Home / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter One: Ang Eldest Witch

Share

The Chosen Wife
The Chosen Wife
Author: CRISTINA JERMELINE

Chapter One: Ang Eldest Witch

last update publish date: 2022-11-25 19:55:51

Chapter One: Eldest Witch                                                           

       

       

      

      

      

     

     

       

       

       

     

      

       

        

       

       

     

     

     

   

     

   

     

 

        Hapon matapos ang klase nina Deborah ay dali-dali niyang nilikas ang kanilang silid-aralan. Ilang Gypto mountain pa ang tatakbuhin niya para makauwi sa kanilang witch cabin.

      "Ano Eldest Witch! Ba't parang nagmamadali ka 'ata?" tanong ng isa sa kanyang mga mag-aaral na si Sherif.

       Ang tatlo namang mga kasama nito ay nagtawanan sa sinabi nito. Inirapan lamang ni Deborah ang mga ito at umalis.

      "Hoy! Kinakausap ka pa namin!" muli ay sabi ni Sherif.     

       Si Varga naman na isa sa tatlong kasama nito ay hinarang siya, "Ang bastos mo, ah! Baka inaakala mo ns dahil nasa sayo ang Eldest Witch Position ng inyong witch clan ay pwede mo na kaming bastosin ng ganyan..."

       Nagulat ang lahat nang itulak ito ni Deborah, "Tumabi ka nga diyan!" naiirita niyang sabi kay Varga na hindi pa makatayo mula sa pagkakatulak niya.

      "Ang yabang nito, ah!" sabi naman Juvy matapos tulungan si Varga na makatayo at itinulak din si Deborah.

       Nang makatayo ay sinugod ni Deborah si Juvy, "Ang lakas ng loob mong itulak ako, ah!"

       Nang susuntukin sana niya si Juvy ay dumating sina Jonaner at Elj upang awatin siya.

       Si Juvy naman ay inawat na din nila Sherif, Varga at Loth. Ang iba namang mga mag-aaral ay naglapitan sa kanila.

      "Pigilin mo ang galit mo Deborah, kapag naparusahan ka dito sa Academy ay tiyak na magagalit sayo ang mama mo..." pigil sa kanya ni Elj.

        Kumawala si Deborah sa pagkakaawat ni Elj at lumisan na ng kanilang silid-aralan.

        Si Juvy naman ay inayos ang sarili.

      "May araw din satin ang Deborah na yan!" nanlilisik ang mata na sabi ni Lot.

      "Deborah, sandali!" sigaw naman ni Elj habang sinusundan si Deborah.

      "Bakit ba ang bilis mong maglakad? Tinalo mo pa ako na isang makisig na Mortano..." pagod na sa paglalakad na sabi ni Jonaner.

      "Sino ba kasing nagsabing sundan niyo 'ko..." "Hatid kana namin..." pagyayaya ni Elj

      "Ayoko! Gusto ko umuwing mag-isa..."

      "Half blood moon ngayon, sige ka baka may masalubong kang vampire sa daan..." pananakot naman ni Jonaner.

      "Akala mo naman matatakot ako..." pagmamatigas ni Deborah.

      "Kung ayaw mong ihatid, sasabayan kana lang namin sa paglalakad!" pursigidong sabi ni Jonaner.

      "Ah, sasabayan niyo ako sa paglalakad....paano kung tumakbo ako?" paghahamon niya.

     "Takbo lang pala eh, alam mo namang hindi lang ako makisig, maliksi din ako pagdating sa takbuhan!" puno ng pagmamalaking sabi ni Jonaner.

     "Anong makisig at maliksi ka diyan? Makulit kamo!" kontra naman ni Elj.

       Natawa na lamang si Deborah sa pang-aasar ni Elj kay Jonaner at nagsimula nang tumakbo.

     "Hoy sandali! Ang daya ah!" tumatakbong sigaw naman ni Jonaner.

      Si Elj naman ay nagbalat-kayo bilang isang Gypto rabbit at sumunod sa pagtakbo.

