LOGINNALINGAT si Kairoz sa pamilyar na amoy ng isang bulaklak —ang amoy ng paborito niyang Jasmine. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ang unang sumalubong sa kaniyang paningin ay ang malamig at madilim niyang silid. Mapa-umaga o gabi man ay laging sarado ang makakapal na kurtina sa kaniyang silid, dahil sa kadiliman ay nakakatagpo siya ng katahimikan. Marahan siyang bumangon, kasabay n'un ay ang mararahang katok sa kaniyang silid. "Master Kairoz, oras na po para sa'yong tanghalian." Dinig niyang wika ng nasa labas. Napabuntong hininga si Kairoz. Bakit ba pilit pa rin siyang dinadalhan ng pagkain kahit sinasabi niya ng ayaw niyang kumain? "Come in." Pinapasok niya ang kasambahay hindi dahil para kunin ang pagkain kundi may nais lamang siyang itanong. Bumukas ang pinto at sumambulat sa silid ang liwanag nang sinindi ng kasambahay ang ilaw. Nakita niya ang kasambahay na may dalang tray ng paglain. Ito ang laging nagdadala sa kaniya ng kaniyang gamot at pagka
NALUNGKOT si Lia nang mabalitaan mula kay Manang Loy na hindi pinagbuksan ng pintuan ni Kairoz si Miss Sandy. Umalis na lamang ang babae na halata ang lungkot sa mga mata ni hindi na nga nito nagawang magpaalam pa. "Bakit po ayaw ni Kuya Kairoz ng mga bisita?" Inosenteng usisa niya sa ginang. Napatigil saglit sa pagpunas sa mga kubyertos si Manang Loy at bumuntong hininga. "Paano ko ba ito sasabihin sa'yo sa bagay na mauunawaan mo?" Hindi sumagot ang paslit. Pero sa kaniya ay madali lamang niyang maunawaan ang mga bagay bagay kung ipaliliwanag sa kaniya. "Ganito kasi 'yon, hija. Nagsimula ang lahat nang maghiwalay sina Mr. Lancaster at ang ina nina Master Kairoz. Mula noon ay hindi ko na muling nakitang ngumiti at nakihalubilo si Master Kairoz kanino man." "Bakit po sila naghiwalay?" Napangiti si Manang Loy. Isang malungkot na ngiti. "Balang araw malalaman mo rin kung bakit." Sa batang isip ni Lia ay hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
NAKAUGALIAN na ni Lia na tumulong sa pagdidilig ng halaman kay Mang Tom tuwing umaga. Kagaya nang araw na 'yon ay masaya siyang tumutulong. Nang biglang kapwa nila narinig na may nagkakagulo sa gate ng mga Lancaster. "Naku ano na naman kaya iyon?" Napapakamot sa ulong wika ni Mang Tom at muling ipinagpatuloy ang pagdidilig. Samantalang si Lia nang dahil sa kuryosidad ay marahang lumapit sa hindi kalayuan sa gate lalo na nang makita niya si Manang Loy na nagtungo sa gate. Nagtago lamang siya doon at nakiramdam. "Let me in! Let me in, idiot!" Mula sa pinagtataguan ni Lia ay dinig niyang sigaw ng babae sa mga gwardyang naroon na pumipigil dito para makapasok sa solar ng mga Lancaster. Hindi pamilyar kay Lia ang babae, pero tila may kamukha ito, hindi lang niya mapagsino. "Ipinagbabawal po kayong pumasok, ma'am. Pasensya na po," anang gwardya. "Anong ipinagbabawal?! Hindi mo ba ako nakikilala? I am Sherley Costillas, you idiot! Papasukin niyo ako at nais kong m
"WHERE?" Kalmadong tanong ni Ruvion sa paslit. "G-gusto ko po sanang ibigay kay Kuya Seric ang mga 'yan." Walang salitang binitbit ni Ruvion ang paso ng bulaklak at naglakad patungo sa dining room. Nakasunod si Lia sa lalaki at pinagmamasdan ito ng tahimik. Nakapang opisina na ito at halatang paalis na, sa totoo lang ay nakakaintimidate ang aura nito nang mga sandaling 'yon, pero ang paso ng bulaklak ay tila nilusaw nito aurang 'yon. Sa inosenteng isip ni Lia ay naisip niyang bagay na bagay kay Tito Ruvion niya ang maging isang hardinero o tagapag-alaga ng mga bulaklak! Natigilan si Seric nang makita ang ama na imbes na attache case ang bitbit kagaya ng madalas na bitbit nito, ay isang pasong bulaklak 'yon. Bagay na hindi naman nito karaniwang ginagawa. "Kuya!" Biglang lumusot mula sa likuran ng ama si Lia na may masayang mukha. "Bibigyan kita ng bulaklak!" Mabilis na sabi pa nito. Natigilan si Seric at ilang segundong hindi nakauma. Habang ipinatong naman
