LOGINSamantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves.
Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Tatahiin lang iyan ng misis ko.” sabi nito. Tahimik niya iyong iniabot dito. “Salamat, bossing! Ang ganda pa naman nito. Mukhang bago pa. Saan mo nabili?” usisa nito habang sinusuri ang tela. “I bought it in Madrid last week,” kaswal niyang sagot habang muling isinasara ang bintana. Napailing na lamang ang driver. “Imported pala! Salamat talaga, boss.” Hindi na sumagot si Drake. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa upuan. Ngunit imbes na ang sunod-sunod na problema sa kumpanya ang pumasok sa isip niya, mukha ng babaeng nakaengkwentro kanina ang nasa isip niya. Muli niyang naalala ang nabaling takong ng sapatos nito. Napabuntong-hininga siya. Hindi naman talaga niya intensyong pagbuntungan ito ng inis. Nagkataon lamang na ito ang unang taong nakausap niya matapos ang walang kwentang meeting na halos sumira sa buong araw niya. Nakaramdam siya ng pagka-guilty. Ngayon niya pinagsisisihan ang ginawang pagsusungit sa babae. He couldn’t sit still after what happened. He had always been the kind of man who hated hurting other people’s feelings especially women. Ini-start na ng driver ang sasakyan nang mapadako muli ang tingin niya sa labas. Naroon pa rin ang babaeng pinagsungitan niya kanina. At ngayo’y pilit na naglalakad kahit halatang hirap dahil sa sirang sapatos. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita itong napapangiwi habang nakapaa na ang isang paa sa semento. “Baka matunaw ’yung babae, boss. Pero ibang klase rin taste n’yo ah, maganda na, sexy pa,” kantiyaw ng driver. Hindi niya ito pinansin. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang babae. Kahit mukha na itong stressed at mukhang inis na inis na, hindi pa rin maitago ng babae ang natural nitong ganda. There was something strangely charming about her. She wasn’t the overly polished or elegant type. In fact, her hair was slightly messy and she looked utterly exhausted. Pero may kung anong buhay sa ekspresyon nito na hindi niya maipaliwanag. Nagbuntong hininga siya, inalis niya sa isipan ang mga bagay na iyon, wala siyang panahon para pumuri at ituon ang atensyon sa mga bagay na walang kinalaman sa pag uwi niya ngayon sa bansa. Siguro para maalis ang nararamdaman niyang guilty. Kailangan niyang bumawi na lang sa babae. May inabot siya mula sa likod ng sasakyan at iniabot iyon sa driver. “Ano ito, boss? Pasalubong mo sa’kin?” nakangising tanong nito. Umiling siya at itinuro ang babae sa labas. Naguguluhang binuksan naman nito ang kahon at nang makita ang laman ay agad na napangisi nang makahulugan. “Ibang klase ka rin dumiskarte sa babae, boss. Bilis ah. Kukunin ko na rin ba ang pangalan at cellphone number niya?” Muli siyang umiling. “Just give it to her,” malamig niyang sabi. “And don’t tell her it came from me.” Sa totoo lang, pasalubong sana niya iyon kay Arlee, ang nakababatang kapatid ng kaibigan niyang si Koen Legazpi. Designer heels iyon mula sa isang luxury brand sa Spain. Hindi pa nga iyon nagagamit. Pero nang makita niya ang babaeng hirap na hirap maglakad dahil sa sirang sapatos, bigla na lamang niyang naisip na baka mas mapakinabangan nito iyon. “Sigurado ka, boss? Mukhang mamahalin ito ah.” Hindi siya agad sumagot. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang babae sa labas ng bintana pagkatapos ay tumango siya. “She needs it more.” Bahagyang natahimik ang driver dahil sa seryosong tono niya. Tumango na lamang ito bago bumaba ng sasakyan at naglakad papalapit sa babae. Samantala, nanatiling nakamasid si Drake mula sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang makita ang magiging reaksyon ng babae."Kung gusto mo siyang makalimutan agad... I'm willing to be your male host again." patuloy na sabi ni Drake. "And my mission is to make you happy." Mas naging malambot ang boses nito. "Kung... kung gusto mo lang." Natigilan si Kianna sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng binata. Napapikit siya. Gusto niyang sumagot at sabihin na... I want you to be my host again but there's no end of service. I want you to be my host forever... ngunit agad niyang itinapon ang ideyang iyon. Ayaw na niyang masaktan pa. "Stop it, Drake." matigas na sabi niya. "Kung ginagawa mo lang iyan dahil iniligtas ko ang buhay mo at nakipagtulungan ako para mahuli si Preston... Huwag mo nang gawin." "No. This is not for payback. I want to help you because—" Pinutol niya ang sasabihin nito. "Because what? Wala ka nang dahilan para tulungan ako. Wala na si Preston para magpanggap kang gusto mo akong tulungan." sabi niya, may hinanakit sa tinig niya. "Nahuli na siya. Wala ka nang dahilan para lumapit pa sa
"Kianna..." A familiar voice called from behind her. Bahagyang napalingon si Kianna kay Kira at napangiti nang mapait. "Kira... lasing na yata talaga ako," mahina niyang sabi. "Hindi lang mukha niya ang nakikita ko... pati boses niya, naririnig ko na rin ngayon." "Kianna." Muli niyang narinig ang pagtawag sa pangalan niya. Napalingon si Kira sa likuran nila bago siya muling binalingan. "You're not dreaming," mahinahon nitong saad. Kunot-noong sinundan niya ang direksyong tinitingnan nito. At doon, parang tumigil ang mga oras. Kianna's heart began racing the moment her eyes met the familiar figure standing a few steps away from her. He was looking straight at her. Seriously and silently. Her breathing hitched. She hoped she still looked normal while staring back at him. But the tears rolling endlessly down her cheeks betrayed her. Kahit anong pigil niya sa mga iyon ay kusa pa ring dumadaloy. Stop it, Kianna... Huwag mong ipakita sa kanya na apektado ka pero Diyos lang