      Bagamat napagod ang tatlo sa paghahabulan ay masaya naman silang narating ang witch cabin nina Deborah.

     "Salamat sa pagsabay sa pagtakbo sakin..." nahihiya niyang sabi sa dalawa.

     "Wala 'yon! Basta huwag mo na kaming iiwan ulit sa paglalakad..." pangangantyaw ni Jonaner.

       Si Elj naman ay naluluhang yumakap kay Deborah, "Pwede bang palagi na ulit tayong sabay-sabay na umuwi tulad ng dati?"

       Gumanti na din siya ng yakap dito habang pinipigilan ang pagluha, "Oo na sige na...ayoko namang makasalubong ang vampires..." At nagtawanan silang tatlo.

       Masaya si Deborah na muli ay nakasama niya ang kanyang mga kaibigan. Matagal na din nang huling niyang makausap ang mga ito.

      Ngunit nawala ang saya niya nang bumungad sa kanya si Mishael.

    "Eldest Sister! Eldest Sister! Sumakay ka ba ng broomstick?" tuwang hula nito.

      Biglang ibinaling niya ang kanyang tingin kay Anarah.

      Pansin niyang nakaramdam ito ng kaba dahil sa nang-uusisa niyang tingin.

    "Hindi Mishael, tumakbo lamang kami pauwi nina Elj at Jonaner" malamig ang tinig niyang tugon sa kanyang kapatid.

    "Bakit kayo tumakbo lang Eldest Sister? Nakalimutan mo na bang sumakay ng broomstick?" tanong naman ni Mishael.

     Sa tanong nito ay mas naunawaan na niyang tama ang kanyang hinala na maaaring naikuwento na dito nina Anarah at Hananiah na dati siyang sumasakay ng broomstick noon.

    "Marunong ngunit ayoko nang sumakay doon ulit..."

    "Ganun? Pero Eldest Sister, gusto ko ring sumakay ng broomstick..." paglalambing ni Mishael.

    "Pero ayoko na ulit sumakay doon..." medyo naiirita na niyang sabi at umiwas na dito.

     Ngunit kinulit pa din siya ni Mishael, "Sige na Eldest Sister, isakay mo rin ako sa broomstick..."

     "Ayoko nga e!" sigaw niya.

     Nagulat siya sa ginawa niya. Hindi niya ugaling sumigaw lalo na't sa harap ng kanyang mga nakababatang kapatid.

     Nairita na lamang siya dahil muli na naman siyang pinipilit sa isang bagay na may kinalaman sa witchcraft.

     Hindi alam ni Deborah na narinig ng mama niya ang ginawa niyang pagsigaw sa kanyang younger brother.

     Kararating lamang ng mama niya galing sa pangongolekta ng Gypto wildflowers sa mga wild mountains.

    "Deborah! Huwag mong masigawsigawan ang younger brother mo!"

     Doon lamang napansin ni Deborah ang pagdating ng mama niya.

     Hindi niya alam ang mararamdaman. Alam niyang nagagalit ito dahil sa ginawa niya.

     Sanay na siya sa pamamalo nito at pagpapaluhod sa kanya tuwing hindi siya dumadalo ng pag-eensayo ng witchcraft.

     Sanay na siya sa pananakit ng mama niya ngunit ayaw niyang maririnig na tinatalakan siya nito.

     Imbes na humingi ng tawad ay tinungo na lamang niya ang kanyang silid.

    "Kung matapang kayo sa harap ng mga kapatid ninyo ay kailangang mas matapang kayo sa iba! Maliwanag?" narinig niyang sabi ng mama niya.

      Sabay namang sumagot sina Anarah at Hananiah, "Opo..."

     "Tama nang iyak, Mishael... ang matikas na Mortano ay hindi umiiyak..." malumanay na turan ng mama niya kay Mishael.

     Akma namang bubuksan ni Deborah ang pinto ng kanyang silid nang bumaling na sa kanya ang mama niya, "Narinig mo ba ang sinabi ko Deborah?"

