip sa pagitan ng mga puting kurtina ng villa, nag-iiwan ng mahahabang guhit ng ginto sa ibabaw ng malambot na kama. Kasabay nito ang banayad na simoy ng hangin mula sa dalampasigan na may dalang amoy ng sea salt, pamilyar at payapa.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, sinalubong ng bahagyang hilo mula sa matinding pagod at emosyon ng nagdaang araw. Ngunit bago pa man tuluyang magproseso ang aking isip, naramdaman ko ang isang mabigat ngunit kumportableng braso na nakapulupot sa aking baywang, humihila sa akin pabalik sa isang mainit na dibdib.Napatitig ako sa lalaking katabi ko.Si Timothy. Ang aking asawa.Wala ang kaniyang karaniwang selyo ng buhok na naka-brush back; ang ilang hibla nito ay gulo-gulong nakalagay sa kaniyang noo, na nagpamukha sa kaniya na mas bata at malayo sa malamig na CEO na kinatatakutan sa boardroom. Ang kaniyang panga ay relaks, ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakabukas, at ang mabagal na pag-n
Ang ingay ng labas ng katedral ay tila isang malabong humming sa aking pandinig habang naglalakad kami ni Timothy palabas, sinalubong ng ulan ng mga puting petals at ng nakakasilaw na flash ng mga kamera ng media. Ang kaniyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking baywang, isang protektibong gawi na ngayon ay wala nang itinatagong takot—kundi purong pag-aari at kalayaan.Ang reception sa grand ballroom ng The Peninsula Manila ay naging isang obra maestra ng kontradiksyon. Sa isang banda, nandoon ang pormalidad ng alta lipunan: ang mga matatayog na kristal na chandelier, ang tunog ng banayad na jazz, at ang mga naglalakihang pangalan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, ang aming lamesa ay puno ng init na kailanman ay hindi mabibili ng pera."Isang baso pa nga ng champagne, Trevor," natatawang utos ni Kacely habang nakasandal sa upuan, bahagyang namumula ang mga pisngi dahil sa nakatutuwang pagod ng buong araw. "Grabe, feeling ko ako 'yung ikinasal sa tindi ng kaba
They said a Laxamana wedding would always be a merger of empires. But Timothy made sure it was only a union of two souls.Ang Manila Cathedral ay binalot ng kakaibang antas ng elegansa na ngayon lang nakita ng alta lipunan. Walang mararahas na dekorasyon, walang nagtutunggaliang mga kulay.Ang buong dambana ay pinaligiran ng libu-libong buhay na white lisianthus, phalaenopsis orchids, at mga sariwang eucalyptus na nagpabango sa malamig na hangin sa loob ng simbahan. Ang dulo ng bawat upuan ay may nakasabit na mga kristal na may nakasinding kandila, lumilikha ng isang tila panaginip na liwanag na sumasayaw sa lumang arkitektura ng katedral.Ang tunog ng mga violin mula sa isang full orchestra ang dahan-dahang bumasag sa bulong ng mga piling bisita nang bumukas ang dambuhalang pinto ng simbahan.Napatayo ang lahat. Ngunit ang aking paningin ay nakatutok lang sa dulo ng mahabang karpet—kung saan nakatayo ang isang Timothy Axel Laxamana.He was wearing a bespoke, midnight-blue velvet tuxe
Akala ko, ang gulo sa Del Rio Tower, ang pagbagsak ng kanilang imperyo sa harap ng media, at ang sunod-sunod na balita sa telebisyon ang dulo ng lahat. Akala ko, iyon na ang pinakamatinding yugto ng kwento namin.Mali ako. Dahil ang totoong pinaplano ni Timothy Laxamana... ay mas tahimik. Mas malalim. At mas permanente. Isang hakbang na walang kinalaman sa mga stocks, sa Laxamana Holdings, o sa paghihiganti."Magbihis ka nang maayos," kaswal na sabi ni Trevor habang humihigop ng kape sa almusal.Bahagya kong isiningkit ang mga mata ko sa kaniya, puno ng hinala. "…Bakit?"Hindi siya nag-angat ng tingin mula sa kaniyang telepono, patuloy ang mabilis na pagpindot. "Sabi ni Lola, mahalaga raw. Huwag ka nang maraming tanong, Ate Marianne."Iyon lang. Walang paliwanag. Walang detalye. Isang maikling utos na may dalang kakaibang kaba. At si Timothy? Hindi siya nagsalita buong magdamag at maghapon. Pero sa tuwing magkakasalubong ang mga tingin namin, tinitingnan niya ako na tila ba alam na ni
Akala ko noon, kapag natapos na ang lahat ng gulo, ang kapayapaan ay magiging isang nakababagot na siklo ng paulit-ulit na araw. Akala ko, kapag wala nang banta ng mga Del Rio, babalik lang kami sa isang normal na buhay na walang masyadong kulay.Turns out… it feels like someone constantly checking if you’re still there.Mali ako. Dahil ang kapayapaan pala sa piling ng isang Timothy Laxamana ay nangangahulugan ng isang bagong uri ng tensyon—isang banayad ngunit walang katapusang pagsisigurado kung totoo bang hindi ako naglaho kasabay ng paglipas ng gabi.Paglabas ko ng aking silid kinaumagahan, sinalubong ako ng pamilyar na katahimikan ng mansiyon. Pero sa pagkakataong ito, masyadong tahimik. Too quiet. Ang kaba na akala ko ay tuluyan ko nang nailibing sa Del Rio Tower ay biglang gumapang pabalik sa aking dibdib."Good morning," kaswal kong bati sa malawak na hallway, pilit na itinatago ang biglaang pagbago ng ritmo ng puso ko.No reply. Walang sumagot."Timothy?" lakas-loob ko pang t
“Ano sama ka na sakin? maraming matandang mayaman doon. Makakapasok naman tayo dahil kilala na ako doon. Isang gabi lang naman, kesa naman paalisin kayo ni Tita Nelda sa inuupahan niyo” pangungulit ni Kacely sakin, matalik kong kaibigan. Naikwento ko kasi sakaniya na kailangan na kailangan ko ng
Lumalim ang halikan namin ni Timothy, halos napapakagat na rin ako sa labi niya dahil sa kakaibang init na bumabalot sakin ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa beer na ininom namin kanina, o baka dahil sa pag titig at pag halik sakin ni Timothy ngayon. Habang walang patid ang halikan namin ay na
Malamig ang simoy ng hangin mula sa dagat habang unti-unting dumidilim ang kalangitan. Tanging liwanag ng buwan at ang nagliliyab na bonfire sa dalampasigan ang nagbibigay ng ilaw sa paligid.Nakaupo kami sa buhangin, paikot sa apoy. May hawak akong in-can beer habang si Timothy ay nasa tabi ko, ma
Napapikit na lang ako sa halik ni Timothy at napakapit sa lay layan ng damit niya. Kusa na lang rin tumulo ang mga luha ko sa gilid ng mata ko habang nakikipagsagutan sa halik ni Timothy.Ilang saglit pa ay kumalas siya sa halikan namin at pinagdikit niya ang noo namin. “So, why are you crying?” t







