LOGINSa isang gabi, nawasak ang buhay ni Liezel. Ginamit siya ng boyfriend niya at ninakaw ang research na pinaghirapan niya. Sa parehong gabi, itinulak siya ng sariling pamilya na ibigay ang sarili sa isang estrangherong lalaki kapalit ng kaligtasan ng kanilang negosyo. Inalok siya ng lalaki ng isang kasunduan: tutulungan siya at aalagaan—kapalit ng pagiging bedwarmer nito. Tinanggap niya, dahil wala na siyang ibang pagpipilian. Ngunit may lihim ang lalaking iyon. May asawa ito. At sa sandaling pumasok si Liezel sa mundo nito, hindi niya alam kung pag-ibig ba ang naghihintay sa kanya—o panibagong kapahamakan.
View More“COME back here, Bianca! Don’t you dare run away!” sigaw ng ama ni Bianca sa malayo.
Namilog ang mga mata ni Bianca nang makita ang kanyang ama na si Antonio na naglalakad patungo sa direksyon niya. Bago pa ito makalapit sa kanya ay mabilis siyang kumaripas ng takbo. Ngunit agad niyang napagtanto, wala na pala siyang matatakasan. Sa harap niya ay may isang malaking pader na may matutulis na alambre sa tuktok. Naisip niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya makakaalis nang hindi masusugatan. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Wala na siyang ibang daan, at alam niyang mahuhuli na siya ng mga ito. Napaluhod na lang si Bianca. “Please leave me alone, Dad! H’wag niyo na akong pilitin!” habol hiningang pagmamakaawa niya rito. Galing si Bianca sa mansyon at do’n ginanap ang golden birthday ng ama niya. Pero imbes na magdiwang kasama ang pamilya ay tumakas siya dahil ikakasal na siya bukas kay Lucien—isang disabled at bastardong anak ng mga Hoffman. Kagaya nito, isa rin siyang illegitimate child at nagmistulang palamuti sa pamilya. Gagamitin lang sila para lumago ang kayamanan ng mga ito, pero hindi naman sila ang makikinabang. Ngunit hindi siya sinagot nito. Naglakad papalapit si Antonio kasama ang tatlong guwardya. Halatang hindi sila titigil hangga’t hindi bumabalik si Bianca sa mansyon. Pilit nilakasan ni Bianca ang loob niya. "H-Hindi ako magpapakasal, daddy! Please… parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako.” Nagpumiglas si Bianca nang hawakan siya ng mga guwardya sa magkabilang braso. “Bitawan niyo ako!” sigaw niya, pilit na kumakawala. Ngunit mas hinigpitan pa ng mga ito ang pagkakahawak sa kanya. Hindi na niya napigilan ang maluha habang lumalapit ang kanyang ama na nakatingin sa kanya nang masama. “Napakawalang utang na loob mo!” galit nitong sabi. “Alam mo bang lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo? Para sa kinabukasan mo?” Umiling si Bianca at nanlilisik ang mga mata. “Para sa akin? O para sa negosyo niyo?” Nagpanting ang tenga ni Antonio sa sinabi ng anak. “You don't know, Bianca, ang kasal na ‘yan ang makakasalba sa kompanya natin. Lubog na tayo sa utang, kaya kailangan ko itong gawin para mabuhay tayo. Isa kang Mondevan, at may responsibilidad kang gampanan iyon.” “Bakit hindi na lang si Monica ang ipakasal mo? Bakit ako pa? At saka, hindi ko mahal si Lucien,” umiiyak niyang sagot. “Hindi ko kayang pakasalan ang isang taong hindi ko naman kilala, lalo na’t alam kong ginagamit mo lang ako para sa kompanya mo!” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Antonio. “Wala kang ibang choice, Bianca. Nasa puder kita, kaya kailangan mong sumunod sa akin.” Muling nagpumiglas si Bianca. “Mayroon! At hindi ito!” Sa isang iglap ay mabilis na iniyapak niya nang malakas ang sakong niya sa paa ng isang guwardya, dahilan para mapatili ito sa sakit. Nagulat ang isang guwardya at sinamantala iyon ni Bianca upang hilahin ang braso niya at makawala. Agad siyang tumakbo sa kabilang direksyon, kahit pa ramdam niyang hinahabol na naman siya ng mga tauhan ng kanyang ama. "Takbo, Bianca... takbo hangga't kaya mo," bulong niya sa sarili, pero alam niyang hindi na niya kaya. Halos hindi na niya maramdaman ang mga paa niya sa bilis ng pagtakbo, pero alam niyang hindi magtatagal ay aabutan din siya ng mga guwardya. Tama nga, dahil ilang segundo lang, isang malakas na bisig ang humablot sa kanya mula sa likod. “Bitawan niyo ako!” sigaw niya, pilit na nagpupumiglas. Ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya at saka niyakap ang kanyang baywang habang ang isa naman ay mabilis na inagaw ang kanyang mga kamay at nilikod ito. “Bitawan niyo ako! Ayoko sumama sa inyo!” patuloy na sigaw ni Bianca na halos maubos na ang boses niya kakasigaw. Lumapit si Antonio at matalim siyang tiningnan. “Wala kang ibang pupuntahan, Bianca. Wala kang ibang matatakbuhan. So please, h’wag mo nang pagurin ang sarili mo.” Muli ay napaluhod si Bianca sa harap ng kanyang ama, umiiyak siya at nagmamakaawa. “Please stop the wedding. Gagawin ko ang lahat ng iuutos niyo, basta h’wag niyo lang ako ibigay sa mga Hoffman.” Pakiramdam ni Bianca na hindi pa ba sapat na pinagkait ng sarili niyang pamilya ang lahat ng pribilehiyo niya bilang Mondevan? Ginawa siyang isang alipin—taga-luto, taga-linis, at sunod-sunuran sa kahit anong utos ng kanyang pamilya. “Nasa tamang edad ka naman din, Bianca, kaya ikaw ang napili ko at hindi si Monica. Ipasok niyo na siya sa kotse,” utos ni Antonio sa mga tauhan niya. Pagdating sa mansyon ay ibinalibag si Bianca sa loob ng kanyang kuwarto—ang kuwartong naging kulungan niya sa loob ng halos dalawampu't tatlong taon na. Muli ay bumalik ang isip niya sa nakaraan, no’ng panahong sweet at close pa sila ng daddy niya. No’ng panahong pinagluluto pa siya nito ng paborito niyang pagkain, no’ng binabasahan pa siya ng story book bago siya matulog at katulad nito. Limang taong gulang noon si Bianca nang magpakasal si Antonio sa kanyang madrasta na si Camille at isinilang ang kapatid niyang si Monica. Pakiramdam niya ay hindi na siya bahagi ng pamilya. Kung hindi lang namatay ang kanyang ina matapos siyang ipanganak, baka iba ang naging kapalaran niya ngayon. Ilang sandali pa ay pumasok sa kuwarto ang ama niya. “Maaga pa tayo bukas kaya magpahinga ka na,” wika nito. “Dad, please… maawa ka naman sa akin. Hindi ba’t minahal mo naman ako bilang anak mo noon? Matagal ko nang gustong malaman ito…. Bakit ganito ang pagtrato mo sa akin? Ano bang nagawa ko?” Muling bumuhos ang luha ni Bianca saka muling nagsalita, “You used to be my father, and I don't understand why you are doing this to me.” Napakuyom ng kamay si Antonio, at saka siya nagsalita. “Bunga ka ng pagkakamali namin ng ina mong si Amanda. Isa kang kahihiyan na pilit kong itinago sa pangalan ng Mondevan. I tried to be a good father to you, Bianca, pero kailangan kong mag-asawa at magkaanak para mas lalong tumibay ang tungkulin ko bilang Chairman. Alam mo bang kaya lagi kang naka-homeschool? Hindi iyon dahil sa gusto kitang protektahan, kundi para walang makaalam na may isa akong illegitimate child. Pero ngayon, kailangan kita… ikaw lang ang makakasalba sa kompanya natin, para naman may silbi ka.” Gumuho ang mundo ni Bianca sa bawat salitang naririnig niya. Matagal na niyang nararamdaman na parang hindi siya kabilang sa pamilya niya, pero iba palang marinig ito nang direkta mula mismo sa ama niya. “Maghanda ka na bukas, Bianca, ikakasal ka na kay Lucien, and that is your fate,” anito saka malakas na isinara ang pintuan ng kwarto niya. Hindi na alam ni Bianca ang magiging kapalaran niya bukas. Natatakot siya na baka mas lalo siyang pahirapan ng mga Hoffman. May sabi-sabi na strikto raw ang pamilya. Makaka-survive kaya siya? Naiwan si Bianca na nakaupo sa malamig na sahig ng kanyang kwarto, tulala habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. Wala na siyang lakas para magpumiglas o sumigaw. Umiiyak na lang siya hanggang sa wala nang luha na lumabas. “Bakit ganito?” mahina niyang bulong. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Kahit anong gawin niya, kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi siya pinapakinggan. “Ganito na lang ba talaga ang buhay ko?”LIEZEL“Kahit kailan palpak ka talaga, Liezel,” panenermon sa akin ni Kuya sa harapan ng Axenria Biotech.“Lintik talaga tayo kay Mommy.”Hindi ako umimik. Wala akong maisasagot kay Kuya dahil ngayon ang proposal ko talaga ang may problema.Ako ang problema.“You know, mali ko na inasahan kita. Ever since, you’re stupid and a failure in our family.”Tinuro niya ako, “Huwag kang umuwi sa bahay hangga’t hindi ka nakakakuha ng kliyente.”Sumakay na si Kuya sa sasakyan niya at naiwan naman ako sa harapan.Tumitig ako sa ulan. Umuulan na naman.Mapakla akong ngumiti. Sabi na, sinusumpa talaga ako ng ulan.[ “Diyan ka sa labas!”“Mommy, umuulan, please–”“You promised me that you’ll be part of the international research team. Ginastusan ko ang pag-aaral ko sa iyo, pero sinayang mo!”“I will try again–”“No! You will never have a chance, Liezel! You already proved to me that you’re a failure!”]Umagos ang mga luha ko nang maalala ko ito. Sa nangyaring ito, siguradong mauulit na naman. Tiyak