    "Opo..." mahina niyang sagot habang binuksan ang pinto ng kanyang silid.

     Isang hapon, dahil sa paglalaro ay hindi na napansin nina Anarah at Hananiah na napasok na pala nila ang Zombies' Border dahilan upang magambala ang mga nahihimlay na zombies doon.

    "Big Sister... Big Sister... mga zombies, oh..." mahina ang boses na sabi ni Hananiah.

     Si Anarah naman ay dahan-dahang nilingon ang direksyong itinuro ng kanyang younger brother, "Naku po... nasa Zombies' Border na pala tayo..."

    "Huminahon ka lamang Big Sister... hindi magtatagal ay magigising na ang lahat ng mga zombies dito..."

     Kaya nang sumenyas sa kanya si Hananiah na maglakad sila ng dahan-dahan ay sumakay na siya dito sa paglalakad.

    "Younger Brother... gaano kaya katagal bago tayo makalabas dito?" kinakabahang tanong ni Anarah.

    "Mabilis lang..."

    "Mabilis?" pagtataka ni Anarah, "Gaano kabilis?"

    "Huwag ka nang magtanong... pagsabi kong takbo, takbo na tayo..."

    ''Ano?" tanong ni Anarah habang nararamdamang naapakan na pala niya ang kamay ng isa sa mga natutulog pang zombies sa paligid nila, "Patay!"

     Nang makita ni Hananiah na nagising ang zombie na naapakan ni Anarah ang kamay ay sumigaw ito, "Big Sister, takbo!!!"

     Ang mga zombies naman ay hinabol na sila nang mapansin ang kanilang pagtakbo.

     Batid nilang mahihirapan silang mahanap ang daan palabas.

     Ang tanging naiisip nilang gawin ay tumakbo palayo sa mga zombies.

    "Kung nandirito lang sana ang Eldest Sister..." humihingal na sambit ni Anarah.

    "Kung nandirito siya ay baka kanina pa tayo kinain ng mga zombies na 'yan!" tumatakbong kontra naman ni Hananiah.

     Hindi na pinansin ni Anarah ang sinabing iyon ni Hananiah.

     Alam niya sa kanyang puso na matalino at matapang ang Eldest Sister niya.

    "Basta, alam ko... kung nandirito siya, maliligtas niya tayo..."

    "Totoo ba itong nakikita ko?" narinig ni Anarah na sabi ni Hananiah...

    "Ang alin?" nagtataka niyang tanong.

    "Ang Eldest Sister!!!"

    "Saan?" paghahanap ni Anarah.

    "Ayun oh!" pagturo naman ni Hananiah.

    "Eldest Sister?!" gulat niyang bulalas.

     Hindi makapaniwala si Anarah sa kanyang nakita. Ang Eldest Sister nilang si Deborah ay nakasakay muli sa broomstick nito.

     "Sakay!" seryoso ang mukha na pagyayaya ni Deborah.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Darren Keith Borja
I like the story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eighteen: Ang Nababagabag Na Ina

    "Harvan," tawag ni Zillah sa second-ranked attendant. "Pinatatawag ka ng mahal na reyna."Itinigil nito ang ginagawang palamuti sa gawaan ng dekorasyon. Tumayo ito at lumapit sa pintuan kung saan siya sumilip."Bakit, Zillah? May ipag-uutos ba si Reyna Milcah?"Humugot siya ng malalim na hininga bago tumugon. "Tayo ay magpupunta ng Way Kingdom at may ipagbibilin siya sa iyo.""Ganoon ba? Susunod na lamang ako sa iyo, Zillah. Itatago ko lang muna ang mga ito.""Magkita na lamang tayo mamaya."Nakangiting tumango si Harvan. "Sige, Zillah!"Isinara na niya ang pinto sa gawaan ng dekorasyon at bumuntong-hininga. "Sunod-sunod na dagok ang kinakaharap ng mga maharlika ng Guzen. Huwag naman sana madamay ang mga tulad ni Harvan sa kalungkutan ng mga reyna at prinsesa sa Way Kingdom at Light Kingdom."*****Matapos ang ginagawa ay agad na tinungo ni Harvan ang himpilan ng bagong reyna.Kumatok siya sa pinto."Harvan? Ikaw na ba iyan?" narinig niyang tanong ng reyna na nasa loob ng himpilan nit