"AYOS ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Manang Loy nang tignan ang pobreng paslit na nanatili lamang sa likuran niya, hangat hindi nakaalis si Mrs. Costillas. Tahimik lamang ito, naluluha at nahihiya. "A-ayos lang po ako..." Ngunit alam ni Manang Loy na hindi ito okay. Napabuntong hininga siya at ginulo ang makintab na buhok ni Lia. "Huwag mong intindihin si Mrs. Costillas, Miss Lia. Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin at ipapakita ko sa'yo ang silid mo, tiyak na magugustuhan mo ang bagong ayos nito. May mga bulaklak din akong ipinalagay sa silid mo." Pilit na ngumiti si Lia sa ginang at tahimik na sumunod dito. Nang makarating sa silid ay namangha si Lia sa bagong ayos n'un. Kung maganda na ang dati ay higit na maganda ang ayos nito ngayon, magaan at mas kaaya-aya sa mata. Lalong-lalo na at may mga sariwang bulaklak na nasa paligid na nagdagdag sa ganda ng silid. "Ang ganda!" Tinakbo ni Lia ang rectangular table na puno ng paso ng mga bulaklak. Ang m
PAGDATING pa lamang ni Seric sa The Forth High School ay hindi na nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng tingin ng grupo ni Ravin habang nagtatawanan ang mga ito. Gaya ng laging ginagawa ng batang si Seric, hindi niya pinansin ang mga ito. For him, they we're not worth the time. Naglakad siya sa hallway patungo sa classroom nila, pero naramdaman niyang sumunod ang mga ito, bagay na lihim niyang ikinainis. Talagang naghahanap ng gulo si Ravin. "Saglit lang Lancaster." Boses ni Ravin na tila may pang-aasar pa. Pero hindi pa rin ito pinansin ni Seric at nagpatuloy sa paglalakad. "Sinabi ng saglit lang!" May bahid na ng inis ang tinig ni Ravin. Pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Seric na tila walang naririnig. Hangang sa muling sumigaw si Ravin, "Balita namin nag-ampon ang dad mo, ano ah? Siya ba ang papalit sainyong magkakapatid bilang tagapagmana?" Doon natigilan si Seric sa paglalakad, pero hindi pa rin nag abalang lumingon kina Ravin. "Paanong hindi
PINAPASOK ni Dean si Mr. Lancaster sa opisina at pagkaraan ay may sumunod na batang lalaki rito. May kapayatan ang bata pero napakagwapo nito at napakatangkad. Makinis din ang balat nito at maayos ang pananamit. Kuhang kuha nito ang lamig ng aura ni Mr. Lancaster. Hindi maitatangging mag-ama n
KINAGABIHAN ay nagtatalo ang kalooban ni Seric kung kakatok ba siya sa silid ng kaniyang kuya na si Kairoz. Nasa harapan na siya ng silid nito nang mga sandaling 'yon at matagal na nakatitig sa saradong pinto. He's afraid of rejection. Paano kung kagaya ng madalas na ginagawa ni Kair
ALAS singko nang umaga ay nagising si Lia, napaupo sa kama at napahawak sa kumakalam na tiyan. Naalala niya kagabi dahil sa sama ng loob sa mga nangyari kahapon sa kaniya ay hindi siya kumain ng hapunan. Inilibot niya ang paningin at tulog pa ang mga ibang bata sa ampunan na 'yon. Tumayo s
"ATE Rowan, saan mo ba ako dadalhin?" Iyon ang tanong ng pitong taong gulang na si Lia habang marahang nakasunod kay Rowan- ang batang babae na isa sa mga kasama din niya sa home of Hope, ang bahay ampunan na kumakalinga sa tulad nilang walang tahanan. Mag aalas sais pa lang ng um