Hindi nagtagal ay tuluyan nang naglakad palabas ng Vampire Host Club si Hideo. Tahimik na lamang sinundan ng tingin ni Kianna ang lalaki hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Pagkaalis ni Hideo ay agad siyang binalingan ni Kira. "Magkakilala kayo ni Boss Hideo?" puno ng pagtatakang tanong nito. Tumango siya. "Oo." Bahagyang napangiti si Kira. "Talaga? Boss Hideo is a really nice guy." Ngunit wala roon ang isip niya. Nandoon din kaya siya? Nandoon din kaya si Drake? Namimiss rin kaya niya ako? Katulad ng labis kong pangungulila sa kanya? Hindi niya namalayang may mga luhang tahimik nang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Napansin iyon ni Kira. "Marami ka nang nainom," mahinahon nitong saad. "Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?" Napatingin siya rito. "Hindi ba bawal kayong lumabas kapag oras ng trabaho?" Napangiti ito. "Not really. Sasabihin ko lang na ihahatid kita palabas." Hindi niya napigilang mapangiti. Tama nga si Gigi. Mabait at gentleman si
That night, Kianna made a desperate decision. Kailangan niyang kalimutan si Drake. The more she stayed inside the house, the more she thought about him. Hindi siya makaka-move on kung magmumukmok lang siya buong araw. Kaya napadpad siya sa isang host club pero hindi iyon ang Happiness Bar. Nakatayo siya ngayon sa loob ng Vampire Host Club. Ilang bloke lamang ang layo nito sa Happiness Bar. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka noon pa lang ay tadhana na ang may pakana kung bakit mali ang napasukan niyang host club. Agad niyang napansin ang malaking pagkakaiba ng dalawang lugar. Mas maraming female customers sa Vampire Host Club. Mas maingay, mas mausok at halos umiikot ang paningin niya sa dami ng naglalarong disco lights na nagpapalit-palit ng kulay sa buong paligid. Halos lahat ng host ay abala sa pag-entertain ng kanilang mga guests. Napansin din niyang napakamahal ng presyo ng bawat host na nagte-table. But to be fair... Gwapo rin naman ang mga lalaki roon, mas bata pero
"Best, kumain ka muna. Ilang araw ka nang halos walang kinakain," malungkot na sabi ni Raine. Hindi man lang natinag si Kianna sa pagkakahiga niya sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame, tila wala nang siglang bumangon. "Wala akong ganang kumain," mahina niyang sagot. Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng kaibigan. Maya-maya ay naramdaman niya ang paglundo ng kama nang maupo ito sa tabi niya. "Nahuli na si Preston... pati ang iba niyang kasabwat," balita ni Rain. Marahan nitong hinawakan ang kamay niya. "I'm sorry, Best. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. Hindi ko rin akalaing magagawa ni Preston ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang siya pala ang mastermind sa corruption sa Jawkins Corporation." Limang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat, ang gabing tuluyang nagpabago sa buhay niya. Tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa nobyo niyang si Preston. Siya rin mismo
Naglalakad na si Kianna sa gilid ng kalsada, malayo na rin siya sa abandonadong warehouse. "I hate him..." "I hate him..." Paulit-ulit niyang bulong. Maya-maya ay napatigil siya. May mahinang tunog siyang narinig. Parang tunog ng cellphone. Nagmumula iyon sa may matataas na damuhan sa gilid ng kalsada. Sa una ay wala sana siyang balak pansinin iyon ngunit nang akma na siyang maglalakad muli ay may napansin siyang kakaiba. May bakas ng dugo. Sunod-sunod. Mistulang may taong sugatang dumaan sa lugar na iyon. Bigla ay naalala niya si Drake. Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang iglap ay napawi ang lahat ng galit at hinanakit niya rito. Sa halip, matinding pag-aalala ang pumalit. Halos patakbo niyang sinundan ang bakas ng dugo hanggang marating niya ang pinanggagalingan ng tunog ng cellphone. At doon, natagpuan niya ang isang lalaking nakahandusay sa lupa. Kianna felt numb and horrified. She suppressed an insane desire to scream. She wasn't a screamer by nature. In fact
"Hey, are you okay?" May pag-aalala sa boses ng lalaki habang marahang niyuyugyog siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Hindi maintindihan ni Kianna kung bakit biglang lumundag ang puso niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng lalaki. 'Hinahanap ko lang naman kay Preston ang ganitong klaseng
“Hey.” Muli niyang narinig ang boses ng lalaki sa likuran niya. “Nakaharang ka sa daraanan ko. Puwede bang tumabi-tabi ka?” Halatang kinukuha nito ang atensyon niya ngunit sa halip na sumagot ay mariin niya itong siniko sa tagiliran. “Huwag ka ngang magulo,” asik niya. “Ugh!” Napangiwi
Saturday night. Sa harap ng isa sa pinakamamahaling restaurant sa siyudad, mag-isang naglalakad si Kianna habang mahigpit na hawak ang maliit niyang handbag. Hindi nakasama si Rain dahil inatake ito ng matinding dysmenorrhea, pero kahit ganoon ay tumuloy pa rin siya. Tutal, may invitation naman
Nasa daan na pauwi sina Kianna at ang lalaki nang muling nabasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan. “If you don’t mind… why do you need help from one of the hosts?” tanong nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. Sinulyapan niya ito ngunit agad ding umiwas ng tingin. “Kung s