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-seventeen: Ang Seremonya Ng Pamamaalam

    Pinangunahan ni Armida ang seremonya ng pamamaalam para sa yumaong Datu Nebunizar.Ang lahat ng mga Adono at Adona sa kanilang werewolf clan ay tumatangis.Limang henerasyon ang pinamunuan ng yumaong datu. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay inilaan nito ang buhay para sa kanilang kampo."Ikinalulungkot ko, Siviro." Naluluhang pagpapaabot ng dalamhati ni Sharina sa kababata.Tumango lamang si Siviro ngunit hindi lumingon sa kaniya.Pinili niyang ngumiti at tinapik ito sa balikat. "Ihahanda ko lamang ang aking grupo para sa seremonya. Sasabihan ko na rin si Carlos para maging alerto ang grupo ninyo."Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito. "Salamat, Sharina."Iniwan na niya ito at nagtungo sa mga kagrupo niya.Lumapit sa kaniya si Joross at bumulong, "Kumusta ang magiging bagong datu, Leader?"Lumingon muna siya sa direksyon ni Siviro bago bumulong sa kausap. "Mailap pa rin siya sa pakikipag-usap, Joross. Ang mabuti pa ay maghanda na kayo para sa pagtapos ng seremonya."T

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-sixteen: Ang Pagkakaisa ng Dalawang Werewolf Clan

    "Aking Binibini!" halos mawala sa sariling sigaw ni Ram Luiz nang maabutang nakahandusay si Deborah.Duguan ito at puno ng sugat sa buong katawan. May pulso pa ito nang pakiramdaman niya ngunit mabagal."Sino? Sino ang gumawa nito sa kaniya?" palatak niya na napayakap na lamang sa kabiyak.Lumapit sa kaniya si Sharina na marami ring kalmot at pasa sa katawan.Nanghihina pa ito nang sagutin ang tanong niya. "N-nagkasagupa s-sila ni Dayang Victoria... Ibinuhos niya ang galit sa pakikipagtunggali."Matalim na tingin ang iniukol niya rito. "Magbabayad siya. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa binibini ko.""Ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan mo, Adult Ram Luiz. Parang nakikita ka niya at nakakausap kanina." Mahina ang tinig na pagbabahagi nito."Gayon din ako, Sharina. Habang nakikipaglaban ako ay naririnig ko ang tinig niya. Inakala ko nga na magkalapit lang kami." Tugon niya."Kailangang dalhin natin siya sa babaylan. Masidhi ang tinamong mga sugat sa buo niyang katawan.

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-fifteen: Ang Paghaharap Ng Dalawang Malalakas Na Adona

    Wala ngang Ram Luiz sa paligid. Naisip ni Deborah na marahil ay kathang-isip lamang niya ang tinig nito."Halika na, Adult Sharina. Hanapin na natin ang iba pang kasamahan," pagyayaya niya sa Adona."Ngunit, Binibining Deborah," tanggi naman nito. "May kalaban na paparating."Nakita naman niyang parating ang sinasabi ni Sharina. Isang Adona na nakita na niya matagal na panahon nang nakalilipas."Ikaw!" nanlaki ang mga mata niyang sambit habang parating si Victoria."Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa 'yo. Matagal na kitang nais makita. Ito na ang tamang panahon upang mapangyari iyon." Nanlilisik ang mga matang sambit nito."Ikaw ang dahilan ng lahat ng pinagdaanan ko kung bakit ako nagkaganito. Nais mo na ba ako tuluyang tapusin?" nagpipigil ng galit niyang tanong."Hindi ko inakalang nabubuhay ka pa hanggang ngayon. Kung ganoon, humanda ka!" pagbabanta naman ni Victoria."Kilala mo ba siya, Binibining Deborah?" pasigaw na tanong ni Sharina."Kilala ko siya, Adult Sharina. Kilal