LIEZELKatulad ng inutos ni Kuya, rineview ko ang presentation at ilang ulit akong nag-test para masiguro ang lahat ng data. Kaya bukang-liwayway na nang maka-uwi ako sa bahay. Nagbihis lang ako at gumayak ulit.Mabuti na lang at pinasabay na ako ni Kuya sa sasakyan niya at hindi na ako pinag-taxi. Sinalubong kami ng receptionist nang marating namin ang biotech at dinala kami sa conference room.Pero hindi ako mapakali. May kumpiyansa naman ako sa proposal, pero ewan ko ba, nababagabag talaga ako.Ipinilig ko ang ulo ko. Relax, Liezel.“What’s wrong?” kunot noong tanong sa akin ni Kuya, napansin niya siguro na nababalisa ako “Are you nervous?”“Medyo kuya–”“Umayos ka, Liezel. Malilintikan tayo pareho kay Mommy kung hindi natin ito makukuha.”Tumango ako at nagpakawala ng malalim na hininga.Isa-isa nang dumating ang mga direktor at supervisor. Nakikipagkamay naman kami sa kanila. May pumasok na binata, “The CEO is here,” anunsyo niya.Nagsitayuan kami. At inayos ko naman ang coat
LIEZELThis is my first time kissing someone on the lips. James was only fond of kissing my cheeks. We never get too affectionate. Linayo ko rin ang labi ko nang may napagtanto ako. Hindi niya kaya na halikan ako sa labi pero ang babaeng iyon, kaya niya ng ilang ulit–Napasinghap na lang ako nang kabigin at sakupin ng supervisor ang labi ko. Siniil niya ako nang halik. Malalim at mapusok. Lalo lang na nagliyab ang nararamdaman ko. Hanggang sa unti-unti kong natututunan na tumugon.The longer our lips locked, the sweeter it got. His hands roving on my dress felt so warm as well.It got more addictive.Kinakapos kami ng hininga nang maghiwalay ang mga labi namin, pero hindi ako pagod; mas lalo lang akong nagiging aktibo. Sumiksik ako sa leeg niya. Dumadampi ang labi ko rito habang ang kamay niya ay sa baywang ko.Natigil ako at nakagat ko ang labi ko. Siguro dahil sa tensyon sa pagitan namin, nakakaramdam ako ng kakaiba sa baba ko. Pumikit ako at ninamnam ito.“Oh,” daing ko. Pininid
LIEZELNag-iwas ako ng tingin. Kinuha niya ang kopita at uminom.Tumikhim siya, “This conceptual diagram, what do you mean by this? Not the technical version, but the reason behind it,” pakita na niya ng papel sa akin.Hindi ako nakasagot kaagad dahil tumitindi ang naramdaman kong init sa katawan ko.“That section,” I said, leaning forward.“You don’t go near me, just answer me,” matabang niyang utos.Natameme ako. Medyo napipikon na ako sa magaspang niyang ugali.Ginilid ko ang ulo ko at bumuga.Kalma.Sinagot ko rin siya sa huli. “That diagram explains that we must stop designing medicine for parents—and start designing it for children.”Tahimik siyang nakinig sa akin, pero kinailangan kong tumigil dahil kinakati ako at hindi na maayos ang pakiramdam ko. “Wait lang, pasensya na pero pwede bang tanggalin ko na lang itong robe. Naiinitan ako.”Ginilid niya ang ulo niya at nasilip ko na tumaas ang sulok ng labi niya. “Go ahead.”Hindi ako nakakilos. Tumingin siya sa akin at tinaasan n
LIEZELNang marating ko ang suite, kaagad akong nagpalit ng damit. Tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin. The red lace mini dress hugs my curves well, as if my brother intentionally brought this to me.Nagpakawala ako ng hininga.Fine, if I could get this client, maybe they would see me as useful
LIEZELHinihingal ako nang marating ko rin ang harap ng Hermosa Hotel. Kinailangan kong magpababa na lang sa sinakyan kong taxi kanina dahil sa traffic dulot ng malakas na buhos ng ulan. Sinipat ko ang relo ko.Maluwag akong napahinga nang makita kong nakaabot ako.Mabuti na lang! Kundi papagalita












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.