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-fourteen: Digmaan at Pagkakaisa

    Sa paggising ni Ram Luiz ay agad niyang pinuntahan ang tinutulugan ni Deborah. Hindi na siya makapaghintay na mayakap ang kabiyak.“Aking binibini!” tawag niya habang humahakbang papalapit sa kuwebang tinutuluyan ng minamahal.“Adult Ram Luiz!” bungad sa kaniya ni Loisa paglabas nito ng kuweba.“Loisa, paumanhin. Marahil ay nagambala ko kayo sa inyong pagtulog. Hinahanap ko lamang si Binibining Deborah.” Paliwanag niya.“Kaaalis lang niya kasama ang big sister at iba pang Adona, Adult. Sinugod kasi tayo ng kabilang werewolf clan."“Ano?” gulat niyang reaksyon. “Kumusta siya? Kumusta ang mga kasamahan natin?”“Kasama naman ni Big Sister si Binibing Deborah, Adult. Inuutusan nga nila ako na bantayan at protektahan ang mga Adonang maysakit at nagdadalang-tao. Maayos naman kami rito ngunit ang datu,” pagpapahayag nito na nag-aalangang sambitin ang huling kataga.“Anong nangyari sa grandfather na datu?”“Puntahan mo siya, Adult Ram Luiz. Hindi na raw maayos ang lagay niya.”Bago pa niya tu

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-thirteen: Sa Panaginip Ng Isa't Isa

    Labis ang katuwaang nadarama ni Emmanuel para sa tagumpay ng nakatatandang kapatid na si Samaul.Inordinahan na ito bilang isa sa mga high priest ng Guzen matapos tuluyang magpatalsik sa posisyon ang mga naunang high priest.Naging napakabilis ng mga pangyayari para rito sapagkat kasisimula pa lamang nila sa pagganap ng tungkuli bilang temple priest at assistant high priest. Sa isang iglap ay magsisimula na naman ito na gampanan ang mas mataas na tungkulin. Matagal na iyong pinaghandaan ng older brother niya kaya puno ang kumpyansa niyang magiging maayos ang lahat para rito."Binabati kita, High Priest Samuel!" malugod na bati niya rito matapod lumabas ng kanilang silid."Salamat, Younger Brother," tugon naman nito sa kaniya."Bagay na bagay sa iyong ang iyong kasuotan. Kung naririto lamang ang Tiyuhing High Priest Simeon ay magtatatalon iyon sa tuwa."Natawa naman ang older brother niya. "Sana nga, younger brother. Mula pa sa ating pagkabata, hinubog na niya tayo na maging tagapaglin

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-seven: Parte Ng Propesiya

    Agad na nagpunta sina Deborah at Ram Luiz sa Wuluf Cave. Nais nilang ipagbigay-alam sa datu ang kanilang natunghayan tungkol sa pakikipagsabwatan nina Deryk at Benedict kay Victoria."Adult Ram Luiz," tawag ng tagapagbantay sa kaniyang magiging kabiyak. "Pumasok na raw kayo saad ng mahal na Datu."

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-six: Hindi Malilimutang Kababata

    Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapan

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-five: Ang Bagong Assistant High Priest

    Agad na naglakbay si Deborah kasama si Ram Luiz pabalik ng Edoma Forest. Sinikap nilang makabalik agad sapagkat ayaw nilang mahalata nina Deryk at Benedict ang pagmamanman nila sa mga ito.Pareho silang walang imik ng magiging kabiyak dahil sa nalaman nila. Sapat na ang kanilang mga narinig mula sa

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-three: Masamang Kutob

    Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Matagal nang malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" nar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status